๐๐ฅ๐ฅ๐'๐ฌ ๐.๐.๐
"About last time, I am sorry. I didn't mean it" I apologized to Ara, nandito ako ngayon sa bahay nila and it's sunday-- hindi parin n'ya ako kinikibo at iniiwasan naman n'ya ako sa school.
"Oy, Arabella-- sorry na" kinalabit ko s'ya na parang batang nawawala.
"Arabella amp! " she then hissed. I hugged her.
"Sorry na hmm?" pangungulit ko.
"Oo na! pasalamat ka marupok ako sa'yong pasaway ka" tampo n'yang sabi pero niyakap din naman n'ya agad ako pabalik, pero umalis din ako sa pagkakayakap n'ya nang marinig kong tumunog ang phone ko.
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ: ๐๐ณ๐บ๐ค๐ฆ
๐ฌ๐ข๐ฎ๐ถ๐ด๐ต๐ข, ๐ข๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข?
Mula nang mahimatay ako ay madalas na n'ya akong kamustahin at pinapaalalahanan na kumain, naalala ko nanaman 'yong araw na 'yon-- I was so embarassed dahil sa kanya pa talaga ako umiyak, kaya pinipigilan kong lumikha ng kahit anong ingay.
๐๐ฐ: ๐๐ณ๐บ๐ค๐ฆ
๐ ๐ฆ๐ฑ
Mabilis kong reply sa kanya.
"Hoy, anong score n'yo ni Bryce?" kunot noo na tanong ni Ara.
"Friends?" I said, totoo naman.
"Friends? todo na 'yon?" she asked.
"Oo, todo na at sagad na sagad na" sagot ko at inirapan s'ya.
"Wala kang gusto sa kanya?" nakakalokong tanong n'ya.
Gusto kay Bryce? no, I mean hindi naman s'ya mahirap gustuhin-- pero hindi naman talaga pumasok sa isip ko na magustuhan s'ya in a romatic way.
"As a friend, yes. But romantically, no" I said a matter of fact.
"Mga anak, hali na't kumain muna kayo" bungad ng nanay ni Ara, simple lang ang buhay nila-- dalawa lang silang magkapatid, panganay si Ara. Parang anak na rin turing sa'kin ng nanay at tatay n'ya dahil madalas naman ako dito since Junior High kami.
"Opo, maaaaaa. Susunod na kami" ako na ang sumagot, oh 'di ba feeling anak na talaga ako hahaha, mama din tawag ko sa mama n'ya.
"Wow, ikaw anak? ikaw anak?" pang-aasar ni Ara.
"Oo, ampon ka lang gaga!" sabi ko sa kanya at tumakbo na palabas ng kwarto n'ya.
----
Mabilis lumipas ang araw, mag eexam nanaman ulit kami, Pre- Final na ng Second semester. Another month na nakaka-stress! I've been very busy doing my programs and projects sa minor subject ko.
"Finally! lunch timeeee" sigaw ng mga kaklase ko.
"Sure kayo na kakain kayo?" tanong ng President namin, damn pinaalala pa-- sa library nanaman kaming lahat nito, oo pati sa lunch time wala kaming oras kimain kasi we are checking our codeas at kung walang palya ba programs namin, dahil mahirap na.
Bumili lang kami ng miryenda tapos kinakain namin habang naglalakad papunta ng Library dapat maubos nanamin pagkain namin bago kami makarating ng library dahil bawal pagkain at inumin do'n, pagdating namin sa library ay nilabas na namin agad mga laptop namin at kanya kanya nang pwesto. Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako saglit do'n.
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ: ๐๐ณ๐บ๐ค๐ฆ
๐๐ช๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ
Napatingin naman agad ako sa kanan ko, oh? nandito pala s'ya? kumaway s'ya sa'kin kaya nginitian ko s'ya. Kasama n'ya mga kaibigan n'ya-- gumagawa din ata sila ng projects para sa major nila. Hindi ko na s'ya nireplyan dahil inumpisahan ko na pagcocode at pag dedebug ng project ko.
Focus na focus ako sa ginagawa ko nang mero'ng kumalabit sa'kin, inis tuloy akong lumingon sa kumalabit sa'kin.
