-----
Matapos ang ilang minutong paghihintay ni Hiraya ay nagpatuloy ang pagdura ng portal sa mga tikbalang. Gaya ng mga napansin niya kanina, kapag lumitaw ang isang tikbalang, maghihintay ito ng dalawa pa atsaka sila aalis. Kung saan man sila papunta ay inisip nalang ni Hiraya na fu-food trip sila.
Naiwan muli si Hiraya na mag-isa. Matapos ang ilang minutong deliberasyon, napagtanto ni Hiraya na nasa loob siya ng silid kung saan lumilitaw ang mga monsters, sa mga RPGs ay tinatawag itong Spawn point.
'This school is a dungeon now. It makes sense na magkakaroon din ng spawn point. Oh my! Spawn point din yung CR kanina! Duwende nga lang ang lumalabas. Shit! Dapat doon nalang ako tumambay, tangina mga monster dito sa silid... ayaw patalo, gusto tatlo-tatlo!'
Nanginig ang katawan ni Hiraya nang mapagtantong napakaswerte niya. Paano kung bato-batong Tikbalang na level 16 ang una niyang nakasagupa kanina imbes na Duwendeng maliit?
Hinintay muli ni Hiraya na makaalis ang mga sumunod na tikbalang. Tinulak niya paisa-isa o dalawa-dalawa ang mga upuan na nakadagan sakanya. Ilang beses itong naulit; may tatlong tikbalang na aalis tapos itutulak niya ang mga upuan o mesa, hanggang sa nagawa na niyang makaupo at mag-unat ng katawan.
Itinago niya ang sarili sa mga inayos niyang mesa at upuan sa kanyang harapan, kaliwa't kanan, upang hindi siya makita ng mga susunod pang tikbalang.
May makikita nang kakaibang porma ng mga upuan at mesa sa loob ng silid.
Ang balak ni Hiraya ay hintaying makaalis ang mga tikbalang atsaka niya gigibain ang pansamantala niyang hide-out tapos ay tatakbo siya patakas kung saan.
Habang patuloy na nagpapahinga si Hiraya ay may naisip siya bigla, tiningnan niya ang notification tungkol sa dungeon.
[-All players inside this dungeon will be labeled as monsters temporarily (Remaining Time: 334 hours 41 minutes 19 seconds).
-Killing a player will give a random number of stat points ranging from 1-15 and a doubled amount of exp.
-Parties are temporarily banned.]
'Napaka-bias ng system nato! Nagsasama-sama ang mga monster pero ang mga players bawal mag-form ng party? Tapos may bonus kapag nakapatay ng ibang player! This system just wants us players to kill each other... I mean, sinong may ayaw ng double exp?'
Naimagine ni Hiraya na pinapatay niya ang ibang tao habang bakas sa mukha niya ang galak dahil may bonus stat points at double exp siyang nakukuha. Nalukot ang mukha ni Hiraya sa naisip niya.
'I mean, it's not like kaya kong gawin iyon or.. maybe yes, but... thinking of it now. If some bitchass mother crap shit want me to be their exp, then... I'll just think of it later when I get the chance...' Nagpatuloy sa pagpalit-palit ang ekspresyon ni Hiraya.
Hindi niya napansin pero nawala na ang walang hanggang poker-face niya at napapalitan ito ng iba't-ibang uri ng pakiramdam.
'So... hindi lang mga monsters ang kalaban ko sa dungeon na ito, kailangan ko ring mag-ingat sa ibang mga tao. How would I get what I wish for if every single bitch here is going to be my enemy?'
Nyiheng pluhuhu!
Napatingin si Hiraya sa siwang sa pagitan ng mga upuan at mesa. Bigla siyang napatago. Nakita niya ang isang tikbalang na nakatayo at nakatingin sa direksyon niya.
Nagtataka ang tikbalang sa nakikita nito at hindi sigurado sa kung ano ang gagawin. Ilang minuto itong nakatitig sa kakaibang kumpol ng mga upuan at mesa at nabawi lang ang tingin nito nang may nag-spawn na panibagong tikbalang. Nagsenyasan sila at nag-usap.
