๐๐ฅ๐ฅ๐'๐ฌ ๐.๐.๐
"Awit! aminin mo na kasi na kinilig ka!" pangungulit sa'kin ni Ara, nandito kami ngayon sa kwarto ni Cheska dahil nakaligo ako ng wala sa oras. Nakakahiya, sa halip na asikasuhin niya ibang bisita niya nakaabala pa ako. Nag panic ako nang makita ko ang pagkahulog ng bata sa pool kaya naman tumalon din ako agad.
"Ano'ng nakakakilig do'n?" iling ko at pinagpatuloy ang pag papatuyo ng buhok ko. Pinahiram ako ng shorts na maong ni Cheska tapos white over-sized shirt kaya naman naka tuck-in sa short 'yong damit pero hindi full, sa bandang kanan ko lang ni-tuck in, napatingin nanaman ako sa blazer ni Bryce iniisip ko kung isasauli ko na ba 'yon o iuuwi muna para malabhan, haysz
"Nakakakilig kaya! ako nga kinilig eh!" sabi niya, luh? parang tanga.
"Alam mo-- bumaba ka nalang do'n. Alak na alak ka 'di ba?" taboy ko sa kanya, lumabas saglit si Cheska kaya kaming dalawa nalang naiwan dito sa kwarto n'ya.
"Sure ka na ayos ka lang dito?" paninigurado niya.
"Oo, tanga. Do'n ka na nga!" taboy ko ulit sa kanya, natawa nalang siya at umalis.
"Ella, tara do'n sa baba! aba mag enjoy ka naman kahit papano kung hindi-- magtatampo talaga ako" Cheska said while pouting.
"Gaga maraming tao, tapos naka ganito lang ako" sabi ko naman.
"Hindi ah! close friend lang namin ni kuya ang nasa baba. Nasa swimming pool area halos ang lahat. Nasa baba rin mga kaklase natin, tara na" pangungulit niya, napabuntong hininga nalang ako at tumango.
"Susunod ako, promise" sabi ko at pinauna na siyang bumaba, I tied my hair into ponytail at nag-iwan ng konting hibla ng buhok sa bawat gilid. Mayaman pala 'tong si Cheska, hindi ako updated-- lumabas na ako sa kwarto niya at naglakad pababa ng hagdan, nasa kalahati palang ako ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko, napailing nalang ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang mahagip ng paningin ko si Bryce, nando'n din ang kuya ni Cheska-- oo nga pala, nabanggit kanina na tropa pala ng kuya niya sa Bryce.
"Ella! tara dito!" sigaw ni Ara, 'tong babaeng 'to ang ingay ng bunganga! napalingon din tuloy 'yong ibang nando'n sa gawi ko, nakakahiya! Lumapit ako sa pwesto nila.
"Ano kumusta swimming?" sabi ni Sean, sabay tawa naman ng iba naming kaklase. Sinamaan ko siya ng tingin, may gana pang magbiro?
"Ayos naman, nakaka refresh gusto mo ikaw din?" plastik ko'ng ngiti sa kanya na ikinatawa niya.
"Oh shot ka na nga lang! init ng ulo-- kala ko ba refreshed kana?" tawa ni Ara, inirapan ko s'ya, gatong pa ang gaga.
Nagpaalam ako na magpapahangin sa labas, kung minamalas nga naman talaga-- kailangan ko'ng daanan ang pwesto nila Bryce, pero bahala na.
"Ella, tara ditooo" tawag sa'kin ni Cheska, kausap niya kuya niya. Tipsy na ang gaga, napa-buntong hininga ako bago lumapit sa kanila, nagtinginan din ibang barkada ni Bryce, nakakailang. Agad akong inakbayan ni Cheska nang makalapit ako, muntik pa s'yang matapilok.
"This is my Brother, ๐๐ฑ๐ช๐ผ๐ฎ" pagpapakilala n'ya sa kuya n'ya, anong trip ng babaeng 'to?
