Dedicated to: betasoloanaliza & CharmieRosendal
DALE POV
Maagang nagising si Dale, hindi pa rin sya makapaniwala na for real na ang pagiging magkasintahan nilang dalawa ni Keira.
At dahil simula ng kanilang pagiging mag-nobyo at nobya ay napagdesisyunan nilang wag muna magtabi sa isang kwarto. Ang weird di ba. Si Keira ang nakaisip ng ganitong set-up. Mahirap nga naman dahil magiging mainit ang bawat sandali sa pagitan nila.
Kahit pa ilang beses nyang sabihin dito na wala namang mangyayare sa kanila at tulog lang talaga ang gagawin ay hindi ito pumayag. Napasabunot na lang sya sa kanyang buhok at dinampot ang cellphone sa bed side table nya.
Nagmessage sa kanyang kasintahan. Kahit nasa kabilang kwarto lang naman ang dalaga. Napapangiti sya habang nagtitipa ng letra sa kanyang cellphone.
To: My Love❤❤❤
Good Morning my Love. Its your day off what is your plan today? Ilove you
Ang cheesy nya magtext for the first time in his life. Never pa nyang nagawa itong mga bagay na ito. Ngayon lang. Haha. Alam nyang hindi pa ito makakapagreply dahil tulog pa ito. Pero nagulat sya ng ilang minuto lang ay tumunog ang notification sound nya hudyat na may message sya.
Nagmadali syang basahin ang message sa pag-aakalang ito ay galing sa kanyang nobya pero napabusangot sya dahil ang kanyang assistant ang nag-appear na registered number sa kanyang screen.
Napangisi sya ng makita ang message nito. Kagabi kasi nagmessage sya sa kanyang assistant kung anu ang dapat gawin kapag may kasintahan. Yung bang date na sinasabi ng iba.
Nagulat pa nga ang kanyang assistant dahil syempre nakilala sya na matinik sa mga babae at alam nya dapat kung paano pakikiligin ang mga ito pero dahil ito ang kauna-unahan nyang magkaroon ng seryosong relasyon, Oo seryoso na sya kay Keira. Tipong pag ito na ang nagsasabi tumutupi nya.
Gusto nya lagyan ng twist ang binigay nitong tip sa kanya ng kanyang assistant. Napabangon sya sa kama at dumerecho sa banyo doon nya pag-iisipan ang mga plano.
KEIRA POV
"Finally, Day -off ko ngayon. At napakaganda ng panahon. Anu kayang pedeng gawin namin ni Dale, my boyfriend for real sa araw na ito? Where should we go?" Nasaad nya sa kanyang isip
Naglagay sya ng listahan sa kanyang planner:
[ ] Shopping
[ ] Having a Nice Meal
[ ] Watching Movies
Mabuti na lamang at may day-off sya at hindi nya na kailangan pang -ipag- drive ang kanyang nobyo dahil sabi nito sa kanya na kapag oras ng day-off ito ang magiging driver at bodyguard nya.
Muli na naman syang kinilig at umikot-ikot sa kama. Nananabik sya sa gagawin nila today ng magkasama. Tiningnan nya ang kanyang cellphone at napangiti sya sa nakitang registered number sa screen.
From: My BabyLove❤❤❤
Good Morning my Love. Its your day off what is your plan today? Ilove you.
Natunaw na naman ang kanyang puso dahil sa nabasa mula sa kanyang boyfriend. Hindi pa naman sya nagkakaroon ng nobyo at wala syang basehan kung paano nga magtrato ng nobyo siguro gagawin na lang nya yung ginagawa nito sa kanya.
Nagtipa sya ng reply para dito.
To: My BabyLove ❤❤❤
Good Morning Baby Love! Sasabihin ko sayo later. Maliligo lang ako and sabay na tayo mag-almusal. Ilove you too.
Nang matapos na syang magreply ay muli syang nagpaikot ikot sa kama na parang baliw dahil sa kilig. Nagsimula na syang mag-ayos ng mga gamit para maging ready sa kanilang gagawin ngayong araw.
