Chereads / WORDS IN MY HEAD / Chapter 2 - CHAPTER TWO

Chapter 2 - CHAPTER TWO

"SA WAKAS TAPOS NA DIN ANG PRE-LIM!" sigaw ni Ara nang makalabas na ang Prof namin, ngayon ang last day ng Pre- lim namin, na tuyo utak ko do'n ah

"Pwede kana mag rank game magdamag mamaya" sabi ko kay Ara, kahapon pa kasi siya nagrereklamo na hindi pa siya nakakabawi

"Ella, tawag ka ni Sir Jaze sa office niya" kunot noo kong tinignan ang kaklase ko tsaka ko niligpit ang gamit ko sabay tango

"Samahan kita?" tanong sa'kin ni Ara

"Huwag na, wait mo nalang ako sa cafeteria" sagot ko sa kanya

Pagdating ko sa office ay nando'n din sina Jane, Erika, Cheska at Christine mga kaklase ko, si Ara lang ang hindi napatawag sa'ming mga babae, parang alam ko na ano sasabihin ni sir ah

"Pinatawag ko kayo dahil sa resulta ng pre- lim niyo sa subject ko, halos wala kayong sagot. Tignan ninyo ang answer sheet niyo" binigay niya sa amin ang answer sheet namin, at parang gusto ko nalang lamunin ako ng simento, nakakahiya. Ngayon lang ako nakakuha ng ganitong score sa exam 20/60? kung sabagay puro sa written lang ang nasagutan ko, sa hands on wala akong nagawa ni-isa

"Lalo kana Jane, halos wala ka nang iniskor, Pre - lim palang naman, makakabawi pa kayo pero pinatawag ko na kayo ng maaga para aware kayo at mag-aral kayo ng mabuti, practice lang ng practice sa pagcocode hanggang sa mabilis niyo nalang ma-execute bawat logic" paliwanag ni sir

Nawalan tuloy ako ng gana kumain, ganito pala ang pakiramdam kapag hindi mo gamay ang ginagawa mo, sa mid-term wala na kaming written exam sa programming puro hands on na. Mukhang kailangan ko talagang pag-tuunan ng pansin 'yon

"Uhm Ara, una kana umuwi. May gagawin pa ako eh" sabi ko kay Ara, wala kaming last subject dahil may emergency meeting ang mga Prof

"Samahan na kita" alok niya

"Hindi na, sa lab lang naman ako eh" sabi ko

"Lab? wala pa naman tayong activity ah" nalilitong sabi niya

"Wala kasi akong naisagot sa hands on, kailangan kong mag practice"

"Edi tutulungan na kita" ayaw ko na siyang abalahin kaya umiling ako, hindi na rin naman siya nangulit pa dahil alam niyang pag desidido akong gawin mag-isa, ayaw ko talaga nang may kasama. Pumunta ako sa computer lab, buti nalang walang tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Nilabas ko ang module ko tsaka 'yong flashdrive ko para makita ang mga sample activities namin

Tatlong oras na akong nakaupo dito pero iisang program palang ang natapos ko, nakakainis sinandal ko saglit ang ulo ko sa table at tumagilid pa kaliwa, napapikit nalang ako sa sobrang inis, kaso hindi ko pwedeng tulugan 'to kaya dinilat ko rin mata ko

"Anak ng tupa!" napasigaw ako sa gulat pagdilat ko dahil nahagip ng paningin ko si Bryce, oo Bryce pala 'yon hindi Breeze or what, sinulyapan niya lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa niya

"Pwede bang lumikha ka naman ng ingay na nandito ka pala? aatakehin ako sa puso sa'yo eh" inis kong sabi sa kanya

"I've been there for almost 30 minutes, late naman ng gulat mo" sarkastikong sabi niya, inirapan ko nalang siya dahil mauubusan lang ako ng energy pag kinausap ko pa siya. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko, hinahanap ko kung sa'n ba ako nagkamali, oo ganon nga dito sa programming ipapamukha talaga sa'yo na nagkakamali ka, bwiset! gusto ko nang ihagis ang monitor na 'to sa gigil ko

"Curley bracket" nagsalita nanaman siya, andito pa pala 'tong kutong lupa na 'to. Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko ay hindi ko na napapansin paligid ko

