Chereads / Denying Beauty (Tagalog Version) / Chapter 5 - Kabanata IV

Chapter 5 - Kabanata IV

Hindi parin humuhupa ang tensiyon. Lalo pa nang nagsimula nang magbulungan ang mga estudiyante tungkol sa pardon na iyon.

"So, you're defending her?"

"I am." Taas-noong sagot ni Zen.

"How did she became your girl?" kyuryosong tanong ni Vaughn habang binibigyan ako ng isang nanghahamak na tingin.

"Ngayon ko lamang nalaman na interesado ka pala sa lovestory ng ibang tao, insan." Pang-aasar naman ni Zen. Napailing nalang sa huli si Vaughn. Bigla naman nagseryoso si Zen.

"I got her." Ani Zen.

"You want me to give her a pardon." Hindi iyon tanong. Diretso ang tingin na ibinigay ni Vaughn sa seryoso na ngayong si Zen.

"Yes, obviously." Simpleng sagot lamang niya. Nagpapapalit-palit naman ang tingin ng mga estudiyanteng nakapaligid sa amin.

"No, Vaughn. Wag mo siyang bigyan ng pardon." Maarteng turan naman ni Dara at kumapit sa braso ni Vaughn. "Honey, wag mo siyang bigyan ng pardon." Dagdag pa niya at ipinaling ang mukha ni Vaughn upang iharap sa kaniya gamit ang isang kamay nito. Tinanggal lamang naman ito ng huli at diretso naman na tumingin sa akin.

"Why would I give you a pardon?" Nananantiya ang tingin niya habang sinasabi ito sa akin.

Sa tulong ng pagkakaakbay ni Zen ay mas madali niya na lamang na nailapit ako sa kaniya. Hinihiling ko lamang talaga na hindi niya maramdaman ang nagsisimulang panginginig ko. "Because she's my girl… And it is included in the rules, right?" ani Zen. Halata naman ang pagtiim-bagang ni Vaughn habang nakatingin siya sa aming dalawa. Mas tumalim din ang kaniyang pagkakatitig. Pero sa huli ay unti-unti nanaman itong nawalan ng emosiyon.

"Okay." Diretso ang tingin na saad ni Vaughn.

"What? No way, Vaughn! Ipinahamak ako ng babaeng yan. Hindi mo—"

"At malilintikan ka na talaga sa akin kapag hindi mo pa itinigil ang kakasigaw mo. Tandaan mo, hindi ka ganoon kaimportante, at hindi ko hinihingi ang opinyon mo." May pagbabantang saad ni Vaughn kay Dara, na siya namang ikinatahimik noong huli.

"So, pa'no? Okay naman na siguro ang lahat. Aalis na kami at nagugutom na kami. Babye." Saad naman ni Zen at tinangay na ako paalis.

"Kain ka pa. Ampayat-payat mo. Mataba pa buto mo kesa laman." Komento ni Zen habang sunod-sunod na nilalagyan ng pagkain iyong pinggan ko.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudiyante dito sa cafeteria. Simula pa lamang nang pumasok kami dito. At mabilis ring kumalat iyong pardon na nakuha ko.

"H-hindi ko naman mauubos 'yan lahat."

"Anong hindi? Kaya mo 'yan. Tiyaka kailangan 'yan ng katawan mo." Wala na din akong nagawa nang halos punuin niya na iyong pinggan ko. Ilang saglit pa ang lumipas nang naglakas-loob akong magtanong.

"Ano ba iyong pardon na sinasabi nila? Bakit ako nabigyan ng pardon?" nahihiya kong tanong. Sinusubukan ko namang tignan siya ngunit hindi ko talaga matagalan dahil halos hindi naman niya ginalaw iyong pagkain niya, at nakangiti lamang na nakatingin sa akin.

"Akala ko hindi mo na itatanong eh."

"Ano nga iyon?"

