DALE POV
Alas Siyete na ng umaga, araw ng Lunes at bumangon na si Dale mula sa kanyang higaan. Isang linggo na rin ang lumipas ng manggaling sila ni Keira sa mansyon ng kanyang ama ng malaman nga nya ang ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina. Damang dama pa rin nya ang galit dito hanggang ngayon.
Mabuti na lamang at pinakalma sya ni Keira at napigilan sya nito na mapatay ang kanyang ama ng gamitin nito ang power na taglay nito. And Speaking of Keira, first rules nila ay dapat pagkagising nya ay ito ang bubungad sa kanya ngunit hanggang ngayon wala pa rin ito sa loob ng kwarto nya.
Sabagay mamayang hapon pa naman ang punta nila sa kanyang office. Halfday lang sya ngayon dahil nasabi nga nya rito na lalabas sila para icelebrate ang kanyang birthday.
Yes! its his birthday today. Halos makalimutan na rin nya dahil sa dami ng nangyare sa kanya nitong mga nagdaang buwan. Nariyan ang pagkakilala nila ni Keira, pagsisimula ng relasyon ni Bea at ni Lloyd, kunwariang relasyon nila ni Keira, pagbubuntis ni Bea at ang kinakaharap nitong problema, pagpunta ng kanyang daddy dito sa kanyang bahay at sabihin na may fiance sya pero nawawala naman. Ang katotohanan sa pag-alis ng kanyang ina at ang pagkalma sa kanya ni Keira sa galit nya sa kanyang Ama at ito na nga Kaarawan na nya.
Hindi naman sya mahilig magcelebrate ng kanyang birthday pero dahil dumating ito sa buhay nya ay wala na syang mahihiling pa kundi ang makasama lang ito sa birthday nya.
Pasipol-sipol pa sya habang tinutunton ang kanyang banyo para magshower.
Nang matapos magshower ay agad na syang nagpatuyo ng kanyang buhok at sumisipol sipol pa rin. Napakagaan lang ng araw na iyoj para sa kanya. Wala naman syang nababanaagang problema sa kanyang company.
Nagbibihis na sya ng biglang tumunog ang kanyang Cellphone.
Nakita nya na nagregister ang pangalan ng kanyang assistant at agad nya itong sinagot.
"Hey, Good Morning! How's the company going?" Masigla nya pang bati mula sa kabilang linya habang kinakamusta ang kanyang company.
Narinig naman nya ang paghinga ng malalim sa kabilang linya.
"Sir. Im sorry but you have to know about this. I know that you're going here later but I suggest you to come here. May malaking problema lang po. And I think kayo lang po ang makakaresolve." Di mapakaling sabi ng kanyang assistant sa kabilang linya. Parang kabadong kabado ito.
"Okey, Calm yourself. Let me hear it first. What's the Problem." Kailangan nya kasi malaman muna kung anu ang problema para maging profound sya sa possible na solution.
Dapat may idea rin sya kung anu ba ang problema hindi naman dapat na magpanic agad sya at for the first time ngayon lang naging seryoso magsalita ang kanyang assistant ng ganito about sa company. Baka sobrang bigat nga ng kinakaharap nila.
"Sorry Sir. But I can't tell you here. Need ko pong sabihin sa inyo in person. You need to go here na po." Naiinis sya. Anu bang pinagkaiba ng sa phone sabihin at sa personal sabihin. Mas lalong di sya mapakali pero pinapakitaan pa rin nya ng kalmado ang assistant dahil baka naman magpanic ito kapag pinagalitan nya pa ito.
"Okey. I'll be there in an hour. Ikaw na munang bahala habang wala pa ako. Gawan mo muna ng paraan kung anu man yan. And please stay calm okey. Have a deep breath." Narinig naman nya itong huminga ulit ng malalim at binaba na nya ang phone sa kabilang linya.
I need Keira. Nasan na ba yung babae na yun? Itinuloy na nya ang pagbibihis at mabilis na binagtas ang hallway mula sa kanyang kwarto patungo sa kwarto nito.
Sinipat nya ang phone at tinatawagan ito ngunit nakapatay lang ang phone nito. Mas lalo syang nainis. Kung kailan kailangan niya ito dun pa ito wala. Di ba nagpromise ito na hindi sya nito iiwan. Nagmessage sya rito. At makailang tawag na rin ngunit wala talaga.
