-----
"Okay, okay, okay, okay..." Paulit-ulit na sagot ng lalaki, pero hindi yata para kay Ma-ay, kinakausap yata nito ang sarili niya.
Nagtaka si Ma-ay sa ikinikilos ng senior student sa tabi niya. Napansin niyang puno ng dugo ang damit nito. Gulo-gulo ang buhok nito, maputla at kapansin-pansin ang puyat na puyat nitong mga mata.
Ganon pa man ay may kakaibang pakiramdam si Ma-ay na parang kilala niya ang lalaki, parang may boses sa isipan niya na nagsasabing may koneksyon siya sa lalaki at ayon din sa lalaki, dagdag pa sa kinikilos nito ay nagpapatunay lang iyon na magkakilala talaga sila.
Naupo si Ma-ay, nilapitan niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinapit nito, napahikbi siya at pumatak nanaman ang kanyang mga luha. Tiningnan niya ang maputlang mukha ng kanyang kapatid, nakakunot ang noo nito, hinaplos niya ang buhok nito at tinapik-tapik ang pisnge.
Nagrelaks ang mukha ng kanyang kapatid kaya't medyo gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Like me and like you, maswerte siya at buhay pa siya." Nagsalita ang lalaki, naupo rin ito sa tabi niya pero imbes na ang kapatid niya ang tingnan nito ay sakanya nakadapo ang nag-aalala nitong mga mata.
Hindi napigilan ni Ma-ay ang kagatin ang kanyang labi, kung hindi lang ganito ang kalagayan nila ay sumisigaw na siguro siya na maging boyfriend niya ang lalaki. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nito at hindi iyon kayang itago ng mga itim sa paligid sa mata ng lalaki.
--
"What do you think? Ano kaya ang umatake sakanya?" Nakatingin na si Hiraya sa kapatid ni Ma-ay, lumilibot ang mata nito sa katawan ng kapatid ni Ma-ay at napatigil ito bigla at inabot ang parte kung saan basang-basa pa ang dugo.
Tinampal ni Ma-ay ang kamay nito at umiling-iling siya.
"Hindi ko nga alam e, wala akong ideya kung ano ang nangyayari. Bigla nalang akong nagkamalay sa gitna ng takbuhan. Tas nauntog ako, tas nawalan ng malay. Nagising ulit ako e andami nang patay sa paligid. Tumakbo ako at pumasok sa silid nato tas nakita kong madami ring patay. Nilabas ko yung iba para gawing panlinlang..." Napatigil si Ma-ay para lumunok at napatingin siya kay Hiraya.
"Go on, nakikinig ako." Ngumiti si Hiraya, pero napansin ni Ma-ay na bakas sa mga mata nito ang pagkayamot. Lumabi si Ma-ay at sumimangot pero itinuloy niya ang mga sinasabi niya habang tinititigan si Hiraya.
"Ayun nga. Nakita ko ang kapatid kong duguan at walang malay dito sa pwestong ito." Napalitan nang pagtataka ang pagkayamot sa mata ni Hiraya. "May magagawa ba tayo para hindi lumala ang kalagayan niya?" Umaasang tanong ni Ma-ay.
Nag-pogi pose si Hiraya at ipinaling ang tingin sa babaeng nakahiga.
Biglang may kumirot sa ulo ni Ma-ay nang makita ang ginawa ni Hiraya at tila may mga memoryang sumisingit sa utak niya. Pinisil niya ang kanyang sentido at ilang sandali pa ay tumigil iyon.
'Ano yun? Bakit bigla akong may naalala, bagay na hindi ko naman alam kung kailan nangyari.' Umiling-iling si Ma-ay para subukang alisin ang pagkahilo niya.
"Are you okay? May masakit ba sayo?" Napansin ni Hiraya ang pagpisil ni Ma-ay sa gilid ng ulo nito. Umangat ang isang kilay ni Hiraya at inobserbahan si Ma-ay.
"Ayos lang ako... ano? May magagawa ba tayo?" Mahinang pinalad-palad ni Ma-ay ang sentido niya.
"Maari siyang mamatay, maaari ring hindi." Tumagilid ang ulo ni Ma-ay at napaisip siya. Hindi niya agad naintindihan ang ibig iparating ni Hiraya kaya't ilang minuto siyang nag-isip.
"Mamamatay ang kapatid ko kapag wala tayong ginawa at may tsansa siyang hindi mamamatay kapag nagawa natin ang paraan na naiisip mo? Tama ba?" Tinanguan ni Hiraya ang sinabi ni Ma-ay
Tumingin si Hiraya sa babeng tulog pero sa tingin niya ay may malay, napaisip siya, 'This world is an RPG right now. I experienced, real time the effects of health regeneration. Looking at this girl, maybe there is something that is stopping it, hence, may negative status ang babae... kapatid ni Ma-ay. I still don't understand why they're siblings but the most urgent matter is to find a way to heal this bit.. girl.' Pinisil ni Hiraya ang lubog niyang pisnge.
"We need a potion!"
"Ha? Lotion? Anong lotion, lotion ka dyan? Wala tayong oras para gawin ang inisip mo.."
"Wait you remember that?"
"Ah? Ano? Naalala ang alin?"
"Whatever, let's talk about that later, now, now, now, mayroon kabang natanggap na announcement or system message or something like that?"
Lalong nadagdagan ang pagkalito ni Ma-ay. Hindi na niya maintindihan kung saan patungo ang usapan nila.
