Chereads / Love's Journal / Chapter 9 - PAGE NINE

Chapter 9 - PAGE NINE

PAGE NINE

Nakakabuwisit. Oo, 'yan talaga ang pambungad ko.  ̄ω ̄

Iyong pagkatapos ng Graduation, akala ko makakapagpahinga na ako. Akala ko wala na akong aalalahanin o poproblemahin pa. Akala ko makakatulog na ulit ako nang mahimbing. Akala ko makakapagpuyat na ako dahil wala ng pasok. Akala ko makakapaglakwatsa na ulit kami ni Rinneah, pero lahat pala 'yon akala ko lang. Syet na 'yan. Hilong-hilo ako kanina. Hilong-hilo kahahanap sa teacher namin sa Math.

Langya naman kasi. Bakit nagtatago siya? Nakikipaglaro ba siya ng hide and seek sa 'min? Grr. 8:00 AM ako pumunta sa school, 11:00 AM na, hindi ko pa siya matagpuan. Samantalang 'yong ibang kaklase ko nga, nakauwi na at napirmahan na niya ang clearance. Oo, pirmahan na ng clearance namin ngayon at tinatakot na naman kami ng mga teacher na kung hindi namin makokompleto 'yon, hindi ibibigay ang report card at certificate namin. Sabi nga ng ate ko, "Maniwala kayo diyan. Gan'yan din ako noong elementary pa ako. Puro pananakot. Kita mo naman ngayon, naka-graduate rin ako."

Bakit ba gano'n ang ibang mga teacher? Bakit kailangan pa nila kaming pahirapan. Isang pirma lang naman! Isa lang! Bakit hindi pa nila maibigay? Kumpleto na naman ang mga requirements ko. May project at nakapagsoli na ako ng libro. Pati floor wax at basahan nagdala na ako. Para tapos na. Para okay na. Pero ano 'to? Leche. Feeling ata nila mga artista sila at sabik kami sa autograph nila. 'Di 'no! Halos lahat ng teacher namin gan'yan ginawa. Hide and seek ang trip nila. Buti na lang nahuli ko ang iba. Tinuro sa 'min ni Ma'am Villegas (adviser namin) kung saan sila nagtatago. Para raw 'di kami mapagod. Eto na lang talagang teacher namin sa Math ang pinoproblema ko kanina. Ni hindi ko na nga nagawang mag-lunch mahanap lang siya. Syet. 'Yong tinurong lugar ng mga kaklase ko kung nasa'n siya, wala na siya ro'n. Umalis daw. No choice kundi hanapin siya sa bawat sulok ng school.

Hilong-hilo na ako sa init, uhaw at gutom. Tanging biskwit lang ang laman ng sikmura ko. Hindi rin ako nakapag-breakfast kamamadali kanina. Buti na nga lang nand'yan ang bestfriend kong si Rinneah at may karamay ako sa paghahanap. Pareho kaming pagod na at gutom pa. Halos isumpa na namin ang teacher namin na 'yon! 3:00 PM nang matagpuan namin siya. Nasa kadulo-duluhang building at kasulok-sulukan ng room. Nakikipagtawanan sa ibang estudyante. Kung puwede ko lang siyang bugahan ng apoy sa sobrang inis, ginawa ko na. Pagod na pagod na kami 'tapos siya patawa-tawa pa. Sabi nga ni Rinneah, "Sa wakas, nagpakita rin ang hukluban." Siniko ko nga si Bebs at baka marinig kami.

Akala namin ayon na. Na mapipirmahan na dahil natagpuan naman siya. Pero hindiiiiii! (Oo, naiinis pa rin ako. Argh!) Bago raw niya pirmahan, ibili muna raw namin siya ng Special Mamon at Lemon Juice sa canteen. Ibili gamit ang pera namin. Hustisya naman 'di ba? Hustisya. May kapalit ang pirma niya. Syet lang. Wala kaming nagawa kundi bumili. Nag-ambagan kami ni Bebs, na naghihimutok din. Gigil na gigil at sinabing, "Kajirits ang hukluban na 'yan! Pasalamat siya graduate na tayo, kundi. Humanda 'yan sa 'kin, e!" Kilala ko 'yan si Rinneah mula kuko sa paa hanggang anit, pag sinabi niyang humanda, gumaganti talaga 'yan. Buti naman pagbalik namin pinirmahan na, ngiting-ngiti pa nga. Nagulat na lang ako, pati si Sir nang biglang hampasin ni Rinneah ang isang bangko ro'n sabay sabing, "Finally! Ang ariel sebenpipti!" Mas lalo tuloy natawa si Sir na kinainis namin. Pareho tuloy kaming umuwing beastmode ni Bebs. (ಥ_ಥ)