Nang pininid nya ang doorknob nito ay nakalock ito. Napakunot sya ng noo. Agad nyang tinawag ang kanyabg katulong at humingi ng duplicate ng susi.
Nang mabuksan nya ang pinto ay maliis ang loob ng kwarto. Wala ito? Nasaan naman kaya ito. Tinanung nya ang kanyang katulong ngunit umiling lang ito.
Bigla syang nakaramdam ng kaba. Nasaan ka na ba Keira. Ngayon pa ba sasabay ito kung kailan may malaking problema na sa company nya tapos ito rin wala. Saan naman kaya ito pupunta? Wala rin naman siyang ideya na nag-away sila. Maganda pa nga ang usapan nila kinabukasan eh.
Sinipat nya muli ang kanyang phone at nag dial ng number. Maka-dalawang ring lang ay sumagot na ito.
"Yes Boss, napatawag ka?" Tinawagan nya ang pinsan nito at nagbakasaling kasama nito si Keira.
"Is Keira with you?" Tanung nya na may halo ng pagaalala. Di nya alam kung anu ang uunahin. Si Keira na mahalaga sa kanya o ang company nya na mahalaga rin sa kanya.
Napapakamot sya sa ulo habang hawak ng hawak ang phone at naglalakad ng pabalik balik sa isang place lang. Kung may nanunuod lang sa kanya ay tiyak na nahihilo na. Napapakagat pa sya sa kanyang daliri dahil sa kaba. Hindi sya makapagisip ng maayos lalo't wala sa kanyang tabi si Keira.
"No Boss, hindi ko kasama si Kei." Naiimagine nya pang umiiling ito na animo'y kausap nya lang sa harapan nya. Mas lalong tinamaan sya ng kaba na ikinabilis ng puso nya.
Nagkaroon sa bahagi ng kanyang puso ng takot na baka iniwan na sya nito. Naisip nyang di nya pala kaya na mawala ito. Nahihirapan sya na tanggapin ngayon palang na mawawala ito sa buhay nya.
Dumaan ang regrets na hindi man lang sya nanindigan na mahal nya ito. Dahil last 3 months na nagconfess sya rito ay hindi na nya muling binuksan pa ang ganung usapin pero ngayon parang nagsisi sya. Dapat pala talagang ginawa na lang nyang panindigan ang sinabi niya rito.
Nararamdaman nya ang pag-iinit ng kanyang mata at naramdaman nyang may mainit na tumulo mula sa kanyang mga mata. Napagtanto nya na lumuluha na pala sya. Sa bawat paglandas ng luha nya ay ang paghikbi nya na animo'y parang bata na iniwan ng nanay o nawala sa isang lugar na maraming tao.
"Boss, okey ka lang ba?" Napakislot sya ng may magsalita sa kabilang linya. Nandito pa rin pala ito. Malalaman nito na umiiyak sya.
"Yeah. Im okey. I thought kasama mo lang sya. Wala kasi sya sa kwarto nya." Narinig nya na napahinga ito ng malalim sa kabilang linya.
"Boss, sorry. I got to go. Need na ako ng asawa ko. Alam mo na. Husband's duty." Naalala naman nyang nasa 3months na rin ang pinagbubuntis ng kanyang kaibigan. Napakamaselan at kailangang tutukan kaya hindi na dapat nya sinasali pa ito sa problema nya.
Dumerecho sya sa dining table na nakaready na ang food para sa kanya. Naupo sya pero nanghihina sya at para syang nawawalan ng ganang kumain.
Parang di naman ata makatarungan na birthday nya ngayon tapos ganito na may kinakaharap syang problema sa kompanya nya na di nya malaman kung anung sitwasyon nito ngayon at si Keira na di nya alam kung nasaan ito. Napadabog sya sa lamesa at tumayo.
Inis na inis nyang tinungo ang kanyang sasakyan. Nagulat pa sya ng hindi nito dala ang sasakyan. It means nandito lang ba ito sa loob ng bahay?
Nagsimula syang magikot sa loob ng kanyang bahay at nagbabakasakaling makikita ito. Ngunit inabot na syang ng tatlong oras ay hindi nya pa rin ito nakikita napasapo sya sa kanyang noo at naupo sa upuan na nasa tabi ng swimming pool.