"Panong curley bracket?" tanong ko

"Mali-mali placing mo ng curley bracket, kulang 'din ang parenthesis mo tapos 'yong colon symbol ano 'yan? bakit nandyan?" inusog niya ang upuan niya sa tabi ko, do'n siya nakapwesto sa pinwestuhan ko dati, d'yan talaga ata siya lagi, kaya naman hindi na rin ako pumwesto don

"Kapag magcocode ka at maglalagay ng curley bracket 'wag pa isa-isa, pag may open-- close mo agad tapos enter tsaka ka ngayon sa loob maglagay kung ano man ilalagay mo na code. Don't foget to put a comment in every step you're doing using two backslash, bakit hindi ka object oriented mag code? ang gulo ng code mo at nakakahilo. Use some method tss" mahabang paliwanag niya na pinakinggan ko rin naman, hinayaan ko siya na magpindot sa keyboard ko

"Aba, malay ko ba! hindi ko naman alam na may ganon pala" sagot ko nalang at medyo lumayo dahil masyado siyang malapit, naamoy ko pa ang manly scent niya-- ano kayang pabango ang gamit niya? ang bango e

"Anong year ka ba?" he asked

"1st year" sagot ko naman

"Ah, kaya" maikling sagot niya

"Ikaw ba?" tanong ko naman, para hindi awkward

"2nd, Oh ayan na. Ok na, now try to make a new one" sabi niya at bumalik na sa pwesto niya

Tinry ko muna i-run 'yong inayos niya, gumana naman -- wala din s'yang binago gaano, nagbawas at nag dagdag lang. Sinaved ko muna 'yon bago inumpisahang gawin ulit

Naka ilang run nanaman ako, puro error amporky talaga! bakit gano'n?! hindi ko ma debug, bwiset! tumingin ulit ako sa sample do'n sa module ko at tinignan ko pa ulit ang flow chart no'n para maisip ko ng maayos itong ginagawa ko pero hindi ko talaga magawa

"Data type" nagsalita nanaman si Bryce, bakit ba ang hilig niya nang walang warning kung magsalita? tss

"Data type?" ulit ko, bumuntong hininga muna siya at saka tumayo sa bandang likuran ko, nilagay niya ang kaliwang kamay niya sa mesa bilang suporta at 'yong kanang kamay naman niya ay nilagay niya sa mouse, buti nalang kanina ko pa binitawan ang mouse

"Double dapat 'to, bakit ginawa mong int? tsaka instead of string, dapat Character 'to. Tapos wala kang readline, tss" paliwanag niya sabay tinuturo niya sa mouse ang mga mali ko

"Sorry naman! baka kasi beginner e 'no?" sarkastikong sabi ko

"Lame, ano puro ganda lang meron ka? tanginang 'yan" parang nabingi ako bigla sa sinabi niya, wow-- just wow? ano ba ang alam niya? fuck his stupid mouth! sa sobrang inis ko sa sinabi niya umalis nalang ako bigla, ni-hindi ko na nga nabunot ang flashdrive ko pero bahala na! bwiset siya sobraaaaaaaaaa

Madilim na paglabas ko ng gate, 7:00 pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras, marami din naman akong kasabayan lumabas dahil labasan ngayon ng mga 7:30 uwian, amporky mahaba pala pila ngayon sa sakayan ng jeep dahil uwian, bakit ba kasi hindi ko namalayan ang oras? ang bobo kainis

-------

"Oy, punta kayo mamaya ha!" sigaw bigla ni Cheska, 18th birthday niya pala ngayon

"Oo naman basta may shanghai ha tapos alak na rin hahaha!" bawi naman ni Ara, ito talaga napaka hilig sa shanghai

Umuwi muna ako at tsaka nagbihis, wala namang dress code 'yong party niya kaya nagsuot nalang ako ng white floral off-shoulder above the knee dress at Platform pumps sandals na white din, 8:00pm start ng debut party niya buti nalang at hanggang 4:30 lang sched namin ngayon, may enough time para makapaghanda. Isa pa naman ako sa 18th gifts! chineck ko muna 'yong paper bag na pinaglagyan ko ng regalo baka mamaya hindi ko pala dala, White Quilted Sling bag na Chanel lang dala ko kaya nilagay ko sa paper bag ang regalo ko for her

7:50pm nang makarating kami sa venue, pero marami nang tao, babaeng 'to! marami palang bisita buti nalang naka-aura ako ngayon!