"Ganito 'yan, kapag natipuhan o inangkin ka ng isang miyembro ng Quartz, I mean, iyong mga babaeng may tatak ng ekis gaya mo, makakawala ka na sa sumpang dala ng tatak. Ganoon kasimple." Paliwanag niya.

"Quartz? Ano naman ang Quartz na 'yan?"

"Pati iyon, hindi mo alam? Tsk. Tsk. Ang Quartz ay isang grupo na binubuo ng labing anim na miyembro at apat na pinuno. Tatlong lalaki at isang babae. Magpipinsan kaming lahat. Apat lamang naman kaming magpipinsan kaya madali na lamang malaman kung sino-sino ang pinuno ng Quartz. Sa ngayon, tatlo pa lamang kaming kilala dito. Si Vaughn, ako at si Freia na dati ding nag-aral dito. Yung natitirang hindi pa kilala ay si Blaze na pinakamailap talaga sa amin."

"So, ano nang mangyayari sa akin ngayon?" Lito kong tanong. Tiyaka pa lamang ako tumingin sa kaniya na siyang hindi ko pala dapat ginawa dahil halos magkandaduling nanaman ako sa lapit ng distansya namin. Napakagat-labi ako at naiilang na lumayo ulit na siya namang ikinangisi niya.

"Mangyayari sa'yo? Hindi pa ba halata? Akin ka na… unless gusto mong magpatuloy ang pagpapahirap nila sa'yo." Sa pagkailang sa tinging ipinupukol niya sa akin ay nag-tanong ulit ako.

"I-iyon lamang ba talaga ang paraan?" Mas lumaki ang ngisi sa labi niya.

"Mayroon pa naman. Pero ito kasi iyong pinakamaganda, plus,may benefits ka pa. Isipin mo, ligtas ka na sa kahihiyan, magbubuhay reyna ka pa. Welcome, baby." Mayabang niyang saad. Hindi ko na lamang ito pinansin.

"Ano pa ba iyong iba?"

"Awww… sinasaktan mo 'ko, Eve. Ayaw mo ba sa akin? Full package na, aayawan mo pa? Ikaw lamang ang gagawa nito." Iiling-iling niyang saad.

"May iba pa bang paraan?" pag-uulit ko at seryoso siyang tinignan. Pinilit ko talagang tatagan ang tingin ko kahit halos matupok na ako sa nagbabagang tingin na ibinibigay niya sa akin. Tiyaka lamang siya nagseryoso ulit.

"Pwedeng lumipat ka ng papasukan, pero I doubt kung may makita ka pang mas maganda o kasing ganda ng Arden International University. Pwede ring, katulad ng iba… magpakamatay ka. Pero siyempre, hindi ka naman tanga para gawin yun." Natatawa niyang sabi.

"Magpakamatay…" Tulala kong bulalas nang maalala yung mga litrato ng mga estudiyanteng nagpakamatay dahil sa tatak.

"May isa pa." Makahulugan niyang saad.

"Ano?" Interesado kong tanong. Nagtaka naman ako nang bigla siyang umiling-iling habang medyo natatawa pa.

"Hindi mo yun gagawin."

"Hindi ko gagawin? Bakit parang siguradong-sigurado ka na? Hindi mo pa ako ganun kakilala, ipapaalala ko lamang sa'yo." Makahulugan at matapang ko ding turan. Idineretso niya nanaman ang pagitan namin at ibinulong ang mga salitang nakapagpakilabot sa akin.

"Magpapagalaw ka, pero hindi mo malalaman kung kanino. Gagawin mo?"

"Hirap o Sarap?" paulit-ulit kong basa sa isang linya sa istoryang binabasa ko ngayon. Maihahalintulad din kasi ito sa sinabi kanina ni Zen.

Nang hindi makatiis ay madiin kong itinaklob iyong unan na yakap-yakap ko sa mukha ko. Halos magdugo na din ang ibabang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko dito.

"Nakakahiya ka!!!" impit kong sigaw habang nakataklob ng unan. Maya-maya lamang ay inalis ko ito at napatulala na lamang sa kawalan. Ipinuwesto ko ang kanang braso ko sa noo ko at inalala ang nangyari kanina.

