-----
Matapos pulutin ni Hiraya ang duwende ay pumasok siya sa loob ng silid. Nakangiti siya habang dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Inilapag niya ang duwende at tiningnan ito. Nagdalawang isip siyang sampalin ang duwende para gisingin dahil baka maging dahilan iyon ng pagkamatay nito.
'Right, may konting tama sa hinala ko. I did a fatal blow pero hindi ito namatay agad. It just fainted.' Naalala ni Hiraya ang pagsaksak niya doon sa pinaka-unang master piece niya at naisip niya na ang fatal blow na nagawa niya ay mas mataas ang bawas kaysa sa hp ng duwende o naubos niya ang natitirang hp nito sa ginawa niyang pagsaksak.
Inobserbahan ni Hiraya nang mabuti ang duwende, sinukat niya ang katawan nito, binuka ang bibig, nagtatlong-isip bago inamoy nang malapitan, pinisil-pisil ang bawat parte ng katawan at sa bandang huli ay tumayo siya at inapakan ang ulo nito.
Ding!
Binasa ni Hiraya ang pop-up at ngumiti siya.
'Level up!'
Binalik-tanaw ni Hiraya ang mga ginawa, nasaksihan at nalamang bagong impormasyon. Tumango-tango siya. Ipinaling niya ang tingin niya sa silid, inumpisahan niyang gamitin ang isang skill; ang Identify. Puno ng kuryosidad ang mga mata ni Hiraya habang nakangiti niyang binabasa ang mga nakikita niya sa pop-up. Muling nag-level-up ang skill niya.
'Hmm? Is the exp gain for the skill too much or is it because its on its early stage? Or maybe..!' Narinig ni Hiraya ang isang pop-up at nakita niyang nadagdagan ang effects ng skill na double the fun, nadagdagan ito ng -gain in skill exp.
'So that's why! Not only skill's exp rises up whenever I use it and more importantly, the more understanding I perceive about the skill... the better the rise of exp I get. Though I think it is all thanks do my OP skill.'
Tiningnan ni Hiraya ang duwende at may napansin siyang bagay sa gilid nito. Nakatumbang botelya iyon na kasing laki at haba ng isang daliri, may pulang likido ito sa loob at himalang hindi ito natatapon maski na wala itong takip.
'Woa woa wow! LOOT! Is that the potion I was thinking of?' Pinulot iyon ni Hiraya at sinuri. Hindi napigilan ni Hiraya na sugatan ang sarili gamit ang kutsilyo, sinaksak niya ang kamay niya, nakita niyang nabawasan ang Hp niya sa status screen, ininom niya ang laman na likido ng botelya at nakita niyang bumalik sa max Hp ang health niya.
"FUCK!"
'Ganit! O Ganit! My curiosity will not only kill be, other people could also die because of my carelessness, hindi kopa na-identify dahil sa pagmamadali ko. Sigh, whatever... kailangan ko lang na makahanap pa ng isa pang potion.'
Napasimangot si Hiraya sa kanyang ginawa. Naisip niya na hindi na baleng hindi niya gawin iyon para kay Ganit, gagawin niya na lamang iyon para kay Ma-ay.
Bumuntong hininga muli si Hiraya at kinumbinsi ang sarili na para sa research purposes ang kanyang ginawa. Sa ngayon ay napatunayan na niyang mayroong Hp potion at gumagana ito kagaya ng normal na function nito sa isang RPG.
Ilang minuto ang lumipas ay may narinig siya muling pagtapak ng mga paa. Napakunot ang noo ni Hiraya, napansin niya na sunod-sunod ang pagpunta rito ng mga duwende. Nagtaka siya at napasimangot dahil hindi niya iyon maintindihan. Ilang minutong kinausap ni Hiraya ang sarili at hinayaang umalis lamang ang duwende.
'Limang minuto... kada limang minuto ay may pupunta ritong duwende. Surveillor... yeah that's right! Duwende Surveillor ang naka-tag na pangalan ng mga monster na nakalaban ko, but.. Duwende lang ang naka-tag sa unang duwende na napatay ko. Ah shiz, okay I get it!'
Nagpatuloy sa pagkausap si Hiraya sa sarili niya at makalipas muli ang ilang minuto ay narinig niya muli ang mga yapak. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumalubong sa duwende. 'Identify' Nakita niyang nadagdagan ang detalye ng duwende.
[Duwende Surveillor Lvl: 6 (Exp. 98/600)]
Health points: 60/60 Hp
Mana: 00
Stamina: 97/100
Strength:--
---
---
---
Sinalubong ni Hiraya ang duwende para subukang makipaglaban dito.
'Though this bitches are weak, I still need to observe how they fight... or not!' Nanlaki ang mga mata ni Hiraya.
Nagsimulang tumakbo paalis ang duwende at nakita ni Hiraya na lumiko ito papunta sa direksyon ng CR.
