๐๐ฅ๐ฅ๐'๐ฌ ๐.๐.๐
Pag gising ko ay hindi ako familiar sa kwarto na 'to, the theme of the room were gray and white-the scent-- then I remember what happened yesterday. My parents.. alam ba nila kung nasaan ako? I can't face them for now. Ayaw ko muna silang makita pansamantala, I know na kailangan ko silang harapin pero hindi ko pa kaya sa ngayon.
Lumabas ako ng kwarto, walang tao kaya bumaba ako. Nakita ko naman si Bryce sa living room doing something in his laptop, tumikhim kaya napatingin s'ya sa akin.
"Oh, gising kana pala. Tara kain na" tumayo siya agad at pumunta sa dining room kaya sinundan ko siya.
Tahimik akong umupo sa upuan habang naghahanda siya ng pagkain, I tried to help pero ayaw niya kaya hinayaan ko nalang siya.
"Alam ba ng parents ko na nandito ako?" I asked.
"No, kuya mo lang pati si Ara" He said, sinenyasan niya ako ng kumain na.
"Pasensya na sa abala" I said, nakakahiya-- alam kong busy siya lalo na't nireready na ata niya ang sarili niya para sa capstone project nila pag nag third year na siya.
"Kahit kailan ay hindi ka nakakaabala sa'kin, it's my pleasure to help you" sabi niya at bahagyang ngumiti, napatingin ulit ako sa paligid-- walang maid, parang walang laman ang bahay nila.
"Ako lang mag-isa dito, My mom move out with my younger sister and brother-- do'n sa bago niyang asawa" napansin niya ata na palinga linga ako kaya niya siguro nasabi 'yon.
"Ahh, nakakalungkot naman. Ikaw lang mag-isa dito" sabi ko.
"I don't stay here, sa condo lang ako madalas" ahh kaya pala.
Ang dami na niyang naitulong sa'kin, wala man lang akong ambag pa sa buhay niya amporky naman, may sumagi tuloy sa isip ko.
"Uhmm.. about us u--"
"Hindi naman ako nagmamadali, relax" napatawa s'ya ng mahina.
"Okay" sagot ko nalang, hindi na rin siya nagsalita, tahimik nalang kaming kumain.
"Pero kung hindi mo talaga ako kayang magustuhan sabihin mo lang"
"So that I'll work harder" tumingin muna siya sa'kin bago umupo, did I make him feel unwanted?
"Let's make it official.." sabi ko at tumayo para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
Naramdaman kong tumayo siya, hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya gusto kong matawa sa hitsura niya, parang bata na sabik na sabik pft.
"REPEAT IT" titig na titig siya sa'kin, napaiwas tuloy ako ng tingin pero nakita ko parin mukha niya dahil tumapat ulit siya sa'kin, amporky .
"Let's m-make it o-official" I repeated.
He then hugged me, tightly-- ibinaon niya ang sarili niya sa balikat ko.
"Thank you for trusting me" he said between our hug.
------
"What do you like about me?" tanong niya, we're here in his room--cuddling ang weird lang dahil sobrang kumportable ko sa kanya.
"Why'd you ask?" I said looking at him.
"I'm curious, don't tell me you just said yes but you don't even like me?" masamang tingin niya sa akin, natawa tuloy ako na mas lalong ikinasama ng tingin niya.
"Syempre ang pogi mo eh" gusto ko siyang asarin hahhaha.
"Tss" tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at tumihaya ng paghiga inunan niya ang dalawang kamay niya, nakatingin lang siya sa kisame.
Napikon pa nga, umupo ako at humarap sa kanya.
"I don't know what was the exact reason why I like you, nagising nalang ako isang araw na namimiss na kita, na hinahanap ko na ang presensya mo at sobrang kumportable ako sa'yo. Kapag nalulungkot ka-- gusto ko ako ang unang makaalam because I want you to rely on me first" Dumapa ako at pinantayan siya.
" Gusto ko ako ang unang tao na makakaalam kung ano ang nangyayari sa'yo" I kissed his nose.
"Sorry for being so being demanding" I kissed the side of his lips, nakita ko naman na tumaas ang kilay niya at ngumiti.
"You deserve it...๐ฆ๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐" I was caught off guard because of the "my love" bakit ang sarap pakinggan?! amporkyyyyyyyy
"I'll leave tomorrow" pag iiba ko ng topic, pareho kaming nakatingin lang sa kisame ngayon.
"Uuwi kana sa inyo?" he asked.
"No, I'll go somewhere" finals is coming, wala na kaming iiexam sa major dahil final project ang ipapasa namin kaya pwede naman na umabsent ako kahit dalawang araw lang.
"Where?" tumagilid siya paharap sa'kin, kita ko sa peripheral vision ko.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti, agad ko rin ibinalik ang tingen ko sa kisame na para bang may ganap do'n na kailangan kong panoorin.
"Kung sa'n man ako mapadpad" hindi ko rin alam kung sa'n ako pupunta, ayaw ko naman kila Ara dahil matutunton din ako agad do'n and I'm sure sooner or later matutonton din nila ako dito.
"I'll go with you" hinarap ko naman agad siya, nang marinig ko 'yon.
"Amporky ka? busy ka kaya" inirapan ko tuloy siya, ayaw ko makaabala.
"Ang sama ko naman na boyfriend pag pinabayaan kong mag-isa at malungkot ang girlfriend ko" he said as he caressed my face, napatingin tuloy ako sa kamay niya.