Nang sabihin ni Zen ang huling paraan para makawala sa sumpang dala ng tatak ay agad kong naibuga sa mismong mukha ni Zen ang kinakain ko. Ilang segundo din akong natulala bago ko naisipang daluhan siya at tulungang pahidin ang mga pagkain na napunta sa mukha niya. At ang kaninang medyo may kaingayang kainan ay binalot ng katahimikan. Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha ni Zen nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "You. Woman." Tiim ang bagang niyang saad at hinihimay-himay pa ang mga salita. Madidiin ito at may pagbabanta.

"Haist. Bakit mo ba kasi ginawa yun?" inis kong pagkausap sa sarili ko. "Okay nagulat ka, pero bakit kailangan mo pang ibuga sa kaniya iyong kinakain mo? Ang tanga-tanga mo talaga!" ilang saglit lamang ay napatigil ako sa pagpukpok sa sarili ko nang may mapagtanto ako.

"H-hindi kaya mawala iyong pardon na nakuha ko?" Nag-aalala kong saad. Sariwa pa sa akin ang mga galit at nanunumbat na ekspresiyon mula sa mga estudiyante kanina, mapababae man o mapalalaki. Ngayon naman ay inuuntog-untog ko na ang ulo ko sa pader na sinasandalan ko. Natigil lamang ito nang makarinig ako ng katok mula kay tita, at ang sumunod na sinabi nito ang mabilis na nagpabangon sa akin.

"Eve, si Aela. Iyong sinabi mong kaibigan mo? Nandito ngayon, hinahanap ka!" Aela!

Mabilis kong tinawid ang distansya namin ni Aela matapos kaming iwan ni Tita para makapag-usap at gawan na din kami ng makakakain. Napakahigpit ng ibinigay kong yakap sa kaniya at sinuklian din naman niya ito ng kaparehas na intensidad.

"Aela! Ba't antagal mong nawala? Nag-alala ako sa'yo!" naiiyak kong sambit sa kaniya nang maghiwalay na kami.

"Na-miss kita, Eve!" sagot niya lamang at niyakap ulit ako na buong puso ko namang ginantihan.

"Na-miss din kita. Ilang araw kang nawala. Saan ka ba nagpunta? Si Va—I mean, iyong prinsipe? Anong ginawa niya sa'yo?" Nag-aalala kong tanong. Habang sinisipat siya. "B-bakit balot na balot ka?" tanong ko pa. "Teka, umupo muna pala tayo. Tara!" Dagdag ko pa nang maalalang nakaharang kami sa daan. Iginiya ko siya papunta sa sala namin at pinaupo.

"P-pasensiya ka na, hindi ka siguro komportable sa upuan." Komento ko nang makita ko ang pagngiwi niya.

"H-hindi. Okay lang naman." Sagot niya lamang.

"Ahm, b-bakit ka nga ulit balot na balot." Sasagot na sana siya nang dumating si tita at naghain ng pagkain at maiinom.

"Tita, si Aela nga po pala. Aela Kaye Mondejar." Pormal kong pagpapakilala kay Aela. Tumayo naman si Aela para makipagbeso kay tita.

"Nice to finally meet you po, tita?" tumingin sa akin ng alanganin si Aela.

"Aida. Aida Madrigal. Kapatid ako ng nanay ni Eve." pagpapakilala naman ni tita.

"Nice to meet you po ulit, tita Aida." pagkatapos noon ay iniwan na kami ni tita para makapag-usap. Tila tumaas naman ang tensiyon nang iniwan na kami ni tita at nagpaalam na lalabas lamang saglit.