"Kuya, this is ๐๐ฎ๐ช๐ฝ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ต๐ต๐ช--uhmm ๐๐ต๐ต๐ช for short!" nilahad ng kuya n'ya ang kamay n'ya at nginitian ako kaya naman kinamayan ko s'ya at ilang na ngumiti rin.
"Ang daya ah, dami natin dito oh! bakit si Chase lang pinapakilala mo?" reklamo ng isa sa mga lalaki na nando'n.
"Hindi n'yo naman sinabi agad na gusto n'yo rin pala! hmp" parang bata na reklamo ni Cheska.
"Uhmm Ella, si kuya ๐๐ช๐ญ๐ฎ๐ท nga pala" sabay turo n'ya sa lalaki na katabi ni Bryce.
"tapos ito si kuya ๐๐ฎ๐ป๐ธ๐ท" turo n'ya do'n sa lalaki na nasa gawing kanan ni Bryce.
"And this is kuya ๐๐ป๐๐ฌ๐ฎ, 'yong nagpahiram sa'yo ng blazer kanina" sabay ngiti niya ng nakakaloko, don't tell me pati s'ya kinilig?
"Uhm. . . Hi, kuyas?" hindi siguradong tanong ko, na ikinatawa nila, anong nakakatawa?
"Awit, Brotherzone agad hahahaha" sabi ng kuya ni Cheska.
"LUL!" sabi no'ng isa sa kanila, Caden ata pangalan? nagpaalam rin ako agad sa kanila at tsaka tuluyan nang lumabas.
Sa bandang garden area ako pumwesto at saka umupo sa bermuda grass, nakakarelax! malalim na ang gabi, tinignan ko sa Phone ko para malaman ang oras, 11pm na? bilis naman, buti nalang nagpaalam ako sa bahay na baka madaling araw na ako makauwi, wala rin naman parents ko kaya ayos lang, may narinig akong kaluskos kaya napatingin ako sa gawing kanan ko, kumunot ang noo ko nang makita ko si Bryce-- umupo din s'ya sa bermuda grass mga 2 meters pagitan namin, ang awkward na tuloy-- amporky!
"Iuuwi ko muna ang blazer mo para malabhan tsaka ko na isasauli sa'yo" umpisa ko, kasi ang awkward-- bakit kasi dito din s'ya? tumango lang s'ya bilang sagot. Hindi n'ya ba alam na pinag-isipan ko ng mabuti 'yong sinabi ko tapos tango lang igaganti n'ya? sayang laway ko do'n ah! hindi nalang ako nagsalita ulit, manigas s'ya d'yan psh.
"Here" ayan bigla-bigla nanaman s'yang nagsasalita amporky ng lalaking 'to ha, tinignan ko s'ya then 'yong kamay n'ya dahil may iniabot s'ya.
"Kunin mo, bilis. Nakakangawit" inip na inip agad? napairap nalang ako tapos kinuha sa kamay n'ya ang flashdrive ko, oo-- flashdrive ko, kinuha n'ya pala talaga-- may malasakit naman kahit papano, may mga mahahalaga akong files dito 'no! buti naisipan n'yang ibalik. Aba 64GB din 'to!
"Thank you" pagpapasalamat ko, baka maging sarcastic nanaman s'ya bigla eh psh, natahimik kami ulit, bakit ba hindi nalang s'ya umalis? nabigay na n'ya 'di ba? ano pa hinihintay n'ya?
"Sorry.." bigla niyang sabi na ikinagulat ko, sorry saan? kunot noo ko s'yang tinignan.
"About last time-- do'n sa Com lab" ahhh 'yon pala, naiinis nanaman tuloy ako psh pinaalala pa! hindi ko s'ya sinagot, bahala s'ya d'yan.
"look-- that was not intentional, and I really am sorry" tumingin s'ya sa gawi ko, nailang tuloy ako.
"Okay" ayan lang naisagot ko, napa-okay ako agad kasi nakakailang!
"Not convincing" maikling sabi n'ya.