Napahinto sya ng tumunog ang kanyang phone kinuha nya agad ito at sinagot ang tawag.
"Sino kaya ito? Unknown number." Saad nya sa kanyang isip.
"Hi Ms. Keira, are you at work. Its me Sir. Dale's Assistant?" Napakunot ang noo nya. Hindi ba nito alam ang schedule nya na day-off nya ngayon? Haist. Napabuntong hininga na lang sya. Siguro kasi hindi naman nito pang dapat na malaman dahil kami lang naman ni Dale ang nag-uusap. At para di sya maging bastos sa kabilang linya ay sinagot nya ito.
"No, I'm off today." Walang gana nyang sagot.
"What? You're taking a day-off?" Parang mas nairita pa sya sa sinabi nito. Anu naman sa dito kung day off nya di ba. Di naman sya si Dale para magsabi sa kanya nun. Alam nga ng kasintahan nya na day off nya today eh tapos ito kung makapag-demand. Anu kayang problema nito. Napailing na lang sya.
"How Shameful! Have you no Natural drive for self-preservation? How could you abandon your beloved job?" Hindi nya alam kung matatawa ba sya o maiinis sa sinabi nya. Syempre gustong gusto at mahal nya ang trabaho nya nu.
Ikaw ba naman maging driver at bodyguard ng isang CEO na si Dale James Lagdameo eh at ngayon ay boyfriend mo pa for real o hindi ka ba gaganahan magtrabaho. Pero iba kasi ngayon magkasintahan na kami. Hindi pa siguro nito alam.
"Umm.... its just one day off." Saad nya sa kabilang linya. May tono pa ng pagkapahiya.
"Help me out. Just this one day. I'm barely hanging in here at the office." Lalo syang nainis sa sinabi nito at napangiwi. Anu kayang sasabihin ni Dale kapag nalaman nitong pinapakiusapan sya ng assistant nito na tulungan ito sa work nito. Napabuntong hininga sya lalo.
"Why? Too much work?" Tanung nya rito. Naawa rin sya dito dahil dati sya ang humihingi ng tulong dito siguro ito na ang time para makabawe naman sya dito. Sabihan na lang nya si Dale after this.
"Too much. I feel like dying. Only you can help me." Para itong pagod na pagod sa kabilang linya dahil sa dami ng trabaho na pinapagawa sa kanya ni Dale ngayon pa na dumadami na ang agency nito at magisa lang itong nagaasikaso.
"Really?" Muli nyang tanung dito.
"Come over and You'll see. You don't want me to die at such a young age. Do you?" Tsk nangonsensya pa.
"Well, alright then..." sabay ng pag-off nya ng phone ay isang malaking buntong hininga ang pinakawalan nya. Bakit ba hindi sya magkaroon ng matinong day-off.
Siguro magpapaalam muna sya kay Dale bago pumunta ng office. Siguro naman at matatapos nya ang gawain ng tanghali may time pa sila para magkaroon ng nice meal sa lunch. Tinanggal ko na sa list ang shopping.
Shopping❌
[ ] Having a nice meal
[ ] Watching movies together
Pagkatapos nya maligo at nagbihis ng casual na kasuotan. Panglakad lang. Simpleng sneakers, jeans at v-neck na tshirt.
Muli nyang pinasadahan ang itsura sa salamin at dinampot ang cellphone sa kanyang kama.
Nanlumo sya ng mabasa ang message ng kanyang kasintahan.
From: My BabyLove ❤❤❤
I'm sorry baby. Hindi na kita ginising. May biglaan lang na tawag from my assistant. Iniwan ko ang rolls royce. Enjoy your day-off love. Ilove you.
Nakalimutan nya na kahit day-off ay posibleng magkaroon ito ng work dahil kahit anung oras ay pede itong tawagan ng assistant nito pero ang nakapagtataka ay bakit tinawagan din sya ng assistant nito kung ito naman pala ang pupunta dun.