Napabalik lang sya sa kanyang ulirat ng magvibrate ang kanyang phone at mabasa ang nakaregister na assistant nya. Napakunot ang kanyang noo at gigil na sinagot ang phone.
"Sir. Nasaan na po kayo? Hindi ko na po kayang ihandle ito. Nasa loob na po sya ng penthouse at hinihintay po kayo." Nagtataka sya sa sinabi nito. Huh? May bisita sya? At sino naman iyon?
"Sige, paalis na ako. Kung makita mo si Keira jan wag mo syang papaalisin jan ha?" Maawtoridad nyang utos dito.
"Yes Sir." Binaba na nya ang phone at dumerecho sa Rolls Royce na sasakyan.
Kapag nakita nya ito ay papagalitan nya ito. Oras ng trabaho naglalakwatsa. Okey lang naman kung umalis basta nagpapaalam.
Napapalo sya sa manibela sa inis ng makapasok sa sasakyan. Mabilis na binuksan nya ang makina at pinasibat ang pag andar.
Nadatnan pa nya ang traffic sa kahabaan ng paseo de roxas. Wala itong galaw at inis na inis syang napadabog sa kanyang manibela.
"Pisting araw to o!" Wala na! sira na ang araw nya! Sira na ang birthday nya. Akala nya pa naman magiging maganda ang pagdiriwang nya sa kanyang birthday pero sunod sunod ata na kamalasan ang nangyayare sa kanya ngayon.
Una, pagbalita ng assistant nya na may problema sa kanyang company.
Pangalawa, si Keira nawawala, di nya matawagan.
Pangatlo, traffic.
Pasado alas Diyes na at nandito pa rin sya sa kasagsagan ng paseo de roxas.
Nagvibrate na naman ang phone at hindi na nya tiningnan pa ang nakaregister dahil alam nyang assistant lang nya ito.
"Pede ba pakisabi jan sa kung sino man yan na maghintay sya. Wala akong pakialam kung galit sya. MAGHINTAY SYA!!!" pasigaw nyang sabi sa kabilang linya at pinatay na ang phone.
Nang maramdaman nyang umandar na ang sasakyan sa harapan nya at mabilis din nyang na i-uturn ang sasakyan para bagtasin ang kanyang company.
Pasado alas dose na ng makarating sya sa parking lot. Napahinga sya ng malalim at lumabas na sya mula sa kanyang sasakyan at padabog na sinara ang pinto pagkatapos nyang mag park.
Agad nyang sinuot ang kanyang suit na pinatong nya lang sa kanyang white tshirt.
Isinuklay naman nya ang kanyang buhok sa pamamagitan ng kanyang palad.
Sumakay na sya sa elevator at pinindot ang 40th floor. Nagmessage na lang sya sa kanyang assistant na papunta na sya.
Kumukuyom na ang kanyang kamao na parang gusto ng manakit dahil sa sobrang inis. Napasandal naman sya sa loob ng elevator at pumikit. Iniimagine nya na lang na kahalikan nya ang dalaga dito sa loob ng elevator. Napasapo sya sa kanyang noo sa alaalang iyon.
Pinipigilan nya ulit na tumulo ang kanyang luha. Nilabas nya ang kanyang panyo at pinahid sa kanyang mga mata.
Nang tumunog ang elevator senyales na dumating na sya sa kanyang floor ay lumabas na sya sa pinto. Nakaabang naman ang kanyang assistant mula sa labas.
"Good afternoon Sir!" Bati nito sa kanya.
"Good afternoon din". Balik na bati nya rito.
Seryoso itong nakatitig sa kanya at yumuko.
Naiinis na sya. Pero gusto muna nyang dumerecho sa restroom. Mabuti na lamang at buong floor na ito ay okyupado nya.
"I'll go to restroom first. Come with me." Napansin naman nyang nagtitipa ito sa cellphone habang nakasunod sa kanya.
"Can you tell me kung sino yung naghihintay sa aking opisina?" Kalmado nyang sabi dito pero hindi pa rin ito lumilingon sa kanya at nagtitipa pa rin ito sa phone.
Anu bang ginagawa nito. May malaking poblema na nga ang company at nagawa pa nitong magtipa at parang di mabigat ang dinadala nilang problema.
