Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LOCKDOWN CHRONICLES

🇵🇭cLxg_drgn
--
chs / week
--
NOT RATINGS
43.4k
Views
Synopsis
WARNING: R-18 MATURE CONTENT || SPG This is a compilation of all the short stories I made dahil sa sobrang bored ngayong lockdown sesson. Kung gusto niyong matawa, maiyak or kiligin basahin niyo tong gawa ko, puro to kabulastugan at katarantaduhan. Malay mo relate ka dito? Super short lang talaga tong mga to, na per capter lang ang bawat story, iba-iba ang tema at paksa ng bawat kwento. Baka maghanap at maguluhan kayo sa fast pacing na setting dito, kailangan eh. Basta enjoy niyo na lang ang lockdown chixmis, hanash at kabobohan ngayong wala tayong magawa kundi ang makulong sa loob ng bahay. I hope you enjoy reading, arigatou!
VIEW MORE

Chapter 1 - one

Napatingin ako sa labas ng bintana ko, isang napahabang kadiliman ang bumungad sa paningin ko. Nawalan ng buhay ang kalsadang dati'y puno ng tambay, gala at manginginom. Biglaan nalang tumahimik at naging parang ghost town ang barangay namin.

Ang bawat tao'y napuno ng pangamba, panik, sari saring damdamin na nangingibabaw ang takot. Takot sa kalusugan ng pamilya, sarili at ng mga taong naging malapit na sayo.

March 15, 2020, simula ng pagsasailalim ng halos buong bansa sa lockdown, kung saan ay ang lahat ay pinapayuhang manatili sa kabahayan at wala munang lalabas dahil hindi natin nakikita ang kalaban.

Ang virus na walang mukha pero nakakamatay. Ang sakit na hindi mo maramdaman agad pero mabilis na kumakalat, tila isang digmaang wala mang gamit na baril pero milyon milyon ang namamatay ng walang kalaban laban.

Simula ng araw nayon, lahat na ay tila paranoid, lahat ay nagpapanic buying, facemask, alcohol, delata't pancit canton.

Mga pangangailangan sa tahanan para mabuhay ng naaayon, ngunit pano ang mga taong tila sakto lamang ang pera sa pangaraw araw, kumikita ng arawan? Walang makain, walang perang panustos kanilang pamilya, anak na nagugutom at asawang humihingi pa ng rasyon.

Wala eh, lahat yata tila tumigil, ang kalsada, trabaho, tao at ang industriyang bumubuhay sa atin. Ilang milyon ang biglaang nawalan ng trabaho, ilang milyon ang nawalan bigla ng pagkakakitaan at ang masaklap ilang milyon na ang nawalan ng mahal sa buhay.

Tila ba ang bilis lang, sa sobrang bilis hindi mo na pala kasama ang dating kaagapay mo sa buhay, sa sobrang biglaan hindi mo na alam ang gagawin, o kung meron ka pa bang magagawa.

Tila ang mundo mo'y kusa naring tumigil, napagod, nagpahinga pero babangon parin. Ipagpapatuloy ang buhay na tila na binabawi nv maykapal. Pinipilit ipanalo ang labang naumpisahan nila pero nadamay ka nalang bigla at wala kang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang nasimulan nilang pakikibaka.

Ang pagkakaisa ng bawat tao, ang makinig sa payo at batas ng gobyerno, ang katagang we heal us one ay atin ng isina sa puso.

Ang labang sa covid2019 ay isang pandaigdigang problema na sanay sabay na nating mawakasan, marami ng nasayang nabuhay, marami ng frontliner ang inalay ang kanilang mga buhay para sa kanilang sinumpaang propesyon, ang mga homeliners na sobra ng nahihirapang itaguyod ang bawat araw na dumadating, ang bansa nating nasanay na sa new normal na buhay.

Ang mga aral na ating natutunan sa pandimyang ating kinasusuong, ang labanang sabay nating magapi at ng maipagpatuloy na natin ang buhay na ating nakasanayan.

Malalim akong napabuntong hininga, tila kinakalma ang sarili kong puno na ng pangungulila, ang isip kong puno na ng sarili kong insecurities sa buhay.

Nilapag ko ang ballpen na gamit ko sa aking kamay, napatitig at paulit ulit kong binabasa ang tula kong nabuo sa bawat araw na wala akong ginagawa sa bahay.

COVID2019

by:Faye

Masyado naman yatang ang saklap ang bungad mo ng panibagong taon.

Sinalanta mo kami ng bagyo, nagpasko at naglipat ng taong walang kuryente, ni datong.

2020ng ang pangit lang ng dating, ang gulo at umpisa palang trahedya na ang dumating.

Buhay ni Kobe at Giana inalay at nawalay sa pamilyang dapat kanilang binubuo.

Mga panyayaring kung iisipin mo'y imposible, pero heto na't nangyayari.

Lintek na mga instik yan, dinagdagan pa ang problema.

Virus pinakalat, tuloy tayo'y lahat na'y nabibiktima.

Kabuhayang tuluyan ng huminto, tila ba parusa sa bawat araw.

Araw na gagapangin mo sa gutom at panghihinayang.

Wala ka kasing magawa, hindi tayo pwedeng lumabas, walang laya.

Tatapusin mo ang buwang puno ng takot at pangamba.

Sa sarili mo't kaligtasang ng iyong pamilya.

Tila ba panandaliang tumigil ang mundo,

Walang trapik, walang maraming dayo.

Daanang tila isa nalang espasyong nasayang.

Wala ng gumagala, ni hindi nga nilalakaran.

Maraming bawal ang naisapatupad, kulong ka paglumabag sa batas.

Wala kang laban pagikaw ay nahuli, Pre, huwag ng magmatigas ulo kasi.

Naghihintay ng tulong sa gobyerno, sana'y may kaka- ramput na SAP pangsustento

May delata at bigas na bigay ng barangay, kung sinuswerte meron pang sahog na gulay.

Buong mundoy apektado, trabaho, ekonomiya at ang tao.

Milyon-milyong buhay na ang biglaang pumanaw, bilyong tao na ang pumupulahaw.

Masyado nang nakakarma ang tao, sa labis na kagagawan natin sa mundo. Sa pagsira at pangaabuso dito.

Heto tuloy tayo, sama samang  ginagapi ang sakunang ayaw na yatang huminto.

Bawat bansa ngayo'y nasa kritikal na kondisyon.

Lahat apektado at walang eksempsiyon.

Sino ka man, mayaman o walang wala.

Bata, magulang, binata/dalaga, o matanda.

Wala kang takas, pag hindi ka malakas.

Sana leksiyon narin to sa atin, wag tayong makampante masyado

Akala kasi natin hawak natin ang mundo

Kontrolado nating kung kailan at kung paano tayo tatakbo

Kasi ngayon kahit anong laban pa ang gawin mo, wala eh dehado, alam mo ng matagal na tayong natalo.

Sana ang dalangin nating lahat ay mangyari na.

Na sana ang mundoy maghilom at maging ligtas na.

Sana ang buhay ng tao'y magpatuloy pa

At sana ang mga pumanaw, makita nila ang ligaya.

Sana sa paglipas ng araw, unti unti ng mababawasan ang nagkakasakit.

Hanggang sa tuluyan na nating masugpo at magapi ang pasakit sa sanlibutan.

Covid2019, ang ugat ng digmaang walang mukha, walang armas pero unti-unti tayong inuubos ng wala lang kalaban-laban.

#2020😭