Nagkibit balikat na lang sya sa naisip. Sabagay may lunch time pa naman. Makakapag-bonding pa rin naman sila. Pupunta na lang sya ng office baka sakaling magkita sila doon.
PAGDATING sa office agad nyang nakita ang assistant nito at dinala sya sa isang office na puno ng nagkalat na files. Ang gagawin pala nya ay pag-oorganize ng mga ito.
"You are truly Amazing!" Saad nito ng matapos nya ang pag-oorganisa ng wala pang isang oras.
"I've finished the work, can I leave now?" Agad syang tumayo at pinagpag ang pantalon sa bandang pang-upo dahil sumalampak lang naman sya sa sahig para ayusin ang lahat ng files.
"Of Course, of course. Enjoy your day off.
Thank you for helping me today." Masaya nitong tugon sa kanya at agad na umalis dahil sa tawag na natanggap. Tumango lang ito at lumabas na ng pinto.
Napatingin sya sa labas ng bintana at nakita ang malinaw na kalangitan. Senyales na maganda pa rin ang araw at umaliwalas din ang kanyang lagay.
At sa kanyang malalim na pag-iisip ay nakita nya si Dale na naglalakad sa labas ng corridor.
Nakita nya ang gulat sa mukha nito ng makita sya. Siguro kasi nagtataka ito at bakit siya nandito.
"What are you doing here, You're off today." Napaawang ang bibig nya. Parang ang cold ng pagkakasabi nya. Di ba kasintahan nya na ito pero iba naman ang sinasabi nito sa pinapakita ng mga mata nito. Hindi nya maintindihan.
"Surprise! I'm here to surprise you. Hindi ka ba masaya?" Pinilit nya pa ring maging masigla sa harap nito kahit ang cold ng treatment nito sa kanya.
"Holidays are shameful. How could I abandon my beloved job for a day off." Dagdag nya pa rito ng maisip ang sinabi ng assistant nito sa kanya.
Mas lalong nagpakita ito ng expression na hindi makapaniwala. Hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. Hinila sya nito sa loob ng office na walang katao tao at sinarado ang pinto. Kinulong sya nito sa mga bisig nito at mabilis na hinalikan sa labi.
"Did you miss me?" Naging malambing ang boses nito na medyo husky.
"Sorry." Dagdag nitong sabi sa kanya na ikinatunaw ng kanyang puso.
Naramdaman nya ang pamumula ng kanyang pisngi sa ginawad nito sa kanya at nakaramdam sya ng hiya dahil nasa loob sila ng opisina nito at baka anu mang oras ay may pumasok dito at baka makita sila.
"Don'y worry, I locked the door and the window on the outside is tinted. Tayo lang ang nakakakita kung sino ang tao sa labas pero dito sa loob ay hindi nila makikita." Ngumisi ito na parang may binabalak.
Nasagot din naman ang tanung nya sa kanyang isip kaya gumaan ang pakiramdam nya.
Tinulak nya ito ng marahan ngunit hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan at ngumisi.
"Lets go. What's on your list?" Nagkatitigan sila at naramdaman nya ang pag-iinit ng kanyang pisngi dahil sa pagkapahiya o dahil sa mga titig nitong tumatagos sa kanyang kaluluwa.
"Ummm.." napaiwas sya ng tingin. Hindi nya na kaya ang makipagtitigan at baka di nya mapigilan ang sariling halikan ito dahil nabitin sya sa mabilis nitong halik kanina.
"But before that. Dahil nandito ka na rin. Come with me and help me with some work." Nanlalaki ang mga mata nyang tumingin sa mga mata nito at pagkatapos ay bumagsak ang balikat nya.
"What?!" Naibulalas nya na ikinatawa ng kanyang kasintahan.
Sabagay maganda naman ay makaskasama nya ito sa araw na ito. Yun naman ang importante sa kanya. Kaya hindi na sya tatanggi pa.
