Chapter 17 - Chapters 14

Jassy POV

Andito na ako ngayon sa school kasama ang kambal at si Aldea naririndi na nadin ako dahil kanina pa sila tanong ng tanong kung bakit daw hindi ako ang tipid ko mag salita.

"Jassy sabihin mo na kasi kung bakit ang tipid mo mag salita kahapon ka pa ganiyan wala ka namang lagnat" turan muli ni Aldea kaya napatampal nalang ako sa noo ko.

"wala nga ang kukulit niyo" sagot ko at nag basa muli.

"wala ka ng wala kanina pa kami nakakahalata sayo" sagot ni aldea na sinang ayunan naman ng kambal.

"Sige na nga kahapon kasi pag pasok natin nakita ko si Kristel na may kahalikan tapos pag uwi ko nakatulog ako agad at mga 10:30 nagising ako dahil may tumawag saakin, bartender siya ng isang bar tapos sinabi sa akin na si clifford daw nag lasing kaya kami ni kuya ang sumundo sa kaniya" pag papaliwanag ko habang nakayuko. Sa totoo lang curious ako kung sino ang nag padala non kay clifford.

"Alam mo ba kung bakit nag lasing si clifford?" tanong ni Maryline.

"Tinanong ko sa maid nila ng kung bakit nag lasing si clifford tapos ang sagot hindi daw niya alam basta may nag dinala daw yung guard nila na diniliver para kay clifford pasado alas otso tapos nong buksan daw ni clifford bigla nalang daw siya umalis" sagot kong muli at iniangat ang tingin.

"Ano daw 'yong diniliver sa kanya?" tanong naman ni Monica.

"walang nabanggit yung maid nila" sagot ko at inayos ang mga gamit ko."pasok na tayo" dagdag ko at tumayo na.

"tara na" sagot ni Monica kaya sinimulan na naming lisanin ang pinag tambayan namin.

Clifford POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay basta ang alam ko may diniliver sa akin na picture ni kristel habang may kahalikan siya sa school tapos may kasama siyang lalaki no'ng time na pumunta kami sa mall na sinabi niyang may pupuntahan sila ng kuya niya.

Pinilit ko paring pumasok kahit may hangover ako, inioff ko narin ang cellphone ko dahil kanina pa tawag ng tawag si Kristel. Ayoko muna siyang makausap dahil baka mapag buhatan ko siya ng kamay at ayokong mang yari 'yon kahit linoloko niya ako. Pag kapark ko palang ng kotse ko dito sa parking lot ng school kita ko na si kristel na nag hihintay sa labas habang nakahawak siya sakaniyang cellphone.

Napag desisyonan ko na lumabas na habang hindi busy pa si kristel kakakalikot ko ng cellphone niya pero wrong timing dahil pag labas ko saktong nag tama ang tingin namin  kaya binigyan ko siya ng isang matalim na tingin habang siya ay nakangiti papunta sa sa akin "manloloko" bulong ko.

"Babe kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot mga tawag ko" turan nito sa malungkot na boses, maniniwala na sana ako kung hindi lang siya manloloko.

"Break na tayo" sagot ko at nauna ng mag lakad pero hinabol lang niya ako.

"babe huwag namang ganiyan" turan nito habang sumasabay sa pag lalakad ko pero hindi ko siya sinagot.

"Uy babe walang ganiyanan. Akala ko ba walang iwanan?" turan muli nito pero hindi ko pinansin.

"huwag marupok clifford, linoko ka niya kaya huwag kang magpadala" saad ko sa isip ko.

"babe naman pansinin mo na ako" turan ulit ni Kristel kaya tumigil ako sa pag lalakad at saktong nasa harap na ako ng room ko "Hindi ka ba nakakaintindi? Diba sabi ko BREAK.NA.TAYO hindi na ako mag papauto sa katulad mong manloloko" sagot ko at tinalikuran siya pero hinila lang niya ako.

"babe hindi kita niloko" maluha luhang sagot nito habang naka hawak sa kamay ko pero tinabig ko lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Hindi na ako muling mag papaloko sayo kaya hintayin mo mga proweba na pinadala sa akin" sagot ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng classroom.

---

Jassy POV

"Kailan kaba iimik jassy?" tanong ni Maryline at napabuntong hininga pero ito parin ako hindi sumasagot sa kaniya masyadong naguguluhan ang isip ko sa mga nangyayari ngayon.

"Tara sa mall" biglang turan ni Monica na ikinagulat namin, may sanib ba itong si Monica? Haler, first time niya mag ayang pumunta sa mall.