"Ah, ano nga pala ulit ang nangyari sa'yo? Sabihin mo sakin, El. Anong ginawa sa'yo ng hayop na lalaking iyon!" sa tanong kong iyon ay  bigla na lamang humikbi si Aela at isa-isang inalis ang mga nakataklob sa kaniyang katawan at mukha. Pati ang scarf na suot niya ay kaniyang inalis, hinuli niya ang kaniyang salamin at may parang balat na tinanggal sa isang bahagi ng kaniyang pisngi malapit sa bibig at nalantad ang medyo may kalakihang pasa. Napatakip naman ako sa bibig ko nang tuluyan ko nang masilayan ang kalunos-lunos na sinapit niya.

Maga ang mata, kulay ube ang leeg na parang sinakal, marami ding latay ang braso niya at iba pang nakikitang balat, at ang pasa niya nga sa pisngi.

Itinaas niya ang kaniyang damit at kita din na maging ang tiyan niya ay may mga latay pero hindi na ganoon kahalata.

"A-anong... B-bakit..." Hindi na ako makakompleto ng pangugusap dahil sa labis na pagkabigla. Dahil sa kawalan ng masasabi ay binigyan ko na lamang ulit siya ng yakap na alam kong kailangang-kailangan niya ngayon.

"N-nanlaban ako, Eve. Nanlaban ako at ito ang napala ko. S-sabi niya, wag na wag daw akong susuway sa kaniya." Parang batang sumbong niya sa akin habang hinihimas ko naman ang likod niya. "P-paulit-ulit niya kong binaboy. Napakasama niya, Eve! Ang sama-sama niya!" dagdag niya pa. Paulit-ulit naman ako sa paghingi ko ng tawad sa kaniya dahil alam ko na isa din ako sa dahilan kung bakit niya ito sinapit.

"I-ilang araw niya akong kinulong sa silid-parausan. Diring-diri ako sa sarili ko!" saad niya pa at lalong lumalakas ang kaniyang paghikbi. "Takot na takot ako. Ni hindi ko alam kung may balak pa siyang ilabas ako nang mga panahon na iyon. T-tapos, ito-" ipinakita niya sa akin ang mga paso niya sa likod at dibdib. "Halos mabaliw ako, Eve! HALOS MABALIW AKO!" Saad niya pa at mas lumakas ang pagngawa niya. "At ito pa–" sunod naman niyang ipinakita ang mga latay niya. "Hinahagupit niya ko! Gustong-gusto niya kapag umiiyak ako, kapag nagmamakaawa ako!" kinakabahan ako dahil halos hindi na siya makahinga dala ng labis na pag-iyak. "Demonyo siya. Demonyo. Demonyo!"

"Sshh... Tahan na, El." hindi ko alam kung may karapatan ba akong patahanin siya gayong halos magkasing-lakas lamang kami ng iyak.

Matapos ang ilang minutong iyakan ay medyo naging maayos na ang atmospera at bumaba na ang tensyon.

"Kaya ngayon lang din ako nagpakita dahil noong isang araw niya lamang ako pinalaya at nagkulong muna ako sa kwarto ko. Alam mo naman diba? Mag-isa lamang ako sa bahay dahil nasa ibang bansa sila mommy. So, ako lang talaga ang nagcomfort sa sarili ko. Sinubukan ko ding tawagan iyong mga kaibigan ko pero wala ni isa sa kanila ang available. Ang kapal nga ng mukha ko kasi pati iyong ex ko tinawagan ko. Ayun, binabaan niya lang ako ng  phone matapos niyang sabihing hindi niya ako kilala. Ang sakit, Eve. Ang sakit-sakit sobra. Kung sino pa iyong mga taong inaasahan kong dadamay sa akin. Sila pa pala yung walang pakialam. Kaya nga, nagpapasalamat talaga ako at nandito ka." nag-uumpisa nanamang dumaloy ang luha sa kaniyang pisngi.

"Hayaan mo. Hilingin na lamang natin na sana, sana karmahin na ang lalaking iyon at pagbayaran niya ang lahat ng kasamaang ginawa niya."