"I won't take no for an answer my love. Nasa territory kita kaya ako muna ang masusunod ngayon." Tatawa tawa nitong sabi sa kanya. Naiinis sya pero anung magagawa nya. Gusto rin naman nyang tulungan ang kanyang nobyo dahil kung hindi baka matagalan pa ito matapos at hindi na matuloy ang iba pa nyang plano na date para sa kanila.
Ang planong Nice meal ay nauwe sa pagkain nila sa loob ng office nito. She grinds her teeth dahil sa inis. Kung hindi lang nya nobyo ito baka nag-walk out na sya dito. Sabagay anu bang ginagawa nya dati kapag driver slash bodyguard sya nito di ba wala namang nagbago. Nagiging errand girl din naman sya nito na dapat ang assistant ang gumagawa ng mga trabaho nya.
Wala itong ginawa kundi utusan sya sabagay sino ba naman ang pagsasabihan nito eh sya lang naman ang nandito. Boyfriend pa bang matatawag ito. Kung makapag-utos. Sya na nga rin ang bumili ng lunch nilang dalawa dahil sobrang busy rin ng assistant nito kaya di na nya inistorbo pa.
"Ahhhhh, hindi na maaari ito. Masisira na ang plano nya. Crossed out na ang nice meal. Isa na lang ang natira. Watching movies together na lang." Saad nya sa kanyang isip.
"I'm sure Dale is doing this on purpose for sure." Nasa loob sya ng pantry kung san gumagawa sya ng coffee para kay Dale.
"Well, I'll make you pay for ruining my day!" Sad nya dahil sa inis nya kay Dale.
"Kung makautos wagas" nilagyan nya ng sports drink powder, nilagyan nya pa ng soda powder, lemon tea at salt ang kape na tinitimpla.
Napapangisi sya at naiimagine ang magiging reaksyon ng nobyo.
Hindi nya alam kung anung magiging lasa nito pero hinayaan na lang nyang si Dale ang makatuklas ng ginawa nya dito.
Pumasok sya sa loob ng office at inilapag ang kape na kanyang itinimpla.
"Here's your coffee Sir." Tudyo nyang saad sa seryosong mukha ng nobyo na nakasubsob sa harap ng laptop at malalim ang iniisip. Ngumiti sya sa harapan nito.
Napaka-busy talaga nitong isang ito. Ikaw ba naman makipag relasyon sa isang CEO dapat ngayon pa lang ay maintindihan na nya ang trabaho ng nobyo.
"Thanks Love." Inamoy nito ang aroma at napakunot ang noo.
"What did you put in it?" Nagiba din kasi ang kulay pero sana maisip na lang nito na coffeemate ang nilagay nya dito.
"Just an ordinary coffee beans. Imported from Brazil" balewala nyang sagot dito.
Napangiwi sya ng makitang ininum nito ang coffee na ginawa nya at napapikit at tumango.
"Well, it tastes good." Ngumiti pa ito sa kanya at muling bumalik sa work.
"Tastes.....good?" Nagulat sya sa salitang lumabas mula rito. May nangyare ba sa klase ng panglasa nito?
"Sure. This must be your first attempt. You'll get better with time." Nagawa pa sya nitong i-encourage sa pagtimpla ng kape.
Dahil sa pagkagulat sa sinaad nito ay para syang nabuhusan ng malamig na tubig at nagtaasan ang mga balahibo nya. May nangyare ba sa panlasa nito at ganito ang sinabi nito sa ginawa nyang kape?
"Oh Yes. Just take your sit there and malapit na ako matapos dito. Sorry for making you wait." Mahina nitong saad at nakatingin sa kanya na parang nahihiya dahil dinala pa sya nito sa ganitong sitwasyon gayong day-off nya dapat ngayon.
NAPATINGIN sya sa kanyang relo ng makita na pasado alas- sais na ng hapon. Napaawang ang labi nya. Inabot na ng gabi ang pagtatrabaho ni Dale.