"May sakit ka ba Nica?" tanong ni Maryline at hinawakan ang noo pero iniwas lang ito ng kakambal niya.

"wala akong sakit Mary" sagot ni Monica at tinanggal ang kaniyang eyeglass.woah! Ibang Monica ata nakikita namin ngayon ah.

"Nakakasawa narin kaya maging isang mabuting estudyante, Let's go?" tanong nito at inilugay ang kaniyang buhok na mas lalo namin ikinamangha.

"T-tara na" utal na sagot ko at iniayos ang gamit ko.

-

Kasalukuyan kaming andito sa isang salon, naisip kasi ni Monica na mag pamanicure dahil masyado na daw mahahaba ang kuko niya at sa katunayan siya lang ang nerd kunno na mahahaba ang kuko hindi namin alam kung anong espirito ang pumasok sa isip ni Monica ngayon para mag ayang mag mall.

"Ate dahan dahan sa pag kuskos" angal ni Monica kaya natawa kami.

"Ay sorry ma'am" sagot naman ni ateng manicurista.

"Chill ka nga Nica" natatawang turan ni Aldea kaya mas lalo kaming natawa sa naging reaction ni nica.

"Patapos na nga duon ka pa umangal" turan ko din.

"Ma'am tapos na po" turan ni ateng manicurista kaya ibinaba ko na ang paa ko.

"Salamat po" sagot ko at nginitian siya.

Nang matapos na kami sa pag mamanicure ay pumunta naman kami sa jollibee upang kumain.

"Chocolate float at big fries saakin with sundae" turan ko kay Aldea at Monica.

"C3 saakin" sagot naman ni Maryline kaya tumango naman sila at nag lakad na sila papuntang counter.

"Anong pinakain mo sa kapatid mo?" tanong ko kay Maryline at natawa.

"Bacon lang naman kinain niya kanina pero hindi ko alam kung expired ba o hindi" sagot nito kaya mas lalo akong natawa.

"Baka ikaw na ang susunod" natatawang sagot ko kaya naman inirapan ako nito at mas lalo akong natawa.

Ilang minuto ang nakalipas ng dumating sina Aldea at Monica pero hindi nila dala ang mga pagkain na hinihintay ko.

"Asan na mga pagkain namin?" kunot noo kong tanong.

"Paparating na masyadong madami 'yong inorder ni Monica" turan ni Aldea na naging dahilan ng pag taas  ng kilay ko. Mayroon talagang espirito na sumanib kay Monica kailangan na ba namin ipunta siya sa albularyo?

"Bakit naman madami?" tanong ko pero nag kibit balikat lang si Aldea.

"May mali talaga sa'yo Nica baka kailangan ka namin ipunta sa albularyo" dagdag ko pa pero napa iling iling lang si Monica at tumawa.

"Girls chill lang kayo may good news akong sasabihin pero mamaya na" sagot nito.

"Ngayon mo na sabihin" turan naman ng kakambal niya pero ngumiti lang si Nica.

"Mamaya na nga" sagot nito at sakto namang dumating ang order namin.

"Salamat kuya" pag papasalamat ko sa waiter ng jollibee kaya nginitian naman ako nito. Kinuha ko na ang order ko at sinimulang kainin.

"May boyfriend na ako" biglang turan ni Monica na naging sanhi nang pag kabilaok ko.

"Oh tubig" turan ni aldea sabay abot sa tubig kaya kinuha ko naman ito at ininom.

"Hoy nica anong boyfriend ka jan isusumbong kita kay mama" Pag babanta naman ni Maryline pero tinawanan lang siya ni Monica.

"Sis masyado ka ng late, alam na nina mama,papa at kuya" natatawang sagot ni Monica.

"Bakit hindi ko alam?" takang tanong ni Maryline.

Masyadong pabigla bigla si Monica ngayon, mas lalong sumakit iyong ulo ko dahil sa nangyari ngayon kay Monica.

"Sis noong pumunta siya sa bahay sakto namang may date ka sa Boyfriend kuno mo"  pag tataray ni Monica.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin ng mas maaga" sagot ni Maryline sabay taas ng kilay.

"Sabay sabay na nga kayo" sagot nito at sinimulan muling kumain.

-

"Bye girls" turan ko at kumaway sakanila.

"Bye Jassy,See you tomorrow " sabay sabay nilang sagot kaya natawa ako.

"Ingat kayo" sagot ko at hinintay silang maka alis bago ako pumasok sa bahay.