Chapter 13 - Chapter 10

Maryline POV

"Asan na si Jassy?" tanong ni Monica na ikinataka ko.

"Akala ko nauna na, Wala siya sa room niya" sagot ko kaya napasigaw si Monica. Aba ang Gaga marunong ng mag ingay.

"ANO!?" pasigaw na tanong nito kaya dali dali kong tinakpan ang kaniyang bunganga.

"Ang ingay ingay mo nica" saad ko at pinaikutan siya ng mata. Tinanggal naman niya ang kamay ko na nakatakip sa kaniyang bunganga.

"Sabihin natin kay Kuya" sagot nito at sinimulan na niyang mag lakad, napatampal nalang ako sa noo kasi inuhan nanaman niya ako.

Sinimulan ko ng mag lakad papunta sa Entrance ng hotel. Saan kaya nag pupunta si Jassy? Hindi man lang nagpaalam sa amin. Minsan talaga ang weird ni Jasmin. habang nag lalakad ako, inilabas ko ang aking phone mula sa aking purse at dinayal ang number ni Jassy ngunit naka turn off ito.

"Ano ang sasabihin mo?" tanong ni Kuya ng makarating ako sa entrance. Wow ako pa talaga sinabi ni Monica astig ng kambal ko.

"S-si Jasmin wala sa kwarto niya" sagot ko at kita ang gulat sa mukha ni Kuya. Napansin ko na umikot ang mata nung girlfriend ni Kuya. Tusukin ko kaya mata nito mukha namang espasol.

"Tinawagan mo naba?" tanong ni Kuya kaya tumango ako,"naka turn off kuya" sagot ko kaya napabuntong hininga naman si kuya.

"Hanapin natin" turan ni Kuya kaya tumango ako ngunit bigla akong napatigil ng marinig ko ang sagot nung girlfriend ni kuya.

"Babe baka naman may kasama siya kaya hindi siya nagpaalam sainyo, Kaya hayaan niyo nalang siya" turan nito kaya tinaasan ko siya ng aking kilay na may Guerlain Eyebrow.

"Paano mo nasabi? Mang huhula ka ba?" taas kilay na tanong ko sa kaniya kaya tinaasan din niya ako ng kilay.

Palaban.

"Obviously hindi siya nagpaalam diba" sagot nito at inikutan ako ng mata kaya hindi ako nag patalo.

Inikutan ko din siya ng aking mata na may Pat McGrath Labs FetishEyes Mascara, " Hahanapin ba natin kuya o hayaan natin pero kahit anong sagot mo Kuya hahanapin parin namin siya ni Monica" turan ko at umalis na sa harap nila dahil baka masampal ko pa yung girlfriend ng kuya ko na mukhang espasol.

Inistress niya ang aking kagandahan. Nagulat ako ng makita kong may Ambulansya na dumating at patungo ito sa Restaurant ng Resort.

-

Clifford POV

Rinig ko ang bulungan ng dalawang babae na malapit sa table namin jassy. Kanina pa siya nag paalam ah. Akmang tatawagan ko siya ng biglang napintig ang aking tenga dahil sa narinig ko,"Ano kaya ang ginagawa ng babaeng nasa Cr ngayon,Ang haba ng pila sa Cr" turan ng isang babae kaya tumayo ako at tumakbo papuntang Cr ng girls.

Tama nga sila mahaba ang pila dito kaya dinahandahan kong hinanap si Jassy ngunit bigla nalang ako nanlamig ng wala siya kahit sa harapan, Lumapit ako sa nagkukumpulan dahil akala ko ay nanduon siya ngunit wala.

Lumapit ako sa isang babae, "Miss anong meron?" kinakabahan na tanong ko.

"Kasi kuya kanina may pumasok jaan na babae tas hindi pa siya nakakalabas at dinig namin na kumalabog ang pintuan kaya tumawag na sila ng staff para buksan Ito" sagot nito na ikinaputla ko.

"Miss anong kulay ng damit nung babae na pumasok?" tanong ko.

"Black na T-shirt, Naka short siya and rubber shoes" sagot nito kaya doble doble ang kaba na nararamdaman ko.

Tang*na!

"Excuse Me sir" turan ng isang staff kaya pumagilid ako. Nang mabuksan nila ay dali dali akong humarap at nagulat nalang ako ng makitang nakahandusay si Jassy sa harap ng pintuan."Tumawag kayo ng ambulansya" utos ko at binuhat si Jassy.