"Amporky naman" bulong ko.
"Gusto mo ng pork? kumain ka sa loob if you're hungry" amporky! PORK pa nga, gusto ko matawa kaso pinipigilan ko nalang.
"Wala akong sinabi na pork" binge naman.
"Kung galit ka parin, I can teach you in return" napalingon tuloy ako sa kanya ulit, tinatansya kung nagsasabi ba s'ya ng totoo.
"Do I look like a liar?. Library, every end of class" sabi n'ya at tumayo, ano 'yon? hindi pa nga ako umuoo eh!
"Wait" pigil ko sa kanya.
"I don't even know your schedule, pa'no ko malalaman kung kailan ako pupunta ng library after class?" tanong ko sa kanya, hindi ko nga alam section n'ya eh!
"What's your name on facebook?" tanong n'ya.
"Beatrix Bella" tumango s'ya at kinalikot Phone n'ya, Nag vibrate naman Phone ko kaya napatingin ako.
๐จ๐ธ๐ฑ๐ช๐ท ๐๐ป๐๐ฌ๐ฎ ๐๐ช๐ถ๐ฒ๐ช๐ท ๐ผ๐ฎ๐ท๐ฝ ๐๐ธ๐พ ๐ช ๐ฏ๐ป๐ฒ๐ฎ๐ท๐ญ ๐ป๐ฎ๐บ๐พ๐ฎ๐ผ๐ฝ.
lumabas sa notif ko, Yohan Bryce-- nice name.
"Send your Sched, later"
------
"Sana all may session 'di ba?" kant'yaw ni Ara nakisama na rin sina Cheska, Christine, Jane at Erika, mga tsismosa.
"Amporky kayo ha, ang iissue n'yo!" inirapan ko sila ng pabiro.
"Baka naman pwede kaming sumali d'yan, ehem!" parinig ni Erika.
"Hindi n'yo naman sinasabi na gusto n'yo rin, edi sana ipinagpaalam ko na gusto n'yo rin"
"Biro lang 'to naman! kahit Crush ko 'yon ayaw ko sumama sa Tutor session n'yo! nakakahiya, ang bobo ko pa naman sa programming!" natawa tuloy kami sa sinabi n'ya, psh Erika talaga kahit kailan napaka. Nagpaalam na ako sa kanila, si Ara may pasok sa trabaho kaya nauna na rin, working student kasi s'ya.
Pagdating ko sa library ay nando'n na si Bryce, konti lang tao at mabuti 'yon kasi baka maissue pa kami, nilista ko muna pangalan ko sa log book bago pumunta sa pwesto n'ya naka focus s'ya sa screen ng laptop n'ya kaya kumunot noo n'ya nang maramdaman n'ya namay tumabi sa kanya, agad rin naman nawala nang mapagtanto na ako 'yon.
Tahimik kong nilapag ang laptop ko sa mesa, dahil bawal maingay, sinet-up ko laptop ko at nilabas ang libro ko na binili ko sa National Book Store dati, hindi ko alam pano ko s'ya kakausapin kaya nanahimik nalang ako, may naka installed na, na Visual Studio 2012 dito sa laptop kaya ready na ako mag code. Tumigil s'ya sa ginagawa n'ya at nagligpit ng gamit n'ya, anong trip nito? nalilito ko tuloy s'yang tinitignan.
"Change location, do'n tayo sa bahay ng kaibigan ko" wala naman akong choice kundi ang sumunod sa kanya, kaya niligpit ko nalang din ulit laptop ko, nagdala ako ng bag ng laptop kaya dalawang bag tuloy ang bitbit ko. Nauna na s'yang lumabas dahil may tumawag sa kanya.
Pagkatapos ko mag out sa log book ay dumiretso na ako sa gawi ni Bryce, binilisan ko dahil nakakahiya naman nag-aantay s'ya.
"Tara" sabi ko at nauna nang maglakad, bigla naman n'yang hinablot sa'kin ang bag ko na isa kung saan nakalagay ang laptop ko, kaya napatingin ako sa kanya.