'Oh shit what have I done? No time! Magtatawag ata ng back-up ang putanginang yun!' Dali-daling tumakbo si Hiraya para habulin ang duwende. Naisip niyang hindi pala nakikipaglaban ang Surveillor na duwende at look-out lang ang ginagawa nito. Napagtanto niya ding walang armas ang duwende di gaya ng pinaka-una niyang nakalaban.
Narinig ni Hiraya na sumisigaw ng Gruuu Graaga ang duwende habang tumatakbo ito.
Nang marating ni Hiraya ang likuan papunta sa CR ay tumambad sakanya ang anim na duwende. Nakapalibot sila sa nagsasalitang Surveillor at may tinuturo ito sa isang direksyon. Kumunot ang mga noo ng anim na duwende at tumingin sa direksyong tinuturo ng Surveillor, sa puntong iyon ay nagtagpo ang mga mata nila at ang mga mata ni Hiraya.
Napaporma si Hiraya handang tumakas kapag sumugod lahat sakanya ang anim na mas malalaking duwende, hindi ganoon kalayo ang taas ng mga ito sa Surveillor pero kapansin pansin ang mga armas na hawak-hawak nila.
'Identify'
[Duwende Warrior Lvl.9 (Exp. 571/900)]
Health points: 200/200
---
Inisa-isa ni Hiraya ang mga duwende at napatigil siya nang biglang may lumabas na mas malaking duwende sa CR, kasing laki ito ng 3 taong gulang na bata (81 cm). May suot itong damit na gawa sa hindi malamang balat ng hayop. Mahaba ang buhok nito at may mahaba ding balbas at bigote. Mataman nitong inuusisa si Hiraya.
'Shit ang daming kulang na info! What is that thing?!'
[Duwende Commander Lvl.15]
-500/500 Hp
'Shit, shit, shit! I should run now... no, where would I go? Hindi ko pwedeng i-lure ang mga duwendeng to papunta sa direksyon nila Ma-ay.. hmm, up!' Napansin ni Hiraya na walang humaharang na duwende sa hagdanan. Bumalik ang tingin ni Hiraya sa pinakamalaking duwende at nagulat siya.
Ngumiti ito sakanya at pumuwesto sa hagdan.
'Fuck me! Hindi ko talaga pwedeng maliitin ang mga monsters dito!'
Mataman silang nagtitigan ng commander, nawala ang ngiti nito at nagsalita, "Grawguro aruruga! Krrr, gagruga."
Hindi alam ni Hiraya kung ano ang sinabi nito pero nang makita niya na ituro nito ang isa sa mga warrior ay may bumbilyang umilaw sa ulo niya. Nagtaka siya kung bakit ganoon ang ikinilos ng commander pero mas mabuti na iyon kaysa sa sabay-sabay silang lahat na sumugod.
Umabante ang isa sa mga warrior at pumorma ito.
"Gruu!" Anang commander at nagsimulang sumugod ang warrior papunta kay Hiraya.
Napakunot ang noo ni Hiraya, hindi alam ni Hiraya kung papaano lumaban ang duwende warrior kaya naman ay binabalak niyang obserbahan muna ito.
Nang malapit na ang duwende warrior ay tumalon ito papunta kay Hiraya, nakataas ang armas nito at hihiwain siya. Umatras patalon si Hiraya para iwasan ang armas ng duwende warrior. Agad na sinugod muli ng duwende warrior si Hiraya at inulit nito ang paghiwa sakanya, muling umilag si Hiraya.
Sa pagkakataong ito ay napagtanto ni Hiraya na Duwende Warrior ang pinaka-una niyang nakalabang duwende dahil parehas sa galaw nito ang mga galaw ng kinakalaban niyang duwende. Paulit-ulit na iniwasan ni Hiraya ang armas at napatunayan niyang mas mabilis siya sa duwende, kitang-kita niya ang intensyon ng duwende warrior.
'I think this is the effect of my higher agility. Kita ko kung saan ako patatamaan ng armas nito at kayang-kaya ko itong iwasan bago pa man ito lumanding sa akin, actually I could do better... now, now, kung ayaw nilang sumugod sabay-sabay ay iisa-isahin ko nalang sila.'
-
Nakakunot ang noo ng duwende commander, bakas sa mukha at mga mata nito ang kaseryosohan. Ayon sa mga ulat ng mga naunang duwende surveillor ay matatakutin, mahina at iyakin ang mga nilalang na kailangan nilang ubusin. Nakita nitong lumingon paakyat sa daanan pataas ang nilalang kaya humarang ito doon. Nagtaka ito nang hindi tumakbo ang nilalang at pumorma itong lalaban. Inutusan nito ang isang alagad para subukin ang nilalang.
Lalong tumindi ang kunot ng noo ng duwende commander nang makita nitong magaling umiwas ang nilalang at nang bigla itong lumaban pabalik ay nagulat ito.
-
'Take this mother fucker!' Sinuntok ni Hiraya ang panga ng duwende warrior nang iwasiwas nito ang armas nito at nagmintis. Tumalsik sa pader ang duwende warrior pero agad itong tumayo ulit at pinunasan ang dugong tumulo sa bibig nito, dumura ang duwende warrior at kasama noon ang ilang matatalim na ngipin.
