PAGE THREE
5:00 PM na pero kakauwi lang namin ni Rinneah. Gumala kami sa Mall e. Tamang window shopping lang hahaha. Nagtext nga sa 'kin, "Bebs, pinagalitan ako ni Papa. H'wag daw ako uuwi ulit ng ganitong oras kundi hindi na niya ako pauuwiin. Sa kalye na raw ako tumira. Huhuhu. Sadnu?" Literal na naiyak ako katatawa at nagreply ako sa kanya na puro, "Hahahaha. Buti nga!" Pang-asar lang. Nagreply tuloy ng, "Tseeh! Bukas hindi na kita ipapaalam sa Mama't Papa mo. Bahala ka!" Pinapayagan lang akong gumala dahil alam nilang kasama ko naman si Rinneah.
Recognition namin ngayon at Top 3 ako. Yay. Noong first and second grading Top 2 na ako, e. Medyo naging pala-absent ako kaya nagkagano'n pero okay lang naman. Most Industrious at Best in Mathematics din ako. Si Rinneah naman? Itlog. Itlog lang ang nakuha niya ngayon. Hahaha jk. Top 5 naman siya. Best in Science at Most Cheerful pa. Magaling talaga sa Science si Rinneah at 'yung Most Cheerful naman? Langya. Sa sobrang hyper ni Rinneah na parang pinaglihi ng Mama niya sa Vitamins no'ng petus pa siya, ewan ko na lang talaga kung 'di pa niya makuha 'yon. Hahahaha lol.
Ito pa nga biglang may naalala si Rinneah no'ng elementary pa lang kami at nagtataka raw siya kung bakit hindi niya makuha-kuha 'yung Best in Edukasyon sa Pagpapakatao (EPP). Ngayon alam na raw niya kung bakit. E 'di nagtanong naman ako kung bakit nga ba? Hindi ko alam na gusto pala niya makuha ang best na 'yon. At ang sagot sa 'kin? "Hindi ko makuha-kuha 'yon dahil Edukasyon sa Pagpapakahayop talaga pinag-aaralan ko." Hype. Bigla tuloy akong humagalpak ng tawa no'n. Literal. Mabuti na lang hindi napansin nila Ma'am. Langya talagang Rinneah na 'to, e. Daming alam sa buhay.
P.S. Magcecelebrate kami bukas ni Rinneah. Ililibre raw niya 'ko ng champola. Yey! Sana lang payagan ulit ako. ( ؔ⚈͟ ◡ ؔ⚈͟ )