PAGE SIX
General practice namin ngayon para sa Moving Up. Lahat handa. Kami na lang ata ang hindi pa. Sinusulit na nga namin ang araw na buo kaming magkakaklase at todo groupfie para maraming remembrance. Solid na solid talaga ang section namin at alam kong mamimiss ko silang lahat. Gen. Practice pa lang ngayon pero nag-iiyakan na 'yong iba lalo na nang tumugtog ang kantang Count on Me. Pati tuloy akong medyo naluha-luha. Medyo lang. Patulo na nga kung hindi lang lumapit si Rinneah at itinuro ang kaklase naming lalake na nasa kabilang direksyon. Bumulong pa siya at sinabing, "Bebs, tingnan mo si DJ Tae. Kung makangawa, akala mo namatayan ang hayup." Lecheng Rinneah na 'to, imbes na maiyak ako, bumalik ang luha ko at humagalpak ako ng tawa. Nang napatingin ako kay DJ, anak ng tokwa. Humahagulgol nga ang loko. Mas lalo tuloy kaming natawa. Sinamaan kami ng tingin ng isang Teacher kaya nanahimik kaming dalawa.
Deym. Hindi ako maka-move on doon sa DJ Tae niya. Binigyan pa ng nickname hahaha. Langya talagang Rinneah na 'to. Manliligaw niya talaga 'yon si DJ Tae. Medyo may sayad kaya ayaw niya pero kinukulit siya nito at b'wisit na b'wisit si Rinneah. Bakit tinawag siyang DJ Tae? Ganito 'yon, isang araw, bigla na lang bumaho ang loob ng classroom namin. Amoy bugok na ebak. Leche. Diring-diri kaming magkakaklase at akala namin may umutot lang pero ang masaklap do'n, hindi nawawala at nauubos ang amoy. Mas lalo pang lumalala!
Hindi lang 'yon dahil nanunuot talaga sa kaibuturan ng ilong namin ang amoy. Mas masaklap 'di ba? Mas lalong nag-alboroto ang mga kaklase ko at panay sabi ng, "Yuck!", "Kadiri!" at "Ang baho!" 'Ta's biglang sumigaw si DJ ng, "Kayo na nga lang ang nakikiamoy, kayo pa ang galit!" Sa unang pagkakataon parang gusto kong manapok ng tao. "E, 'di singhutin mo nang singhutin para maubos ang amoy!" sagot ng isa kong kaklase na lalake. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nakaamoy ka ng gano'ng kalala na amoy. Nadistract kami at hindi nagawang makapagsulat pati Adviser namin, 'di na nagturo.
Isang misyon ang nabuo namin. Oo nagkaro'n talaga kami ng misyon na hanapin ang salarin na nagbuga ng masangsang na amoy na 'yon. Ayon, isa-isa kaming pinalabas ng classroom at pinatingnan ang mga sapatos at baka naka-apak ng jackpot pero wala naman. Hanggang si DJ na lang ang natitira sa loob ng room. Ayaw niyang tumayo sa upuan kahit ano'ng gawin ni Ma'am. May pinaglalaban siya. Ayaw talaga beh. Sapilitan tuloy siyang pinatayo ng mga kaklase naming lalake at nanlalaban siya. Pumapalag pa. Nagulat na lang kami dahil basang basa na ang pants niya. Leche na 'yan! Siya pala ang salarin. Nagtatae pa ang loko. Hindi na raw niya nakayanan kaya nailabas na niya. Syet lang 'di ba? Kaya pala ang lakas ng loob niyang sabihin na kami na lang ang nakikiamoy kami pa ang galit. 'Yon pala, siya ang nagbubuga ng masamang amoy na 'yon. Pinauwi na lang siya ni Ma'am at si Rinneah, hindi maipinta ang mukha sa sobrang pandidiri. Sobrang nakaka-turn off talaga 'yon. At ayun na nga, dito na nagtatapos ang kuwento kung bakit siya tinawag na DJ Tae ni Bebs. Bow. Hahahaha!
P.S: Bukas ko na lang itutuloy ang pagsusulat. May ikukuwento pa sana ako pero inaantok na ako, e. Good night! '٩꒰。•◡•。꒱۶'