"What's with that face?" si Bryce 'yon, ano naman kailangan nito? tinaasan koย s'ya ng kilay sign na tinatanong ko s'ya kung ano ang kailangan n'ya.
"Birthday ko bukas, punta ka. Sama mo na rin si Ara" mahinang sabi n'ya, what?! birthday n'ya pala bukas?!ย
"Saan ba gaganapin?" I asked.
"I'll text you the details" sabi n'ya.
"Nandito kana tapos itetext mo pa" irap ko sa kanya, tumawa muna s'ya bago umiling.
"Busy ka e" he said at sumulyap sa laptop ko, hindi rin s'ya nagtagal at nagpaalam na.
"Anong pinag-uusapan n'yo" usisa ni Ara.
"Kunyari ka pa, narinig mo naman. Talas pa naman ng pandinig mo" sarkastikong sabi ko sa kanya na ikinatawa n'ya.
Today is Saturday, tapos may lakad ako bukas kaya kailangan ko tapusin mga naka pending na gawain ko, hays bakit ngayon n'ya lang sinabi na birthday n'ya bukas? wala tuloy akong maisip na ireregalo psh.
---
Sa condo lang daw nila n'ya icecelebrate ang birthday n'ya, dahil nakakapagod daw pag kailangan pa bumyahe ng malayo, malaki naman condo nila, may dalawang kwarto, isang computer room nilang magkakaibigan. May living room din, apat sila kaya sa isang kwarto dalawa ang natutulog, ang solid nilang magkakaibigan.
Tinignan ko ulit ang ireregalo ko sa kanya, hindi ko alam kung magugustuhan n'ya. Gaming keyboard at gaming headset binili ko for him, binase ko nalang sa hilig n'ya.
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ: ๐๐ณ๐ข
๐๐ฐ๐บ, ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ฐ๐ต ๐ฌ๐ฐ?
Pft, napatingin tuloy ako sa suot ko, I just wear a simple high waited mini-skirt at oversized top and sneakers, hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. I put sunscreen on my face, tapos lip gloss, alangan naman mag make-up pa ako.
๐๐ฐ: ๐๐ณ๐ข
๐๐ข๐ฎ๐ช๐ต, ๐ด๐บ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฆ. ๐๐ฐ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ธ๐ข๐ฏ๐ต ๐ต๐ฐ ๐จ๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ฆ๐ฅ?
Natawa ako sa sarili kong reply.
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ: ๐๐ณ๐ข๐
๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฎ๐ฐ, ๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข!
Napailing nalang ako at tinignan ang oras, 11:00 am na pala. 12:00pm daw kasi kami pumunta para tanghalian daw, daming alam. I texted Ara na susunduin ko nalang s'ya sa kanila, bale ihahatid kami ni kuya-- hindi kasi ako marunong mag drive at nerbyosa ako kaya bawal ako mag drive baka mapaaga lang pagpunta ko sa langit.
Pagdating namin sa condo nila Bryce ay busy sila sa paghahanda, kaya naman pinaupo muna nila kami sa living room, may dalawang sofa do'n na magkatapat at may round table sa gitna. Konti lang din ang bisita n'ya bukod sa kanilang magkakaibigan ay may kaklase sila na pumunta, nandito din si Cheska-- tumutulong sa paghahanda.
Maya-maya ay tinawag na nila kami para kumain, kinantahan munaย nila ng happy birthday si Bryce at pinag blow ng candle kahit ayaw sana ni Bryce, nilagyan pa nila ng party hat natawa tuloy ako sa hitsura ni Bryce hahaha.
"Ayos lang ba kayo dito?" tanong ni Bryce.
"Oo naman, don't mind us" sagot ko.
"Bisita ko kayo anong don't mind us ka d'yan" seryosong sabi niya.
"Ara, baka gusto mo uminom. May alak do'n" ang gaga kumislap naman agad ang mata nang marinig ang salitang alak.
May balcony ang unit nila kaya lumabas muna ako at nagpahangin, si Ara? ayonย umiinom kasama si Cheska na isa pang alak na alak. Mero'ng dalawang upuan at table dito sa balcony nila kaya umupo ako, ang ganda ng view hindi ko tuloy mapigilan na tumayo at sumandal sa railings.
