Chapter 22 - Chapter 21

Samantha's POV

5:00 a.m.

Ririririringggg. . .

Cheska calling. . .

"H-Hello?" Pupungas pungas pa ako nang sagutin ang tawag ni Cheska. Matagal siya bago nakasagot mula sa kabilang linya.

"Huy! Ang aga aga mo namang tumawag." Muli kong reklamo.

"Sam. ." Bakas sa boses niya ang pag aalala.

"What?"

"I think na-hack ang social media page natin." Histerikal niyang sambit. Muli akong napapikit. Akala ko naman kung ano na ang problema niya.

"Maaayos din natin ya--"

"It's not that easy." Mariin niyang tugon. Binalot tuloy ng kaba ang dibdib ko. At hindi ito matigil sa mabilis na pagtibok. "Just check it."

"Cheska naman, antok na antok pa ako." Bumangon na ako kahit labag pa sa loob ko. Nasa kabilang linya pa rin si Cheska. At hindi niya pa ibinababa ang tawag hanggat hindi ko pa nakikita ang binabanggit niya.. Dinig ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Have you check it already?" Napasinghap ako nang maupo ako sa harapan ng laptop ko. Hindi ko kasi iyon pinapatay at naka direkta na iyon sa page ng Mugs Coffee. Para mas madali ko iyong mamonitor lalo na kapag may inquiries.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang tumambad mula roon ang iba't ibang videos na nakapost sa social media page ng Mugs Coffee.

"What the fuck!!" Galit na sigaw ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harap ko.

Iba't ibang cctv clip iyon na kuha mula sa condo unit ko. May ibang videos na nagbibihis ako, naliligo, natutulog. At ang pinaka worst pa ay video kung saan nag sesex kami ni Janus.

"I . . I actually delete it so many times, pero bumabalik lang e." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiiyak ako sa sobrang galit. I even checked the dates of those cctv clips. Some of them are taken two years ago. At ang pinaka matagal ay five years ago pa!

"Any idea who did it?" Muling tanong ni Cheska. Hindi ako kaagad nakasagot dahil inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko. Bakit hindi ko alam na napapalibutan pala ako ng cctv cameras? Saan iyon nakatago?

And for freaking five years, someone is watching me?

"Sam, are you there?" Nailapag ko ang cellphone ko sa laptop table ko. At marahas na tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Arrrghhh!!!" Sigaw ko nang ilihis ko ang mga gamit ko. Kailangan kong hanapin kung saan nakatago ang mga cctv na iyon. Nagdulot iyon ng ingay nang magkalat ang mga gamit ko sa sahig ng kwarto.

I don't care kung may magreklamong kapitbahay. All I need is to find those cameras! Ganoon na ba ako katanga para hindi ko man lang mamalayan na may nagkabit na pala ng mga bagay na iyon sa pamamahay ko? At sa lahat pa talaga ng sulok ng condo ko!

Kinilabutan ako nang makita ang isa sa mga cctv na nakakabit lang sa sulok ng kwarto ko. Mallit lang iyon at hindi ganun kahalata. This is what modern life can do to us. Marami ng naiimbentong mga ganitong bagay. And it really freaks me out.

Hinanap ko ang iba pa dahil panigurado akong hindi lang isang camera ang nakakabit sa kabuuan ng kwarto ko.

And I found another one.

Sa kisame, katapat pa mismo ng kama ko.

Sinong gago ang gagawa sa akin nito? Is it Janus? Well, kung siya nga. Isa siyang malaking gago. Anong plano niya? Iba-blackmail niya ba ako? Gayung siya na nga ang nangloko sa akin?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito. Kasabay nun ang pagpatay ko sa ilaw ng kwarto ko. It's a life hack para makita kung may mga secret camera sa paligid ko.

When I try to roam around my room, apat pang pulang ilaw ang nakita ko. Bawat kanto ng kwarto ko ay may cctv camera at wala akong ka ide-ideya!

Nang buksan ko ang ilaw ay tumambad sa akin ang nag aalalang mukha ni Allison. Inilibot niya ang paningin niya sa nagkalat kong mga gamit.

