Chereads / LOCKDOWN CHRONICLES / Chapter 9 - nine

Chapter 9 - nine

EVERSINCE nag kamuwang ako. Siya na ang kasama ko. Oh well tatlo pala kami noon. Me and my two Aunts. Basically they are my grandparents but for me they are too young to be called lola.

I'm not ulila or something, its just that mas comportable talaga ako pag sila ang kasama ko.

I live half of my life away from my parents. I'm always with my aunts.

Simula 3 or 4 years old don ako natutulog, kumakain, naglalaro, naliligo, in short don na ko tumira.

Wala namang problema eh.

They treat me well and I love being with them.

Siguro kasi dahil nasusunod nila ang gusto ko at sa kin lang ang atensyon nila. Well I admit I'm attention seeker.

Feeling ko kasi pag nasa bahay ako  ng mga parents im left out.

I know naman na hindi ako kasing galing, kasipag, at ka talinong bata and I really hate when someone was comparing me with my ate. Siya nalang ang magaling, siya na lang ang may kwenta.

Maybe I'm insecure cause I'm nobody kaya naman ako ang lumayo.

Palagi akong nakabuntot sa mga tita ko. Kung saan sila pupunta dapat nandon din ako cause if they left me I will cry really hard. Ganon ako ka spoiled sa kanila.

Anong gusto ko dapat nasusunod. Oo na spo-spoiled ako sa kanila, wala silang anak kaya sakin lahat ang pagmamahal, atensyon at pagaalaga.

Im too pampered with them...

Kahit simple lang ang buhay namin. Na kahit kaming tatlo lang masaya na kami. Natatandaan ko pa nga noon na pag hindi pa umuuwi yung isa kong tita hindi talaga ako natutulog at hihintayin syang dumating kasi nga we made a pinky promise.

I dont remember it vividly but every night ginagawa namin yon kaya hindi ako nakakatulog pag wala sya kahit pagalitan ako ng isa kong tita hindi ako nakikinig.

I patiently wait for my aunt to come home.

Kaya ang saya saya ko talaga pag nakauwi na sya. May katabi nako at may kayakap sa pagtulog.

"Promise?" Yan ang palagi nyang sinasabi habang nakangiti

"Promise!" Ako sabay lapit ng pinky finger ko sa kanya at iintertwined namin yon.

Hanggang sa makatulog nakong nakayakap sa kanya.

Then kinabukasan umaga palang pupunta kaming Feliciano, kung saan nakatira naman ang lolo't lola ko, sila ang parents ng two aunts ko.

Doon ang ancestral house nila.

Masaya don kasi madami akong kalaro at malapit yon sa bahay ng mama't papa ko.

Tas pag hapon na uuwi na naman kami sa kung san yong bahay ng mga Tita ko. Ganun yung set up namin.

Sa umaga pupuntang Feliciano at sa hapon balik ulit ng Nabuan.

Depende yun minsan kasi pag busy sila sa palayan, meron kasi silang lupang sinasaka actually palayan kaya pag anihan na don nalang kami natutulog para di na hussle sa pag dadrive si Tita.

Hangang sa nong 5 years old ako namatay na ang lola ko, yung nanay nila tita.

Matanda na ang lola ko kaya siya namatay

Naaalala ko pa noon, lumapit pa ko sa kama niya tas iyak ng iyak ang isa kong Tita hindi ko kasi alam na wala na yong lola ko kasi para lang kasi syang natutulog.

Shes peacefully sleeping.

Hangang sa may kumuha na kanya at hindi ko alam kong san nila dinala yong lola ko.

Yung naiwan naman nag aayos na ng bahay, meron naring malaking trapal na nakakabit sa paligid, lahat ng tao merong ginagawa at bakit may nag aayos?

Maraming kandila at bulaklak

Ang murang isip koy nagtatanong. "Ano bang meron?"