Nang mapatingin ito sa kanya ay nakangiti ito at bigla ring sumeryoso ng makita ang seryoso nyang mukha.
"Why are you laughing. Mr. Assistant? Tapos na ba ang case at naresolve mo na at ganyan ka makangiti? ANSWER ME!!!!" Dumadagundong ang sigawa nya sa buong restroom dahil may echo ito at kulob.
Nakita nyang tumupi ang kanyang assistant at nangatog sa boses nya na mala-leon. Sino ba naman ang matutuwa na pinapunta sya nito dahil daw sa mabigat na problema at heto ito ngayon at tumatawa at ngumingiti pa.
"Sorry sir. I think you should go to your office na po. Naghihintay na po sil----" napatigil ito sa pagsasalita ng kinuwelyuhan nya ito.
"Malaman ko na lang na bumagsak itong company dahil sayo di ako magdadalawang isip to FIRE you!!!!" Pabulong at gigil nyang saad sa tainga nito.
"Sorry sir. Napag-utusan lang naman po ako." Napakunot na ang noo nya. Di nya na maintindihan ang pinupunto nito.
"What do you mean?" Kunot noo nyang tanung dito.
"Sir. Please . I Think you should check it yourself". Naiinis na sya sa kaharap nya at madaling nilagpasan ito at lumabas ng restroom.
Napabuntong hininga sya bago pumasok sa kanyang office. Nagbubuo pa sya ng sentence na dapat nyang sabihin sa kung sino man ang nasa office nya. Hindi nya kasi alam ang buong pangyayare dahil wala syang matinong nakuha mula sa assiatant nya. Pilit nyang pinapakalma ang kanyang sarili.
Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan at nang makapasok ay nagulat sya nang may tunog na malakas at may confetti na kumalat sa mukha nya mula sa dalawang staff na may hawak ng party poppers confetti.
"Happy Birthday Sir." Napalingon naman sya mula sa kanyang likod ng makita ang assistant na nakangiti ngunit mangiyak ngiyak na rin dahil makikita ang mamula mula nitong mata.
Bigla syang nakonsensya sa pinagsasabi dito. Napalingon muli sya sa loob ng kanyang opisina ng marinig ang dalawang pamilyar na voice.
"Happy Birthday Boss/Dale" sabay na bati nila Bea at Lloyd sa kanya. Napataas lang ng kilay si Lloyd sa kanya at ngumisi.
Ang gagaling naman ng mga itong manorpresa. May bahagya syang nakonsensya at narelieve dahil sa nangyare. Hinahanap pa rin ng kanyang mga mata ang dalagang hindi nya pala kaya mawala sa kanyang buhay.
Niyakap nya muna ang kanyang kaibigan. Si Bea na kitang kita na ang maumbok nitong tyan ganun din ang ginawa nya kay Lloyd at tinapik tapik pa sya sa likod.
Nakita nyang may malaking box na nakalagay malapit sa kanyang sofa nasa gitna ng glass window. Lumapit naman sya rito at nakita nyang kasya ang isang tao dito.
Lumapit sya at agad na binuksan ang Box. Bumilis ang tibok ng puso nya habang binubuksan ang box. Nang malapit na magbukas ay bigla na lang itong bumukas ng kusa at bumungad ang dalagang hinahanap ng kanyang mga mata.
Sa sobrang tuwa na nararamdaman nya dahil sa sorpresang ginawa nito ay napayakap sya dito ng mahigpit.
"H-HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU.... HAPPY BIRTHDAY TO YOU BOSS DALE!!! T-teka Dale hindi po ako makahinga!" Awit pa sa kanya nito. Masaya nitong bati sa kanya. Nawala ang galit nya sa katawan ng marinig ang boses nito at makita na masaya itong bumabati sa kanya. Lumambot ang puso nya at gusti niyang halikan ito kaya agad nyang kinuha ang braso nito at inilabas sa labas ng malaking box.
"Can I have a minute with you!" Humingi sya ng minuto na yakap dito. Ngayon nya lang napagtanto na mahal na mahal nya pala ang dalagang ito at hindi nya kayang mawala ito sa kanya at sa buhay nya.
"Did you like this surprise?" Bulong nito sa kanya.
