KEIRA POV
Nagising si Keira na sapo ang kanyang ulo. Hindi nya alam kung bakit mabigat ang kanyang ulo. Ang alam lang nya nagpaulan sya kagabi.
Napakasaya pa nya kahapon ng umaga dahil nga sa naisip nyang pagsorpresa dito.
Nang malaman nyang Birthday nito at gusto nitong magcelebrate silang dalawa. Pero iba ang naisip nyang pakulo dito at ginawa nga nyang sorpresahin ito.
Gumising sya ng Alas-singko para isagawa ang kanyang plano. Tinawagan nya agad ang secretary nito. Nung una alanganin pa ito pero dahil sa pangungulit nya ay napapayag nya rin ito. Ganun din ang ginawa nya sa kanyang pinsan at sa bestfriend nito. Hindi nya ginamit ang rolls royce nito at nagpasundo sya sa kanyang pinsan.
Sinadya nya ring i-off ang kanyang phone para lalo itong di mag-isip sa surprise nya para dito. Nang nasa office na sila nakita nya ang aligagang assistant nito. May oras pa na nilalayo nito ang phone baka nasisigawan na ito kaya naisip nya na mamaya na lang sya hihingi ng tawad at thank you dito dahil malaki talaga ang ambag nito sa pagtulong sa kanya.
Nang malaman nyang dumating na ito ay agad syang nagtago sa malaking box kahit napakainit ay titiisin na lang nya. Nang marinig nya ang pagpihit sa poppers party ay humanda na sya sa kanyang gagawin. Kahit kinakabahan ay nagfocus pa rin sya na mapasaya ang taong naging mahalaga na sa buhay nya at handa nyang ialay ang kanyang buhay maprotektahan lang ito. Hindi rin nya alam kung bakit nya ginagawa ito para dito basta ang alam nya sa sarili nya ay gusto nya itong mapasaya.
Nang bumukas ang Box ay senyales na ito na ang sosorpresahin nya. Nakita nya sa mata nito ang gulat, pag-alala at saya sa mata nito habang kumakanta sya ng Happy Birthday dito. Natigil sya ng yakapin sya nito ng mahigpit. Hinila naman sya nito agad palabas pero nagpasalamat naman sya at nagawa nya pa ring humingi ng tawad sa assistant nito.
Nakaramdam sya ng achievement na pakiramdam dahil gumana ang plano hanggang sa makasakay na sila sa kotse nito. Hinayaan nya lang ito sa gusto nitong gawin. Pumayag sya na halikan sya nito. Pero nasira ang magandang araw na iyon ng magsalita ito tungkol sa kaniyang nakaraan.
Naalala nya ang nangyare kahapon at hindi pa rin sya makapaniwala sa nalaman. Si Dale ang batang matagal na nyang hinahanap. Ang batang kanyang niligtas at dun din lumabas ang power na hindi nya alam kung blessing ba sa kanya or curse na magkaroon sya ng ganitong kapangyarihan habang nakatingin sya sa kanyang kaliwang kamay.
Nang magbalik sya sa kanyang kamalayan ay napansin rin nya ang binata na mapayapang natutulog at nakayakap sa kanya. Yes. Katabi nya itong matulog. Damang dama pa rin nya ang init ng hininga nito sa kanyang leeg at nakita rin nya at ramdam nya ang bigat ng braso nito na nakadantay sa kanyang tyan.
Babangon na sana sya ng humigpit ang yakap nito. Hinawakan nya ang ulo nito para iayos sa pagkakahiga at nakita nyang butil butil itong nagpapawis. Hinipo nya ang noo nito at ganun na lang ang panlalaki ng mata nya sa pagkagulat dahil mainit ito para rin itong naghahabol ng hininga at parang giniginaw.
Naalala nyang nabasa din pala ito ng ulan akala naman nya di ito tatablan ng sakit. Nang sinapo nya ang kanyang ulo ay may unting sinat sya pero mas matindi ang pakiramdam nito.
