Chapter 26 - KABANATA 25

"Ako ho si Isabel..." magalang kong sagot.. " Ako ang magpapatunay na ang dating heneral ay hindi kasapi ng rebellion.."

Nakatungo lamang ako sa kanya at napalingon sa gawi ni thylandier na nahihirapan na dahil sa pagkakaluhod muli nito ng hindi sya tuluyang binigti dahil sa pagsenyas ni hukom sibestero.. Isang Hukom na patas sa lahat mahirap man o mayaman ibang lahi man o pilipino ay hinahatulan nya ng may opinion ang buong madla na nasa harapan nya hindi nya hinahatulan ang mga taong hindi binibigyan ng pangalawang pagkakataon na linisin ang pangalan.. Ako mismo ang gumawa sa hukom na ito kaya alam kong mahihirapan syang magdesisyon ngayon.

"Gusto kong malaman kung may pruweba kayo na kasama sa rebellion ang dating heneral.."

Nakita ko naman ang pagtango ng mga madlang nanunuod sa amin lalo na sa akin.

"Nais kong alamin kong may maibibigay kayong pruweba na isang rebellion ang dating heneral.. Ang pagkakaalam ko ay nais sugpuin ng heneral na ito ang lahat ng samahan sa rebellion kung kaya't ako'y nagugulumihan dahil sa inyong walang katapusang paratang sa kanya."

PARA NA TULOY AKONG ABOGADO SA GINAGAWA KO!!

Muli akong tumingin sa kay hukom sibestero na nakatitig sa akin tila inaalam nya ang pagkatao ko sa pamamaraan ng pagtitig nito sa akin.

"Isa ka bang ———"

Hindi na natapos ni hukom sibestero ang sasabihin ng hilain ako ng dalawang guwardiya civil at muling pinaluhod sa harap ni Patricio.

"Wag na wag kayong maniniwala sa aking asawa.. May kulang sa pagiisip ang aking asawa kung kaya't kung ano ano na lamang ang kanyang nababanggit.."

Hutek!! Ako? Asawa nya.. K-kailan pa? Ako may topak?

"Nais nyo pa ba ng pruweba??"

Lumuhod si patricio para pantayan ako.. Muli akong nagpumiglas dahil sa higpit ng pagkakahawak ng dalawang guwardiya civil sa dalawa kong braso kaya naman panay ang iwas ko at ang pagiling..

"Isabel... Nais ko lamang patunayan sa madla na ang babaeng kasing ganda mo ay may asawa na na'kasing kisig ko.."

Nakangising turan naman nito habang nakatitig sa mismong labi ko.. KINGINA!! ANO BANG NAKAPASOK SA UTAK NG HINAYUPAK NA LALAKING ITO?

Hahalikan na sana nya ako ng makarinig kami ng malalakas na pagsabog sa likuran ng kwartel..

Binitawan ako ng dalawang guwardiya civil at napatayo na din si patricio sa pagkakaluhod dahil sa lakas ng pagsabog.

"Idala ang dalawang yan sa loob.."

Turo ni patricio sa akin at kay thylandier..

"T-thylandier nakikilala mopa ba ako?"

Tumingin lang ito sa akin habang hila hila kami ng apat na gwardiya civil papasok sa mismong kwartel.

Hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko ng tumingin lang ng walang emosyon si thylandier.. HINDI NGA SIGURO NYA AKO NAKILALA!!

Magkatapat ang aming kulungan kaya naman humarap akong muli sa kanya.

"T-thy— este, heneral thylandier!! Magpakatatag ka.. Tutulungan ka ng iyong ama at ng ama ng iyong mapapangasawang si nathalia."

Unti unting umangat ang ulo nya at tumingin sa akin.. NAPAKASERYO NG MUKHA NITO!!

"Matapos ito ay tutulungan ka ng iyong ama at ng ama ni seniora nathalia kung kaya't magpakatatag ka lamang at wag mag isip ng kung ano-ano na makakasira sa iyong imahe."

ALAM KONG NARIRINIG NYA AKO..

Nanatili lang itong nakatingin sa akin at parang inaalam din nya kung magkakilala kaming dalawa.. MAARI KAYANG MAALALA NILA AKO?

"Maniwala ka sa akin... Makakalabas ka din dito.." Hayaan mong mabulok ako sa kwartel na ito!! Gusto kong makaligtas at makabalik ka sa dati mong pwesto,thylandier.

"Manahimik ka na lamang... Hindi ako makatulog sa iyo,binibini."

May galit sa tono nito kaya naman natutop ko ang bibig ko dahil sa sinabi nito.. NAPAKA SUNGIT TALAGA!!

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagsalita pa nanatili akong nakatitig sa kanya habang sya ay nakapikit ang kanyang mga mata..

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako kaya mabilis kong pinunasan ito gamit ang aking palad.