"What happened here?" Agad akong napayakap sa kaniya. Hindi ko siya nasagot kaagad dahil mas nauna pang tumulo ang mga luha ko. Ni hindi ko na rin siya nagawang tanungin kung paano siya nakapasok sa condo ko. Gayung naka lock ang pinto ko.

Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay yakap yakap ko na siya.

Galit at takot ang parehas kong nararamdaman sa taong gumawa nito sa akin.

Wala naman akong ibang ideya kung sino ang gagawa sa akin nito.

Halos nine years kaming tumira dito ni Janus at siya lang ang naiisip kong may pakana nito. Pero ano namang intensyon niya? Gayung ikakasal naman na siya!

"Calm down. ." Allison caressed my back. I felt some relief dahil sa yakap pa lamang niya ay tila nawala na ang lahat ng pag aalala ko. She used her thumb para punasan ang luha kong walang tigil sa pagtulo.

"Tell me what happened here." Iginiya niya ako paupo sa kama. Habang wala pa ring tigil ang paghikbi ko. I should tell it to her, pero bakit nakakaramdam ako ng takot? Natatakot akong sabihin sa kaniya ang totoo.

"Samantha. ." Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Habang hawak niya ang dalawa kong kamay.

"I. ." Mariin akong napapikit. I don't want to lie. Pero wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang totoo. I don't know why.

"I just . . I just have a nightmare." Nang magtama ang mga mata namin ay bigla akong nilamon ng konsensya dahil sa pagsisinungaling ko.

Tang inang palusot 'yan! Baka nga kahit grade one ay hindi maniniwala sa pagsisinungaling ko. Si Allison pa kaya?

Pero mas makakabuti na siguro kung hindi ko muna sabihin ang totoo sa kaniya. Kailangan kong lutasin ito ng ako lang muna. Since this might be a problem between me and Janus. Ayaw ko siyang madamay.

"Are you sure?" I nodded. And she hugged me again. Nalunod ako sa pagmamahal niya sa pamamagitan lamang ng yakap niya. I must be thankful dahil may isang Allison na tinatrato ako ng ganito. Sa lahat ng pagkakataon ay parati siyang sumusulpot to save me from pain and sadness. And even in the darkest time of my life.

She's a guardian angel to me. At aaminin ko na unti unti na nga akong nahuhulog sa kaniya. I can't imagine losing her.

"Stop crying baby. I'm already here." Hinaplos niya ang pisngi ko. I'm so lucky, dahil hindi lang siya guwapo kundi sweet pa.

Tipid siyang ngumiti bago ako hinalikan sa noo. I felt loved on her kiss. Hindi ko alam kung bakit sa kaunting haplos at halik niya lang ay nakakalimutan ko na ang lahat ng problema ko.

"Samantha!" Humahangos na dumating si Cheska. She bit her lip nang makitang magkayapos kami ni Allison sa kwarto ko.

"Hi, Cheska!" Binati siya ni Ali. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag aalala. Kagaya nang naramdaman ko kanina mula sa kabilang linya noong kausap ko siya.

"Maybe you should need some girls talk?" Inilipat lipat ni Ali ang tingin niya sa amin ni Cheska. Marahan siyang tumango nang ma-gets niya ang tingin ko sa kaniya.

"Nasa kabila lang ako, if you need some help. Okay?" Nag iwan pa siya ng mabilis na halik sa labi ko bago siya lumabas ng kwarto. Cheska waved at her. Parehas naming hinatid ng tingin si Allison hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalabas ng condo.

Agad kong hinila si Cheska papunta sa sala nang kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Before we start, I want to tell you na, tayo lang dapat ang makakaalam nito. I don't want anyone to get involved." Kagat kagat niya ang hinlalaki niya at nag aalalang nakikinig sa akin.

"Even Allison?" Mahina niyang tanong. As if there's someone else inside my condo.

"Yeah. Even Allison." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Maybe I should tell her the truth once na malutas ko na ang problemang ito.

"Do you have any idea who did this to you?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ayokong pagbintangan si Janus, dahil sa mga pinagsamahan namin. Pero siya lang ang tanging naiisip ko.