"Dale, may lagnat ka!" Ginigising nya ito pero mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya na parang sinasabi na wag nyang iwan ito.
Wala syang nagawa kundi ang maghintay na may kumatok sa kanya. Tiningnan nya ang kanyang cellphone sa gilid ng kanyang kama at nakita nyang alas-nuwebe na ng umaga. Mabuti na lamang at may number sya ng assistant nito at agad nyang tinawagan.
"Hello, pakicancel lahat ng schedule ni Dale today. May lagnat sya ngayon." Para na rin syang nobya nito kung umasta pero ganun din naman ang sasabihin nito sa ganitong condition nito ay makakapagtrabaho pa kaya ito.
"Yes Maam. Kamusta na po si Sir Dale?" Pangangamusta ng assistant nito sa kabilang linya. Ramdam dito ang pagaalala.
"Masyadong mainit. Nakakapaso, nanginginig sya ngayon at habol ang paghinga." Saad nya rito.
"Dalhin na po natin sya sa ospital" napakunot noo naman sya sa sinabi nito.
Huminga naman ito ng malalim sa kabilang linya at dinig na dinig nya ito. Mas lalo syang nag-alala. Tiningnan naman nya ang katabi na nakayakap pa rin sa kanya at mukhang umaayos na ang paghinga nito pero mainit pa rin.
Hinahaplos haplos nya ang ulo nito na pawis na pawis habang ang kabilang kamay ay nasa phone.
"Hindi na siguro. Maayos na ang paghinga nya. Painumin ko na lang ng gamot at baka lumala lang kapag dinala ko pa sya sa ospital pero may personal doctor ba sya?" Agad na naisaisip nyang itanong dito.
"Ah opo. Sige papuntahin ko na lang po dyan si Dr. Alejo. Para matingnan nya po ang lagay ni Sir." Tumango tango naman sya at may mga sinabi pa ito at pagkatapos ay binaba na rin nya ang phone.
Sabay ng pagbaba ng phone ay may kumatok sa kanyang pinto.
"Pasok po." Banggit nya rito kahit di nya alam kung nakalock ba ang pinto o hindi.
Ipininid nito ang door knob at di na sya nagtaka na nagbukas ito. Sanay naman sya na di maglock ng pinto.
Nang makapasok na ito ay ibubuka sana nito ang bibig ng makita nyang napa - OW ang labi nito na halatang nagulat sa nakita.
"Manang Ling, nilalagnat po sya. Maaari nyo po ba akong dalhan ng bimpo na may tubig at alcohol then paluto po sana ng sopas ayaw nya po kasi akong paalisin sa tabi po nya. Ako po sana gagawa nun. Tingnan nyo po oh." Panunumbong nya pa rito at tinuro pa ang lalakeng nakayakap sa kanya ng mahigpit.
Napapangiti naman at iiling iling ang katulong nito habang nakatingin sa kanila ng aakmang tatalikod na ito ay hinabol nya na pahinaan ang aircon nila. Agad naman itong tumalima sa kanyang utos.
Saglit lang lumipas at dumating na rin ito na at may mga kasama pa. Dala ni Manang Ling ang Palangginita na may lamang magkahalong tubig at alcohol. Ang isa naman ay may dalang tray ng Sopas, dalawang mangkok at may gamot. At isa pa na dala naman ang tray ng dalawang basong tubig.
Nang mapiga na ni Manang Ling ang Bimpo. Inilagay nya sa bedside table at ibinigay sa kanya ito. Dahil sabi nya na sya na ang magpupunas dito at magaalaga. Nag-iwan din si Manang Ling ng damit para kay Dale.
Sunod sunod ng lumabas ang mga ito at naiwan na muli silang dalawa.
"Dale, bangon ka muna jan. Kain muna tayo habang mainit pa ang sopas." Tinulungan nya itong bumangon kahit nanghihina rin ang kanyang katawan dahil din siguro sa gutom.
Inuna nya itong pakainin. Sinubuan nya ito. Kahit naiilang na sya sa tingin nito. Hindi nya mapaliwanag kung bakit ganito ito makatingin.
