Chapter 24 - Chapter 23

Allison's POV

"Couz!" Tili ng isang dalaga habang tumatakbo papalapit sa akin.

"How are you?" Nakangiti niyang bati sa akin at humalik pa sa pisngi ko. Hindi naman maipagkakailang ganito kami ka-close. But I'm not in the mood para makipag kulitan pa sa kanya. Kaya naman prente akong naupo sa couch ng isang coffee shop kung saan ko napag desisyunan na makipag kita sa kanya.

She crossed her arms while watching me.

"Ano ba kasing meron at kailangan mo pang makipagkita sa akin?" Halata sa boses niya ang pagkainip.

"Ano ba yung sasabihin mo na hindi mo masabi sa tawag?"

"Did you tell her?" Umarko ang kilay niya saka siya naupo sa tabi ko. Pagkatapos aminin ni Samantha sa akin ang tungkol sa cctv cameras na nakakabit sa condo niya ay kaagad kaming lumuwas mula sa rest house ko. Hindi ko rin nagawang kausapin siya habang nasa byahe. Dahil tila tinakasan ako ng sarili kong wisyo.

"Tell her what?"

"Did you tell Samantha na may mga nakakabit na cctv sa condo niya?" Asik ko. Hindi ko alam kung bakit nag iinit ang ulo ko. Maging ang dugo ko ay kumukulo na rin sa tuwing susulyapan ko ang pinsan ko.

"Anong sinasabi mo diyan Allison?" Peke siyang tumawa.

"Tayong dalawa lang ang nakakaalam na may nakakabit na cctv cameras sa condo niya hindi ba?"

"And so what?" Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso niya. Rumehistro naman sa mukha niya na nasasaktan siya dahil sa ginawa ko.

"Ikaw lang ang naiisip kong nagsabi sa kanya ng bagay na iyon!" Pinigilan kong sigawan siya sa harap ng maraming tao. Kinagat niya ang labi niya at pilit na binabawi ang braso niya. Ngunit hindi ko iyon binitawan

"Really? How about the leak videos, ako pa rin ba ang pagbibintangan mo? Samantalang ikaw ang may hawak ng lahat ng footage." Nanlisik ang mga mata ko sa isinagot niya.

"Natatakot ka yata sa sarili mong multo, Ali." Hinimas niya ang braso niyang iniwanan ko ng pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko doon.

"Shut up, Janica!" She rolled her eyes. Kaming dalawa lang ang tanging nakakaalam na may nakakabit na cctv sa condo ni Samantha. I am the one who install it five years ago. Because of my obsession to her. But I decided to stop watching her noong nagkakalapit na ang mga loob namin.

"Iyang obsession mo ang magpapahamak sayo Allison. Tutal naman nakuha ko na ang gusto ko, hindi ko na problema iyan!" She just smirked at me. Hinilot ko ang sintido ko. Janica was right, nasa akin nga ang mga footage ng videos ni Samantha. But I'm not the one who spread her videos.

"Sa maniwala ka man o sa hindi, wala akong sinabi kay Samantha. Siya pa nga iyong sumugod sa bahay nila Janus. At ang fiancé ko pa ang pinag bibintangan. At dahil sa kagagawan mo, nadadamay pa kami. But you don't have to worry because your secret is safe from me." Proud niyang sambit. May tiwala naman ako sa pinsan ko, kaya nga lang wala akong maisip kung sino ang magpapakalat ng mga videos na iyon.

I kept her videos on my laptop. At ang laptop ko ay itinago ko sa studio ko. Hindi ko magagawang ipakalat ang mga footage na iyon dahil mahal ko si Samantha.

Shit!

Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pag tibok ng puso ko. Hindi ko yata kakayanin kung isang araw malaman nalang ni Samantha na limang taon ko na siyang sinusubaybayan. She actually helped me to move on from Lucia by just watching her.

She's one of my fantasies.

Minsan ko na ngang naisigaw ang pangalan niya when I am fucking other girls. And I even imagined fucking her.

Fucking her so hard.

"Kung ako sayo aminin mo nalang ang totoo." Suhestiyon ni Janica. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.

"I'm not in the mood for your fucking non sense suggestion." Tinawanan niya lang ako na naging dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa loob ng coffee shop. I gave her a glare with 'what's-so-fucking-funny' look.

"You know couz, kung malaman niya man ang totoo wala naman siyang magagawa pa. Kaya nga minamadali ko na ang kasal namin ni Janus e, para wala na siyang babalikan pa." Iniirap niya ang mata niya sa ere.

"Because I know, time will come. Samantha will also know the truth." Lumulutang na ang utak ko na hindi ko maintindihan.

"Hindi niya malalaman kung itatahimik mo 'yang bibig mo." Giit ko.

