Chapter 25 - KABANATA 24

"Perseguirlo !! Ni siquiera la dejes irse. (Habulin siya!! Wag na wag nyo siyang hahayaang makawala.)"

Nanatili akong nakatitig sa lalaking papalapit na sa akin habang ang mga mata nito ay napakaseryoso habang nasa akin parin ang tingin.

"Estupida, ¿quieres morir? (Estupida, Nais mo bang mamatay?)"

Hindi ko agad maintindihan ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko ng mapatitig ako sa likuran ng lalaking bigla bigla na lang nanghihila.

"¿Eres un espía? ¿Quieres ser condenado a muerte como el general thylandier? (Isa ka bang espiya? Nais mo bang hatulan ka ng kamatayan tulad ni heneral thylandier?)"

T-thylandier?? It's sound familiar!!

Maya't maya ay tumingin ito sa akin na ikinagulat ko.

"D-dairus??"

Wala sa sarili kong tanung sa kanya.. Shems!! Bakit ngayon ko lang naalala ang mga karakter na ito?

Sa tuwing nakakalabas ako ng nobela ko hindi ko matandaan ang lahat pero kapag nakakapasok ako dito at naririnig ko ang mga pangalan nila bigla bigla ko na lang sila maaalala.

"Paano mo nalaman ang aking pangalan,binibini?"

Nagtatakang tanung nito sa akin na syang ikinakunot ng noo ko.. HINDI NYA AKO KILALA?

"Ako ito si Isabel.."

Napansin ko ang pagkakakunot ng noo nito sa sinabi ko sa kanya.

"Isabel?? Wala akong kilalang isabel, binibini."

No way!! This is unbelievable.. Napahawak na lang ako sa noo ko ng maalalang inedit ko pala ang ibang kabanata ng nobelang ito..

"Solo ven aquí ... Quiero ir a thylandier en la corte.. (Dumito ka na lang.. Nais kong puntahan si thylandier sa hukuman..)"

Seryoso nitong turan sa akin na hindi ko naman naitintidahan ang sinabi nito kaya napahawak ako sa laylayan ng itim na kamiso nito.

"H-h'wag mo akong iwanan dito.."

Pagmamakaawa ko sa kanya na ikinagulat nito sa akin.. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago ako hilain muli.

Pagkarating na pagkarating namin sa kwartel gulat na gulat akong napatitig sa mga nagbubulungang mga naroon sa tapat ng isang Stage na nasa tapat namin.. Yung iba namang nakakita sa amin ay bubulong bulong na tinignan ako ulo hanggang paa para bang nilalait at pinagkamalan akong bayarang babae dahil sa heels kong suot at sa maroon na dress ko tapos idagdag pang naka make up ako ng kaunti.. IBANG IBA TALAGA SA KANILA KAYA GANUN NA LAMANG ANG TINGIN NILA SA AKIN.

Pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila ang nais kong malaman kung anong pinagkakaguluhan ng lahat..

"Totoo bang ang heneral thylandier ay kaanib ng mga rebellion?"

"Iyon din ang nais kong malaman.. Ngunit ang sabi nila ama si heneral thylandier ay galit sa rebellion."

"Kamatayan ang kapalit ng pag'anib ni heneral thylandier sa mga rebellion.."

"Nais kong makaligtas at makabalik ang heneral sapagkat napakabait nito kaysa sa bagong heneral na si patricio.."

Ibig sabihin si patricio na nga ang may hawak ng lahat!! Ano ng gagawin ko?

Napahawak na lang ako bigla sa dibdib ko ng maalala ko ang nakaraan na narito pa ako.

**__**

Oras ng pag'atake...

"Handa naba ang lahat??"

Nagsitanguan kaming lahat kay felipe... Isa ako sa naghangad na sumama sa kwartel ng 'San Manuel..'

Gusto ko diing makita kung paano nila matatakasan ang mga guardiya civil na nakabantay sa kwartel.

Nanatili akong nakatago sa isang puno habang pinagmamasdan si natong na inayos pa ang isang maliit na paputok na may kalakasan kapag sumabog ito na ang magiging hudyat na aasahan nila felipe at ang ibang samahan ng rebellion samantalang si ernesto at juan ay nakatayo sa isang bubong habang nakadapa may mga hawak na pana at baril ang dalawang binata habang nag aabang sa pag'atake ng iba naming samahan silang dalawa ang mag aabang kung may mga guardiya civil na aatake sa pagtakas nila felipe at ang ibang samahan.