"I can manage" dagdag pa niya.
------
Maaga kaming umalis do'n sa bahay nila Bryce, kasama ko s'ya. Pupunta kami ngayon ng Cebu, may rest house daw do'n ang pamilya ni Bryce kaya naisipan namin na doon nalang pumunta, para makabisita rin s'ya sa lola niya.
Natulog lang ako sa byahe, dahil late na kami nakatulog kagabi-- pa'no nag kwentuhan kami at 'di na namalayan ang oras.
"Welcome back hijo!" sabi ng isang may edad na na Ginang.
"Nako, excited na ang lola mo na makita ka ulit!" sabi ng ginang bago mapalingon sa akin.
"Nobya mo ba 'to? aba'y napakagandang dalaga naman" sabi nito kaya napangiti ako at binati siya.
"Opo, Aleng Maria. Sinabi mo pa, 'di ba sobrang ganda niya po?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman ngumiti nalang ulit ako.
Galing sa airport ay nag van kami papunta sa lugar na pupuntahan namin. Ang gaganda ng tanawin at nakaka relax tignan.
Dalawang oras ang byahe namin papunta sa hacienda nila, OO HACIENDA pala 'to hindi naman sinabi sa akin ni Bryce, sabi niya surprise daw.
"You don't like it?" agad naman akong umiling.
"I like it! sobraaaa" bakit hindi ko magugustuhan? ganito ang hinahanap ko na lugar, ang ganda ng tanawin at nakakarelax tignan.
I captured some photo of the scenery kasi ang ganda, I posted it in my instagram account.
๐๐ฆ๐ฆ๐ฏ ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ง๐ฐ๐ณ.
Ayan ang nilagay ko na caption, I uploaded it kasi gusto ko ipaalam sa pamilya ko kahit papa'no na nasa maayos na lagay ako. Sa instagram ako nag-uupload ng mga personal na bagay, sa facebook ko kasi ay limitado lang ang ina-upload ko, I don't even upload a picture with my family there.
Kinuhanan ko rin ng litrato si Bryce na nakatingin sa labas ng bintana, nilagay ko siya sa day ko sa fb pero inedit ko muna, ginawa kong black and white tapos nilagyan ng caption na "๐ ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ด".
Agad kaming sinalubong ng lola niya nang makarating kami sa Mansion, Makaluma ang interior design nito pero hindi siya panget, actually sobrang ganda. Parang mga sinaunang disenyo na nababasa ko sa history.
"Magandang tanghali po" bati ko sa lola niya.
"Magandang tanghali din hija, jusko napakaganda mo naman" puri niya, nahiya tuloy ako.
Matapos naming kumain ng tanghalian ay nagpahinga muna kami, magkahiwalay kami ng kwarto ni Bryce-- pero pareho kaming nasa balcony ngayon, siya sa balcony ng kwarto niya at ako naman ay sa balcony ng kwarto ko. Magkatabi lang ang kwarto namin at parehong mero'ng balcony.
Nakatingin ako sa kawalan, ang ganda talaga ng tanawin hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahi nakaka relax, sobraaaaa.
Inaya ako ni Bryce na mamasyal sa hacienda nila, sa papa niya pala 'to. Sumakay kami sa kalesa at naglibot libot, napadako kami sa may malaking puno, huminto kami at sumilong, hapon na rin. Naka maong shorts lang ako and over-sized mustard yellow shirt, naka tuck in sa harapan, salikod hinayaan ko lang na medyo mahaba, si bryce naman at naka black sweat shorts and naka plain grey na shirt.
"Let's take some photos!" masigla kong sabi, tumango naman siya.
Pagkatapos namin mag picture ay umupo kami sa ilalim ng puno.
"Thank you" pagpapasalamat ko sa kanya.
"You're always welcome my love" hindi ko maiwasan na mapangiti, pero napawi 'yon ng tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko pero tinanggap ko rin ang kamay niya at tumayo.
Nilagay niya ang isang kamay ko sa balikat niya at nilagay naman niya ang isang kamay niya sa bewang ko, he then clasped his other hand with my free hand. He started to sway kaya sinabayan ko din siya.
"You looked relax and happy" puna niya habang sumasayaw kami, kahit walang tugtog tanging hangin lamang at tunog ng mga ibon ang nagsisilbeng musika namin.
"And the reason is you" I said at ngumiti sa kanya.
I'm so Thankful to have him, pinatong ko na ang dalawang kamay ko sa balikat niya I kissed his cheek before hugging him, ng sobrang higpit naramdaman ko naman ang higpit ng yakap niya rin sa bewang ko.
"๐'๐ฅ๐ฅ ๐๐จ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ญ ๐ ๐๐๐ง ๐๐จ ๐ญ๐จ ๐ฆ๐๐ค๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ก๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐๐๐๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ ๐ ๐ข๐ซ๏ฟฝ๏ฟฝ๏ฟฝ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฒ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐ฌ๐ข๐๐"
"At masaya ako na ako ang nasa tabi mo, I want to be the reason of your smile everyday. When everything goes wrong I'll make it right for you...๐ฆ๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐" he said and kissed my forehead.
๐๐จ๐ญ๐: ๐๐๐บ๐๐๐บ๐๐๐ผ๐บ๐ /๐ญ๐ฒ๐ฉ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐๐๐ฅ/๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐, ๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ซ๐ซ๐๐๐ญ ๐ฆ๐.