"Thank you Kei. Don't ever leave me ah." Para itong bata na nakapout. Napapailing na lang sya sa sinasabi nito.
"Yes. Hindi kita iiwan kaya ubusin mo na ito." Pero umiiling na sya. Isang subo na lang nag-inarte pa.
"Ayoko na. Busog na ako." Umiiling pa rin.
"Dale, look at me. Isa na lang ito. Sige pag di mo to inubos. Iiwan kita." Parang may magic yung last word na sinabi nya at agad sinubo nito ang pagkain na nasa kutsara. Natawa naman sya sa inakto nito.
"Very good. Now for your medicine. Here." At ininum din agad nito. Masunurin naman pala pinapahirapan pa ako. Sa isip nya.
Aakmang tatayo sya para ilagay ang baso at mangkok sa bedside table ng kunin nito iyo mula sa kanya at ito ang naglagay. Nagulat pa sya ng kunin nito ang isang mangkok na may sopas. Teka kulang pa ba sa kanya yun?
Kumalam naman bigla ang sikmura nya.
Napangiti naman ito sa narinig mupa sa tyan nya.
"I know you're hungry. That's now my turn to feed you." Agad nitong saad. Hindi na sya kumontra at agad na sumusubo sa bawat bigay nito. Hindi pa rin umaalis sa kanya ang titig nitong makahulugan.
"Don't stare at me like that. Naiilang ako." Nakinig naman ito at tumingin na lang sa labi nya. Di ba mas nakakailang yun.
Nang maubos nya ang kinakain na sopas ay agad nitong inilapag ang mangkok sa bed side table at nagulat sya ng pahirin ng thumb nito ang gilid ng labi nya.
Napatitig sya sa ginawa nito. Kumuha ito ng baso ng tubig at pinainum sa kanya. Bumubuti na ang kalagayan nito pero parang kabaligtaran naman sa kanya.
Nakakaramdam sya ng panginginig pero hindi nya ito pinansin bagkus hinipo nya ang noo nito at nalaman nyang hindi na ganun kainit katulad ng kanina.
Muli nyang dinampian ito ng bimpo na napiga na nya pero this time pinigilan sya nito. Napatanga naman sya sa ginawa nito.
"Anung ginagawa mo? Dale, hindi ka pa magaling" Nang magkapalit naman sila ng pwesto. Sya naman ngayon ang pasyente at ito naman ngayon ang nag-aalaga sa kanya.
"Okey na ako Kei. Dahil sa alaga mo magaling na ako. Akala mo di ko alam na masama rin ang pakiramdam mo. Dama ko sa tuwing hinahaplos mo ako ang init init ng katawan mo. Sorry kung inuna mo ako kesa sa sarili mo. You make me love you even more" Tiningnan nya ang oras sa phone nya at nakita nyang nasa ika-3 na pala ng hapon.
"Sige. Papayag ako na alagaan mo ako pero magpalit ka muna ng damit mo kasi mahirap na at baka matuyuan ka ng pawis mo." Nakita nyang ngumisi ito at naging makahulugan ang tingin nito.
"Bihisan mo ko. Please" parang bata talaga. Hindi na sya nakatanggi pa ng maghubad ito ng tshirt sa harap nya.
"Tumalikod ka nga. Bastos ka talaga nu." Hinampas nya pa ang balikat nito.
"Aray ko! Ito na tatalikod na. Arte arte. Akala mo di pa nakita eh." Tumatawa itong tumalikod.
"Baliw! Di naman talaga." Habang nakatitig naman sya sa likod nito. Parang nakakahalinang yakapin ang likod nito pero napapailing sya at parang naduduling na ang kanyang mata.
Nagiging doble na ang kanyang paningin at di nya namalayan na nagdilim na pala ang lahat.
DALE POV
"Bihisan mo na ako Keira! Keira??" Nagtataka sya bakit hindi na ito sumasagot kaya napalingon sya at nagulat sya ng nakapikit na ito na parang walang malay.