"Enjoying the view?" hindi na kailangang lumingon dahil alam kong si Bryce 'yon.
"Hmm" tango ko lang, naramdaman ko naman na tumabi s'ya sa'kin at sumandal rin sa railings pero pasalungat s'ya sa'kin sa loob ng unit ang tingin n'ya habang ako naman ay sa labas.
"Happy birthday!" masigla kong bati, sumulyap ako sa kanya at ngumiti pero iniwas ko rin agad tingin ko.
"Thank you, salamat rin sa gift mo. Nag-abala ka pa" pagpapasalamat n'ya.
"Rush nga e, hindi ko pa alam kung anong gusto mo" tumingin s'ya sa'kin at tumawa kaya napatingin din ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko pero umiling lang s'ya.
"Pumasok kana do'n sa loob, asikasuhin mo muna bisita mo" pero umiling ulit s'ya.
"Kaya na nila Chase 'yon"ย
----
7pm na at ayon, medyo lasing na si Ara si cheska naman sy may tama na talaga. Napailing nalang ako habang tinitignan sila.
"GUYS LARO TAYOOOO" umuwi na ang mga kaklase nila Bryce kaya kami-kami nalang natira dito
"Oo nga laro tayooo" gatong ni Ara sa sinabi ni Cheska.
"Oo nga para naman hindi ma-bored si Ella, hindi na nga s'ya umiinom wala pa s'yang gagawin hahaha" sabi ni Aeron, may mga tama na sila-- bukod kay Chase at Bryce.
"10 lives! 10 lives! 10 lives!" parang nagchi-cheer si Cheska, nakisabay naman si Ara.
"Truth or dare sa matatalo ha!" parang mga bata amporky!, ayaw ko sana kaso makulit ang dalawa kaya ayon lahat kami ksali, bawal daw hindi.
"Sino host?" I asked.
"Akoooooo" prisenta ni Ara.
"-1 kung sinabi mo na otw kana pero nakahiga ka pa sa kama" buti nalang hindi ako ganon kaya safe! lahat sila minus 1 pwera sa'kin.
"-1 kung nang-ghost kana" amporky ng babaeng 'to! ako lang ang nabawasan!
"Awit, buhay ka pa Ella pero nangmumulto kana! " Cheska said na ikinatawa nila, kinaltukan tuloy s'ya ng kuya n'ya pero mahina lang naman.
"-1 kung naligaw kana" grrrย gusto ata nito na matalo ako eh! dalawa lang kami ni Cheska na nabawasan.
Madaya si Ara, feeling ko talaga ipapatalo ako nito, kanina pa namumuro eh! hanggang sa ito 1 nalang natira sa'kin! tapos 'yong iba nasa 4 pa amporky!
"Ang daya! pinapatalo mo ako eh!" reklamo ko, kaya ayon nag changed host-- tawang tawa lang ang gaga.
Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa 1 nalang natira din kay Bryce.
"-1 kung nakapag cutting kana" lahat kami minus 1 at ayon nga, dalawa kami ni Bryce ang natalo! amporky umapila pa ako ng rematch pero dalawa ulit kami na minus kaya ayon dalawa kaming tatanungin! amporky talaga.
"Ikaw muna Ella" Sabi ni Cheska, mga nakangisi silang lahat pwera kay Caden na nakasimangot.
"Truth or dare?" nakakalokong tanong ni Cheska, parang nakakatakot mag dare ah!
"Truth?" alanganin kong sagot, napatingin ako kay Bryce pero deretso lang ang tingin n'ya at uminom ng isang shot.
"May gusto ka ba kay Bryce?" ayaw ang tanong ni Cheska, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at inisip na sana pala nag dare nalang ako! bakit naman ganyan ang tanong?!
"In a romatic way ha" dagdag pa n'ya, kabado akong tumingin kay Bryce, mas kinabahan akoย nang nakita kong nakatingin din s'ya sa'kin-- wait bakit ba ako kinakabahan!?
"Amporky! bakit naman ganyan ang tanong?!" reklamo ko.
