Chapter 20 - Chapter 19

Samantha's POV

"Lucia?" I saw her angelic face, standing in front of Allison's door. Tinaasan niya ako ng kilay habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Sinasabi ko na nga ba at may pagka demonyita talaga ang babaeng ito! Itinatago lang ng maganda niyang mukha ang pangit niyang ugali.

Baka hidi ako makapag pigil at ibuhos ko sa kanya ang mainit na sabaw ng nilagang baboy na ako mismo ang nagluto. Samantalang siya naman, ay may dalang paper bag mula sa isang fast food chain.

I rolled my eyes. Kung ipagmalaki niya naman ang pagkain na dala dala niya, akala niya yata ay may makukuhang sustansya mula doon si Ali. For sure, hindi siya marunong magluto kaya bumili nalang siya ng pagkain.

Pero teka? Ano kayang ginagawa niya dito? Hindi ba't ex nalang siya? Huwag niyang sabihing eeksena pa siya sa amin ni Allison?

Sunod sunod na kumatok siya sa pintong katapat niya. She still manage to stand with poise. Alam ko na tinitignan niya ako mula sa peripheral vision niya.

"Lucia?" Kunot ang noo ni Allison nang buksan niya ang pinto. Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi ni Lucia.

"Lunch?" Itinapat niya ang paper bag sa mukha ni Allison. Ngunit agad akong nakisingit sa pagitan nila at itinulak ng bahagya ang pinto gamit ang braso ko.

"Nagsaing ka na ba Ali? Ito na yung ulam natin!" Proud kong sambit nang iangat ko ang takip ng kaserola. Nakangising dumaan ako sa harap ni Lucia. She just glared at me.

"Wow! Ang sarap naman niyan. Mukhang mapaparami ako ng kanin ah!" Hinimas ni Ali ang tiyan niya at agad na kinuha ang kalderong hawak ko. Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan iyon ni Lucia.

Mukhang makikikain pa siya ha!

"Nothing's change here." Inilibot niya ang paningin sa paligid ng condo unit ni Allison. Para bang manghang mangha siya sa nakikita. Ngunit hindi siya pinansin ni Ali na abalang tinitikman na ang niluto ko.

"This is perfect!" Kumento ni Allison. Habang nakangiting tinitignan ako. Lumapit naman sa mesa si Lucia at inilapag ang paper bag na dala niya.

"Favorite mo 'to diba?" Isa isa niya ng inilabas ang laman ng paper bag. What is she trying to do?

"Noon yun!" Mariing kumento ni Ali. Agad na siyang kumuha ng dalawang plato para sa aming dalawa. Nakita ko ang pag irap ni Lucia nang hindi siya makasagot sa itinugon ni Allison. Buti nga sa kanya!

Marahas na hinila ni Lucia ang upuan at naupo doon. Magkatabi kami ni Ali, at nasa tapat namin siya. Nakita niya kung paano ako asikasuhin ni Allison. Mula sa pag sasandok niya ng kanin sa plato ko. Paglalagay ng tubig sa baso ko. At pag ihip sa mainit na sabaw bago ako subuan.

"Gusto mo rin bang kumain?" Natigilan sa pagsubo si Allison nang makitang nakatitig sa kanya si Lucia. Napatingin rin tuloy ako sa kanya na kasalukuyang naka crossed arms. At malaya kaming pinapanuod. Animo'y nanunuod ng t.v commercial ng isang seasoning mix.

"Hindi ako kumakain ng ganyang klaseng pagkain." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Awtomatikong nagtaas ang kilay ko. Gusto niya yatang maligo ng mainit na sabaw.

"Then, you can go home. Alangan namang titigan mo lang kaming kumain dito?" Muntik ko ng mabuga ang kinakain ko. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.

"So sinong kakain nito?" Ang tinutukoy niya ay ang dala niyang pagkain.

"E di ikaw." Ngumunguyang sambit ni Ali. Nakataas pa ang isa niyang paa habang abala sa pagkain.

"Ang sarap talaga ng luto mo baby." Sa akin niya na itinuon ang atensyon niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya sa malambot niyang labi.