Madilim na ang kalangitan. Napabuntong hininga na lang sya. Wala na. Finished na. Wala man lang magandang nangyare sa day off nya. Matatawag pa ba itong Date?
"What's the matter? Unhappy?" Nakita nya ang mapang-uyam na mukha nito. Mas lalo lang syang nainis sa sinabi nito.
"Who? Me? I'm so happy right now." Walang gana at sarcastic nyang saad dito.
"You... don't like to work with me now?" Para itong bata na nagtatampo sa kanya.
Lumambot naman ang puso nya sa pinakita nitong expression. Paano ba pa ba sya magagalit sa gwapong mukha ng kanyang boyfriend. Pinipigilan nya ang mapangiti sa harap nito kaya tumalikod sya at kinagat ang ibabang labi.
"Atleast not today. I was supposed to have a nice day off with you." Patudyo nyang saad dito. "But I got called in by your assistant in the morning and worked for you for the whole afternoon..." napabuntong hininga sya. "Maybe a life of toil is my destiny." Pangongonsensya na rito. Sana naman makonsensya ito sa sinabi niya.
"I see how it is..." salamat naman at nakonsensya rin. "I thought you were here voluntarily..." narinig nya kahit ang mahinang boses nito. "Never Mind". Narinig nya rin itong bumuntong hininga.
"Where do you want to go now?" Malambing na ang pagkakasabi nito. Kulang na lang ay yakapin sya nito mula sa kanyang likuran pero dahil nasa harap sila ng company nito ay alam nyang hindi nito magagawa iyon.
Hinila sya nito patungo sa parking lot kung saan nakapark ang kanyang Rolls Royce. Nang makapasok silang dalawa ay agad syang sinunggaban ng yakap nito.
"I'm sorry. I really sorry." Paghingi nito ng dispensa sa kanya. Nagtampo sya totoo yun pero hindi naman nya kayang patagalin ang paghihinampo dito.
"Its okey Love. Dapat nga mas maintindihan ko ang klase ng trabaho mo. Ibaa lang kasi ngayon kasi magkasintahan na tayo. I'm sorry rin." At niyakap nya ito ng mahigpit bilang sagot dito.
Sabay pa silang naglabas ng planner at parehong nakasaad doon ang plano na Watching movies together. Sabay silang natawa dahil parehas pala nilang plano iyon.
"Actually, I already but a movie ticket for us but I don't know if you will like this movie?" Nahihiya nitong banggit sa kanya. "Here" at ipinakita nito ang Starting Over Again na pinagbibidahan nila Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Nanunuod din pala sya ng mga ganitong genre?
"Do you like Romance Movies?" Naginit ang mga mata nya dahil sa di inaasahang maiisip din nito ang gusto nyang gawin. Hindi man nangyare ang shopping and Having a nice meal but a Movie date is enough. Makasama nya lang ito.
"Slight." At nagsign pa ito ng a little bit sa mga daliri nito at ngumisi.
"Thank you Love." At muli ay yumakap sya rito. Inihilig nya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hinaplos naman nito ang kanyang buhok.
PAGDATING sa Cinema, dumerecho sya sa pagbili ng inumin para sa kanila at popcorn. Hindi sya pumayag na ito lang ang lahat gumastos sa kanilang first date.
Dahil sa kakaibang panlasa na pinakita sa kanya ni Dale kanina ay naisip nyang palagyan ng asin ang inumin nito.
"Could you add some sugar to the second drink. Salt would also be fine. May kakaibang taste kasi itong kasama ko." Nahihiya nyang saad sa nag-papunch. Napakunot ang noo at hesitant sa gagawin pero ginawa pa rin nito ang pinapagawa nya.
Considering the shortcoming of her boyfriend inisip na lang nya na may kakaiba talagang panlasa ang nobyo. Kung anu ang hindi okey na lasa sa kanya ay okey naman sa panlasa nito. And its weird. Napapailining na lang sya sa naisip.