Tuluyan na naming narinig ang pagsabog na ginamit ni natong para sa hudyat nakita ko namang sinalubong ng guardiya civil ang ibang samahan samantalang pumasok sina felipe.. Nanatili naman akong nakatayo kung saan ako nagtatago.

"Isabel kailangan mo ng umalis.."

Halos mapahinto ako ng makitang tumatakbo palapit si dairus sa akin habang nagkakagulo na ang lahat.. Hindi ko namalayan na tumatakbo na ako palapit sa kwartel kung saan nakita kong tinutukan ni patricio sina felipe at ang ibang samahan samantalang binabaril at pinapana naman nila ernesto at juan ang mga guradiya civil mabilis ding tumulong si natong hanggang sa mailayo na ng ibang samahan ang ibang armas ngunit naiwan si felipe at dalawang lalaki na nakaluhod sa harap ni patricio habang nanatiling nakatutok ang baril ng mga guardiya civil.

"K-kuya felipe.."

Mabilis kong nilingon si ernesto at juan na tumatakbo na palapit sa kwartel kung saan nakaluhod sina felipe... IBIG SABIHIN ISA ITONG SET UP SA MGA SAMAHAN.

"J-juan..."

Sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ni dairus at hinihila ako papalayo sa kwartel kung saan kitang kita ng dalawang mata ko kung paano binaril ni patricio si felipe at ng dalawang lalaking nahuli nila.

"Umalis na tayo dito isabel.."

Pilit parin akong inilalayo sa kwartel kung saan nahuli na nila patricio sina ernesto, juan at natong..

"H-hindi ko sila pwedeng iwan dito.."

Pagmamakaawa kong tugon kay dairus at lakas loob kong hinablot ang kamay ko at walang alinlangang tumakbo papunta sa mismong kwartel..

"ISABEL...."

Gulat na gulat akong napatitig kay thylandier ng bigla nya akong yakapin ng sobrang higpit.. Hindi ako makagalaw at hindi ko maikilos ang mga kamay ko ng makita ang dugo sa likuran nito.. SHIT!! NOT NOW

Nanginginig ang mga kamay ko ng makumpirma kong dugo mismo ni thylandier ang nasa kamay ko ng mayakap ko ito dahil sa pagkakabitaw nito sa akin na muntikan nyang ikabagsak sa lupa.

"T-thylandier.."

Pati bibig ko ay nanginginig na sa takot at kaba habang patuloy kong inuuga ang balikat nito upang kumpirmahing buhay pa sya.. Mas lalo akong napaiyak ng umubo ito ng dugo at ngumiti sa akin ng marahan..

"W-wag kang bibitaw... W-wag mo akong iwanan ng ganito, thylandier.."

PLEASE WAG GANITO, THYLANDIER..

"Sa wakas at nakikita kitang nahihirapan thylandier... Kumusta kana kaibigan? Sabi kona nga ba at magkakilala kayong dalawa."

Mabilis akong nagpumiglas ng patayuin ako ng dalawang guardiya civil at inilayo ako kay thylandier na nahihirapan na at panay ang pag ubo nito ng dugo..

"Paalam na sayo kaibigan.. H'wag kang mag alala narito ako para kay isabel hindi ko naman sya pababayaan.."

Nakangisi nitong turan sabay tingin sa akin at marahan nitong ikinasa ang baril na hawak nito..

"H-h'wag mong hahawakan si isabel, patricio.."

Ramdam na ramdam ko ang galit..

"Hindi bat sinabi ko sayong  pag-isipan mong mabuti baka pagsisihan mo kapag tumanggi ka sa aking kagustuhan.."

Nakatitig nitong turan sa akin kasabay nun ay pumutok na ang baril na hawak nito kay thylandier..

HINDI!!! THYLANDIER...

Napaluhod na lang ako habang panay ang pag agos ng luha sa aking mga mata habang nakatitig sa nakahandusay na katawan ni thylandier hanggang sa bigla akong nakaramdam ng kakaiba at patuloy na umiikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa narinig kopa ang mga sigawan ng mga naroon..

**__**

Bumagsak na lang ang mga luha ko ng makita ko ang mga batang umiiyak sa mismong harap ng Stage kung saan nakaluhod si thylandier habang nakatali ang mga kamay at paa nito at nakalaylay ang ulo habang nakayuko.

Habang ang iba gustong kuhestiyunin ang lahat ng paratang kay thylandier..

PAANO KO SYA ILILIGTAS? Maari ko bang baguhin muli ang pagdaloy ng kwento sa nobelang ito kahit na nandito ako..