"Hehehe." Hindi ko mapigilan ang kiligin nang akbayan niya ako at idinampi naman ang labi niya sa pisngi ko.

"Gross. ." Bulong ni Lucia. Padabog niyang binuksan ang pagkain na dala niya at sumabay na rin sa aming kumain. Labag man sa kalooban ko, ay tumayo ako at kumuha ng panibagong mangkok. Hindi naman kasi ako tinuruan ng mga magulang ko na maging madamot. Lalo na pagdating sa pagkain.

"Magsabaw ka, para hindi naman masyadong tuyo yang kinakain mo." Inilapag ko ang mangkok sa harapan niya na may lamang sabaw at karne. Ngunit inismiran niya lang iyon. Aba! Choosy pa. Oo nga't mayaman siya pero masamang tanggihan ang grasya no!

"WHAT'S UP!" Sabay kaming tumayo ni Ali nang dumating si Kim at Cheska. May dala rin silang pagkain mula sa fast food chain na pinagbilhan ni Lucia.

"My favorite!" Saad ni Ali habang inaabot ang paper bag na hawak ni Kim.

"Lucia?" Nagtatakang tinapunan kami ni Kim ng tingin. Halatang naguguluhan kung bakit nandito ang ex ni Allison.

"Hi Ma'am Lucia!!" Ganadong bati ni Cheska sa kanya. Ginantihan naman niya ng tipid na ngiti ang kaibigan ko. Ang plastik!

Natigilan si Lucia sa pagkain nang makitang nilalantakan na ni Ali ang manok na kaparehas sa kinakain niya. Kinain kasi ni Allison ang pagkain na dala nila Cheska. Marahil ay nagtataka siya kung bakit kinain iyon ni Allison gayung ganun din naman ang ibinibigay niya kanina.

"Hoy akin yan!" Napatakbo si Kim kay Allison. Pilit niyang inaagaw ang manok na kinagatan na ni Ali. Nasanggi tuloy ang mesa at natapon ang gravy sa puti pa namang damit ni Lucia.

"Ow my gosh!!" Nagkatinginan kaming apat nang tumayo siya. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo dahil wala ni isa mang gumagalaw sa amin. Agad ko naman siyang inabutan ng tissue dahil halatang hindi niya na alam ang gagawin niya.

"Ganyan ba kayo kumain?" Hindi niya pinansin ang tissue na hawak ko. "Para kayong walang manners."

Padabog siyang nag martsa paalis sa hapag kainan. At sabay sabay kaming nag tawanan. Nagsisisihan pa si Kim at Ali.

"Ano ba kasing ginagawa nun dito?" Tanong ni Kim. Nakisalo na rin sila sa tanghalian namin. At tuluyan na ngang inubos ni Allison ang manok na ulam dapat ni Kim. Nagkibit balikat lang si Ali, at ipinagpatuloy ang naudlot niyang pagkain.

"Come back?" Agad naming tinapunan ng tingin si Ali nang masamid siya. Aba! Siguro kung wala ako dito, at hindi pa kami magkakilala nitong tomboy na 'to, baka hindi lang yung manok ni Lucia ang kinakain niya.

"Ha? Anong come back?" Nakisingit sa usapan si Cheska. Muling napaubo si Allison. Tinignan ko siya ng masama habang umiinom siya ng tubig. Malaman ko lang talagang may itinatagong sikreto 'to, basag 'tong pinagmamalaki niyang mukha!

"Girl, mukhang kailangan na nating magpa facial!" Napahawak ako sa pisngi ko. Am I getting ugly?

Tinaasan ko ng kilay si Cheska nang marealize ko na mukhang ikinukumpara niya ako kay Lucia. Wala naman talaga akong laban dun, kaya huwag niya ng ipamukha. Isa pa mayaman siya at kayang kaya i-maintain ang pagpapaderma. O kahit na anong pagpapaganda. Ako kasi, kojic lang ang skin care ko.

"Hindi na kailangan. Maganda naman siya sa paningin ko." Nakangiting saad ni Allison. Che! Baka pagsamahin ko pa sila ng ex niya e.

"Ayiiieeee." Napuno ng tuksuhan at tawanan ang hapag kainan.