Tinapik tapik pa nya ang pisngi nito pero wala talaga. Hinipo nya ang noo nito at ganun na lang ang pagkabigla nyang makitang nanginginig ito at sobrang init nito.
Sinipat nya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang assistant. Hawak pa rin nya ang kamay nito at pinipisil pisil.
"Hello, Ms. Keira?" Napakunot noo sya at bakit akala nito si Keira ang tumatawag.
Hinintay nya ulit itong magsalita.
"Ms. Keira. Nacancel ko na po lahat ng appointment ni Sir. Dale today. Papunta na rin po dyan si Dr. Alejo." Napangiti sya at tumingin sa dalaga.
"Okey thank you so much" narinig nya ang ang pagkagulat sa kabilang linya ngunit agad din nyang binaba ang phone.
"You always Amazes me my dear Keira." Hinalikan nya ang noo nito at maging nakaawang nitong labi. "Mas lalo akong napapaibig sayo. Thank you for taking care of me kahit ganyan na pala ang nararamdaman mo." Sinimulan nyang banyusan ito ng bimpo na piniga sa tubig at alcohol. Inumpisahan nya sa noo nito at sa mukha hanggang sa leeg. Sobrang bilis mag-absorb at uminit ng bimpo na hawak nya.
Pupunasan na sana nya ang braso nito ng may kumatok. Dumungaw sa pinto ang kanyang katulong.
"Sir. Dale, oke na po kayo?" Nagulat ito at pumasok agad kahit hindi nya pa sinasabing pumasok ito.
"Nga pala Sir. Dale. Andito na po si Doc Alejo. Papasukin ko na po ba?" Tumango naman sya at nawala muli ang kanyang katulong at parang may kinakausap sa labas. Pumasok naman ang isang binata na makisig at mahahalata sa suot nito na isa itong doctor.
Ang kanyang doctor and also his Bestfriend. Childhood friend na sila simula bata pa pero nag-iba nga lang ang kanilang dinaanang mundo dahil sya ay sa Business field at ito naman ay sa medical field.
Napatayo sya at agad n ginawaran ng yakap ang kanyang kaibigan. Matagal din nyang hindi ito nakita mga taon na ang lumipas.
Bahagya itong nagulat. "I thought ikaw ang may sakit bro? Sabi ng assistant mo ay nilalagnat ka raw, nanginginig at habol ang hininga but look at you, you are stronger like a lion nakapaghibernate ng ilang buwan." Bakas pa rin dito ang pagkamangha.
"Sinabi mo lang ba yun para mapapunta mo ako rito." Na ikinailing nya.
"Nope. Actually meron talaga akong sakit kaninang umaga pero gumaling na ako dahil sa pag-aalaga nya." At itinuro nya ang dalagang nakahiga ngayon sa kanyang kama. Tumingin din ito sa tinuro nya.
"Hmm..." napahawak ito sa chin nito at nagpalit palit ng tingin sa kanya at sa dalagang nakahiga. "I Smell somethings fishy here." Na ikinatawa nya.
"Nag-asawa ka na pala hindi mo man lang ako sinabihan." Binatukan nya ito. Napasapo naman ito sa bahagi na kanyang sapok dito.
"Baliw. Girlfriend pa lang. Pero dun rin naman papunta." Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya.
"Girlfriend? Seryoso ka na ba sa kanya? Eh parang last na kita natin may pinakilala ka rin sakin." Loko to ah. Wala naman syang pinapakilala sa dito. Kaya alam nitong seryoso sya dito. Nagawa pa talaga nitong magbiro buti na lang at tulog ang kanyang irog.
"Ewan ko sayo. Tingnan mo na nga kalagayan nya." Lumapit ito habang tumatawa pa rin sa ginawang kalokohan. Sya naman ay napapangiting sumunod dito.
Hinawakan nito ang palapulsuhan at sandaling may pinakinggan. Napatitig ito sa kanya na nanlalaki ang mata. Nagalala naman agad sya na lumapit.
"Buntis sya!" Nanlaki ang mata nya. Huh?