"Ako na, hirap na hirap ka e" hinayaan ko nalang din na dalhin niya, bigat kaya!
-------------
Pagdating namin sa bahay ng kaibigan n'ya ay sobrang gulo at ingay, pero natahimik nang dumating kami, nagpalipat lipat ang tingin nila sa akin at kay Bryce.
"Taksil ka talaga Bryce! buti wala si Caden" natatawang sabi ng kaibigan n'ya, pinaupo nila ako at tsaka may pinag-usapan muna sila. Nandito kami sa living room, hindi ganon kalaki ang bahay hindi rin naman maliit, sakto lang, nilabas ko na laptop ko at tsaka nagbasa basa na din.
"May activity ba na pinapatapos sa inyo?" tanong ni Bryce at umupo sa gawing kaliwa ko, hindi gano'n kalayo hindi rin gano'n kalapit.
"Wala naman" sagot ko, tumango lang s'ya at may binigay sa'kin ng piraso ng papel.
"ayan ang gawin mo, madali lang 'yan sa console app" kinuha ko at binasa 'yon, sana magawa ko.
Nakipagtitigan nalang ako sa screen ng laptop ko, walang error pero hindi tama ang output! bwiset naman, parang mas ok pa na may error akong makita kaysa ganito! sa inis ko ay binura ko lahat ng code ko at inulit ulit, bahala na.
"Don't do that" pigil n'ya, tinigil n'ya muna ang ginagawa n'ya at tsaka humarap sa'kin.
"Learn to review and debug your program, pag nasa industry kana hindi pwede 'yong ganyan. Pano pag limited lang time mo? edi nagpanic kana?" paliwanag n'ya.
"matuto ka rin ng shortcuts ctrl A, Ctrl V, Ctrl Z. Matuto kang mag copy paste ng code dahil pag 2nd year kana, paulit ulit lang 'yang code hanggang tamarin ka, not because hindi mo alam kundi-- nakakatamad na gawin" dagdag n'ya.
May pinaliwanag pa s'ya tapos bumalik na sa ginagawa n'ya.
"Oh hapunan muna!" Sigaw ni Kuya Aeron mula sa dining area.
"Mamaya na 'yan, kain muna tayo" napatingin tuloy ako sa relo ko, 9pm na pala, niligpit ko muna gamit ko bago sumunod sa dining area, ang bangooo ng ulam!
-----
10:00 pm nang matapos kaming kumain, tutulong sana ako sa pag ligpit kaso sila na daw kaya bumalik nalang ako sa living room.
"I can lend you my few module, hindi kasi updated version 'yang module mo. Mahihirapan ka n'yan" alok ni Bryce.
"hindi mo ba ginagamit?" I asked.
"Hindi ko naman binabasa ng sabay-sabay, kaya pwede kita pahiramin" paliwanag n'ya habang inaayos gamit n'ya.
"WASSUP MGA TSOOOONG!" nagulat ako nang may biglang sumigaw.
"AY PUTAAA!" sigaw n'ya ulit nang makita ako, kala mo gulat na gulat talaga, sa pagkakaalam ko Caden pangalan nito eh, kakarating lang n'ya.
"Hi Ella!" bati n'ya, woah?
"Uhm Hello, kuya-- Caden? tama po ba?" paninigurado ko, tumawa naman ang mga kaibigan n'ya, bukod kay Bryce na umiling lang, mali ba sabi ko?
"Caden nalang! 'to naman hindi nagkakalayo edad natin!" masiglang sabi n'ya at inismiran mga kaibigan n'ya.
"Okay, Caden?"
"Ayaaaan! ganyan ngaaa!" sabi n'ya sabay tawa.
"Let's go, Ella" para akong nabinge nang banggitin ni Bryce ang pangalan ko-- ito ang unang beses na binanggit n'ya ang pangalan ko.
"hoy ano'ng let's go?! kakarating ko lang ah! kung gusto mo umuwi, mauna kana bakit mo inaaya si Ella?" reklamo ni Caden.
