Chapter 15 - Chapter 12

Jasmin POV

"Wala ka bang bibilhin?" tanong ni Clifford sa akin habang nasa loob kami ng kaniyang kotse. Pauwi na kami ngayon at sa kaniya ako nakisabay dahil hindi din naman kami kakasya sa kotse nila Maryline dahil meron ang kaniyang sister-in-law.

"Sa Wan Cha muna tayo" sagot ko kaya tumango naman siya.

Dahil wala din lang naman akong ginagawa dito sa loob ng kotse inilabas ko nalang ang cellphone ko at binuksan ang IG ko pero nag sisi ako ng makita ko ang picture ni kuya Justin at Angelica, ini-off ko nalang at ibinalik sa bag ko.

"Iidlip muna ako" turan ko bago ipinikit ang aking mata.

-

Bigla nalamang akong nagising dahil parang may nakatitig sa akin kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maimulat ko ay nagulat ako dahil anlapit ng mukha ni Clifford sa mukha ko.

"Sorry" turan ni Clifford at mabilis na umupo sa driver seat.

"Ginigising kita kanina pa pero napasarap ata tulog mo" dagdag nito kaya napatango na lamang ako.

Ginigising? bakit pa niya kailangang ilapit ang kaniyang mukha?

"Huwag assumera Jassy" bulong ko sa sarili ko.

"Tara na?" tanong nito na nakapagpabalik sa diwa ko.

"Tara" sagot ko at binuksan na ang pintuan.

Nang makalabas ako ay nilanghap ko ang sariwang hangin, tinatangay din nito ang aking buhok kaya itinali ko nalang kaysa liparin, inakbayan ako ni Clifford ng makatapat kami sa entrance ng Wan Cha.

Gumawa pa ng issue ang mokong na ito.

"Huwag mo nga akong akbayan maissue pa tayo e." turan ko at tinanggal ang kaniyang kamay na naka akbay sa akin.

"take out or dine in?" tanong ni Clifford ng makapasok kami.

"Dine in nalang" sagot ko kaya nag hanap na kami ng mauupuan.

Dito sa may bandang likuran na malapit sa bintana ang napili naming pwesto. Si Clifford na ang pumila para umorder ng pagkain.

Nang maka upo ako ay bigla nalang may nag vibrate mula sa aking sling bag kaya binuksan ko ito at nakita ko na andito ang cellphone ni Clifford. Bakit kaya andito? tinignan ko kung bakit nag vibrate ang cellphone, tumatawag pala ang syota niya.

Mamaya ko nalang sabihin dahil pag iniwan ko itong pwesto namin ay makuha pa ng iba. Patuloy parin sa pag vibrate ang cellphone niya kaya pinindot ko nalang ang mute dahil nakakarindi.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating nadin si Cliffor habang dala dala ang mga pagkain.

"Girlfriend mo pala tumatawag" turan ko at iniabot sa kaniya ang cellphone niya, kinuha naman niya ito.

"Bakit hindi mo sinagot?" tanong nito.

baliw ba siya? alangang sagutin ko tawag ng girlfriend niya edi mapapaaway nanaman ako dahil sa kasama ko siya.

"Ayokong mapaaway no" sagot ko at sinumalan ko ng kumain. Rinig ko naman na natawa siya kaya iniangat ko ang tingin ko.

"Oh bakit ka tumatawa?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"wala lang" sagot nito kaya napangiwi nalang ako at itinuloy ang pagkain.

Dahil sa sobrang tahimik ako na ang unang nagsalita,  "Bakit ka pala pumunta sa Casa De  Rio?" tanong ko kaya dahan dahang nanlaki ang kaniyang mga mata.

"About business lang" simpleng sagot nito at iniwas ang tingin.

"Okay" simpleng sagot ko.

-

"Pasok ka muna" turan ko kay Clifford ngunit ngumiwi siya, "kailangan ko ng umuwi para makapag pahinga pa ako kita nalang tayo sa school bukas" sagot nito kaya naman tumango ako.

"sige salamat pala mag ingat ka sa pag mamaneho" sagot ko kaya pumasok na siya sa kotse niya.

"sige una na ako" sagot nito.

"bye bye" sagot ko at hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa bahay.

"Manang andito na po ako" turan ko at yinakap si Manang.

"Maligayang pag balik,hija" nakangiting turan ni manang habang yakap-yakap ako.

Sobrang swerte ko talaga kay manang.

"Asan po sila kuya? nag basketball nanaman po ba sila?" tanong ko kay manang.

"Alam mo naman ang mga kuya mo" natatawang sagot ni manang.

"si Claude po asan siya?" tanong ko kay manang pero napakamot naman siya sa kaniyang batok.

"Isinama siya ng mga kuya mo" sagot ni manang kaya napatango nalang ako.

"ah sige po, akyat na po ako pakitawag nalang po ako pag kakain na po" turan ko kaya naman tumango si manang.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay humiga muna ako sa kama para mag pahinga bago maligo.

pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ang sling bag ko at kinapa ito.

"Hello, sino ito?" tanong ko ng masagot ko ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ito.

"It's me clifford, nakuwi na ako" sagot nito kaya naman naikot ko ang aking mata ng wala sa oras. Iyon lang naman pala ang sasabihin.

"Magpahinga kana dahil alam ko na napagod ka gaya ko" natatawang sagot ko at napangiwi.

"May date pa kami ni Kristel" sagot nito kaya kumunot ang noo ko.

"Jusko bakit hindi niyo nalang ipagpabukas iyan para naman makapag pahinga ka" sagot ko at ipinikit ang aking mata.

ibang klase din ang kaniyang girlfriend alam niyang kagagaling sa isang business meeting si clifford tatawagan niya ito para makipag date.

"Matutulog muna ako,bye" turan kong muli at pinatay na ang tawag.

----

Clifford POV

Habang pauwi ako ay tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa aking tabi.

Babe Calling....

"Babe pwede ba tayong mag date?" masayang turan ni kristel ng masagot ko ang tawag.

"Babe alam mo naman na galing ako sa business meeting, I'm tired and I need to rest" sagot ko kaya naman pinatay niya ang tawag. Mga babae nga naman pag sinabi na dapat mo ng sundin.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong dumeretsyo sa kwarto ko at humiga. Kinuha ko naman ang aking cellphone at tinawagang muli si Kristel.

"Payag kana ba babe?" tanong nito at mahahalata mo na nakangiti siya.

"Sige babe, mag papahinga lang ako at maliligo then susunduin na kita" sagot ko kaya naman napahagikgik siya.

"sige babe,see you later" sagot nito at pinatay na ang tawag. Sunod naman na tinawagan ko ay si Jassy.

Calling Jassy...

"Hello, sino 'to?" tanong ni jassy ng masagot niya ang tawag ko.

"It's me clifford,nakuwi na ako" sagot ko at ipinikit ang aking mga mata.

"Magpahinga kana dahil alam ko na napagod ka gaya ko" natatawang sagot nito kaya natawa din ako.

"May date pa kami ni Kristel" sagot ko kay jassy.

"Jusko bakit hindi niyo nalang ipagpabukas iyan para naman makapag pahinga ka" sagot nito kaya naman napangiwi ako.

Kung alam niya lang sana kung gaano katopak si kristel. Pag gusto dapat sinusunod pero kahit ganon mahal ko parin siya.

""Matutulog muna ako,bye" turan nito at pinatay na ang tawag kaya naman tumayo na ako at dumertsyo sa banyo upang maligo.