Madaling sabihin na "kung kaya ng iba ay kaya ko rin" pero mahirap patunayan, I've been living as my Sister's shadow, She's beautiful, talented, at higit sa lahat matalino. Ako? Simpleng tao lang, ayan lang masasabi ko sa sarili ko, tapos hindi pa ako sigurado sa hakbang na tinatahak ko
"Awit, sigurado ka talaga na mag bi- BSIS ka? (Bachelor of Science in Information System)" tanong ng kaibigan kong si Ara
"Oo, bakit? ayaw mo ba ako kasama?" nanghahamon na tanong ko sa kanya
"Hindi naman sa ganon, Tangina sino ba namang hindi magugulat? Eh STEM ka no'ng SHS tayo tapos ngayong college bigla ka nalang liliko ng landas, sana ayos ka lang!" sabi niya sabay tawa, ewan ko ba anong pumasok sa utak ko at sinundan ko itong bestfriend ko mag IS
"Ayos lang naman talaga ako, sana ikaw din" sabi ko nalang sa kanya
"Gaga ka talaga, ano say ng parents mo?" usisa niya pa
"Syempre... nagalit, pero ayos lang naman" sagot ko
"Sino ba namang hindi magagalit? 'yong kuya mo Engineering tapos 'yong ate mo BSENT tapos ikaw maliligaw sa IS?"Β inirapan ko nalang siya bilang sagot, hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko eh
Andito kami ngayon sa National Book Store kasi mamimili na kami ng gamit, pasukan na kasi next week. Bumili na rin ako ng libro na pwede basahin about Programming and basic info about computers, kasi wala talaga akong back ground about computerβbuti pa si Ara may alam kahit papano, sana all 'di ba?!
Orientation namin at nandito kami ngayon sa theatre ng school, yes may sarili po kaming theatre sa loob ng campus, buti nalang hindi sa gym ginanap at by course ang orientation syempre. Hindi lang naman daw puro programming ang gagawin namin dahil business related din daw itong kurso na kinuha ko, bago sa akin ang programming kaya naman medyo nacha- challenge talaga ako and hopefully huwag naman sana ako magsisi. Natapos ang araw ko na panay orientation lang ang ganap, hindi pa mabigat ang mga subjects namin ngayong first semester kaya chill lang siguro din ako nito
"Oy, ella! Ate mo oh" siko sa'kin ni Ara nang Makita niya ang ate ko na nakapila, nandito kami ngayon sa cafeteria, sinenyasan ko naman siya na hinaan ang boses niya. Same school lang kami ng ate at kuya ko, 4th Year college si Kuya Brix habang si ate Desh naman ay 2nd Year college. Ayoko malaman ng iba na kapatid ko sila, baka mag expect sila sa akin, tapos hindi ko naman kayang abutin expectations nila edi nabash pa ako 'di ba?!
"Epal ka, shh nga!" sabay irap ko sa kanya, umorder lang ako ng carbonara dahil hindi naman ako gutom
"Bakit nga pala ayaw mo malaman ng iba na kapatid mo mga 'yon?" pag uumpisa ni Ara, habang kinakain ang ice cream niya
"Ayaw ko lang" maiksing sagot ko
"alam mo, para kang tanga. Bakit? Dahil ba nag BSIS ka? Parang mababa ba tingin mo ganon?. Ayos din naman ang IS ah! In demand pa, alam mo naman ngayon high tech na. Pag naging ganap na programmer ka, gago tiba tiba kana sa pera no'n" mahabang paliwanag niya
"Kaya ba nag BSIS ka dahil d'yan sa sinabi mo?" tanong ko sa kanya, curious lang
"isang malaking.. OO! Hindi naman kami mayaman, kaya gusto ko 'yong trabaho na Malaki talga sahod tapos hindi ganon ka mahal na kurso at hindi rin
ganon katagal tapusin. Maging wais din kasi minsan ha?" paliwanag niya
-----
"Pst, Ella" tawag sa'kin ni Ara, andito kami ngayon sa computer lab kasi major subject namin ngayon
"Oh?" lingon ko sa kanya
"Sa tingin mo may makakasundo kaya tayo dito?" tanong niya
"Ewan?" kasi hindi ko talaga alam, 30 kami lahat sa isang section. Tapos anim lang kaming babae, the rest lalaki na lahat, nakakakaba tuloy sana mabait Prof namin dito. Napatahimik naman kaming dalawa bigla dahil dumating na ang Prof namin, naka civilian pa kami ngayon kasi isang buwan palugit sa'min na pwede mag civilian. After one month ay kailangan na namin mag Uniform
"So kamusta kayo? kabado ba?, huwag kayong mag-alala hindi naman ako nambabagsak, pero drop oo. Basta makinig lang kayo, paiiyakin ko kayo-- not now but soon" makahulugan na sabi ng Prof namin, tapos nag-umpisa na siyang mag discuss tungkol sa magiging takbo ng discussion namin mula Pre-lim hanggang Finals, C# na programming language daw ang pag-aaralan namin hanggang sa mag Capstone project na daw pag dating ng third year, amporkchop ha-- paliwanag pa lang ginagawa niya pero sumasakit na ulo ko sa mga pinagsasabi niya!
Lunch time at nandito kami ngayon ni Ara sa Mcdo kasama ang iba naming mga kaklase, sumabay kami sa kanila kasi para naman kahit paaano ay may bonding na, na magaganap. Tutal kami- kami rin naman magkakasama hanggang 4th year college, McFloat at 1-pc Chicken with rice inorder ko, magkakanin ako dahil nagutom ako sa mga pinagsasabi ni sir!
