Chapter 16 - Chapter 13

Jassy POV

"Good morning ladies" nakangiting turan ko ng makarating ako sa tabi ni Maryline.

"Oh kamusta Casa De Rio niyo?" tanong ni Aldea kaya naikot ko ang aking mata.

"ang saya" simpleng sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Tara sa coffee shop, libre ko" nakangiting sagot ko kaya naman biglang pumalakpak si Maryline basta libre In na In sila.

"Ano pang hinihintay natin? Tara minsan lang manlibre si Jassy" turan ni Maryline at hinila ako kaya natawa nalang kami nila Monica at Aldea.

Habang naglalakad kami papunta sa coffee shop ay puro tawanan lang ang bumabalot sa amin.

"Meron pa 2nd blind date ko napahiya ako paano ba naman akala ko iyong pogi ang kadate ko iba pala" nakabusangot na turan ni Aldea habang kami ay puro tawa.

May pagkashunga din kasi si Aldea kaya nga siya ang ang sisilbing clown namin dahil sa kashungahan niya.

"Hi po/Hi Auntie" sabay sabay naming bati ng makapasok kami sa coffee shop na lagi naming tinatambayan.

"Oh mga hija antagal niyong hindi dumalaw dito ah" turan ni Auntie Selma kaya naman yinakap namin siya.

"Auntie may inasikaso lang po kami" nakangiting sagot ni Aldea.

"Namiss ko kayong apat iyong dati parin ba?" tanong ni Auntie Selma kaya tumango naman kami.

"Hinatayin niyo nalang at ako ay gagawa pa" sagot ni auntie selma kaya tumango naman kami at umupo na sa lagi naming pwesto.

May anak si Auntie Selma na Lalaki at babae pero hindi pa namin nakikilala kasi nasa England sila.

"May nabalitaan pala ako" biglang turan ni Monica kaya napataas ang aming kilay dahil sa sobrang tahimik niya nagiging chismosa siya.

"Ano iyon?" tanong ng kakambal niya at kami naman ni aldea ay nag hihintay ng sagot niya.

"Ang ganda ko" sagot nito kaya binatukan siya ng kakambal niya loka loka ang babaitang ito.

"Akala ko kung ano na" turan ng kakambal niya sabay hila ng buhok ni Monica saktong tapos na kami sa pag tawa ay dumating nadin si auntie selma dala ang isang tray.

"Ito na order niyo" nakangiting turan ni auntie selma kaya nginitian namin siya pabalik "salamat po auntie" sabay sabay naming sagot.

"Maiwan ko muna kayo ha" turan ni auntie kaya tumango kami "sige po/salamat po" sabay naming turan.

Masyado pa namang maaga para pumasok kaya napag desisyonan namin na dumito muna mas maganda kasi ang atmospera dito sa coffee shop ni auntie selma, vintage ang tema nito masarap sa mata.

----

Clifford POV

"Babe tara sa coffee shop ni tita" sabi ni Kristel habang naka sukbit ang kaniyang kamay sa braso ko. Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Babe next time nalang gusto kong umidlip" sagot ko kaya tinanggal niya ang kaniyang kamay sa braso ko.

"Bahala ka nga diyan" sagot nito at umalis na napangiwi naman ako sa inasta niya. Inaantok ako kaya hindi ko na siya sinundan alam ko namang didiretsyo lamang siya sa classroom nila.

-----

Jassy POV

Pabalik na kami ngayon sa school dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang klase. Habang kami ay nag lalakad papasok ng gate nahagilap ng mata ko si Kristel at ang isang lalaki hindi ko masyadong makilala kung sino ito dahil nakatalikod ang lalaki. Nagulat at napatigil ako ng biglang hinalikan nung lalaki si Kristel akala ko ay pipigilin siya ni kristel pero hindi.

"Uy jassy tara na" sigaw ni Maryline kaya nabalik ang atensyon ko sakanila "a-ah sige" sagot ko at nag lakad papunta sa puwesto nila.

"okay ka lang?" tanong ni Monica ng mahalata niya na hindi ako nag sasalita.

"ah O-oo naman" utal na sagot ko.

"sure ka?" tanong nito habang magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Oo naman" sagot ko at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

Alam kong si Kristel 'yon pero bakit? wala na ba sila ni clifford? naguguluhan talaga ako.

Balisa akong dumating sa room, pag upo ko palang upuan ko ay tinanong na agad ako ni Monica, "Bakit bigla kang natahimik?" tanong nito kaya tinignan ko siya.

"w-wala naman" utal na sagot ko at ginawaran siya ng isang pilit na ngiti.

"sure ka?" tanong nito kaya tumango lang ako at tumingin na sa harap. Dapat ko bang sabihin kay Clifford ang nakita ko?

Hindi,hindi pwede pero kailangan niyang malaman.

Napabuga nalang ako nang hangin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung dapat ba niyang malaman o hindi.

-

Hanggang sa matapos ang klase ay balisa parin ako, pag uwi ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kuwarto ko at humilata sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan na akong dinalaw ng antok.

-

nagising ako dahil sa pag tunog ng aking cellphone kaya tumayo ako at kinalkal ang bag ko hindi pa pala ako nakapag papalit. Nang makuha ko ang cellphone ko ay bigla akong namutla ng makita ko na si Clifford ang tumatawag. Nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ang tawag niya.

"Hello" turan ng isang lalaki, bakit na sa kaniya ang cellphone ni Clifford? Sino 'to?

