Clifford POV
"Here,you eat this" turan ko kay Jassy at iniabot sa kaniya ang Apple.
"Thank you" sagot nito at ngumiti.
Until now hindi parin niya kinakausap ang kapatid nina Maryline at Monica. I don't know what's her reason, even the twins they haven't any clue why Jassy didn't talk with their brother.
Sabi ng doctor makakalabas na siya bukas and wala ang kaniyang mga kapatid dahil sabi ni Jassy huwag ko na daw sabihin sakanila dahil sigurado siyang mapapagalitan nanaman siya kasi hindi niya muna tinitignan ang kaniyang kinakain.
Andito kaming lahat sa loob kahit ang kapatid ni Maryline at ang kaniyang kasintahan ay andito din pero hindi sila pinapansin ni Jassy puro na nga maktol ang kasintahan no'ng kapatid ni Maryline dahil bakit pa daw nila kailangan mag stay kung hindi naman sila kinakausap ni Jassy.
"Jassy may bibilhan lang ako sa labas may ipapabili kaba?" tanong ko kay Jassy at tumango naman siya bilang sagot.
"5 Milktea na Large,Okinawa flavor plus nata de Coco at pearl,50% of sugar level.Kunin mo nalang sa wallet ko 'yong pera,thank you" sagot nito at nginitian ako kaya lumapit naman ako sa may side table at kinuha ang pera sa wallet niya.
"Kayo may ipapabili ba kayo?" tanong ko sa apat ngunit ngumiwi lang sila kaya naman tumango ako bilang sagot at lumabas na.
Maryline POV
Habang katext ko si Kuya ay bigla nalang nag salita si Clifford kaya nabaling ang atensyon ko sakaniya.
"Jassy may bibilhan lang ako sa labas may ipapabili kaba?" tanong nito kay Jassy.
"5 Milktea na Large,Okinawa Flavor plus Nata de Coco at pearl,50% of sugar level.Kunin mo nalang sa wallet ko 'yong pera.Thank you" sagot ni Jassy at nginitian si Clifford
"Kayo may ipapabili ba kayo?" tanong nito saamin ngunit ngumiwi lang kami kaya naman tumango lang siya at lumabas na kaya itinuon ko na ang atensyon ko sa aking cellphone.
"Labas kayo at isama niyo nadin si Angelica,mag uusap lang kami ni Jassy" yaan ang nakalagay sa message ni kuya kaya napatingin ako sa kaniya at pinanlakihan ko ito ng mata.
Aba gusto pang ipasama sa amin ang syota niyang mukhang espasol.
"Ayokong kasama iyang syota mo kuya" sagot ko at tinignan siya saka pinaikutan ng mata.
Ang swerte naman ng syota niya kung makakasama niya ang katulad naming diyosa. Mag mumukha lamang siyang alalay pag kami ang kasama.
"Babe, pwede bang bilhan mo ako ng Hot Choco?" biglang turan ni kuya kaya nangunot ang noo ng kaniyang syota.
"Babe samahan mo kaya ako" nakangusong turan nito kaya napaikot ko ang aking mata ng wala sa oras. Akala mo naman ikinaganda niya pag nguso niya, mukha namang bisugo pag ngumuso.
"May gagawin pa ako babe" turan ni kuya. Kahit kailan talaga hindi pasado mga palusot ni kuya.
"Babe mam----" hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil nag salita agad ako "Mag uusap kami ni kuya" sagot ko kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo at bumili.
Nang masigurado ko na wala na ang syota ni kuya ay tumayo ako.
"Monica samahan mo nga ako sa CR" palusot ko kaya kita ang pag tataka sa mukha niya.
"Diba ma----" hindi na niya tinuloy ang kaniyang sasabihin dahil pinanlakihan ko siya ng mata, agad agad naman siyang tumayo at sumunod sa akin.
-
Habang nag lalakad kami dito sa may labas ng hospital ay may nakita akong pogi na parang may hinahanap.Napangisi ako dahil sa kalokohan na naiisip ko.
"Maryline saan ka pupunta?" tanong ni Monica ng nag iba ang direksyon na tinahak ko,"duon oh" sagot ko at itinuro iyong lalaki kaya nanlaki ang mata niya, "wait! 'wag ka---" hindi na niya tinuloy ang kaniyang sasabihin dahil iniwan ko na siya doon.
I walk towards to him and when I reach my destination I smile "hey, need help?" I asked while there's a smile plastered on my face but he look confused.
Did I do something wrong?
"Thanks for your concern but we're doing a shooting Miss" sagot nito kaya nanlaki ang mata ko. Inilibot ko ang aking paningin at kinain ng hiya ang aking buong katawan.
Gosh Maryline nakakahiya ka.
"Sorry, sorry, sorry" sagot ko at yumuko at biglang may lumapit na babae saakin.
"Huwag ka ng mag sorry Miss, umalis ka nalang" turan nung babae na kontrabida ata nila.Akala niya uurungan ko siya?well isang Olivarez ang binangga niya kaya pag bigyan natin.
"Bakit ako ang inuutusan mo pwede namang ikaw nalang ang umalis" turan ko at ngumisi.
"Bakit ako aalis e,Isa ako sa mga artista" sagot nito kaya natawa ako.
"Ay artista ka pala" natatawang sagot ko, akmang mag sasalita ulit siya ng biglang sumigaw ang direktor nila.
"Cut!" sigaw nito na ikinataka namin.What does he mean?
"welcome to the team Miss" nakangiting turan ng direktor nila.
"Huh?" iyan nalamang ang nabigkas ko dahil sa sobrang gulat.
"Tomorrow at 12 pm see you at 4tea House, here's my calling card" turan nung manager nila at iniabot sa akin ang kaniyang calling card kahit naguguluhan ako ay kinuha ko parin ito.
-
My mind floated because of the embarrassment I did earlier,"Okay ka lang sis?" Monica asked and she looked worried.
I smile " Y-yeah I'm fine" I replied so she nod as a response.
Kanina habang nasa labas kami at nalaman ko na nag shoshooting sila hiniling ko na sana kainin nalang ako ng lupa kanina dahil sa kahihiyan. Sino ba kasi ang hindi mahihiya sa ginawa ko? Nakakastress alam niyo 'yon?
"Kumain kana nga para makabalik na tayo sa kwarto ni Jassy" turan ng kakambal ko kaya napaikot ko ang aking precious eyes at sinimulang kumain.
-
Justin POV
Nang makaalis sina Maryline at Monica ay lumapit agad ako.
"What do you want?" cold na tanong ni jassy.
Ano nga ba ang kailangan ko?
"Can I ask kung bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ko sa kaniya.
Parang kinakabahan ako sa magiging sagot niya it seems like hindi maganda? napaparanoid lang siguro ako.
"Baka kasi mag selos 'yang girlfriend mo kuya" sagot nito habang naka talikod saakin. I know na hindi ito ang rason, alam ko na iba ang kaniyang rason.
"Hindi selosa si Angelica, she's kind and friendly" sagot ko sakaniya ngunit wala akong nakuhang sagot.
dahil alam ko namang hindi niya ako kakausapin muli kaya tumayo nalang ako at tinungo ang sofa.