PAGE SEVEN
Kagagaling lang ni Bebs dito sa bahay namin, tulog na tulog pa 'ko pero rinig na rinig ko na ang boses niyang umaalingawngaw sa buong bahay namin. Gan'yan talaga 'yan si Rinneah. Walang hiya. Hindi na nahihiya sa mga magulang at kapatid ko. Kilalang-kilala na kasi siya. Inaanak din 'yan ni Mama kaya parang anak na rin ang turing niya. Magkaibigan din kasi ang mga Mama namin kaya baby pa lang, magkaibigan na kami. Lol.
Dire-diretso ba naman pumunta sa kuwarto ko at niyugyog ako para sabihing, "Bebs! Gala tayo." Syet na 'yan. Hindi ko nga pinansin at nagtulog-tulugan ako. Nagising lang ako talaga nang buhusan ako ng isang basong tubig sa mukha. Ubong-ubo ako at pumasok pa sa ilong ko ang iba. Tawang-tawa naman siya at halos maiyak pa. Sinabunutan ko nga. Leche na 'yan sabi pa, "O, ano ngayon? Gising ka na?" Hindi talaga ako makapaniwala na kinaibigan ko ang baliw na 'yon at hanggang ngayon napagtiya-tiyagaan ko. Hindi rin naman kami gumagala. Tinatamad ako e. Gusto ko lang mahiga buong araw at matulog nang matulog pero may b'wisita akong dumating kaya nanuod na lang kami ng k-drama na Absolute Boyfriend. Hindi na ako kinikilig dahil napanuod ko na 'yon, pero si Rinneah, sarap ibalibag. Halos gulpihin ba namam ako sa sobrang kilig. "Bebs! Ohmygosh!" Panay gan'yan siya sabay palo, kurot, sabunot sa 'kin sa sobrang kilig. Sadista talaga. "Kung kiligin ka naman para kang kinukumbulsyon!" Gumanti nga ako, tulak ko at medyo napalakas pala. Ayon, nalaglag sa kama. Plakda. Una mukha. ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Naalala ko pala noong General Practice nakasalubong namin si Hoven. 'Yong dating crush ko saka ano. . .basta ayon dating crush ko nga. Napatingin siya sa 'kin at gano'n din ako. Nagkatitigan kami at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na. Wala na talagang spark. Hindi ko alam na napansin pala ni Bebs 'yon at sinabi niyang, "H'wag mong sabihin na apektado ka pa rin sa ginawa sa 'yo ng Betlogen 'yan." Leche talaga si Rinneah. Natawa ako sa sinabi niya dapat seryoso 'yon, e. Sabi ko tuloy, "Beethoven totoo niyang pangalan, Bebs. Hindi betlogen!" Napailing lang siya at sinabing, "'Lampake. Ang panget pa rin ng pangalan niya. Kasing panget ng taste niya! Magkakagusto na lang, sa mukha pang bisugo. Pwe!" Mas lalo akong natawa dahil ako nga, hindi na apektado, pero siya apektado pa rin. "Past is past, Bebs. Hayaan na natin siya. Kung saan siya masaya, e 'di go. Push!" Inikutan ba naman ako ng mata at sinabing, "Totoo ba 'yan? Baka foam lang 'yan!" Sabay nguso sa dibdib ko at natawa. Leche talaga 'yon, e. "H'wag mong sabihing past is past kung ang feelings mo'y hindi pa rin kumuku-past, Bebs!" Nang-asar pa pero hindi naman ako apektado at sinabi ko pang, "Kahit tingnan mo ang laman ng puso ko, wala nang Betlogen na nakalagay rito." Humagalpak pa kami ng tawa at apir pa.
Sa totoo lang, hindi naman na ako apektado dahil wala na. Wala na talaga akong nararamdaman kay Hoven. Matagal na 'yon. Naka-moved on na ako. Ewan ko ba kay Rinneah at ipinagpipilitan niya na meron pa. Wala na. Naubos na. Sinayang kasi lol. Pero 'di naman ako nanghihinayang dahil hindi naman siya kawalan. ¯\_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