Napasulyap sya dito. Baliw ba to. Ni hindi nga nya nagalaw ito tapos sasabihing buntis.
"OB ba ang tinapos mo?" Hindi ito sumagot bagkus ay malakas itong tumawa.
"Nakakatawa ka naman. May nangyare na ba sa inyo? Natatawa ako sa reaksyon ng mukha mo bro. Para kang tanga." Hinampas nya ito ng malakas sa balikat nito.
"Loko wala akong ginagawa sa kanya nu. Virgin pa to boy." Napangiwi naman ito at biglang sumeryoso.
"Pinapatawa lang kita pero matanung ko lang anu bang ginawa nyo kahapon at ganito kalala ang condition nya?" Napakunot sya ng noo. Kalala ang condition? What did he mean?
"Nakalimutan mo na ba Bro. Birthday ko kahapon. Nagpaulan kami kahapon" napailing naman ito.
"Nasa Severe Influenza ang sakit nya. Siguro kanina hindi nya pa alam dahil nagawa ka pa nga nyang alagaan." At naglabas ito ng prescription pad. Isinulat nito ang mga kailangan na inumin nito na gamot.
Nakikinig naman sya habang nagsasalita ito.
"And Bro. Keep this girl. I think she cares for you so much. Napakablessed mo sa kanya. And infairness mas maganda sya kay Bea ah." Alam din nito na kaibigan nya si Bea.
Napangiti naman sya sa sinabi ng kanyang childhood friend. Totoo naman na masuwerte at mapalad sya sa babaeng ito at talagang ikikeep nya ito for the rest of his life.
"I know Bro. Mahal na mahal ko sya. Kaya gagawin ko ang lahat para lang gumaling sya." Napahawak naman ito sa kanyang balikat.
"Nga pala si Bea kamusta na? Balita ko buntis daw sya at si Lloyd ang ama. Kamusta na ang kalagayan nya?" Napailing na sya sa tanung nito.
"I think she's okey naman bro. Ang pinagaalala ko lang kapag oras na ng panganganak nya. Dahil malamang sa malamang ay 50/50 sya." Tumango tango naman ito.
"I'll endorse her case to my co-doctor. Magaling yun at naniniwala akong magagawan nya ng solution ang problema ng friend natin. Kaya wag ka na mag-alala. Sa ngayon alagaan mo muna itong girlfriend mo. Oh sya. I'm going na. Long time no see Bro." At yumakap na muli ito sa kanya. Para talaga silang magkapatid kung magusap.
Nang umalis na ito ay inutusan nya ang kanyang katulong na bilhin ang pinrescribe na gamot ng kanyang kaibigan na doctor.
Bumalik sya sa kama para ipagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso nito. Nanginig na naman ito kaya naman humiga sya para yakapin ito. Tinakluban nya rin ng kumot ang kanilang katawan pati ang kanilang ulo.
Napansin nyang may kumatok at bumukas ng pinto pero hindi nya pinansin. Lumabas sya ng kumot ng marinig itong tumikhim.
"Pakiiwan na lang po dyan Manang ang----"
Napahinto sya ng mapagsino ang pumasok ng pinto. Parehas pa silang nagkagulatan. Para naman syang tinakasan ng kulay sa kanyang mukha ng makita ito.
Napansin nyang yumakap ng mahigpit sa kanya ang dalaga sa ilalim ng kumot nito. Sinenyasan nya naman ang pumasok na umalis na at nagsign pa sya na tatawagan na lang nya ito.
Ramdam na ramdam nya ang init ng nasa ilalim ng kumot at para syang nakikiliti na nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Pumasok syang muli sa loob ng kumot at niyakap ng mahigpit ang mainit na katawan nito.
Mahal na mahal nya na talaga ang babaeng ito. At aalagaan nya ito gaya ng pag-aalaga nito sa kanya. Poprotektahan nya rin ito sa abot ng kanyang makakaya at hinding hindi nya ito pababayaan. Ngayon nya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa tanang buhay nya.