Chereads / Love's Journal / Chapter 4 - PAGE FOUR

Chapter 4 - PAGE FOUR

PAGE FOUR

Nakakapagod at sobrang inaantok na rin ako pero ayokong matulog hanggat 'di ko nasusulat dito.

Yay! Pinayagan nga pala kami. Eng seye 'de be? Inartehan na naman kasi ni Rinneah sina Mama't Papa kaya pinayagan ako. Basta 'wag na 'wag lang daw kami magpapagabi at mag-iingat kami. Itong bestfriend ko na 'to, kunwari pa na hindi na raw niya ako ipapaalam, e hindi rin naman ako natiis. Siya rin naman kasi pinaalam ko. Malakas ako sa Mama niya, e. Isang paalam ko lang, oo agad. Kapag si Bebs ang nagpaalam, walang tiwala e hahahaha. Sabi nga ni Tita Rina, "Mag-ingat kayo, Larisse. Pasaway pa naman 'yan si Neah." Natawa na lang ako nang mapa-roll eyes si Bebs at hinila ako paalis.

Paikot-ikot lang kami sa Mall. Window shopping here, window shopping there. Gano'n talaga kapag parehong walang pera hahaha. Dumaan din kami sa Booksale dahil namimiss kong umamoy ng lumang libro. Hilig ko 'yon kahit hindi naman ako pala-basa ng libro. Gustong gusto ko lang talaga amuyin. Sabi nga ni Bebs, "Weird mo talaga. Ba't trip mo amoy niyan? Kung gusto mo ng lumang amoy, dapat sinabi mo na lang sa 'kin. May lumang medyas naman ako sa bahay. Nabubulok na nga. Free na lang." Pinandilatan ko nga ng mata nang mapatingin sa 'min 'yong babaeng nasa cashier. Hype! Nakakahiya. Baliw talaga 'to si Bebs e.

Pagsakay namin ng Jeep no'ng pauwi na kami, magbabayad sana ako nang mahulog ang limang piso ko. Dinampot ko at nahagip ng mata ko ang isang wallet. Kulay brown na leather na wallet. Halatang panlalake. Pasimple kong dinampot kahit dalawa lang naman kami ni Rinneah na nakasakay sa Jeep kanina. Nang makita nga niya, sabi niya agad, "Kanino 'yan?" Binigyan ko siya ng ewan-ko-look. Lumipat siya ng puwesto't lumapit sa 'kin. Tabing-tabi talaga at sinabing, "Makapal, Bebs? Baka tiba-tiba tayo diyan." Sinamaan ko nga ng tingin kaya tuloy tumawa siya at sinabing, "Joke lang." Nang buksan ko, isang litrato ng babae ang tumambad sa 'min. Isang lumang litrato dahil naninilaw at parang kumukupas na ito. 80's pa yata kinunan dahil sa kulot-kulot na buhok ng babae na nauso noon. Isa lang ang napansin ko at napansin din ni Rinneah, ang ganda ng babae nasa picture. "Haba ng pilikmata at 'yong kilay! Kilay goals, Bebs." Iyon din ang napansin ko. Maliit ang mukha, ilong at bibig pero syet ang ganda niya talaga. Sigurado akong noong kapanahunan nila, maraming nagkakandarapa sa kan'ya at kung 80's nga 'yon, kasing edad na rin siguro siya ni Mama.

Isa pang picture ng bata ang nakasiksik sa likod no'n. Mataba ang bata, maputi at soooobrang cute. Ang sarap pisilin ng pisngi. Ugh. Halatang anak niya dahil kamukhang-kamukha ng babae. "Ano ba 'yan. Kuripot 'yong may-ari. Ni isang kusing, walang iniwan." Nakurot ko si Rinneah dahil diyan kahit na alam kong nagbibiro lang siya. Baka mamaya marinig ng Driver, e. Pero totoo. Wala talagang pera pero nakapa ko may isang maliit na silver na singsing. Sa unang kapa, 'di mo mapapansin na merong singsing dahil nasa kadulo-dulohan nakatago. Infinity ring 'yon. Mayro'n din isang nakatuping papel na parang letter. Nasabi ko tuloy,

"Bebs, kanino kaya 'to para maibalik ko?" Sagot naman ni Rinneah, "Ba't ibabalik mo pa? Wala naman laman. Itabi mo na lang. Baka nahulog lang 'yan ng may-ari nang sumakay siya rito. Hindi mo na mahahanap 'yon." Tama naman siya kasi kahit isang i.d wala rin akong nakuha.

Siguro nga itatago ko na lang 'yon dahil imposible talaga na mahanap ko pa ang may-ari no'n. (´・_・`)