Pinigilan ni Hiraya ang bumuntong hininga nang malakas, 'Fuck, napaka swerte ko naman ata? That guy is dumb! Buti na lamang at tinitigan lang nito ang pwesto ko, probobly confused why a suspicious stack of arranged chairs and desk is sitting inside their spawn point. Luckily, too, it is not overly cautious. I can't imagine clashing with that horsy... not yet, but I will, maybe sometime later.' Kaba, takot at pagkasabik. Ilang damdamin ang naramdaman ni Hiraya sa loob lamang ng ilang minuto.
'Wait... other horsies didn't notice my hide-out, but that one did. A variant? Mutated? Or a higher form of tikbalang? Maybe mas mataas lang ang ilang stats nito kaysa sa mga naunang tikbalang?'
Gumawa ng mental note si Hiraya na hindi lahat ng monster sa system ay bopols, karamihan ay oo pero may iilang monster na may mas mataas na lebel ng pag-iisip.
Matapos ang ilang minuto pa ay umalis na ang mga tikbalang. Ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Hiraya. Meron lamang siyang apat na minuto para makatakas at ang una niyang pinuntahan ay ang bukas na bintana kahilera ng sulok na pinanggalingan niya.
Napatanga si Hiraya sa kanyang nasaksihan.
'Hell! Is this hell?'
Kung hanggang saan umabot ang tingin ni Hiraya ay puro nasusunog na mga bagay lamang ang nakita niya.
'How the fuck am I going to escape there? Damn... damn it all! The window, sisirain ko nalang ang bintana tapos ay tatalon ako pababa.'
Buong pwersang sinuntok ni Hiraya ang kahoy na bintana, pero hindi ito nasira bagkus ay may pwersang tumulak din pabalik sa kamao niya.
'WTF? Is my strength attribute that low? No, may pwersa ding tumulak sa pagsuntok ko...'
'What kind of mess is this?' Pinagpatuloy ni Hiraya ang pagsuntok sa bintana, nawala ang layunin niyang tumakas at tumalon, napalitan ito ng pagkasabik na malaman kung hanggang ilang suntok ang kailangan niyang pakawalan bago mabasag ang barrier. Tama, naisip ni Hiraya na may barrier ang bintana at baka kapag nabasag niya ito ay makalabas siya sa dungeon.
Sampung Suntok.. dalawampung suntok.. limampung suntok.
Crack!
Napangiti ang mga labi ni Hiraya nang marinig niya ang pagbitak ng barrier. Maliit ang nagawa niyang bitak pero nabuhayan ang kaluluwa niya dahil may nagawa siyang damage sa barrier.
Ding!
[System warning!]
-Leaving the dungeon this way is prohibited!
Ding!
[System warning!]
-A penalty shall be given if you leave before the dungeon is conquered!
[System penalty]
-Death!
"SYSTEM, FUCKER!.." Sigaw ni Hiraya pero agad niya ring tinakpan ang kanyang bibig.
'What now? Death penalty? Shit! No more time... I'll just leave this room for now.'
Dali-daling naglakad si Hiraya papunta sa pintuan, dahan-dahang sumilip siya sa hallway at bumuntong hininga siya nang wala siyang makitang mga tikbalang doon.
'Mabuti nalang at wala ang mga horsy, sayang naman effort kong magplano at magsiguro kung magrarambulan lang din kami pagtapos ng lahat ng ginawa ko.'
Muling napamura si Hiraya nang maalala niya na kaunting sigundo na lang ang natitira bago magdura muli ng tikbalang ang portal.
Maingat pero nagmamadali siyang naglakad, wala ang mga tikbalan pero may mga bangkay na nakakalat sa daanan.
'Oh my, that girl was ripped apart. Wow! That guy right there, his head was stomped to oblivion. Those tikbalangs, mataas ang strength attribute nila, obviously... those jacked-up muscles says so.'
Pinigilan ni Hirayang usisain pa ang mga nakakalat na bangkay sa daanan niya. Nagtsaga na lamang siyang ilarawan ang mga ito sa isip niya, itinanim na lamang niya sa utak niya ang mga itsura nila.