"Sagutin mo nalang HHAHAHAHAHAHA" gatong naman ni Kuya Chase, kay Chase lang ako nagkukuya sa kanilang apat.
"In a romantic way... wala?" sagot ko.
"Oh bakit patanong?! hahaahahaha, bawal ang hindi sigurado ang sagot. Ito nalang-- sa tingin mo ba magugustuhan mo s'ya in a romantic way?" Akala ko naman iibahin n'ya 'yong tanong. Hindi pala, napailing nalang ako.
"Taksil ka talaga Aeron!" Caden pouted, parang bata hahaha tinakpan naman ni Chase bibig n'ya para manahimik.
"Uhmm. . ." napatingin ulit ako kay Bryce, pero hindi na s'ya nakatingin sa akin. Did I offend him?
"Dinadaya n'yo si Ella eh! nakapag tanong na kayo at nasagot na n'ya dapat ok na 'yon!" apila ni Caden, amporky buti nalang may Caden ditoooo sana makalusot ako!
"Osige, si Bryce na nga! " YES! nakaligtas din!
"Bryce, sa tingin mo magugustuhan mo ba si Ella in a romantic way?" para akong sinakal annag marinig ko ang tanong ni Kuya Chase! bakit ba sila ganyaaaaan?! napasulyap ako sa gawi ni Bryce pero wrong moved dahil nakatingin pala s'ya sa'kin! amporky!
"Alam niyo? taksil kayong lahat eh 'no!" napasandal nalang sa sofa si Caden at tinawanan lang s'ya ni Aeron at kuya chase,apat sila sa kabilang sofa tapos kaming tatlo naman dito sa isa pang sofa, bale magkatapat kami. Siniko ko si Ara para kausapin sana kaso uminom lang ulit ang gaga! tapso binalingan si Cheska na nasa kanan n'ya, s'ya kasi gitna.
"Pwede naman" hindi man lang n'ya pinatagal at sinagot agad ang tanong, gulat akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang s'ya at naglagay ulit ng alak sa baso n'ya at ininom 'yon.
"Oh ganon lang sumagot Ella! tsk tsk" parang gusto kong talian ang bibig ni Ara, amporky ng babaeng 'to.
---
8:30pm nang matapos kaming magligpit, oo tumulong na rin ako sa pagliligpit kasi kawawa naman sila, kaming tatlo lang ni Kuya Chase at Bryce ang nagligpit actually kasi plakda na ang apat psh.
Pumunta ako ng living room para mag ayos na sana, pero naabutan kong tulog si Ara sa sofa, pati si Cheska, jusko mga babaeng 'to! buti wala kaming monday schedule! napabuntong hininga tuloy ako, hindi ko naman s'ya pwedeng iwan dito, bahala na gigisingin ko nalang s'ya mamayang 11pm.
Pumunta ako ng balcony, pero parang gusto kong umatras nalang bigla dahil nandito pala si Bryce-- may kausap s'ya sa Phone, parang nag-aaway pa ata sila ng kausap n'ya. Pumwesto ako sa kabilang dulo ng railings at tinignan ang view, maganda din pala ang nigyht view dito! napatingin ako sa langit, ang daming stars-- naalala ko tuloy dati 'yong nagpalusot ako na stars ang tinitignan ko.
Inis na binaba ni Bryce ang tawag, napatingin tuloy ako sa kanya. Ginulo n'ya ang buhokย n'ya at napatingala tapos yumuko ulit s'ya, he sighed.
"Ayos ka lang?" I asked, lumingon s'ya sa'kin tapos tumingin ulit sa kawalan.
"It was my mom, magpapakasal na ulit s'ya sa ibang lalaki. I still have an eight years old younger brother and sister, they are twin. Buti sana kung tatratuhin ng maayos ng bagong mapapangasawa n'ya 'yong mga kapatid ko, tss "ย
"Patay na si papa" dagdag pa n'ya, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya-- hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya sa'kin ang gano'ng bagay.
"Tatratuhin naman siguro ng bagong mapapangasawa n'ya ang mga kapatid mo, kung mahal n'ya talaga ang mommy mo" I said.
"Sana nga hindi lang pera habol ng lalaki n'ya, tss!" he hissed.