Napahikbi sya na ikinalayo nito sa kanya at mariin syang tinitigan. Umiiwas naman sya ng tingin dito dahil ayaw niyang makita sya nitong umiiyak.
"Ooh, Sorry Dale. I didnt know na mapapaiyak kita dahil dito." Nakaramdam sya ng pagaalala mula rito.
"No, im just happy kasi nakita na kita. Wag mo na akong iiwan ah. Akala ko kanina nung wala ka sa kwarto mo , umalis ka na at iniwan mo na ako." He heard her chuckled.
"Maaari ba yun? I will never leave you. Di ba I promise?" Napatango naman sya rito at para syang batang yumakap muli dito.
"Huy! Para ka namang bata jan. Iniwan ka lang saglit ni Keira eh para ka namang mababaliw. Mahal na mahal mo talaga sya nu?" Straightforward na salita ng kanyang kaibigan na si Bea. Kahit kailan talaga tong babaitang to napakapranka.
Kung hindi nya lang ito kaibigan eh naku talaga naman. Eh sa totoo namang mababaliw sya pag nawala si Keira sa buhay nya.
"So Keira! Naachieve mo na yung surprise mo kay boss. Siguro naman pede na kaming umalis. " agad na sabi ng pinsan nito sa dalagang yakap yakap nya.
Nagplano pala ito ng hindi nya alam. Paano nangyare yun? Samantalang kahapon lang naman nya sinabi dito na birthday nya at gusto nya lang na makasama ito sa pagdiriwang ng kanyang 26th birthday. Saad nya sa kanyang isip.
"Yeah. Thanks Lloyd, thanks Bea sa pagpunta and sayo Mr. Assistant kahit alam kong ikaw ang napagbuntungan ng galit nitong boss mo ako na ang humihingi ng tawad sa inasal nya sayo. Sorry and thank you so much sa pakikipagkuntsaba mo sa balak kong sorpresa dito kay Mr. Sungit!" Na ikinatawa naman ng mga nasa likod nya.
"No worries Ms. Keira. Basta para kay Sir. I hope masaya ka po ngayong birthday mo sir. And don't worry po wala po talagang problema ang company. Isa lang po yun sa naisip namin para mapapunta po kayo." Nang marinig nya iyon ay napalingon sya at sumeryoso ang mukha. Hawak nya ang kamay ng dalaga.
"Thank you sa ginawa nyong pagsurprise sa akin. I think this is the best birthday na nangyare sa buhay ko. Kahit akala ko sira na ang araw ko dahil una, problema sa kompanya tapos itong isang to," pinisil nya ang palad nito at pinitik ang noo nito na ikinatawa nya dahil napasapo ito sa noo dahil sa sakit.
Natawa naman sya sa reaksyon nito at hinagkan nya ang noo nito na bahagyang kinagulat ng dalaga. " I will never forget this day. Thank you Keira. I appreciate your effort for this." Lumapit sya sa bandang tenga nito at bumulong.
"Mageexplain ka pa sakin mamaya." Na ikinamula nito. Napangisi sya sa nakitang reaksyong mula sa dalaga. Hindi na sya nakapagpigil at inunahan nya na ang pag-alis sa kanyang opisina. Nilingon lang nya aang kanyang assistant.
"Cancel all my meetings this afternoon!" At tumango naman ito. Napangiti sya rito at nagsalita sa kanyang labi ng 'thank you' pero walang boses.
Napailing na lang ang mag-asawa na iniwan nila. Sumakay na sila ng elevator.
Pagpasok sa elevator at pagsara ng pinto ay pinindot nya ang basement at humarap dito na hawak pa rin nito ang kamay nito.
"Explain to me later all of this but before that kiss me!" Awtoridad nyang sabi nito.
Napaikot lang ang mata nito at lumapit sa kanya para gawaran sya ng halik. Mabilis lang iyon at nakadilat lang syang napatitig sa ginawa nito. Nang makakalma na sya sa ginawa nito ay hinapit nya ang bewang nito at inilapit ang mukha nya sa mukha nito.
"Open your mouth Keira." Tumaas naman ang kilay nito at umiling.
"No---" makailang beses nitong ilong. Hinawakan naman agad niya ang magkabilang pisngi nito.