Hanggang sabi nila dumating na daw ang lola ko kaya excited akong lumabas.

Pero bakit isang puting kahon ang bitbit nila? Nasan ang lola ko?

Wala naman siya.

Tapos napalingon at napalapit nalang ako don sa mga lalaking nakaputi na may bitbit na isang puting parihabang kahon.

Binuksan nila ang kalahati at inayos ang mga nakasulat don sa may nataas nang parte ng kahon. Nilagyan din ng bulaklak at meron ding tinabing nakasinding kandila

At mas ang pinagtataka ko nilagay nila don yong picture ng Lola Rebe ko.

Bakit?

Unti unting lumapit ako sa kahon, hanggang sa nasa harapan na ako.

Wala akong makita, mas mataas sakin ang kahon kaya hindi ko masilip ang tinitignan ng mga tao.

Hindi ko alam pero lahat sila umiiyak. Tapos palagi nilang binabanggit ang pangalan ng lola ko, eh wala naman dito si Lola.

Nakakatakot ba ang nasa loob? Bakit sila umiiyak? Ano ba ang nandon?

Pilit ko mang abutin at tumitingkayad pa ako para makita ang sa loob hindi ko talaga makita.

Hangang sa maramdaman ko nalang na umangat ako, karga karga na pala ako ng Tita ko, siya din umiiyak.

"Ayan na si Lola oh. Kanina mo pa siya hinahanap diba?"

Napatingin na din tuloy ako sa kahon. Nandon nga si Lola natututulog Hindi ba sya nasisikipan don? Ang liit liit kaya ng higaan nya.

"Lola." tawag ko sa kanya..

"Lola Rebe!" Hindi parin sya nagigising.

"Tita baka hindi makahinga si Lola sa loob. Merong salamin oh staka masikip."

Nagpahid muna siya ng kanyang pisngi. "Baby, your Lola Rebe she's forever be sleeping. She's gone. Nandon na sya kay Lord"

"Pero Tita andyan siya oh." Tinuro ko pa ang Lola ko

"Yes but eventually iiwan nya din tayo. Hindi mo na siya makikita ulit baby kasi nga pupunta na syang heaven." Nakangiting sabi ni tita pero umiiyak padin sya.

Hindi ko alam pero unti unti naring tumutulo yong luha ko hanggang sa humagulgol na ko ng iyak.

Patay na ba talaga ang Lola ko? Nasa heaven na ba sya? Kasama niya na ba si Lord?

Lahat ng mga anak ng lola ko unti unting dumadating, apo at apo sa tuhod meron ding mga relatives naming nakikiramay at nagdadasal. Lahat sila tumitingin sa ataul, yun daw ang tawag don sabi ng tita ko sa puting kahon.

Araw araw ako ang nagsisindi ng kandila ng Lola ko, palagi rin akong nakadungaw sa kanya gumagamit pa nga ako ng upuan para makita ang Lola kong ilang araw ng tulog.

Hindi man lang sya humihinga, o tumatagilid o kaya naman nanghihilik o kaya naman magigising?

Ganun ba talaga pag patay na? Steady ka lang?

Ilang linggo nadin ang lumipas at nasanay na akong nandon lang ang lola ko at ganon lang talaga sya.

Kaya naman nagtataka ako nong sinara nila yung ataul at nilabas nila, san na naman nila dadalhin si Lola?

Tapos lahat kaming mga apo pinalusot don sa ilalim ng ataul at wag daw lilingon pag nakalampas na at lalabas kami sa kusina.

Tapos nong sinakay na nila si Lola sa kotse, pati kami din umalis din yong sasakyan namin.

Pero bat ang lungkot lungkot naman ng pinapatutog nila?

Nakakaiyak! Hangang nakarating kami sa isang simbahan.