Nagtaka nalamang ako ng makitang andami niyang pasa. Anong nangyari sakaniya?Paano siya nag kapasa?

Ilangi minuto ang nakalipas ay dumating din ang ambulansya na tinawagan nila, pinahiga ko naman sa Stretcher si Jassy at ipinasok na siya sa ambulansya kaya pumunta naman ako sa kotse ko at sumunod sakanila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko sana ang kapatid ni Jassy ng makita kong lowbat ang phone ko. Putcha wrong timing naman. Laki ng ambag nitong cellphone ko.

Tumigil ako sa harap ng hospital at dali daling pumasok at sinundan sila Jassy ng makapasok sila sa ER ay papasok nadin sana ako pero hinarangan ako ng mga nurse.

Naramdaman kong may nag vibrate mula sa purse ni Jassy kaya binuksan ko ito at kinuha.

"Hello Maryline?" pag bati ko sa tumawag.bInilayo ko ng mabilis ang cellphone ni Jassy mula saaking tenga dahil bigla nalang sumigaw ang Kaibigan ni Jassy, "Hoy anong hello Maryline ka diyan asan kang babae ka ha?!" sigaw na tanong nito kaya nung matapos siya sa pag sasalita ay inilapit ko ng muli ang cellphone ni Jassy at sinagot ang kaniyang tanong, "It's me cl----" naputol ang aking sasabihin ng bigla nanaman siyang sumigaw, "Oo Alam kong ikaw yan jassy kaya tell me kung asan ka!?" Sigaw nanaman nito kaya pinatay ko nalang, nakakarindi ang boses.

Nang bumukas ang pinto ng ER ay tumayo agad ako "Kamusta po siya doc?" tanong ko ng lumabas ang doctor.

"She's fine now, Kailangan lang niya mag pahinga dahil sa nakain niyang mushroom kaya siya nag kapantal" sagot nito kaya tumango ako. "Thank you doc" pasasalamat ko kaya tumango naman siya at nauna ng mag lakad.

-

Nag dradrive ako pabalik ng Casa De Rio upang mag paliwanag kina Maryline at kukuha nadin ako ng damit ko at damit ni Jassy.

Habang nag dradrive ako bigla nalang tumunog ang phone ni Jassy kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag na hindi tinitignan ang caller.

"Hello?" turan ko ng masagot ko ang tawag.

"Sino ka at asaan si Jasmin?" tanong ng caller at isa itong lalaki.

"It's none of your business" sagot ko at ibinaba na ang tawag. Napatigil ako ng marealize ko na baka ang kuya niya ang tumawag saakin, Dali dali kong kinuha ang Phone ni Jassy at tinignan ang Call history niya at napanatag ang loob ko ng makita na hindi ang kuya niya ito ngunit napakunot ang aking noo ng makita ko ang nakalagay na pangalan nang Caller.

Mister ko.

'yan ang nakalagay sa pangalan ng Caller.

"Sino kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko naitapon ko nalang sa backseat ang phone ni Jassy dahil sa sobrang inis.

"Bakit ka naiinis?" tanong ng utak ko.Oo nga naman bakit ako naiinis?

Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho at isinawalang bahala ang tumawag. Nang makarating ako sa may Resort agad akong bumaba at pumasok sa Hotel.

Habang nag lalakad ako sa loob ng hotel biglang may tumawag sa pangalan ko kaya tumigil ako, "Clifford!" sigaw nito kaya tinignan ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Maryline?

"Bakit?" tanong ko kay Maryline.

Napakamot naman siya sa kaniyang noo.

"Nakita mo ba si Jassy?" nahihiyang tanong nito kaya tumango ako.

"Nasa hospital siya, tumawag ka kanina at ako ang sumagot pero ang ingay mo kaya pinatay ko na" sagot ko kaya namula naman siya.

"Ahm.sorry and bakit siya nasa hospital?" tanong nito.

"Nawalan siya ng malay noong kumain siya nang mushroom" sagot ko kaya napatampal naman siya sa noo niya.

"Tatawagin ko lang sila kuya at sabay nalang kami saiyo" turan nito kaya tumango ako.

"Sige una na ako, hintayin niyo nalang ako sa Entrance and pakuha nadin nang damit si Jassy" sagot ko kaya tumango naman siya at sinimulan ko ng tahakin ang daan patungong kwarto na inupahan ko.