Wala sa sariling naglalakad ako papunta sa harap pinigilan pa ako ni dairus ngunit hindi ako nagpapigil sa kanya.

Thylandier!! Bakit sa tuwing nakakapasok ako dito lagi ka na lang nasa panganib?

Nakatayo na ako ngayon sa gitna ng mga paslit na nagiiyakan dahil sa nakita nila sa kanilang kuya thylandier.

"I-iligtas mo si kuya thylandier !!"

Halos mapayuko akong napatitig sa batang babae na humila sa laylayan ng maroon kong dress.

"N-nagmamakaawa po ako!! Iligtas nyo po si kuya thylandier.."

Muli akong napalingon sa kabilang side ko ng may humila na naman sa aking laylayang dress.

Napapikit ako at naikuyom kona lamang ang aking mga palad.

'Kung ililigtas mo ang binatang iyan tanggapin mo na lamang ang katotohanan na muling masisira ang totoong takbo ng iyong nobela..'

Naimulat ko ang mga mata ko at napatitig sa mga mata ng matandang babae na nasa harapan ko ngayon.. ANG MATANDANG BABAE NA NASA HARAP KO AT ANG MATANDANG BABAE NA LAGING SUMUSULPOT SA TABI KO AY IISA..

'Ngunit hindi titigil ang ikot ng mundo ng mga karakter kahit na maagang mawala ang antagonist nito. Maari din silang makalalabas sa nobela mo,iha. Kung kaya't hanggang maaga pa iligtas mo ang lalaking nasa puso mo at layuan mo ang lalaking magbibigay sayo ng kapahamakan.'

Tumingin sya kay thylandier at patricio bago kay dairus na nasa malayo at muli akong tinapunan ng tingin.

ANONG IBIG NYANG SABIHIN??

"Pinaparusahan ka ng hukuman na ito sa pagkakasalang ikaw ay isa ng kasapi ng rebellion.."

Natauhan ako ng magsalita si patricio sa harap ng maraming tao.

"Hinahatulan ka ng kamatayan.."

Nakangising nagtapat ang paningin namin ni patricio sabay sinenyasan ang dalawang guwardiya civil na hilain ako paharap at pinaluhod sa harap mismo ni thylandier.. Nagtataka naman ang lahat ng naroon pati na din si thylandier na nagangat pa ng tingin bago ako tinapunan ng tingin nito.. HINDI NA DIN NYA AKO KILALA!

Nanatili akong nakaluhod dahil sa dalawang guwardiya civil samantalang sinenyasan naman agad ni patricio ang dalawa pang guwardiya civil na patayuin na si thylandier at itinapat sa isang lubid. (Garrote)

"Ang pagsapi sa rebellion ang iyong kamatayan, thylandier."

Mabilis akong tumayo ng mailagay na nila ang ulo ni thylandier sa lubid.. Nakapagdesisyon na ako!! Kailangan kong iligtas ang lalaking itinitibok ng puso ko kahit anong mangyari handa na akong harapin iyon.. Handa kong baguhin ang itinadhana ko kay thylandier.. Hindi kona hahayaan pang mamatay ito sa loob ng nobela.

"HINDI ANG LALAKING IYAN ANG KASAPI NG REBELLION.." malakas kong sigaw sa madla habang itinuturo si thylandier..  "IKAW.. IKAW ANG TUNAY NA KASAPI NG REBELLION..."

Halos magbulungan ang mga taong naroon at muling kinukuwestiyon si thylandier at patricio.

"IKAW ANG TUNAY NA KASAPI HINDI ANG LALAKING IYAN.. MAPAPATUNAYAN KO IYON SA HUKUMAN.."

Humarap ako sa maraming tao at lakas loob na itinuro si patricio na tunay ngang kasapi sa samahan.. PLINANO NYA ANG LAHAT!! PINATAY NYA SI FELIPE AT ALAM KONG ITINAGO NYA SI JUAN AT NATONG.

"Pagbigyan nyo ang nais ko hukom sibestero.. Nais kong linisin ang pangalan ng dating heneral na pinaratangang kasapi ng rebellion.."

Seryoso kong turan at nagbabakasakaling payagan ako nito.

"Ano ang iyong ngalan kung ganun binibini?"

Nagtatakang tanung nito habang tinitignan ang kasuotan ko na kakaiba sa mga dalagang naroon.

"Ako ho si Isabel..." magalang kong sagot.. " Ako ang magpapatunay na ang dating heneral ay hindi kasapi ng rebellion.."