"Kung ako sayo bakuran mo yang babae mo. Dahil kapag sumugod na naman siya sa pamamahay ni Janus. Ako pa mismo ang magsasabi sa kanya ng to— Agh!" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang sakupin ng kamay ko ang leeg niya. Her eyes widened nang humigpit pa ang pagkakasakal ko sa kaniya.

"Don't make me mad Janica. Kung gusto mo pang matuloy ang kasal niyo ni Janus." I warned her.

"Agh!" Walang kahit na anong salita ang lumabas mula sa bibig niya. Hawak niya ang kamay ko at pilit na tinatanggal sa leeg niya.

"Agh. . Let me— agh. . go. ." Nagsimula ng maluha ang mga mata niya at pakiramdam ko'y mapuputulan na siya ng hininga.

Marahas ko siyang itinulak na naging dahilan para mapahiga siya sa couch na kinauupuan niya. Nakuha na rin namin ang atensyon ng mga customers. Ngunit wala akong pakialam.

"Shut your mouth or I kill you!" Tuluyan nang humagulgol si Janica nang tapunan niya ako ng tingin. Hawak rin niya ang leeg niya na namumula dahil sa pagkakasakal ko.

I left her dumbfounded.

***

Five years ago,

"Anong ginagawa mo dito?" Pinasadahan ko ng tingin ang best friend ko, si Kim. Ilang linggo na akong lango sa alak dahil sa ginawang panloloko at pang gagago sa akin ni Lucia. Nanlalabo man ang paningin ko paniguradong masama ang tingin niya sa akin.

Hindi siya nagsalita at diretsyong tinungo ang sliding door na tatagos papunta sa balcony ng unit ko. Sinundan ko siya ng tingin habang nilalaklak pa ang nag iisang alak na mayroon ako.

"Fuck!" Daing ko nang masilaw ako sa sinag ng araw. "Fuck you Kim!" Nasanay na ako sa kadiliman kaya naman biglang nanibago ang mga mata ko sa liwanag mula sa labas.

"You cannot fuck me. Hindi tayo talo!" Pinatulan ko siya. Inilabas ko ang dila ko at malagkit na tumingin sa kaniya. I licked my lips na parang natatakam sa kanya.

"Fuck you brad!" She showed me her middle finger. I gave her a fake laugh. Ni hindi ko pa kayang magpakasaya matapos ang pagkadurog ng puso ko.

"Ano bang plano mo sa buhay mo? Magpapaka bulok ka nalang ba dito sa loob ng condo mo?" Malaya akong humiga sa carpeted floor. Hindi ko kayang mawala si Lucia. She's my life, my world, and my everything.

Deserve ba ng mga tomboy na iwan at lokohin ng ganun ganun nalang?

Porket wala akong ari na katulad ng kay kuya ay ipagpapalit niya nalang ako?

"I want Lucia to come back!!" I screamed. Habang hindi ko na namamalayan ang pagtulo ng luha ko.

"I want her back!!" Wala akong ibang gustong mangyari kung hindi ang bumalik lang ang pinaka mamahal ko. Ayos lang sa akin na ginago niya ako basta bumalik lang siya. Balikan niya lang ako. I'm willing to forgive her a hundred times.

"Hindi na babalik si Lucia. Pinagpalit ka na niya sa may titi!" Binigyan ko siya ng masamang tingin. Bakit pa ako nagkaroon ng ganitong kaibigan? I am expecting that she's going to comfort me pero ipapamukha niya lang pala sa akin ang katotohanan.

"May titi rin naman ako. Fake nga lang." I was referring on my strap on dildo. Hindi na niya iyon kailangang patigasin pa. And it comes with a vibration.

"Hindi naman nakakabuntis." This time, sinuntok ko na si Kim. Kaya lang sa braso iyon tumama. She managed to laugh, parang tuwang tuwa pa siya na broken hearted ang kaibigan niya.

"Agh. . Saan ba tayo pupunta?" Pilit niya akong ibinabangon ngunit hindi ko na yata kayang tumayo pa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"You need some sunlight. Tignan mo nga ang itsura mo, namumutla ka na."

"I don't care." Umiling iling ako. Nagawa niyang mapaupo ako kahit pa nakalaylay ang ulo ko. "Nasusuka ako."

Ngunit hindi siya nagpatinag at pilit niya pa rin akong itinayo. Isinabit niya ang kamay ko sa balikat niya.

"Ugh! Fuck you!" Parehas kaming natumba dahil nabitawan ako ni Kim. Dahil bigla ko nalang dinakot ang dibdib niya.

I gave her a five fucking fake laugh,

Ha-ha-ha-ha-ha.

Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas na tumawa man lang.