At nilagay nila si Lola sa harapan. Merong Pari na nagsasalita don sa harap. Nagpapaalam sila sa lola ko at isa isa kaming pumunta sa harapan para mag lagay ng bulaklak tapos pinagpasa pasahan nila yong holy water. Maraming umiiyak kahit ang lolo ko umiiyak din.

Ang mama ko, sila tita, ang mga pinsan ko umiiyak at ako din.

Binuhat nalang ako ng Tita ko palabas ng simbahan.

Iyak kasi ako ng iyak. Pinapatahan nako ng Tita ko pero sya nga din umiiyak pa.

Paulit ulit nyang binubulong sakin na.

"Wala na si Lola ha? Wala na baby." Habang yakap yakap at pinupunasan ang mga luha ko

Pero hindi talaga ako tumigil I've cried galloons of tears that day.

Close kami ng Lola ko at iisipin ko pa lang na forever ko na syang hindi makikita. Naiiyak na naman ako.

I will really miss you Lola Rebe. Kahit nailibing na ang Lola ko. Hindi parin ako tumigil sa pag iyak, inaalo ako ng papa ko pero wala. Hagulgol parin ang iyak ko.

Nakita ko kasi kanina na pinasok nila si Lola sa isang square na hole tapos sinemento pa nila. Doon naba talaga si Lola titira? Kasi may nilagay sila don sa may semento.

In loving memory of Rebecca Nogal.

Eh pangalan ng Lola ko yon. Tapos nagwawala narin yung Tita ko, sya ang bunso at pareho kaming pinaka close kay Lola kaya kaming dalawa ang malakas ang iyak kanina.

Hangang sa nakauwi na kami at ang sumalubong samin ay ang nakakabinging katahimikan sa bahay.

Ang lungkot pala. Yun yung unang beses kong naranasan ang masaktan at maiwan.

Una kong sakit na naramdaman kasi kahit saang sulok ng bahay ako nakatingin naaalala ko si Lola.

Habang kumakain kaming dalawa.

Habang nakaupo at sabay naming tina top yung paa namin at nag huhum ng isang kanta.

It's kinda mannerism of us.

Sa pinto habang hinihintay nya ang pag dating namin at pag mamano ko sa kanya.

Ang pag abot ko sa kanya ng tungkod

At sabay kaming pupunta sa likod para tingnan kong maayos ang palayan nila at ako naman naglalaro lang.

Namimiss ko na si Lola pero sabi nga ni Tita wala na sya. Hindi na namin sya makakapiling. Na nasa heaven na sya kasama si Lord.

"Lola sana masaya ka na diyan kasi kami pa dito nalulungkot pa din sa pagalis mo. Mamimiss talaga kita Lola at Babye na po."

Love, Petpet

AKALA ko okay na lahat, akala ko babalik na ulit kami sa dati. Akala ko wala ng mawawala sakin pero meron na naman pala. Hindi lang isa kundi yung dalawang Tita ko.

Ilang lingo lang matapos nalibing si Lola nalaman ko nalang na aalis din sila Tita.

Wala akong magawa. Nakaempake na sila at malayo ang pupuntahan nila and hindi ako pedeng sumama.

Magpapagamot sila sa Maynila. Sa mas malaking Hospital. Dadalhin nila don si Tita Alma at ipapagamot nila.

Alam kong matagal ng may dinaramdam si Tita Alma.

Ilang beses ko na ba siyang nakikitang ang daming dugo ang lumalabas sa kanya? Na ang white nyang towel ang nagiging pula dahil ang daming dugo.

Na walang tigil ang pagtulo nito sa kanyang mga paa? Na minsan meron pang buo buo?

Na minsan akala ko meron syang napakalaking sugat kaya andaming dugo pero wala naman.

Pero palagi niyang sinasabi na "okay lang sya, na walang lang to"

Kapag nakikita nya na akong kinakabahan or natataranta.

Sinong bata ang hindi matatakot pag ang dami dugo ang nakikita? Na nakakatakot dahil nakikita mong nasasaktan sya at wala kang magawa?