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago naisipan nang umalis ni Aela. Ayaw ko pa sana siyang paalisin dahil gabi na at dito ko na lamang siya papatulugin, ngunit sinabi niyang hinihintay na siya ng driver niya kaya hinayaan ko narin

"Oh? Umuwi na si Aela? Sayang naman itong mga snacks na pinamili ko." May panghihinayang sa boses ni tita. "Ni hindi niyo man lamang masyadong ginalaw iyong pagkain, pangit ba iyong lasa?" malungkot niya pang sabi.

"Hindi po, tita. Busog lamang po talaga kaming pareho." Dahilan ko na lamang kahit na puro talaga kami iyakan kanina kaya halos hindi na namin nagalaw iyong pagkain. Iyong juice lamang iyong naubos.

"Ganoon ba? Sige, itatabi ko na lamang nga ito." may panghihinayang pa din sa boses ni tita ngunit binalewala ko na lamang ito at umakyat na sa itaas. Pagod na din ako kaya matutulog na ako.

Hindi naman ako nabigo sapagkat pagkahigang-pagkahiga ko pa lamang sa kama ay nilamon na ako ng antok.

Malakas akong napatili nang walang kahirap-hirap niyang winarak ang damit ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagtulak sa kaniya kahit wala naman talagang silbi dahil sa lakas niya.

Parang uhaw na uhaw at gigil na muli niyang inilapit ang labi niya sa akin at nilamukos ako ng halik. Bigla naman siyang napaatras nang buong lakas kong kinagat ang labi niya. Ngunit hindi doon nagtatapos dahil imbes na tumigil ay tila mas ginanahan pa siya sa panlalaban ko. At wala na akong nagawa nang pagdiskitahan naman niya ang dibdib ko.

"Damn! You taste so good!" tila baliw niya pang saad.

"Pakiusap. Itigil mo na. Maawa ka sa akin. Pakiusap." saad ko pa. Dama ko ang unti-unting pagkaubos ng enerhiya ko dahil sa pinagsamang pag-iyak at panlalaban sa kaniya.

Kilabot ang bumalot sa akin nang hatakin niya naman ang saya ko. Buong lakas niya nanaman akong kinulong nang magpumiglas nanaman ako. Paulit-ulit akong nagmakaawa hanggang sa halos maubusan na ako ng boses nang pati ang panloob ko ay ibinaba niya na din matapos niyang baklasin ang bra ko.

Nagsimula ulit siyang dilaan ang dibdib ko pababa. Tigmak na ng luha ang pisngi ko at doble na sa nginig ang katawan ko nang umabot na siya sa pinakamaselang bahagi ng katawan ko.

"Don't worry, my sweet angel. You'll like it. I'll be gentle to you."

"In 60 seconds, pass your answer sheets!" Istriktong anunsiyo ng propesor namin. Ang ibang mga kaklase ko ay naghahapit na ng sagot, ang iba naman, kasama ako, ay nagpapasa na. Hindi rin nagtagal ay naipasa na ang lahat ng papel.

"Okay class, listen! Siguro naman alam niyo na malapit na ang AIU Sports Fest. So, for your sports fest, napag-desisyunan namin na magkaroon ng palaro for by twos lang. I have here a box consisting all the names of the students here, so sobrang laki ng chance na galing sa ibang courses ang magiging partner niyo. Inuna ko na sa bunutan ang section  niyo. Iyong mga mabubunot niyong partner ay exempted na sa bunutan." Pagkatapos ay isa-isa nang tinawag ng propesor ang mga apelyido base sa pagkakasunod-sunod nito.

Nang ako na ang tatawagin ay tumayo na din ako para bumunot. Hindi niya muna pinabuksan sa amin ang papel na binunot namin dahil sabay-sabay daw namin itong bubuksan.

"Okay, pwede niyo nang buksan ang mga nabunot niyong papel. And students, goodluck." Magaan ang ngiti ng propesor nang sabihin niya ito na siya namang kabaliktaran ng ekspresiyon ko pagkabuklat ko ng nakarolyong papel. Hindi rin nagtagal ay kinolekta na niya ang mga papel para sa listahan ng mga magkakapareha. Matagal pang nagpapalit-palit ang tingin ng propesor sa akin at sa papel na hawak niya bago siya naglakad ulit para kolektahin ang iba pang papel.