Hindi pa rin ako tinigilan ni Kim. Hinila niya nalang ako habang nakahiga papunta sa balcony.

"Kapag hindi ka pa tumigil susukahan na talaga ki— Agh!!" Singhal ko ng direktang tumama sa mukha ko ang init mula sa araw.

"Diyan ka nababagay!!" Sakop ng katawan ko ang buong space ng balcony. Walang habas na iniwan ako roon ni Kim at isinarado niya ang sliding door.

"Kim!!" Mahina kong kinalampag ang pinto. Wala na rin akong lakas para kumatok pa.

"Kim!!!" Ngunit hindi niya iyon binuksan. Ginawa kong panangga sa liwanag ang braso ko. Balak yata akong gawing daing o tuyo ni Kim. Anak ng!!

"Babe!!" Natigilan ako sa mala-anghel na boses na narinig ko.

"Lucia?" Hindi ko alam kung guni guni ko lamang iyon. Pero sigurado akong boses iyon ni Lucia.

"Babe!!" Halos matumba pa ako nang muli kong marinig ang boses na iyon. Kumuha rin ako ng pwersa mula sa bakod ng balcony upang makatayo.

"Luc—"

"Babe ano ba?!" Galit na pahayag nito. Nang tuluyan na akong makatayo ay agad kong sinipat ang nakalock na sliding door.

"Lucia?" Sunod sunod kong kinalampag ang pinto. Nakita ko mula sa loob si Kim na naka indian sit pa sa ibabaw ng sofa habang kumakain ng ice cream.

"Ho—"

"Babe ano ba nakikiliti ako hihihi. ." Muntik na akong masuka nang maulinigan ko ang dalawang mag syota mula sa kabilang balcony. Nagyayakapan at nagkikilitian pa talaga sa harapan ko. Parehas silang nakatalikod sa akin kaya hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila. Idagdag pa ang nanlalabo ko ng paningin.

"Lucia!!" I shouted at them. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Lucia iyon, nakikipag landian sa ibang lalaki.

"Lucia!!" Nakakita ako ng tansan ng bote sa sahig ng balcony para ibato sa kanila. Ngunit hindi iyon umabot sa dalawa.

"Luc—" I was about to call her name again nang humarap na ang babaeng tinatawag kong Lucia. Naningkit pa ang mata kong napatitig sa kaniya. Nagsasampay siya ng panty niya at yung kasama niya kanina ay nawala na. Mukhang nalaglag na.

Tila nag slow motion ang lahat.

Tumibok bigla ang puso kong akala ko ay patay na.

Tinamaan yata ako sa mga ngiti niya.

Para siyang anghel na bumaba mula sa langit.

Gegewang gewang akong naglakad papalapit sa kanya.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may maganda akong kapit bahay?

"Ahhhh!!!" Narinig ko ang pagtili niya nang makita niya akong nakasampa sa balcony. Pilit ko siyang inaabot pero bakit napakalayo niya. Nagtatatalon siya habang nakaturo sa akin.

"ALI!!!" Sigaw ni Kim mula sa likuran ko. At hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari nang araw na iyon.

Basta ang alam ko nang sumunod na mga araw ay palagi ko ng inaabangan ang babaeng iyon sa tuwing magsasampay siya ng kaniyang panty.

Patago ko iyong sinusungkit. Noong una ay paisa isa lang. Nakuntento ako sa pag amoy sa panty niya. It gives me satisfaction kapag naaamoy ko iyon.

Sa di katagalan ay sa pinto ko naman siya inaabangan. Pinag aralan ko kung tuwing kailan siya lumalabas. Umaalis siya tuwing alas nuebe ng umaga at babalik siya ng alas otso ng gabi. Araw araw iyon dahil pumupunta siya sa isang coffee shop.

"Babe, iiwan ko dito sa ilalim ng door mat yung susi ah." Nakauwang ng kaunti ang pinto ko. Nagtitiis akong masilip ang magandang dilag na iyon.

"Bakit kasi hindi ka nagdadala ng susi e." Kausap niya ang nobyo mula sa kabilang linya. She's wearing a fitted white dress na mas lalong humubog sa maganda at nakakaakit niyang katawan.

Nakakatakam.

Agad akong lumabas ng condo ko nang marinig ko ang mga yabag niya palayo sa condo niya. Tanging ang nakakalibog na likod na lamang niya ang natanaw ko.

Her ass that I wanted to spank someday.

Agad kong kinuha ang susi na iniwan niya sa ilalim ng door mat at itinago iyon. Thanks to her, I was able to visit her soon.

Nang hindi na ako makatiis sa panaka nakang pagsulyap sa kaniya, ay naisipan kong magkabit nalang ng cctv sa condo niya. Itinaon ko iyon nang mag out of town sila ng nobyo niya. Wala akong sinayang na pagkakataon na subaybayan ang lahat ng galaw niya.