"Baka kasi kasama ko s'ya" Bryce smirked, anong trip nito?
"Ah kas-- KASAMA? ANO?! MAGKASAMA KAYO?" gulat na sabi ni Caden-- may nakakagulat ba do'n?
"Alangan naman kasama n'ya si Aeron? si Chase?" sarkastikong sagot ni Bryce, napatahimik tuloy si Caden.
"Taga sa'n ka ba Ella?" tanong ni Caden.
"XXX Subdivision" sagot ko.
"Oh do'n din way ko eh! hoy ikaw Bryce salungat ka sa'min ah. Ella sa'kin kana sabay!" masiglang alok ni Caden.
"Aalis kana agad? kakarating mo lang ah" natatawang sabi ni Aeron, wala nang kuya kasi ayaw nila. Pinandilatan ni Caden si Aeron.
"Oo nga naman Caden, baka gusto mo magtagal muna" nakakalokong ngiti ni Chase.
"Ulol kayo! mga taksil!" parang tinraydor ng mundo sa Caden sa sobrang sama ng tingin n'ya sa mga kaibigan n'ya. Sinenyasan ako ni Bryce na kunin na ang gamit ko, kakadampot ko lang ng dalawang bag ko nang hilahin n'ya ako bigla-- nilagay n'ya ang kamay n'ya sa balikat ko kaya napasunod tuloy ako sa paglalakad n'ya.
"HOY TAKSIL, BUMALIK KA DITOOO" sigaw ni Caden pero hindi s'ya pinansin ni Bryce.
"Oh ba't tulala ka?" tanong ni Bryce.
'๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐๐ฎ ๐ข๐ค ๐ ๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ก๐๐ก๐.
"Uh- huh? sinong tulala? hindi ah!" tanggi ko syempre, alangan naman umamin ako 'di ba? malapit na kami sa sasakyan n'ya nang huminto s'ya tapos hinarap n'ya ako sa kanya, napitangala tuloy ako sa kanya, tangkad e.
"You-- okay?" kunot noo n'yang tanong, natapat ang mukha n'ya sa liwanag ng ilaw,ngayon ko lang s'ya natitigan, brown eyes pala s'ya? mahaba rin ang pilik mata n'ya, matangos ang ilong, at makapal ang kilay gr--- napaatras ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin, nag bend s'ya konti para pumantay s'ya sa'kin.
๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค๐๐, ๐๐๐ฎ๐ค๐ฅ!
"Checking my face?" he smirked.
๐๐ค! ๐๐ฉ ๐๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐๐ค ๐ ๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ ๐๐ ๐ค ๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ ๐๐. ๐๐ฅ๐๐ก '๐ฉ๐ค.
"Amporky ka? sa mga stars ako nakatingin! assuming" Lumingon ako pa-kanan, kasi ang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko, konting galaw nalang mahahalikan ko na s'ya, nag-umpisa na rin akong maglakad ulit papunta sa sasakyan n'ya.
"Sure ka?" he asked.
"Wala kasi akong nakikitang stars e" napahinto tuloy ako at tumingala sa langit.
AMPORKY! OO NGA BAKIT WALANG STARS?! WALA TALAGAAA?, tumingin ako sa kanya-- tumingala ulit s'ya sa langit at tsaka tumingin bigla sa'kin, he chuckled.
"Ngayon mo sabihin na sa stars ka nakatingin?" nakakalokong ngiti n'ya.
"KANINA KASI MERON MADAMI, OKAY?! naglaho lang no'ng tumingin kana!" inis kong sigaw at tuluyan nang pumasok sa kotse n'ya, rinig ko pang tumawa s'ya ulit bago ko isinara ang pinto. Pamahak na stars! bakit wala sila?! Amporky, buking tuloy ako-- badtrip!
Note: G๐๐บ๐๐๐บ๐๐๐ผ๐บ๐ /typographical/๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ahead, feel free to correct me.