"It's Janus." Tila nagulat siya sa sagot ko. "I don't know his intentions para gawin niya sa akin ito."

"Ganoon yata talaga ang mga ex lalo na kapag nakikita nilang masaya na yung taong niloko nila. Para bang wala kang karapatan maging masaya. Maybe because he saw some of your pictures with Allison." Pahayag ni Cheska. I actually decided to upload our sweet photos last week. Wala naman sigurong masama kung i-share ko naman sa iba na nakaahon na ako sa sakit na ipinaranas sa akin Janus noon.

"That's it? Napaka babaw naman ng rason niya!" Pucha naman! Wala na ba talaga akong karapatan maging masaya? Kahit masakit, ay tinanggap kong para sa iba si Janus. Hindi na nga ako ang pinili niya pero bakit kailangan niyang iparanas ito sa akin?

Gusto niya ba akong mapahiya sa mga regular customers ko? O baka gusto niyang ibagsak ang negosyo ko? Dahil panigurado akong pinagpipiyestahan na ng ibang tao ang hubad kong mga videos. And even our sex video! Malay ko ba kung nai-save na yun ng mga nakapanuod tapos ipakalat sa mga porn sites.

"Don't worry, naka deactivate na muna yung page natin. So expect some inquiries on your personal account." Hindi pa rin ako makahinga ng maluwag sa sinabi ni Cheska. Para bang mas bumibigat pa.

"Ow my gosh Samantha!" Napatalon kami sa gulat nang bigla na lamang sumulpot si Lucia. Lucia became close to us. Akala ko ay dahil sa lasing lang sya noong nakaraan. But she really has good intentions. Gusto niya kaming maging kaibigan ni Cheska.

"Is it true?" Sinenyasan namin siya na huwag maingay. "I saw some videos on your page."

"Tayo lang muna sana ang makakaalam." They nodded. I can even trust Lucia kahit ilang araw palang kaming nagkakasama. Para bang ang gaan niyang maging kaibigan.

"Do you want me to call some investigator?" She manage to hold my hands habang nakaupo siya sa tabi ko.

"No need. Ako na muna ang mag iimbistiga. I need to confront Janus." Pahayag ko. Tumayo naman agad si Lucia at nakapameywang pa sa harap ko.

"Hanapin pa natin yung ibang camera." We both agree on Lucia's idea. At nagsimula na nga kaming maghanap. Sa cr ako pumwesto. Ginamit kong muli ang flashlight ng cellphone ko. Sobrang kilabot ang naramdaman ko dahil lima kaagad ang nakita kong pulang ilaw.

"I got one here!" Sigaw ni Lucia mula sa kusina. Habang si Cheska ay tinatanggal na ang mga cameras na nakakabit sa kwarto ko.

"I can't believe your ex boyfriend can do this to you. Obsess pa rin ba siya sayo?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Lucia habang inilalapag sa coffee table ang mga nakuha naming mini cameras. We got fifteen cameras all in all!

Shit!

Ibig bang sabihin nito ay sinusubaybayan pa rin ni Janus ang buhay ko? Pero bakit?

I even had sex at my own bed with Allison a few days ago. Paano kung napanuod niya iyon, at ipakalat? Ano nalang ang sasabihin ng mga tao lalo na ang family and relatives ko?

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko.

***

"Janus!" Dinala ako ng sarili ko sa tapat ng gate nila Janus. Hindi ako makapapayag na palipasin pa ang araw na ito. Gago siya! Anong karapatan niyang guluhin pa ang buhay ko?

"Janus buksan mo 'to!" Mas nilakasan ko pa ang kalampag sa gate nila. Kung kaya ko nga itong sirain ay ginawa ko na.

"JANUS!!" Bato na nga ang ginamit ko sa pagkatok para mas marinig niya na nandito ako sa labas ng bahay nila. Narinig ko ang pag ingay ng gate, senyales na may nagbukas na nito.

"Anong problema?" Tumambad sa akin ang nakataas na kilay ni Janica habang naka crossed arms pa.