"Hindi ba si Bryce 'yon? invited din?! wow lakas naman ni Cheska!" Chika ni Jane, nasa iisang table lang kami

"Kunin mo na flashdrive mo" bulong ni Ara sa akin, sabay tawa. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari last time, sinamaan ko tuloy siya ng tingin

"Amporky ka ha, hindi naman sigurado na nasa kanya. Malay mo wala talaga 'yang malasakit at iba nakakuha ng flashfrive ko, edi napahiya pa ako" bulong ko pabalik

"Kuya ata ni Cheska ang nag invite, magtropa 'yon eh" paliwanag ng isang kaklase namin na lalaki

Tinuon ko nalang ang pansin sa harapan nang mag umpisa na ang party, grabe ang ganda ni Cheska ngayon, bidang- bida ah! Red na may glitters ang gown niya-- para siyang prinsesa

Bryce's P.O.V

"At ngayon, dumako naman tayo sa 18th gifts!" the emcee announced

I hope this party will end soon, I just wanna go home

"Pre, 'diba ayon 'yong babaeng kasama mo last time sa computer lab?" siko sa'kin ni Aeron

"Computer lab?" I asked in confusion

"Oo, gago! kala mo hindi ko nakita ah! tatawagin sana kita kaso busy kayong dalawa kaya umalis nalang ako! pasimple ka pang hayop ka" napalingon ako sa tinuro niya, at oo 'yon nga 'yong babaeng nakasama ko sa computer lab, badtrip. Na sa'kin pa flashdrive niya, umalis nalang kasi bigla. I think I went overboard last time, that was not intentional

"𝐁𝐞𝐚𝐭𝐫𝐒𝐱 𝐁𝐞π₯π₯𝐚 πƒπž π‹πžπ¨π§" tumayo siya bigla sa upuan niya bitbit ang paper bag at pumunta sa harapan, so that's her name?

"Tangina ayan 'yong crush ko na sinasabi ko inyo!" Caden said, one of my friend. Crush my ass! ano siya bata? napatingin ulit ako sa harapan, she has a white skin tone, sakto lang tangos ng ilong, fine body, hanggang dibdib ang haba ng buhok, hazel eyes, at sakto lang din height. She looked like a walking barbie doll

"Ulol mo, naunahan kana ni Bryce! hahaha" parang gago naman 'tong si Aeron

"Kilala mo 'yan Bryce!?" Caden asked

"No" tanggi ko, hindi naman talaga

"Ah, kaya pala magkasama kayo sa lab ?" nakakalokong ngiti ni Aeron

"Awit, broken na agad si Caden!" kantyaw ni Chase, gago amp

"Taksil ka talaga Bryce! anong course n'ya?" Caden asked

"Crush mo tapos hindi mo alam course?" ang hina

"Malay ko ba! dalawang beses ko pa lang siya nakikita e, tapos sa labas pa!" reklamo niya, parang bata

"BSIS" sagot ko

"Tanginaaaaaaaaaaa, sa Tourism ko hinahanap tapos ka Department lang pala natin?!" kung hindi ko lang alam na BSIS 'yon, aakalain ko rin na Tourism

"Sige, ilakas mo pa. Gusto mo mic?" sarkastikong sabi ni Aeron, napailing nalang ako

---

"OH MY GOSH 'YONG BATA!" napalingon kami dahil may sumigaw, tapos bigla nalang may tumalon sa swimming pool, si Beatrix

Basang basa siyang umahon galing sa pool kasama ang bata, the kid fell? at sa dinadami-dami nang lalaking malapit naman sa swimming pool, wala ni-isa ang naglakas ng loob na tumalon para saginipin ang bata. She's wearing an off-shoulder above the knee white floral dress, too much skin exposure tapos nabasa pa tss, napailing nalang ako at hinubad ang Blazer ko, lumapit ako sa kanya at ibinalot sa balikat niya. Buti nalang isa ako sa 18th roses, may pakinabang suot ko

Note: G𝗋𝖺𝗆𝗆𝖺𝗍𝗂𝖼𝖺𝗅/π—‰π—Žπ—‡π–Όπ—π—Žπ–Ίπ—π—‚π—ˆπ—‡ π–Ύπ—‹π—‹π—ˆπ—‹π—Œ ahead, feel free to correct me.