"Ow, it's better if I just show you!" Lumibot ang tingin ni Hiraya sa silid, nakita niya ang isang bagay at pinulot iyon. Nakita ni Ma-ay na isa iyong lapis, bigla-bigla ay isinaksak iyon ni Hiraya sa kamay niya.
"Uy! Nababaliw kana ba ha? Bakit mo sinaksak ang sarili mo? Nagdadagdag ka naman ng aalalahanin ko e!" Namasa-masa ang mata ni Ma-ay.
"No wait, that took 2 Hp, hmmm chill baby... uhm Ma-ay I mean, now watch carefully." Inilagay ni Hiraya ang kamay niyang may sugat sa harapan ni Ma-ay, ilang minuto ang lumipas ay nagulat ito dahil nakita niyang nagsara ang sugat sa kamay ni Hiraya.
"Now, that's hp regeneration right there. Ah shiz, mamaya na ang explaination ang importanteng malaman mo ay may pumipigil sa pag-regen ng hp ng kapatid mo, okay?" Tumango si Ma-ay sa sinabi ni Hiraya.
"Kung tama ang hinala ko, we can forcibly make her regen health points, maybe if she gets her max health points back, baka mawala na din ang negative effect na pumipigil sa regeneration niya." Napa-okay face si Ma-ay.
"And to do that, kailangan natin yung potion na sinasabi ko. PO-TION, P-O-T-I-O-N, potion." Nagpatuloy ang okay-face ni Ma-ay.
"Paano natin gagawin ang potion?" Nakangiting tanong ni Ma-ay kay Hiraya.
---
(Hiraya)
May ilang mga katanungan na ang nasagot sa isipan ko.
First, hindi nakareceive ng system announcement si Ma-ay, dahil hindi niya alam ang mga nangyayari. Nag-spawn siya pagkatapos ng countdown. Ibig sabihin ay pwede siyang mai-label na 'monster' sa mundong ito, hindi ko nga lang sigurado kung otherworlder siya or aboriginal.
Maraming tanong ang sumulpot pa pagkatapos kong marealize ang sagot na ito, like; mag-lelevel up din kaya siya or gaya sa mga mob ay fixed ang level niya, o naglelevel up din kaya ang mga monsters? (I'll know the answer later).
Second, I think Ma-ay don't know what is the time right now, or kung ano na ang araw at taon ngayon. That bitc.. sister of her never grew up, not even after 4 years kaya siguro, I bet, ang nasa isip ni Ma-ay nasa panahon pa din siya before I met her, or maybe even before she glitched! That explains why she doesn't know me.
Now that brings the question, would she vanish again if I told her what I told her last time? Because, I mean patay na ang Sumulat or may nangyari sakanya... I really hope he's dead, so... maybe if I tell her, then her memories will come back? I'm smart enough para mapansin na may ala-ala siyang bumalik kanina, about dun sa lotion na sinasabi niya.
Ah, the memories. Sigh.
I know what I have to do but I don't know if I have the strength to do it. Maybe I should let nature take its course?
For now pupunuin ko na lang muna ng mga information ang utak niya regarding this new world.
Tumayo ako at kinalikot ang mga bagay-bagay sa loob ng magulong silid, "Hey, uhm... alam mo naman na siguro ang tungkol sa mga monsters diba? Kasi nakita mo na sila. So, normal pa ba ang mundong ito?"
"Ah, hindi na." Narinig kong sagot ni Ma-ay.
"Then you know that this world is in chaos right now right?" Tanong ko ulit, may nakita akong plastic ng pagkain sa lapag, may kalahati pang natitira. Pinulot ko iyon at binulsa.
"Ha? World in chaos.. ibig mong sabihin buong mundo, hindi lang ang skwelahang ito?" Takang tanong-sagot pabalik sa akin ni Ma-ay.
Binuksan ko ang bintana ng silid malapit sa pwesto namin at tumingin sa labas, gaya kanina nasusunog pa din ang lahat. Nakita kong sumilip si Ma-ay doon at napanganga siya hanggang sa napalitan iyon ng ngiti. Isinara ko muli ang bintana.
Nice! That's the spirit. This girl, like me, also have a loose screw in the head. Di kami mag-ki-click kung hindi.
"Ah, tungkol sa chaos na sinasabi mo.. ibig mo bang sabihin lahat sa buong mundo, as in lahat-lahat ay may mga gumagalang halimaw?" Nagning-ning ang mga mata niya. That martial fetish of her kicked in.
I bet she realized na may paraan para lumakas ang isang normal na tao para labanan ang mga halimaw na gumagala.
Actually, mas matalino at mas malalim mag-isip si Ma-ay kumpara sa akin. I learn through observation and she... she learns just like that, poof.
Yun ba talaga ang nakaprogram sa character niya? Or may hindi pa ako alam na feature sa mundong ito? I think it is the latter, madami akong alam pero hindi pa ako all-knowing.
"Yes, that's right. If I guessed correctly you have your own data screen too. Now try this. Isipin mo ang sarili mo tapos sabihin mo sa utak mo ang status sceen." Tumagilid ang ulo niya at biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Ma-ay Delkros, level 1, demi-human, female.. ha? demi-human?" Kunot na kunot ang noo niya dahil hindi niya naintindihan ang demi-human, ako din, I guessed some, pero hindi ang pagiging demi-human.
Mother fucker! Kung kapatid niya nga si Ganit, what role will she be playing in a love story if ever na hindi siya naglaho? Demi-human... could it be?