PAGE FIVE
BUWISIT.
B'wisit na b'wisit ako! Bakit ba kasi hindi na lang mawala sa landas ko ang June Santos na 'yon, e! Palagi na lang pinipeste ang piniperwisyo ang buhay ko. Leche siya! Ugh. Soooooobrang nababadtrip at naiinis ako ngayon. Halata naman 'di ba?! Halos bumaon na nga 'tong ballpen ko sa likod ng notebook ko!
Syet Para kaming tanga na naghahabulan sa loob ng school kanina. Pinagtitinginan nga kami. Paano ba naman, hinintay niya ako sa labas ng school. Hinintay na naman niya ako! Palagi na lang niyang ipinagtatapat sa 'kin ang undying feelings niya. Palagi niyang sinasabi, "Larisse, mahal kita. Payagan mo na akong ligawan ka." Nakakaasar! Kahit ilang beses kong sinabing, "Ayoko nga sa 'yo. Lubayan mo na 'ko!" Hindi pa rin tumitigil ang damuho na 'yon. Napakulit ng lahi.
Noong 1st year pa lang kami at naging kaklase ko siya, ginugulo na niya ako. Kesyo crush daw niya ako. Okay lang naman noong una. Paghanga lang naman. Lahat naman ng tao pinagdadaanan 'yon e pero nang tumagal na, nag-iiba na siya. Panay na ang lapit niya sa 'kin at palaging nagcoconfess. Hindi siya nahihiya. Kahit nga may ibang tao, sasabihin niyan, "Larisse, mahal talaga kita. Akin ka na lang." Hype na 'yan. Mahal na mahal na raw niya ako. Hanep 'di ba? "Hindi nga kita gusto, June!" 'Yan ang sabi ko pero hindi pa nakuntento. Ini-stalk pa ako. Pag-uwi ko nakasunod. Pagpasok ko hinihintay ako. Kahit nasa loob ng school ginugulo ako! Ang creepy talaga niya at unti-unti na akong natatakot noon. Para bang obssess siya sa 'kin. Gano'n. Kahit saan ako titingin nando'n ang damuho na 'yon. Hindi ko nga alam na nahalata pala ni Rinneah 'yon at tinanong niya kung bakit. "Ginugulo ako ni June, e. Palagi akong sinusundan at mahal daw niya ako, Bebs. Nakakatakot na siya." Napangisi tuloy ang magaling kong kaibigan at sinabing, "Akong bahala sa gunggong na 'yon. Tuturuan ko ng leksyon nang magtino." Kilala ko si Rinneah. Kilalang kilala at isang salita lang niyan talaga tinutupad niya pero sabi ko, 'wag naman niyang saktan. Hindi naman ako sinasaktan, e. Basta palayuin lang niya.
Nilayuan nga ako ni June pero nahuhuli kong sinusulyap-sulyapan pa rin niya ako pero palihim lang lalo na kapag magkasama kami ni Rinneah. Parang takot na takot na siya. Sinasamaan lang siya ng tingin ni Bebs, halos manginig na sa takot. Sa tuwing tatanungin ko nga siya kung paano niya napalayo si June, ang sasagot lang sa 'kin, "Tinuruan ko nga ng leksyon. O 'di ba nagtino ang hudyo." Malakas ang kutob kong pinagbantaan talaga 'yon ni Bebs kaya lumayo, e pero kapag 'di kami magkasama ni Bebs, pasimple pa rin akong sinusundan. Tulad kanina kaya nabuwisit ako. Hinintay na naman ako sa labas ng school at pilit na kinukuha ang bag ko. Hatid na raw niya ako sa room. Ayoko nga! Sabi ko tuloy, "Ano ba, June? Hindi ka pa rin ba titigil? Ayoko nga sabi sa 'yo. Ibang babae na lang 'wag na ako." Pero ayaw niya at sinabing, "Ikaw gusto ko, e." Wala siyang pakialam kahit sabihin kong isusumbong ko siya kay Rinneah, na late na naman pumasok no'n. Si Bebs pa naman ang panangga ko sa damuho na 'to.
Pagdating namin sa hallway, bigla ba naman akong hinawakan ng mahigpit sa braso, mas lalo tuloy akong natakot sa kilos niya at tumakbo ako. Aba, tumakbo rin ang loko. Kaya ayon, naghabulan kami. 'Di ko naman alam na may lahing kabayo pala lalakeng 'yon at ang bilis tumakbo. Hindi sana niya ako maabutan pero nadulas ako sa isang bato at pumlakda lang naman ako. Buti hindi una mukha pero 'yong tuhod ko, ang sakit. Syet na 'yan. "H'wag mo na kasi akong takbuhan, bebe ko." Wtf! Iyan talaga ang reaksyon nang sabihin niya 'yon. Lecheng bebe ko na 'yan. Mabuti na lang at inilaglag talaga ng langit si Rinneah at una ang mukha dahil dumating siya at agad na hinambalos ang damuhong si June at tinulungan akong tumayo.
Gigil na gigil talaga si Bebs no'n sabi pa nga niya, "'Di mo talaga titigilan si Larisse? 'Di ba sabi ko layuan mo na siya kung ayaw mong tamaan ka sa 'kin? Makulit ang lahi mo, a!" Tinuktukan niya sa ulo ang takot na takot na si June at ipinakita ang naka-fold niyang fist. "Guluhin mo pa ulit si Bebs, ipapakain ko sa 'yo 'tong kamao ko." Taray ni Bebs, o. Buti na lang pala dumating ang super bestfriend ko para iligtas ako. Sabi ko nga, "Thank you, Bebs. Dabest ka talaga. Ikaw na!" Pero pinagalitan ako at sinabing lumaban daw ako at 'wag matakot sa hudyo na 'yon. Sus. Bakit pa ako lalaban kung nand'yan naman ang matapang kong bestfriend para ipagtanggol ako hahahaha. ♡
P.S. Ang sakit pa rin ng tuhod ko. May sugat. Sana lang hindi maging peklat 'to. Huhuhu.
P.P.S. Ngayon ko lang narealize na ang haba na pala nitong sinusulat ko. Syet! 「(゚ペ)