Nang ibuka nito ang labi para magsalita ay agad nyang hinalikan ang labi nito. Mariin, masuyong mga halik . Gustong gusto nyang damhin ang mga labi nito. Napahiling sya na sana tumigil ang oras ngunit di nga pala nito magagawa ang power sa loob ng elevator.
Napaungol naman ito sa ginagawa nya sa loob ng bibig nito. Mariin na yumakap ito sa kanyang batok at sya naman ay nilapit pa ng mahigpit ang bewang nito sa kanya. Hindi nya alam kung nararamdaman nito ang pagkabuhay ng kanyang alaga sa kamyang ibaba pero napaoansin nyang ikinikiskis nito ang pagkababae sa kanyang manhood. Napapangisi sya sa ginagawa nito.
Natigil lang ang kanilang kissing scene ng tumunog ang elevator senyales na nasa basement na sila.
Pagkalabas ng pinto ay agad nyang kinarga ito at itinakbo patungo sa kinapaparkingan ng kanyang sasakyan.
"Dale, ibaba mo nga ako!" Habang pinapalo ang kanyang likod at sinasabunutan sya.
"That is your punishment!" Natatawa nyang banggit dito.
Nang makalapit sa sasakyan, akma na sana itong papasok sa passenger seat pero ikinulong nya ito sa sa pagitan ng kanyang mga palad at corner na corner na ito.
Napatitig lang ito sa kanya at ganun din sya rito. Hindi nya malirip na magagawa nitong magsurprise sa kanya. Bahagya syang natuwa dahil ito ang kauna unahan na sinurprise sya at galing pa sa mahal nya.
Napapikit sya at ninanamnam ang mga nangyayare. Napapangiti sya habang inaalala ang mga nangyare kanina.
"Boss para kang tanga jan!" Napabalik sya sa kanyang sarili ng magsalita ito. Bigla naman sya natawa.
Pinagbuksan nya ito ng pintuan ng kotse at isinakay ito sa passenger seat at sya naman ay agad na pumasok sa driver seat.
"Can I have a Favor?" Sabi nya ng nakapout sa harap nito. Para syang bata na humihingi ng candy sa kanyang nanay.
"Anything." Seryoso nitong saad. At nakatitig lang sa kanya.
"Can you please stop the time for me?" Ayaw man nyang ipagamit muli dito ang kapangyarihan nito pero gusto nya lang huminto ang oras para makasama nya ito ng matagal.
Tumango naman ito at kumumpas ng daliri. Napansin na nga nyang huminto ang oras. Tiningnan nya rin ang kanyang wrist watch at hindi nga ito umaandar.
"Can I kiss you?" Lumapit sya rito at humalik muli. Hindi na ito tumutol at napansin nyang pumikit ito na ikinangiti nya.
"Oh I love your lips baby!" Saad nya rito. Nang matapos ang kanilang masuyong paghahalikan ay muling gumalaw na ang paligid. Naririnig na rin nila ang lakas ng kulog at kidlat mula sa kalangitan ngunit hindi alintana sa kaniya iyon dahil kahit umulan pa ay hindi sya matitigilang sabihin ang nararamdaman dito.
"I have something to tell you." Saad nya rito ng humiwalay sya sa mga labi nito.
"Hmmm", ungot nito na parang nabitin sa halik nya.
Napangiti naman sya sa reaksyon nito at hinagkan nya ang noo nito.
"Thank you for this Keira. I didn't expect na gagawin mo ito sakin. I was surprise talaga. Kanina feeling ko napakamalas ng araw ko ngayon dahil sunod sunod talaga ang nabalitaan kong hindi maganda." Nakita naman nya itong titig na titig sa kanya na nakikinig at parang ninanamnam ang bawat salita na lumalabas sa labi nya.
"Hindi ako natakot nung nabalitaan ko na may nangyayareng di maganda sa company though wala akong idea kung anu ang problem kaya di ko rin alam ang solution pero malakas naman ang tiwala ko sa assistant ko at syempre sa guts ko na kaya ko itong masolusyonan pero alam mo kung anu ang mas kinatakot?" Napalunok sya sa nakatitig na dalaga at naghihintay ng kanyang sasabihin.
"Anu?" Titig na titig ito sa kanya. Nakita nyang napakagat ito sa ibabang labi nito.