Hindi nga nagsisinungaling si Allison sa pangako niyang papasayahin niya ako araw araw. Hindi siya nagkulang na bigyang ngiti ang mga labi ko. At hindi ko kayang isipin na baka mapalitan lang ng lungkot ang sayang nararamdaman ko.

Ganun daw kasi yun e, kapag sobrang saya ng isang tao, di maglalaon ay mapapalitan iyon ng malungkot at masakit na pangyayari. Ayokong mangyari ang araw na yun.

"Oh, akala ko umuwi ka na?" Gulat na tanong ni Ali nang muling bumalik si Lucia.

Marumi pa rin ang damit niyang natapunan ng gravy ngunit kakaunti nalang. Basa ang parte na iyon, siguro ay pilit niyang tinanggal gamit ang tubig.

"Kukuhaan nalang kita ng damit." Suhestiyon ko.

"I don't wear unbranded clothes. Baka mangati lang ako." Napasinghap si Cheska sa narinig. Salitan niya kaming tinitignan ni Lucia dahil ramdam ng lahat ang tensyon sa titigan naming dalawa. E kung sampalin ko kaya siya sa harap nitong tatlo, baka magbago ang isip niya.

"Lend me some clothes Ali." Maawtorisadong utos niya. Aba! At sino ba siya?

"Ha?" Tila natauhan si Allison. Abala kasi siya sa pagpapak niya ng paborito niyang manok.

"Ayoko nga! Bakit kasi di ka nalang umuwi!" I smirked when I heard Ali's answer.

Gustong gusto yata ni Lucia na pinapahiya siya ni Allison sa harapan namin. O baka naman makapal lang talaga ang mukha niya at wala nalang sa kanya ang pang aalaska sa kanya ni Ali.

Para siyang batang napapadyak dahil hindi napabigyan ng nanay o tatay niya sa hiling nito. Ganito yata talaga ang mayayaman. Nasobrahan na sa pagiging spoiled brat.

"Then I should be naked here!" Akmang huhubarin na ni Lucia ang damit niya sa harapan namin nang tumayo ako.

"Ako nalang ang kukuha ng damit ni Allison para sayo." I volunteer myself. Tutal naman ayaw niya ng damit ko, at damit ni Allison ang gusto niya. Tapos ito namang tomboy na 'to ayaw magpahiram ng damit. Baka gusto niya pang makita ulit yung hubad na katawan ni Lucia.

Tulalang nakatingin lang sa akin si Allison habang hawak ang kamay ko. Tila ba, pinipigilan niya ako sa balak kong gawin.

"Just stay here." Asik ko sa kanya at nag tungo na ako sa kwarto niya. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kwarto niya. Very minimalist. At ang bango pa ng silid niya.

"Patay na patay talaga siya sakin." Kausap ko sa sarili nang makita ko ang picture frame na may kalakip na litrato ko. Lihim akong napangiti nang makita iyon. Ibig bang sabihin ay totoo talaga ang nararamdaman niya para sa akin? Hindi niya lang ako gusto, kundi mahal na din niya talaga ako.

Binuksan ko na ang built in cabinet niya at tumambad sa akin ang mga formal suit niya. Hindi talaga mapagkakailang mayaman si Allison dahil halos lahat ng damit niya ay branded. Kaya naman pala gusto ni Lucia ang mga damit ni Allison. Ako nga, kahit galing ukay ukay ay okay na.

Well, kahit naman siguro basahan ang ipasuot kay Lucia ay babagay pa rin sa kanya. Maganda nga siya pero di ko naman hahayaan na magkabalikan silang muli ni Allison.

Una kong hinila ay ang unang drawer na nakita ko.

"Ayy!" Mahina akong napatili, nang makita ko ang iba't ibang klase ng panty sa drawer na iyon. Nag papanty rin pala si Allison? Kadalasan kasi ay brief ang suot niya. Nakikita ko iyon lalo na kapag nag me-make out kami.

Isasara ko na sana ang drawer nang may mapansin ako.

Those undies seems familiar.

Sunod sunod akong napalunok. Baka namamalik mata lang ako.