Maging ang sasakyan niya ay nilagyan ko ng GPS upang palagi ko siyang masundan. Naging maingat lang ako dahil baka malaman niyang sinusundan ko siya. Para kasi akong mababaliw kapag hindi ko siya nakikita.

Nagawa ko ring kunin ang shampoo at pabango na ginagamit niya. Her strawberry scent was very addictive. Gusto ko siyang kainin.

Hindi ko namalayan na unti unti ko ng nakakalimutan si Lucia by just watching this girl. I even watched her while taking a bath. Having sex with her boyfriend. And also, while sleeping.

Gustong gusto kong maramdaman ang katawan niya sa akin ngunit mukhang malabo iyong mangyari.

I sneaked out on her room every night just to watch her sleeping. Hindi ko na alam kung hanggang saan aabot ang obsession ko sa kanya.

Sa isang simpleng ngiti niya lang sa akin noon ay umabot na sa ganito ang nararamdaman ko.

***

"Argh!" Naitungo ko ang ulo ko sa manibela ng sasakyan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling malaman ni Samantha ang katotohanan.

Baka hindi lang galit ang maramdaman niya, kundi pagkamuhi. And I don't want it to happen. I don't want to lose her.

Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa bintana ng aking kotse.

"Samantha?" Nakangiti siyang kumakaway mula sa labas. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng condo at mukhang kakauwi niya lang.

I stiffened. Hindi ko magawang buksan ang bintana o ang pinto ng kotse ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Muli siyang kumatok at pilit na binubuksan ang pinto ng kotse. I'm getting crazy, and I don't know what to do.

Nang lingunin ko siya ay nawala na siya sa puwesto niya. Sa wakas at napagod na rin siya sa pagkatok.

"Hi. ." Muli akong naestatwa nang mabuksan niya ang pinto sa may passenger's seat. Ganoon na ba ako kalutang para hindi ko mapansing hindi iyon naka lock?

Akmang ilalapit niya ang mukha niya upang bigyan ako ng halik. Ngunit agad kong iniiwas ang sarili ko.

"Are you still mad?" Malungkot niyang tanong. Hindi ko siya magawang tignan. Conscience engulfs me every time our eyes meet. Hindi ako galit sa kaniya, kundi galit ako sa sarili ko.

"It's been a month already. We should end our contract right? Actually lagpas na nga ng isang buwan base sa napag usapan natin noon." Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pag iiba ng kaniyang reaksyon.

"And?" Mariin akong napapikit nang marinig ang basag niyang boses. Shit! I don't want her to get hurt.

"Let's end this." Wala sa loob kong nasabi. Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko ito sa kaniya ngayon.

"Yes that's right." She's smiling at me na parang wala lang ang sinasabi ko sa kaniya.

"We should end this contract. And start our new journey." Hinaplos niya ang pisngi ko. Bakit tila kinukurot ang puso ko sa sinabi niya?

"Allison, I want to tell you that I lo—"

"Stop it!" Pinutol ko ang sasabihin niya at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makitang masasaktan siya.

"It's all part of our sub-dom relationship." I looked at her with a serious face. Bakas sa mukha niyang naguguluhan siya.

"What. . What do you mean?"

"Hindi totoo lahat ng sinabi ko sayo noon. Walang katotohanan lahat ng nararamdaman ko sayo. Sinabi ko lang lahat ng iyon para pagkatiwalaan mo ako. That's my role as your dominant." Pag sisinungaling ko.

"Tell me you're just kidding me." Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"No I'm not." Peke siyang tumawa kahit pa nagbabadya ng tumulo ang mga luha niya. Umirap muna siya sa ere bago

"Pero paano. . Paano yung nararamdaman ko para sayo?" I still managed to be serious. Gusto kong maniwala siya sa mga sinasabi ko.

"Kaya nga ngayon palang sinasabi ko na sayo na itigil mo na kung ano man yung nararamdaman mo para sa akin. Because I don't believe in that fucking love." Giit ko habang hinahampas pa ang steering wheel. May kasamang pagdiin ang huli kong sinabi.

"Allison. ." Muli niyang hinaplos ang pisngi ko. At pilit niyang inililingon sa kaniya ang mukha ko. Nanghihina ako sa mga hawak niya.

"Stop it Samantha." Marahas kong hinawakan ang kamay niya. I glared at her. Napalunok ako nang makitang tumulo na pala ang luha niya.

"I lov—"

"Uhmmmp!" Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya dahil hinila ko siya papunta sa akin. At saka sinakop ang labi niya.

I don't want to hear those words. Hindi niya deserve ang isang katulad ko.