"Nasaan si Janus?" Pasigaw na saad ko. Ipinakita ko sa kanyang galit na galit ako dahil sa ginawa ng boyfriend niya sa akin.

"Bakit ba?" Mas tumaas pa ang kilay niya.

"Ilabas mo yung gago mong boyfriend!" Ginagalit niya talaga ako dahil sumandal pa talaga siya sa gate habang nakangisi.

"Hindi ka pa rin ba nakaka move on girl?" Mahina siyang tumawa. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya upang masindak siya. Gusto pa niya yatang pahabain pa ang usapan na ito. Kung move on lang ang pinag uusapan, matagal ko ng kinalimutan si Janus. Kaya sana okay lang si Janica, dahil wala na akong ibang nararamdaman pa sa boyfriend niya.

Kundi galit.

"What's the matter here babe?" Narinig ko mula sa loob ang boses ni Janus. Kaya naman hinawi ko si Janica para makapasok ako sa loob. Ngunit nagawa pa rin niyang pigilan ako kahit muntik pa siyang matumba sa kinatatayuan niya.

"Hanggang diyan ka nalang!" Muli niyang pagtataray. Pinagpagan niya pa ang kamay niya matapos itong lumapat sa dibdib ko.

"Samantha?" Nang makalapit si Janus kay Janica ay hinapit niya ang beywang ng nobya. Akala niya siguro ay magseselos pa ako sa kanila.

"Anong intensyon mo para magkabit ng cctv cameras sa condo ko?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Nanginginig pa ang labi ko dahil sa sobrang galit.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Huwag ka ng mag maang maangan pa Janus!" Pakiramdam ko ay mapupunit na ang litid ko sa leeg dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. I don't care kung gumawa man kami ng eksena sa labas ng bahay nila. Pekeng tawa lang ang itinugon niya sa akin.

"Bakit? Interesado ka pa ba sa buhay ko ha?" Pati si Janica ay nakisabay na din sa pagtawa ni Janus. Hindi naman ako na inform na parehas pala silang baliw.

"Sino ka ba para pag interesan ko pa?" Natigilan ako. Mayabang niya iyong sinabi sa akin na animo'y may ipinagmamalaki. Hindi na talaga siya ang Janus na nakilala ko. Lumabas na rin siya mula sa gate at matapang na hinarap ako. Tinignan rin niya ako mula ulo hanggang paa, tila kinikalatis pa ako.

"Sa itsura mong 'yan, bakit ko sasayangin ang oras at panahon ko sayo?" Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Nakakaya niyang sabihin ang mga salitang iyon pagkatapos ng mahaba naming pinagsamahan? Kung makapag salita siya ay parang wala siyang utang na loob!

Hindi ko na napigilan pa ang kamay kong dumapo sa pisngi niya. At bigyan siya ng malakas na sampal. Ang kapal ng mukha niya. Literal na makapal dahil nakaramdam ng pamamanhid ang kamay ko.

"Hoy!" Sigaw ni Janica. Agad na lumapit ang nobya ni Janus sa kanya. Hawak pa rin ni Janus ang pisngi niyang nasampal ko.

"Alam kong wala na tayo Janus. Pero wala kang karapatang bastusin ako." Nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil sa galit ko sa kanya.

"At kapag nalaman kong ikaw ang may pakana ng pagpapakalat ng mga videos na iyon, ay hindi lang sampal ang makukuha mo sa akin." Pagbabanta ko habang naka duro pa sa mukha niya ang hintuturo ko.

Tinalikuran ko na sila ngunit pinigilan ako ni Janica nang hawakan niya ako sa braso. Iniikot niya ako paharap sa kanya at saktong tumama ang kamay ko sa makapal niyang pisngi.

"Don't you dare touch me again!" Marahas kong binawi ang braso ko mula kay Janica. At pinagpagan ko iyon gaya ng ginawa niya kanina. Iniwan ko siyang nakanganga habang hawak ang pisngi niya. Marahil ay hindi siya makapaniwala na nagawa ko iyon sa kanya.

I violently wiped my tears before turning my back on them. Ayoko na silang makitang muli. Never again.