Kinuha ko ang isa at binuklat sa harapan ko.

Imposible.

"Samantha?" Napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok sa silid si Allison. Naitago ko tuloy ang hawak kong panty sa likuran ko.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Tagaktak ang pawis ko at naglikot din ang mata ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ahh, s-saan ba kasi ako kukuha ng damit para kay Lucia?" Dumako ang mata ko sa nakabukas pang drawer. Paano kung malaman niyang nakita ko ang mga iyon? Magagalit kaya siya?

Agad akong nakakuha ng chance na itulak ang drawer nang tumalikod siya para isara ang pinto. Kaso hindi ko na naibalik pa ang hawak ko.

Mataman lang siyang nakatingin sa akin mula sa pintuan. Marahil ay napapansin niyang mayroon akong itinitago sa likuran ko. Dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa niya papunta sa akin. Mas lalong nagwala ang puso ko, pakiramdam ko ay malalaglag na iyon.

Bakit kasi may pag slow mo pa? Ang kaninang kaba lang ay napalitan na tuloy ng takot.

Why does my panties are in Allison's cabinet? Wala ba siyang pambili? Paano niya nakuha ang lahat ng iyon? Samantalang sa mumurahin ko lang nabili ang mga panty ko.

"Here." Nasa tapat ko na siya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakalapat ang isa niyang kamay sa pinto ng cabinet na binuksan ko kanina. Napaka seryoso ng mukha niya. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa pinasok ang kwarto niya. Baka ayaw niyang pinapakailaman ang mga gamit niya.

Mas lumapit pa siya at naramdaman ko ang hininga niya. Akala ko ay ilalapat niya ang mga labi niya sa akin. Ngunit nagkamali ako, ipinuwesto niya ang ulo niya sa may bandang balikat ko. Alam niya yatang may itinatago ako sa likuran ko.

Mariin akong napapikit.

"ALI!" Parehas kaming napapitlag nang biglang pumasok si Lucia sa kwarto. Nagulat din siya dahil kaunti nalang ang pagitan namin ni Allison sa isa't isa. Aakalain na maghahalikan na kami.

Well, atleast thanks to Lucia. Nailigtas niya ako kahit papaano.

"Don't you know how to knock?" Masungit na tanong ni Allison. Agad kong ibinulsa ang panty na hawak ko nang lingunin niya si Lucia.

I know it's mine, dahil isa ito sa panty na ibinigay sa akin ni Janus noon. Ewan ko ba sa lalaking iyon kung bakit panty ang iniregalo sa akin. Baka naaawa na siya sa mga panty kong halos wala ng garter.

"Nasaan na yung damit ko?" Mas hinigitan pa ni Lucia ang pag susungit ni Allison. Daig pa nila ang mag asawa kung mag bangayan. At talagang sa harapan ko pa! Anong role ko dito? Isang kabit?

Marahas na binuksan ni Allison ang cabinet. Ngunit natigilan siya dahil nakita niyang hindi nakaayos ang drawer kung saan ko nakita ang mga undies ko.

Shit! I'm dead.

"Ang tagal!" Muling reklamo ni Lucia at hindi na pinansin ni Ali ang drawer na bahagyang nakabukas.

"Oh!" Inihagis niya ang nakuhang damit na dumiretsyo sa mukha ni Lucia. "Itapon mo nalang yan pagkatapos mong suotin." Matapos niya iyong sabihin ay walang sabing lumabas na siya ng kwarto. Akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag.

Pero mas tumindi pa ang kaba ko dahil sa ikinilos ni Allison.

Nang bumalik ako sa dining area ay naabutan kong nagliligpit na si Cheska at Kim ng pinagkainan namin. Samantalang si Allison ay prenteng nakaupo sa salas habang may hawak na bote ng beer. She looks like terrible. Parang napakalalim ng iniisip niya.

Pero mas napapaisip ako kung bakit kaya halos lahat ng panty ko ay nasa drawer ni Allison.

Akala ko noon ay nililipad lang ang panty ko kapag sinasampay ko sa terrace.

Ngayon, alam ko na ang kasagutan sa mga katanungan ko noon.

Pero bakit?