Sumigaw ang duwende warrior at muling sumugod. Naulit lamang ang mga nangyari kanina at sa isang punto ay sinipa ni Hiraya ang duwende sa etis at itlog. Nadurog ang pagkalalaki ng duwende warrior at napaluhod ito hanggang sa napahiga at nalukot na parang hipon.
Pinulot ni Hiraya ang armas ng duwende at ginamitan ng Identify
[Short Sword]
-A weapon of a Duwende Tribe Warrior used for hunting
Damage: 12-15
+3 strength
+2 agility
Durability: 22/25
'Oh my! This is how a RPG weapon should look like! Now, you fucked up!' Short sword ang katumbas ng armas na pinulot ni Hiraya pero para sa isang duwendeng maliit lang iyon, mas mabuting tawaging punyal ito sa mga kamay ni hiraya. Inabante ni Hiraya ang isa niyang paa, umarko pabilog ang kamay niyang may hawak na punyal at papunta ito sa leeg ng duwende warrior.
Akmang hihiwain na ni Hiraya ang ulo ng duwende warrior pero napatigil siya bigla nang may narinig siyang mabilis na pagbulusok ng hangin, panandalian lamang iyon dahil itinuloy niya ang balak niya. Hindi pa ibinubuhos ni Hiraya ang lahat ng kaya niyang bilis simula kanina habang nakikipagtunggali siya sa duwende warrior, ngayon ay itinodo niya ang kaya niyang bilis.
Nailigan niya ang kung ano mang bagay na mabilis na bumubulusok papunta sakanya at matagumpay niyang napugutan ang duwende warrior. Narinig ni Hiraya ang tunog ng pop-up pero hindi na niya muna pinansin iyon. Bumaling ang tingin niya sa bagay na ibinato sakanya ng duwende commander, mas malapad at mahaba ito kaysa sa short sword ng duwende warrior. Nakatarak ito sa pader.
Tiningnan niya saglit ang pop-up at dumako lang ang mata niya sa exp na kanyang natanggap.
[You killed a Duwende Warrior Lvl.9
-You gained 900 exp points
-300 exp points due to level difference
-Dungeon effect exp X2
-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2
-a total of 4800 exp points earned.]
'4800 exp! With minimal effort nakatanggap ako ng 4800 exp! Ah, this bitches really gives a lot of exps!' Nakangiting nabaling ang tingin ni Hiraya sa duwende commander na siya namang ikinagalit ng nahuli, inakala nitong minamaliit ito ng nilalang.
Kinausap ni Hiraya ang sarili niya habang inaalala ang mga obserbasyon niya kanina habang nakikipaglaban. Binantayan din niya ang mga susunod na gagawin ng duwende commander.
"Gruagagi arug gaoga!" Tinuro ng duwende commander ang dalawang duwende warrior na agad namang umabante at tumakbo para atakihin si Hiraya.
Ilang sandali lang ay napaslang na rin ni Hiraya ang dalawa. Nahirapan siya nang kaunti dahil dalawa ang kalaban niya pero mas matalino at mas malakas siya sa mga ito.
Alam na ni Hiraya ang mga paraan kung paano umatake ang mga ito at ang ginawa na lamang niya ay abangan ang pagmintis nila tsaka niya buong pwersang sinipa ang isa palayo at pinagsasaksak sa mukha ang naiwan hanggang sa hindi na malaman kung mukha pa ba ito o kung ano na, namatay din ito matapos tamaan ang utak nito.
Ang sinipang duwende ni Hiraya ay nabali ang kanang kamay kasama ang ilang buto nito sa tadyang, tumusok ang ilang baling buto sa laman-loob ng duwende warrior, nakatanggap si Hiraya ng pop-up na fatal blow kaya naman hindi na niya muling ibinaling pa ang tingin niya roon.
Ilang sandali lang ay naglevel-up si Hiraya at lalong lumuwang ang pagkakangiti niya na lalong nagpaigting sa galit ng duwende commander nang magkatinginan sila.
--------------------
[Status Screen]
Name: Hiraya Manoyo
Level: 7 (exp: 4600/12800)
Race: Human
Gender: Male
Title: Leading Man(Active)
Health points | regen: 940/940 | 0.034/s
Mana | regen: 380/540 | 0.028/s
stamina | regen: 357/540 | 0.054/s
Attributes:
Strength: 36(+3)
Agility: 42(+2)
Vitality: 72
Inteligence: 42
Active Skills:
Unique: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:1 Exp: 83.15%
Rare: Subordination | Beg.Lvl:1 Exp: 00.00%
Basic: Identify (2 Mp | Cd: None) | Beg.Lvl:3 58.72%
Passive Skills:
Basic: Equip | Beg.Lvl:1 Exp: 27.18%
Current Status:
Healthy
Points to be distributed: 30