Chapter 12 - Chapter 9 (.2)

Jassy POV

"Hey Jas, wake up. Andito na Tayo" rinig kong saad ni Monica kaya iminulat ko na ang aking mata.

"Sorry" saad ko habang kinukusot ang aking mata.

"Asan na si Maryline?" takang tanong ko ng hindi ko siya makita sa labas.

Tinuro naman siya ni Monica, "Ayun oh nauna na" saad nito at ngumiwi. Ibang klase talaga ang babaeng iyon. She's walking like a model while wearing a sunglasses and holding her luggage.

"Let's go" kuya Justin said so I handed my luggage and we walk towards the entrance. Air fly my long black hair so I stop and tied it.

When we reached the entrance two men open the entrance door "Welcome to Casa De Rio Beach Resort Madame, Sir" they greeted us and bow so we give them a genuine smile and enter the hotel.

"Ang tatagal niyo" reklamo ni Maryline at pinaikutan kami ng mata. "Your attitude Maryline" cold na saad ng aking Hubby.

"Tara na nga kuya" malumanay na saad ni Monica kaya tumango naman ang aking hubby at lumapit sa front desk.

"Good afternoon Sir. Welcome to the Casa De Rio Beach Hotel . How may I help you?" nakangiting turan ng receptionist.

"I have a reservation for today. It's under the name of Justin Olivarez." sagot naman ng aking hubby. Ang gwapo niya yung tipong anghel na bumaba sa langit upang ako'y anakan ng isang daan, joke lang basta anghel siya.

"Can you please spell that for me, sir?" saad ng receptionist habang nagpapacute sa hubby ko.

"Aba aba! Alam kong gwapo 'yang asawa ko pero pigilan mo 'yang kakatian mo" saad ko syempre sa isip ko lang. Nakita kong pasimpleng pinaikot ni Maryline ang kaniyang mata.

"J-U-S-T-I-N-E O-L-I-V-A-R-E-Z" sagot naman ng aking hubby. inespelling pa talaga namumuro na tong babaeng ito ah

"Yes, Mr. Olivarez, we've reserved a 4 rooms for you with a view of the ocean for one  night. Is that correct?" saad nung babae habang nag papacute parin sa hubby ko.

" Yes, it is." sagot naman ng hubby ko.

Kagigil sobra. Napaikot ko nalang ang aking beautiful eyes dahil sa sobrang gigil.

"Excellent. We already have your credit card information on file. If you'll just sign the receipt along the bottom, please." saad nung babae ng biglang sumingit si Maryline at inigaw ang receipt.

"Five hundred and ninety dollars a night" taas kilay na saad ni Maryline.

"Yes, Madame. We are a five star hotel after all." sagot nung babae at ngumiti.

"What's included in this cost  anyway?" tanong ni Maryline habang naka taas ang kaniyang kilay.

" A full Continental buffet every morning, free airport shuttle service, and use of the hotel's safe are all included." sagot nito.

"So what's not included in the price?" tanong ni Maryline, ang tagal naman kainis.

"Well, you will find a mini-bar in your room. Use of it will be charged to your account. Also, the hotel provides room service, at an additional charge of course." taas kilay na sagot nung babae, tapang a tao.

"Hmm. Ok, so What a room we were In?" tanong ni Maryline.

"Room 487,488,489,490. This is the key. To get to your rooms, take the elevator on the right up to the fourth floor. Turn left once you exit the elevator and your room will be on the left hand side. A bellboy will bring your bags up shortly." Paliwanag nung babae kaya tumango kami.

"Thanks." tipid na sagot ni Maryline at kinuha ang susi.

" Should you have any questions or requests, please dial 'O' from your room. Also, there is internet available in the lobby 24 hours a day." saad muli nung babae kaya tumango kami. Akala mo naman kinakausap kaming lahat.

" Ok, thanks." Sagot ni Maryline at tumalikod na. "Let's go" saad ni Maryline kaya tumango kami at sumunod na sa kaniya.

"My pleasure, madame. Have a wonderful stay at the Casa De Rio Beach Resort" pahabol nung babae.

"Natapos sana ng mas mabilis kung ako ang nagtanong, May gana pang magpacute ang babaeng 'yon" saad ni Maryline nang makapasok kami sa Elevator.

"Nakakangalay kaya tumayo ng matagal" sunod na saad ko kaya dinig kong bumuntong hininga si kuya Justin.

"Stop it girls, Sobrang gwapo ko kaya ano pang aasahan niyo?" Sagot ni Kuya Justin.

Lakas amats ng hubby ko.