"H-hello" utal na sagot ko sobra sobra ang nararamdaman kong kaba.

"Ma'am bartender po ito ng Blueberry Bar lasing na po kasi 'yong may ari nitong cellphone pwede niyo po ba siyang sunduin" sagot ni kuyang bartender.

Gosh! ano kayang ginagawa niya doon?

"Malamang uminom tanga jassy?" bulong ko sa sarili ko.

"Pakisend nalang ang address kuya, salamat" sagot ko at pinatay ang tawag.10:30 pm na at anong pumasok sa kokote ng lalaking iyon upang uminom asan ba kasi si kristel?

Nang makapag palit ako ay agad kong kinuha ang susi at tumakbo palabas ng bahay, "O baby jas saan ka pupunta? Anong oras na" turan ni kuya ng makita ko siya sa sala habang nanonood ng anime.

"Kuya susunduin ko lang si Clifford sa may blueberry bar" sagot ko kaya bigla naman siyang tumayo na ikinagulat ko.

"Samahan na kita hintayin mo ako magpapalit lang ako" sagot ni kuya at tumakbo paakyat ng kwarto niya.

Pagkalipas ng limang minuto ay nakapag palit na si kuya kaya lumabas na kami at dumeretsyo sa kotse ko.

-

Ilang minuto lang ang lumipas bago kami nakarating sa Blueberry Bar. Akmang lalabas ako ng pigilan ako ni kuya na ikinataka ko.

"Ako na ang kukuha kay Clifford dito ka nalang hintayin mo kami" turan ni kuya kaya tumango ako "sige po" sagot ko kaya lumabas na siya ngunit bumalik din agad "Anong nakalimutan mo kuya?" tanong ko ngunit ngumiwi lang siya "wala akong nakalimutan gusto ko lang sabihin na huwag kang lalabas" sagot nito at tinalikuran na ako.

10 minutes ang nakalipas bago bumalik si kuya kasama si clifford mahahalata mong sobrang lasing siya dahil halos hindi na siya makalakad sa sobrang kalasingan.

"Bakit ba nag lasing 'yan?" tanong ni kuya ngunit nag kibit balikat lang ako dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ang dahilan kung bakit nag lasing si Clifford.

"Paano mo nalaman na nasa blueberry siya?" tanong ni kuya habang nakatingin sa daan .

bumuntong hininga muna ako bago siya sinagot, "Tumawag lang saakin yung bartender gamit ang cellphone ni clifford,kuya" sagot ko.

"Bakit ikaw pa ang tinawagan? Nasaan ang girlfriend niya?" tanong muli ni kuya. Reporter lang ang peg ni kuya.

"Iyan ang hindi ko alam kuya" sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating din kami sa tapat ng bahay nila bumusina si kuya para buksan ng guard ang gate nung bahay nila Clifford ngunit kinatok ng guard ang bintana ng kotse ko.

"anong kailangan niyo sir?" tanong ni manong guard kay kuya.

"ihahatid lang po namin si Clifford" sagot ni kuya kaya na alerto si manong guard.

"sige po sir" sagot niya at dali daling binuksan ang gate, napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inasta ni manong guard.

nang maipark na ni kuya ang kotse ay bumaba na ako at dali daling lumapit sa pintuan nila at kinatok ito, binuksan naman ng isang maid ang pintuan "Magandang gabi po ma'am sino pong hanap niyo?" tanong nung maid nila.

"wala po ihahatid lang namin si clifford" sagot ko kaya nanlaki ang mata niya.

"Sige po ma'am pasok po kayo" turan nito at binuksan ng maayos ang pintuan. Bakit gano'n ang reaction nila,weird.

"Saan po ang kuwarto ni clifford?" tanong ko kay ate maid ng maipasok ni kuya si clifford.

"Halika kayo ma'am ituro ko po" sagot ni ate maid kaya tumango ako at sumunod kami sa kaniya.

"Ate alam niyo ba kung bakit nag lasing si clifford?" tanong ko ngunit ngumiwi si ate maid "hindi ko po alam ma'am basta kaninang pag dating niya dito sa bahay okay pa naman po siya pero no'ng pasado alas 8 habang nanonood siya dito sa salas eh biglang may hinatid yung guard na isang delivery daw po para kay sir clifford tapos po ng buksan ni sir clifford ang delivery sakaniya bigla nalang po siya lumabas" mahabang paliwanag ni ate maid kaya kumunot ang noo ko.

"Ma'am dito na po ang kuwarto ni sir Clifford" turan ni ate maid kaya nginitian ko siya.

"Kuya dito daw kuwarto ni clifford kukuha lang ako ng maligamgam na tubig para mapalitan mo na siya kuya" turan ko kay kuya kaya tumango naman siya at ipinasok si clifford sa kuwarto niya.

"Ate samahan mo ako kukuha tayo ng tubig at may itatanong nadin ako" turan ko kay ate maid kaya tumango naman siya.

"sige po ma'am" sagot nito kaya sinimulan na namin ang pag lalakad.

-

Habang nakahiga ako ngayon dito sa kama ko hindi parin maalis sa isip ko kung bakit naglasing si clifford, hindi rin alam nila ate maid kung ano daw ang diniliver kay clifford.

Pag uwi namin kanina ay dumeretsyo na ako dito sa kuwarto ko at humilata, mukha atang lalagnatin ako dahil sa mga nangyari ngayon.