"Don't think about it for now, it's your day pa kaya smile ka muna!" tumabi ako sa kanya, kaya napatingin s'ya sa'kin.
"Bakit?" tanong ko, pero umiling lang s'ya, hindi ko alam pa'no mag comfort ng lalaki kaya ayon lang nasabi ko, amporky.
"I don't know how to comfort a guy. . . " nasabi ko bigla atย hindi ko na alam ano idudugtong ko, kainis!
"I didn't ask for it" he said.
๐๐ฃ๐ค ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ค ๐ข๐ค ๐๐ค๐ข๐๐ก๐๐ง๐ฉ?!ย
Pero syempre hindi ko sasabihin talaga 'yon, amporky lang.
"๐๐จ๐ฆ๐๐จ๐ซ๐ญ ๐ข๐ฌ๐ง'๐ญ ๐ฌ๐จ๐ฆ๐๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ญ ๐ฌ๐ก๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐๐, ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ '๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฌ๐"
"But I don't know how to do it with a guy" I said honestly, humarap s'ya sa'kin kaya humarap din ako sa kanya, tinitigan n'ya ako kaya nailang ako at tumingin ulit sa kawalan, psh birthday na birthday n'ya tapos nakaย black and white ano 'yon lamay lang?, naka nike s'ya na sweat shorts na blackย at plain white shirt, ang linis at manly n'ya tignan.
"How do you do it with girls? I think it's still the same?" Tumingin ako sa kanya at nag-aalangan.
I sighed, mas lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya. Nabigla ata s'ya sa yakap ko dahil ramdam ko na medyo umangat saglit ang katawan n'ya.
"This is how we do it" sabi ko, he chuckled then put his right hand on my head while his left hand were placed on the railings, napaalis tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ang mukha n'ya, nakatingala ako dahil mas matangkad s'ya sa'kin.
"Why?" tanong ko.
Pero sa halip na sagutin ako ay hinila n'ya ako palapit sa kanya, napa-yakap tuloy ulit ako sa kanya habang nakatingala parin, yumuko s'ya para tignan ako.
"Yung tanong kanina, pwede bang sagutin mo ngayon?" amporky! bakit binanggit n'ya ulit 'yon?! aatras na sana ako pero hinigpitan n'ya ang pagkakayakap n'ya sa'kin. Pano ko s'ya masasagot kung ganito position namin?! feeling ko tuloy may kakaiba sa pisnge ko! umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit kailangan naka yakap parin?" I shyly asked, oo may hiya ako! amporky!
"Para sure na magsasabi ka ng totoo" medyo tumawa s'ya kaya napatingala ako sa kanya, bakit ba kasi ang tangkad n'ya?!ย
"Eh bakit muna ganon 'yong sagot mo?" kabado kong tanong.
"Kasi totoo naman na pwede kita magustuhan" he's staring at me, nalulunod tuloy ako sa titig n'ya-- nag-iinit ang pisnge ko amporky!
"๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐ ๐ค๐ข๐ญ๐" dagdag n'ya at do'n nanlaki ang mata ko, tapos tumawa naman s'ya-- may nakakatawa ba?! pinagtitripan ata ako nito eh!
"๐๐ฎ๐ญ๐, at hindi kita pinagtitripan" pano n'ya nalaman ang inisiip ko?!
"It was all written all over your facial expression" he said then sighed.
"๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ฆ๐จ ๐ค๐๐ฌ๐ข ๐๐ค๐จ ๐ง๐ข๐ฒ๐๐ค๐๐ฉ? ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ค๐ข๐ญ๐ ๐๐ข๐ญ๐๐ฐ๐๐ง" kailangan n'ya ba talaga sabihin 'yong ganyan?! niluwagan n'ya na ang yakap n'ya sa'kin kaya umalis ako sa pagkakayakap n'ya at tumingin sa kawalan, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"๐ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ฒ๐จ๐ฎ"
๐๐จ๐ญ๐: ๐๐๐บ๐๐๐บ๐๐๐ผ๐บ๐ /๐ญ๐ฒ๐ฉ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐๐๐ฅ/๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐, ๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ซ๐ซ๐๐๐ญ ๐ฆ๐.