"Of course kuya Gwapo ka at maganda ako nasa lahi natin ang magaganda at Gwapo kaya Huwag ka ng mag taka pa kuya" sagot ni Maryline kaya napangiwi nalang kami ni Monica. Nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na kami sa pupuntahan namin.

"Sa 490 nalang ako" turan ko ng makalabas kami sa elevator kaya iniabot naman saakin ni kuya Justin ang Card.

"Una na po ako" sagot ko ng makuha ko ang card.

"Sige mag palit na kayo at kakain na Tayo" saad ni kuya Justin kaya tumango kami at tinungo ko naman ang kwarto.

"Nakakapagod" bulong ko at humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame dahil nagtataka parin ako kung bat kami ipinunta dito ni Kuya Justin ng biglaan.

Baka naman may importante siyang gagawin dito o baka mag propropose na siya sa akin?

Gosh Jasmin dream on! Napabalikwas nalang ako ng tumunog ang Cellphone ko.

"Bakit tumatawag si Monica?" tanong ko sa sarili ko.

"Hello?" patanong na bati ko noong nasagot ko ang tawag ni Monica."Jas dalian daw natin sabi ni kuya kasi andito 'yong girlfriend niya and ipapakilala daw  niya Tayo" sagot ni Monica na ikinaguho ng Mundo ko.

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya....

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya....

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya.....

girlfriend ni kuya....

Parang sirang plaka na paulit ulit na pumapasok sa aking utak.

Pumasok ako sa banyo na parang walang buhay dahil sa narinig ko. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumausdos ang tubig sa aking katawan. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Akala ko wala siyang girlfriend pero akala ko lang pala.

Lumabas ako ng banyo na umiiyak. Gosh para akong timang. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Clifford.

"Hello?" bati ni Clifford ng masagot niya ang tawag.

"Asan ka?" tanong ko sa kaniya.

"Sa Casa De Rio Beach Resort,why?" sagot nito na ikinagulat ko.

" Pwedeng mag kita Tayo?" tanong ko sakaniya,"Sure, Asan ka ba?" tanong nito.

" Casa De Rio Beach Resort" sagot ko at bumuntong hininga,"woah! Sige, I'll wait you in the Entrance" sagot nito kaya pinatay ko ang tawag at nagpalit na.

"Bakit ka pala biglang nakipag kita saakin? May problema ba?" tanong ni Clifford ng makarating ako sa Entrance.

Oo nga no bakit ko siya tinawagan? Aish. "Ewan ko?" patanong na sagot ko at tumawa.

"Eh?" takang tanong nito at kumunot ang kaniyang noo.

"May i-itatanong lang s-sana a-ako" utal na sagot ko. Jusko ano ba itong pinasok ko, Ang tanga mo Jassy.

"Tara sa Restaurant ng Resort" saad nito kaya tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko at ini-off ito.

Habang naglalakad kami ni Clifford bigla itong nag tanong, "Bakit ka pala napadpad dito?" tanong nito kaya ngumiti naman ako,"Yung kapatid ni Maryline isinama kami dito" sagot ko sa kaniya kaya napatango ito,"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya at bigla nalang ito napatigil,"May problema ba?" tanong ko muli sa kaniya.

"Wala naman" sagot nito.

Ang weird niya.

Nang makarating kami sa Restaurant ay nag hanap kami ng Upuan at nag order, "So ano pala yung itatanong mo?" tanong ni Clifford.

Omaygas! Ano nga ba ang itatanong ko?

"N-nakalimutan ko kung ano iyon" sagot ko at ngumiti ng pilit.

Kita naman ang pagtataka sakaniyang Mukha buti nalang at dumating ang order namin.

"Asan pala sina Maryline?" tanong ni Clifford.

"Hindi ko Alam" sagot ko at isinubo ang mushroom.wait? M-mushroom? Sh*t! Yung allergy ko.

"Are you okay?" tanong ni Clifford kaya tumango ako at bigla nalang ako sininok."E-excuse gagamit lang ng cr" sagot ko at dali daling tumakbo patungong Cr.

Nang makarating ako isinarado ko ang pinto ng buong Cr. "Hindi nila ako pwedeng makita ng ganto." bulong ko kaya dali dali kong kinuha ang ointment sa aking bag pero kamalas malasan ay hindi ko dala.

"Miss pwedeng pakidalian?Sobrang naiihi na kami" turan ng nasa labas pero hindi ako umimik.

"Miss ano bang ginagawa mo diyan at bakit pati buong Cr Kailangang ilock mo?" tanong naman ng isa. Hindi narin ako makahinga ng maayos.Fvck!

Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at ng kakalabitin ko na sana ang lock upang mabuksan bigla nalamang ako natumba at nauntog sa pintuan at ito ang sanhi ng pagkawala aking malay.