Yes I'm just a kid but I know what I saw BLOOD!

A LOT OF BLOOD.

Kaya nong nagpaalam sila sakin, okay lang hindi ako nag tantrums kasi alam kong para sa tita ko, para sa ikakabuti nya.

Kahit maiwan ako ditong mag isa ok lang basta gagaling sya kahit babalik na ulit ako sa parents ko okay lang, basta okay sya.

I will sacrifice my life away from them for a while and be with them again forever when she gets well. A little sarcrifice wont hurt me!

Isang taon ang lumipas. Isang taon akong naghintay. Isang taon kong pinagdarasal na uuwi na sila.

Ngayong nakabalik na sila. Mas gugustuhin ko pang nandon sila.

Nagpapagamot...Nagpapagaling....

Hindi yong uuwi sila.... At makikita ko na naman ang parihabang kahon.

Ang sakit.

Dahil sa ikalawang pagkakataon nawalan na naman ako. Naiwan ulit....

At mababawasan na naman ng mahal sa buhay.

Ang tita ko wala na. Kinuha na naman sya ni Lord.. She didn't survive.

Cancer. Ovarian Cancer.

Yan yung sakit na sanhi ng pagkawala nya. Stage 4 and No cure.

Hindi tumalab lahat ng treatment, medicines and even the chemotherapghy to kill the cancer cells.

Walang nangyari kaya heto na naman kami nagdadalamhati.

Eto na naman ang parehabang kahon. Andami na namang kandila at bulaklak. Marami ding nakikiramay.

Ilang lingo ang lumipas.

Hangang sa simbahan na naman. Ang lungkot.... Lahat kami umiiyak. Naghihinagpis sa pagkawala ng isa sa napaka importanteng tao sa buhay ko.

Ayan na naman kasi. Nababasa ko ulit.

In loving memory of Alma Nagal

At mamakakasama nalang kita pag dadalaw ako sayo, mag aalay ng kandilat bulaklak.

Dito sa puntod mo. Hindi ko maampat ang luha ko.

Nakatingin sa puntod mo at piping nagpapasalamat sa pag aalaga at pagmamahal mo. Sa taon na magkasama tayo at pag aaruga mo sakin na parang anak mo.

"Mahal na mahal kita Te. At masaya akong nakasama kita kahit napakadali lang nito. Naramdaman ko ang pagmamahal at pag aalaga mo sakin kahit kunting panahon lang ang meron tayo. Hangang ngayon tandang tanda ko pa lahat ng alaala mo na binuo nating tatlo. Ang masasayang araw na tayo ang bumuo. Maraming salamat."

Pagkatapos malibing ng Tita ko. Ang tahimik ulit ng bahay. Ramdam mong may kulang. Ramdam mo na meron kang hinahanap.

Na alam mong kahit anong gawin mo hinding hindi mo na makikita pa ulit.

Ilang buwan nga ba akong nagluksa?

Ilang beses kitang hinapnap ngunit wala?

Ilang beses akong nanalangin na sana magbalik ka pero hindi.

Kasi kahit ilang buwan ka nang wala hindi ko parin matanggap na wala ka na talaga.

Masyado lang akong nasanay na tatlo tayo. Na tayo ang magkasama sa agahan, tanghalian at hapunan.

Na sabay tayong namamasyal at tayong tatlo ang hindi naghihiwalay.

Nakakapanibago kasi wala kana saming tabi. Ilang buwan din ang binilang bago ako naka adjust. Ilang buwan din bago ko natanggap. Ilang paliwanag din ang paulit ulit na sinasabi ni Tita sakin para lang mag sink in sa utak ko na wala kana.

Ilang ulit ba akong umiyak sa Tita ko na sana bumalik ka.

At hangang sa huling natanggap ko nang wala kana at kami nalang dalawa ni Tita ang natira.

*****

ENDS HERE!