"Uy si Bryce oh!" pabulong na sigaw ng isa naming kaklase na babae, sabay turo don sa kalalakihang umupo sa 'di kalayuan sa table namin
"Awit lodi ko 'yan pagdating sa programming!" wika ng isa naman naming kaklase, hindi ko maintindihan usapan nila, gusto ko magtanong pero nahihiya ako
"ano meron? saka alin d'yan 'yong Bryce?" buti nalang naitanong ni Ara
"Ah, 'yong naka upo sa bandang dulo ng upuan. 'Yong naka puti tapos may printed na Programming is my wife. BSCS 'yan " Paliwanag ng isa kong kaklase na lalaki, kaya napatingin din ako, Matangkad siya, maputi, naka undercut, at malakas din ang dating
"Ano ba ang pinagkaiba ng BSCS at BSIS?" tanong ko kay Ara, kasi may background siya kahit papaano
"Ang BSCS kasi halos nagcocode lang sila maghapon, meron silang engineer na mind set, they are train to develop new and effective algorithms for solving computer problems, madami silang math and Science subjects. They are train to make their own algorithm, grabe ang critical thinking nila! kaya pag coding is life ka mag CS kana. Sa atin naman na BSIS, we are train to help an organization to determine how Information and Technology- enabled business process can be used as strategic tool to achieve a competetive advantage, so we must know the flow of business operation, kaya magkakaroon tayo ng business related na subjects kasi dapat alam natin kung ano ang irerecommend sa client natin. Tapos may pagkakaiba parin tayo sa BSIT, mukha lang na parang iisa pero hindi" Mahabang paliwanag ni Ara, amporky naman-- ano ba 'tong pinasok ko!?
"Talino kasi niyan ni Bryce kaya pang CS talaga, tapos pogi pa. Sana lahat!" sabi ulit ng kaklase ko na babae, 'di halatang crush niya e 'no?, napatingin tuloy ulit ako sa lalaking 'yon
----
Ang bilis ng panahon, mag pi-pre lim na pala! kailangan ko pa matapos lahat ng activities na pinapagawa sa major namin, kainis! hindi pa ako maalam mag code, buti pa si Ara petiks petiks lang!
"Hoy, Ella! ano? walang balak umuwi?" sita sa akin ni Ara, hindi pa kasi ako tapos sa ginawa ko na program
"Wait mo nalang ako sa library, ML ka muna do'n" sagot ko sa kanya, at agad naman siyang pumayag-- syempre ML is life siya eh, nag offer siya na tulungan ako kaso ayaw ko naman na maabala pa siya kaya umayaw ako
Mahigit isang oras na akong nakikipag-titigan dito sa punyetang monitor na 'to! nakakainis, error parin! ano ba ang mali ko!? nakakaasar ha! Chineck ko ulit 'yong code ko mula sa umpisa hanggang sa dulo, tapos ni-run ko ulit.. pero may ERROR parin. Nauubusan na ako ng pasensya!
"Semi colon" muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang may narinig akong nagsalita kaya napatingin ako sa likuran ko, 'yong lalaking sinasabi ng kaklase ko noon! wait ano ulit pangalan nito? Brent? Breeze? amporky hindi ko maalala
"Are you talking to me?" paninigurado ko
"No, Ghost. Tsk" aba't barumbado kausap ah!
"Malay ko ba, mamaya kinakausap mo pala sarili mo" tinignan ko siya ng masama, kaming dalawa lang naman kasi nandito sa computer lab ngayon, uwian na kasi
"Tsaka anong semi colon?" kunot noo kong tanong sa kanya
"Yung kulang mo, Semi colon" sabay turo niya sa dulo, bandang may parenthesis, kaya nilagyan ko agad ng semi colon, sabi nila matalino daw 'to kaya sinunod ko nalang agad para matapos na rin ako. Pagka run ko ulit, ayon! gumana naaaaa!
"Ayon lang pala 'yon!?" napasigaw tuloy ako
"Tsk, ayon lang pala? 'wag mong nilalang ang semi colon, baka 'yan pa dahilan ng pagbagsak mo. Ang gulo mo pa mag code, wala man lang comment. Hindi pa huli ang lahat para mag shift" aba, nilait pa ako? konti nalang masasapak ko na 'to e
"Pakealam mo? ba't ka ba nandito? alis!" taboy ko sa kanya
"Pwesto ko 'yan at d'yan ako magcocode, kaya ikaw ang umalis" sagot niya na kala mo ay bagot na bagot
"May pangalan mo? " inis na lingon ko ulit sa kanya habang sini-save ang gawa ko sa flashdrive ko, pero hindi ko alam kung saan naka saved itong program files na ginawa ko!
"Stupid, drive D" bigla nanaman siya nagsalita
"anong drive D?" litong tanong ko sa kanya
"Anak ng-- BSIS ka ba talaga?!" inis na sabi niya tapos bigla nalang inagaw sa akin 'yong mouse tapos 'yong kaliwang kamay niya ay nakapatong sa kaliwang side ng table, para tuloy niya akong niyayakap na ewan, na conscious ako bigla!
"Oh ayan, saved na sa flashdrive mo. Tanggalin mo na, badtrip!" agad ko namang tinanggal ang flashdrive ko sa unit at tumayo na para umalis
"Thank you ha?" sarkastiko niyang bigkas
"you're welcome" sarkastiko ko rin na sagot, kainis!
Note: GππΊπππΊπππΌπΊπ /ππππΌπππΊππππ πΎοΏ½οΏ½οΏ½ππππ ahead, feel free to correct me.