"Ever since wala akong kinatakutan kahit nga ang pagkawala ng ina ko hindi ko kinatakutan pero iba yung pakiramdam ko ngayon Keira nung ikaw ang nawala. Parang milyon milyong boltahe ang nawala sa buhay ko nung malaman kong nawawala ka. Natakot ako. Nung tinatawagan kita at naka-off lang ang phone mo, parang 'sang libong daga ang nag-uunahan na lumabas sa aking puso. Tapos nang buksan ko ang kwarto mo at makitang walang laman ito parang nawalan na rin ng gana ang life ko. I don't know. Akala ko after 3 months nung nagconfess ako sayo ay hindi ko na mararamdaman ito pero iba ka. Sa lahat ng mga babae na naging akin ay iba ka. Siguro kasi ikaw ang babaeng nag-ligtas sakin nung bata ako, ako yung naging first kiss mo. At tinulungan mo akong kumalma sa lahat ng oras kapag galit na galit ako. Mas nakuha mo na ako nung sinabi mong may urge sayo na protektahan ako." Hinawakan nya ang kamay nito. Nakita nya sa mga mata nito ang kalituhan. Nakita nya na kumunot ang noo nito.
"Wait! Nalilito ako. Hindi kita ma-gets" Napapailing ito at pilit na binabawe ang mga kamay mula sa pagkakahawak nya.
"Keira, please. Listen to me first." Tumingin naman sila sa labas at nagsimula ng umulan. Hinawakan nya muli ang kamay nito.
"Hindi kita maintindihan. Anung ibig mong sabiihin na ako ang nagligtas sayo nung bata ka?" Nakanukot noo nitong saad sa kanya.
Napa-mura sya ng lihim ng maalala ang kanyang sinabi dito. should I tell the truth? Nandito na rin naman eh. Bahala na kung anung mangyare after this pero hindi ko na kayang maglihim pa sa kanya.
"Right from the moment na nagkwento ka sakin about your power and you told me the story about what happened on your 6th grade. Alam ko na, na ikaw ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Ikaw ang babaeng tumulong sakin at nagsagip ng aking buhay mula sa kamatayan. Ako ito Keira. I am that kid." Nawalan ng expression ang mga mata nito na ikinapagalala nya.
Mabilis itong lumabas ng sasakyan at naglakad na parang di alam kung saang pupuntang direksyon.
"Wait, wait.... Keira wait. Mababasa ka. Umuulan oh." Nang lumabas sya sa kanyang sasakyan ay hindi nya na alintana ang lakas ng ulan na pumapatak sa kanyang kasuutan.
Hindi nya maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon nito sa sinabi nya.
Oo nagsinungaling sya pero dapat ba nyang pagdusahan yun o ito na ba ang karma nya dahil sa mga ginawa nya dati sa mga babae.
"Keira!" Sigaw nya rito ngunit di sya nito naririnig. Tinakbo nya ang direksyon nito at pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.
"Anu ba Dale! Bitawan mo ko! Gusto ko mapag-isa. Di ba dapat masaya ako kasi nakita na kita? Di ba dapat matanggap ko na ikaw pala yun. Pero bakit ganito? Hindi ko alam." Sigaw nito at kahit na malakas ang ulan ay hindi pa rin maipagkakaila na umiiyak ito.
Siguro nga hindi nya matanggap kasi nilihim ko pa ito sa kanya. Masakit lang kasi naman bakit di ako nakapaghintay at ngayon pa talagang araw ng birthday ko.
Nang aakmang tatalikod na ito ay hindi na nya hinayaan pang makalayo ito kaya binuhat nya ito kahit pa nagpupumiglas ito.
"Anu ba Dale bitawan mo ako. Gusto ko sabing mapag-isa" kahit anu pang mga salita ang narinig nya rito ay binalewala nya lang iyon.
Natakot na sya minsan na mawala ito kaya hinding hindi na nya ito pakakawalan pa, hinding hindi na kailanman.
Nakabalik na sila sa kanyang kotse. Iginiya nya ito sa passenger seat at sinuutan nya ito ng seatbelt. Mabilis nyang tinungo ang driver seat at baka kumawala pa ito.
Ngunit pagpasok nya ay para itong lantang gulay at nakayuko. Napahinga sya ng malalim at binuksan ang makina para paandarin at makauwe na sa kanyang tahanan.