"Class Dismissed. Ms. Maria, mamayang uwian ay gusto kong dumiretso ka muna sa faculty at may sasabihin ako sa'yo." Pagkatapos ng paalamanan ay umalis na din siya.

'Arden, Vaughn Zephyr X.'

Bakit ba ang malas-malas ko?

Maingay ang silid dahil sa pinag-uusapan nila ang kani-kanilang mga partner sa gaganaping sports fest. Ang iba ay naiinis pa dahil sa hindi daw nila kilala ang magiging kapartner nila at baka mahirapan silang mag-adjust sakaling hindi sila magkasundo. Ang iba naman ay lubos na natutuwa at excited para sa makakapartner nila.  Samantalang ako ay nanatili lamang tahimik at tulala sa upuan ko. Kung nandito lamang sana si Aela ay may mapagsasabihan ako.

"May nakabunot ba sa kaniya?" malakas na tanong ng isa naming kaklaseng babae at sunod noon ay nagtinginan sila ng makahulugan.

"Wala?" may panghihinayang na saad naman noong isa.

Natigil lang ang usapan nang dumating ang sunod na propesor. Ngunit hindi pa din maiiwasan ang mga pasimpleng pag-uusap kaya naman paminsan-minsan ay may nasasaway ang guro.

Pansin ko lamang na simula nang dumating ako ay wala pang nagtangkang kausapin ako o ni tignan ng masama, maliban na lamang siyempre kay Sir Domingo. Yung prof. na inakusahan akong hindi nagpasa ng papel.

Breaktime na. Nakakagulat nga at walang Zen na umaaligid sa akin. Kahapon lang kasi ay halos hindi na niya ako layuan. Nainis kaya talaga siya noong binugahan ko siya? Ngunit hindi ko naman kasi sinasadya iyon eh. Nagulat kasi talaga ako sa sinabi niya. At prenteng-prente pa siya noong sinabi niya iyon.

Tahimik akong kumakain nang may kumalabit sa aking lalaki at nakayukong binigyan ako ng nakatuping papel. Ni hindi niya ako tinignan at pagkabigay na pagkabigay niya ng papel ay agad na siyang naglakad paalis.

Nagtataka kong binuksan yung papel. Hindi ako komportable dahil sa mga pasimpleng paglingon-lingon nila sa akin. Halatang interesado din sa papel na natanggap ko.

You might be a queen right now. But it won't last.

"You might be a queen right now. But it won't last." napakahina kong basa.

Si Dara lamang naman ang alam kong malaki ang galit sa akin na gagawa nito. Ano nanaman bang pinaplano niya? Ganun ba talaga kalaki ang galit niya sa akin at ilalatag niya pati ang reputasyon niya bilang una sa hanay ng mga babae ni–ng prinsipe.

Hindi lingid sa kaalaman ko na pareho kaming malilintikan kapag nalaman ng Quartz na may alitan kami.

Sa akin naman ay ayaw ko naman talaga ng away. Iniiwasan ko na nga siya, ngunit siya ang pilit na gumagawa ng paraan upang magkabanggaan kami.

Akala ko pa naman ay payapa na ang buhay ko matapos ideklara ni Zen na ako ang reyna niya.

Naudlot ulit ang pagkain ko nang may kumalabit nanaman sa akin at sinabi ang mga katagang nagbigay nanaman sa akin ng kaba.

Pinapatawag ako ni Vaughn. Ngayon na.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na likas na mainipin ang lalaking yun. Ngunit ayos lamang ba na ipatawag niya ako gayong alam ng lahat na pag-aari ako ni Zen?

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko sa takot na baka mainip siya sa akin. Mabilis ang bawat lakad ko hanggang sa makarating sa lugar kung saan niya ako hinihintay.

"P-pinapatawag mo daw ako?"

***

-GiocosaRagazza

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