Ipinagpatuloy ni Hiraya ang marahan pero maingat na paglakad hanggang sa marating niya ang likuan pababa ng hagdan. Palingon-lingon siya sa direksyon ng spawn point, nag-aalala baka biglang lalabas mag-isa ang tikbalang at habulin siya para gawing chibog habang nag-aantay sa mga kasama nito.
Kablag!
Napatumba ang kung ano mang nabangga ni Hiraya sa lapag.
"Ah, aray kupo!" Mahinang bulong ng babae. Dahan-dahan siyang naglalakad paakyat ng hagdan dahil nag-iingat siyang baka may halimaw siyang makasalubong. Pero hindi niya inaasahan na may biglang babangga sakanya dahilan para mapatumba siya sa lapag.
Nanginig ang buong katawan ni Hiraya nang makita niya kung ano ang nabangga niya.
Nakasuot ito ng uniporme na pang 8th grade; puting blusa na gamit ng lahat at kulay asul na palda na tangi para sa 8th grade na babaeng studyante.
Hindi nanginig ang katawan ni Hiraya dahil nakabangga siya ng babaeng mas bata sakanya o dahil nagulat siya na baka monster ang nakaupong nilalang sa harapan niya. Nanginig siya dahil kilala niya ang mukhang nakalagay sa ulo ng babae.
"It's you! You're here!" Gulantang na eksklamasyon ni Hiraya.
Napabalik-tanaw si Hiraya sa nangyari. Hindi niya narinig ang kung ano mang tunog na dapat ay kanina pa niya napansin kung may tao o halimaw na papaakyat ng hagdan. May naalala siya.
Sa talas ng pandinig niya at alertong utak ay hindi niya nagawang mapansin ang babaeng ito. Naisip ni Hiraya na hindi na importanteng hindi niya iyon napansin, ang importante ngayon ay kung bakit andirito ang babaeng ito, 8th grade pa siya noong huli niya siyang nakita!
'What shitty plot twist is happening right now? Why is she back? Why is she here?'
Naalala bigla ni Hiraya na kailangan niyang tumakas. Naalala niya bigla na wala na siyang panahon para manatili pa sa lugar na ito. Tila nabuhusan ang utak niya at dali-dali niyang tinulungang tumayo ang babae.
"Ma-ay, bakit ka nandito at anong ginagawa mo sa lugar nato?" Tanong ni Hiraya sa babae.
"Kilala mo ako? Ha? Bakit alam mo pangalan ko? Stalker ka no? Teka sandali, wag ka ngang manantsing sakin, yung kamay mo, hoy yung kamay mo! Bitawan mo ako ano ba? Ano sa tingin mong ginagawa mo ha? Sexual assault to, hoy bakit hindi ka sumasagot ha? HOY!"
'Mother fucker, that mouth never fails to talk too much!' Napatulala si Hiraya. Inalis niya ang kamay niya sa katawan ni Ma-ay at tinakpan ang bibig nito. Sumenyas siya na tumahimik, napatigil ang pagpalag ni Ma-ay, malamang ay naalalang may mga gumagalang halimaw na iniiwasan niya.
"Now, stop talking at tahimik tayong umalis sa lugar na to okay? May mga halimaw sa lugar na to kaya kailangan na nating umalis!" Binitawan ni Hiraya ang pagkakatakip niya sa bibig ni Ma-ay, tumango ito at tinitigan siya.
"Adik ka ba sa droga? Bakit lubog yung pisnge mo tapos ang itim pa ng palibot ng mata mo? At least maganda tignan ang
matangos na ilong mo, at kissable lips ka din, hmm? Pag nag-ayos ka siguro papasa kang boyfriend!"
'Mother fucker! Kasasabi ko lang na wag maingay eh!'
Inakbayan ni Hiraya ang babae tapos ay tinakpan niya ang bibig nito gamit ang kamay niyang pinang-akbay, iginiya niya ito pababa ng hagdanan.