"Here's a drink and some popcorn. Try some." Inilahad nya ang inumin at popcorn dito. Tinanggap naman nito at ininum pero wala pa sa kalahati ay halos mabilaukan na ito at halos iluwa na ang iniinum.
"Ack... what is this?" Maduwal duwal nitong saad sa kanya at walang pasintabi na itinapon ang iniinum sa trash can na malapit sa kanila.
"A soda." Ngingiti ngiti nyang saad dito.
"What happened to it?" Di pa rin makapaniwala sa nainum. Halos namumula na rin ang mga mata nito.
"Huh? Don't you like it?" Nagulantang sya sa sinabi nito at sa expression ng mukha nito. "You liked that strange coffee I made. Akala ko meron lang problem sa panglasa mo." Pagtataka nyang saad dito.
"Ang akala ko kasi hindi ka marunong magtimpla ng kape. That's why I told you that it tastes good. And I didn't want to offend you." Malamlam ang pagkakasabi nito.
"You knew it tasted weird? And you did it on purpose?" Dagdag na saad nito na may kasama paniningkit ng mga mata nito at nag aakusa sa ginawa nya.
"Huh?! I..." wala syang mahinuhang salita. Lihim syang natuwa dahil ininum pa rin nito ang ginawa nyang coffee kahit hindi masarap para lang hindi masaktan ang kanyang feelings. Bahagya rin syang napahiya.
"Akala ko kasi... you were just giving me a hard time on purpose." Pag-amin nya rito ng kanyang nararamdaman.
Napakagat labi ito sa harap niya. Does it mean na sinadya nga nya itong ginawa namin buong maghapon? Dapat ba synag mainis o matuwa dahil ginusto nitong makasama sya sa trabaho nito.
"Yeah. I did it on purpose. I allow my assistant to call you and have you come over here." Napapakamot na ito sa ulo.
Pinalo nya ito sa braso at tinalikuran.
Dumerecho na sila sa loob ng cinema at madilim na sa paligid dahil sa pagkapatay ng ilaw. Tahimik lang silang naglakad at naghanap ng kanilang mauupuan.
Naupo sila sa bandang itaas at nakita na nagsisimula na ang movie.
"I've been looking forward to this movie." Sa movie nga ba o dahil sa kanilang first date together.
Napapansin nya sa gilid ng kanyang mata na tinititigan sya nito. Naiilang sya at the same time nagsisimulang uminit ang kanyang pisngi at mabuti na lamang at madilim dito kaya hindi nito napapansin ang kulay ng kanyang pisngi.
Napatingin sya dito at nagkatagpo ang kanilang mga mata. Inches na lang at malapit na magkadikit ang kanilang mga labi. Pero mas natuon ang mata nya sa malamlam na mata nito na nakatitig sa kanya. Nakikita nya ang kakuntentuhan at kasiyahan sa mga mata nito.
"Ang ganda ng kwento nu?" Napaiwas sya ng tingin at tumutok sa pinapanuod. Ramdam na ramdam pa rin nyang nakatitig ito sa kanya.
"Right." Malumanay nitong pagkakasabi na nakatitig pa rin sa kanya.
Sa kalagitnaan ng kanilang pinapanuoran ay naramdaman nya ang pagkahilig ng ulo nito sa balikat nya. Nakatulog ito kahit nasa labas sila at medyo malakas ang ingay na gawa ng movie.
Nagsimula syang tingnan ang mukha nito at nakalimutan na ang pinapanuod. Mas nakita nya kung gaano kagwapo ang kanyang boyfriend. Mas na-emphasize ang jaw nito at ang tangos ng ilong nito.
Naging kuntento sa kanya ang date nila kahit nakatulog ito sa balikat nya ay napakasarap sa pakiramdam na nobyo nya na ang lalakeng ito. Hindi pa rin sya makapaniwala. Hinintay na lang nyang magising ito at pinagpatuloy ang panunuod hawak ang kamay nito.