Pagdating sa kanyang bahay ay agad nyang pinark ang sasakyan at kinuha ang dalaga mula sa passenger seat. Kinarga nya ito at na parang prinsesa at tinawag ang kanyang katulong.
"Manang Ling, pakihanda po ang bath tub para kay Keira. Pakipaliguan po sya at bihisan. Sabihan nyo po ako kung tapos na at ako na ang mag aalaga sa kanya." Madaling pumunta ng kwarto ang kanyang inutusan at sumunod naman sya rito.
Inilapag nya ang parang lantang gulay na dalaga sa bath tub kahit pa may damit ito. Iniwan na lang nya ito sa pag aalaga ng katulong nito.
Mabilis nyang tinunton ang kanyang kwarto at agad ding nag-shower.
Sobrang saya na sana nya ngayon pero dahil sa isang salita nagbago ang lahat. Kailangan nyang ayusin ito sa pagitan nilang dalawa. Parehas silang nasurprise nitong araw. Napailing na lang sya habang hinahayaang mabasa ng shower ang kabuuan ng kanyang katawan.
Nang matapos syang maligo at nagpapatuyo na lang ng kanyang buhok gamit ang maliit na tuwalya ay may narinig syang mahinang katok.
"Sir. Tapos ko na pong paliguan at bihisan si Maam. Maaari nyo na po syang puntahan sa kanyang kwarto." At narinig nyang lumalayo na ang mga yabag nito hudyat na paalis na ito sa kanyang kwarto.
Agaran din syang nagbihis ng white tshirt at short at agad na tinungo ang kwarto nito.
Nang makapasok sya ay natagpuan nya itong nakahiga pero nakabukas ang mga mata.
"Keira," tawag nya rito.
Napansin nyang galit nga ito sa kanya dahil humiga ito patalikod sa kanya.
Umupo sya sa tabi nito.
"Keira. Im sorry kung late ko na nasabi sayo. And promise hindi ko ginagawa yung mga bagay na iyon sayo dahil lang nalaman ko na ikaw ang nagsagip ng buhay ko. I Just feel na you are worth of all these things na binigay ko sayo. I dont know pero Mahal na kita. Mahal na mahal" napansin nya ang sarili na lumalabo ang kanyang mata at umiiyak na naman pala sya.
"Sana pakinggan mo ako this time. Mahal na mahal kita Keira and you are always My Amazing Girl. I don't wanna loose you because I can't spent the day without you baby." Pag-amin nya rito. Kahit pa magmukha na syang tanga sa harapan nito ay wala na syang pakialam. Gusto lang nyang sabihin dito ang kanyang nararamdaman.
Humiga sya sa tabi nito at nilagay nya ang kanyang braso sa bewang nito at ipinulupot. Yumakap sya dito ng mahigpit. Yakap na parang ayaw na nya itong pakawalan. Yakap na nagbibigay assurance sa kanya na nandito ito at hindi sya nito iiwan.
Napansin nyang humarap ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya dahil hindi na sya nakaiwas pa ng makaharap at maglapit ang kanilang mga mukha. Nakita nya sa mga mata nito ang expression na kanina nya pa hinahanap. Expression na halo halo at hindi nya maintindihan mas okey na yun kesa naman katulad kanina na talagang neutral lang.
Humalik ito sa kanya na ikinakislot ng katawan nya. What did she do? Nakapikit ito at humahalik sa kanya. Hawak nito ang pisngi nya.
Inalis nya ng marahan ang palad nito at sya naman ang humawak dito.
"How I love this girl?" Sa isip nya.
"Ilove you" at masuyo nyang hinalikan ang malambot nitong labi.
Naramdaman din nyang sumagot ito sa kanyang mga halik. Wala syang hinihiling sa araw na ito kundi ang makasama lang ito at sa mga susunod pa na mga taon na magdiriwang sya ng kanyang kaarawan.
Mahal na mahal nya ito at ngayon lang nya napatunayan ng mawala ito at habang pinagsasaluhan nila ang init ng kanilang mga labi ay sinabi nya sa kanyang sarili na hindi nya hahayaan na mawala ito sa buhay nya. Never will be.
Niyakap nya ito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Naramdaman nyang nakatulog na ito kaya pinikit na rin nya ang kanyang mata at dinadama ang init ng katawan nito.