*Nais kong malaman mo na ako'y naririto lamang..*

*Hindi mo man maalala ang lahat nais kong manatili sa iyong tabi..*

*Sinta, aking irog.. Mahal ko wag kang magalala hindi ako magtatanung.*

*Mahal parin kita kahit ako'y kinalimutan mo.. Mahal parin kita kahit ako'y wala na sa iyo..*

*La la la la la*

Hindi kona alam kung bakit bigla ko na lang nakanta ang liriko na gawa kong iyon para kay thylandier nung unang pagkikita namin hanggang sa ngayon na hindi na nya ako matandaan.

Napamulat ang aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko ng magkatitigan kaming dalawa ni thylandier.. KITANG KITA KO SA MGA MATA NITO ANG PANGUNGULILA AT PAGSUSUMAMO.

"A-ang awiting iyan ay akin ng narinig.."

TAMA KA THYLANDIER NARINIG MO NA NGA ANG AWITING ITO.. GAWA KO ITO PARA SAYO!!

"A-ang iyong tinig ay napakapamilyar din.."

Kitang kita ko na naman ang kaguluhan sa kanyang mga mata.

"ISA KA BANG ESPIYA ISABEL.."

*** ***

Halos paulit ulit akong napalunok ng malingunan ko si hukom sibestero..

"Isa ka bang espiya,isabel?"

Kapag sinabi kong espiya ako siguradong mahahatulan ako at kung magsisinungaling ako na espiya ni thylandier noon baka mapagbigyan ang hiling ko.

Unti unti akong napalingon kay thylandier bago ibinalik ang tingin kay hukom sibestero.

Sinenyasan ni hukom sibestero ang isang guwardiya civil na buksan ang pinto ng kulungan at pumasok si hukom si sibestero sa akin habang nakaharap ito at seryoso ang mukha.

"Nais kong malaman na ikaw ay isang espiya ni thylandier o ikaw ay espiya ni patricio?"

Halos walang kurap akong mas napatitig sa seryosong mukha nito.

"Nahihiwagaan ako sayo binibini... Ngunit, pagkatiwalaan mo ako."

Napalunok pa ako bago ako tumango kay hukom sibestero.

"I-isa po akong espiya,hukom sibestero.."

"Kanino?? Kay heneral thylandier o kay heneral patricio?"

Napabuntong hininga ako bago ko uli lingunin si thylandier na ngayon ay nakayuko na at nakapikit ang mga mata.

"Kay heneral thylandier... Hindi po sya kapanalig ng mga rebellion."

Seryoso kong sagot at liningun ito.

"Pinadakip ni heneral patricio si heneral thylandier.. Ngunit tinulungan namin syang makatakas.. S-subalit, hindi ko inaasahan na magkakaganito pala ang lahat."

Napayuko na lang ako sa isinagot ko kay hukom sibestero.

"P-plinano ni heneral patricio ang lahat para makuha nito ang katungkulan na para kay heneral thylandier.. Nais din nyang ankinin ang mapapangasawa ni thylandier na si nathalia."

Nanatili parin akong nakayuko ayaw kong makita nya ang emosyonal.. Ayaw kong makita nya akong nasasaktan.

"Nagkakamali ka sa pangalawa iha!! Hindi si nathalia ang nais makuha ni heneral patricio.."

Hindi ko alam pero wala sa oras akong napalingon kay hukom sibestero sa sinabi nito. ANONG IBIG SABIHIN NI HUKOM SIBESTERO?

"H'wag kang mag-alala.. Naniniwala ako sayo!! Nais kong sabihin mo sa harap ng hukuman ang nais mong sabihin at ako ng bahalang mag desisyon kung hahatulan ko ng kamatayan ang dating heneral at kung bibigyan ko din ng hatol ang bagong heneral."

Unti unti itong ngumiti sa akin na mas lalong ikinabahala ko para sa amin ni thylandier.

Lumabas ito ng aking kulungan at muli akong hinarap nito.

"Kung gusto mong baguhin ang nakatadhana kay thylandier nais kong malaman mo na naniniwala ako sa iyo.."

Nakangiti na namang turan nito.. Tinalikuran nya ako ngunit muli itong humarap sa akin..

"Nais mo bang malaman kung sino ang binibining gustong maangkin ni Patricio na na'kay thylandier?"

Natitigilan akong napalingon kay thylandier at kay hukom sibestero na hindi parin nagbabago ang ngiti sa labi nito.

"Ikaw..."

Mas lalong kumabog ng sobrang bilis ang puso ko at halos maikuyom ko ang mga palad ko.. Hindi makapaniwalang napalingon kay thylandier na hindi parin dumidilat sa pagkakapikit.

Makahulugan ang mga ngiti at titig ni hukom sibestero sa akin. PAANO KUNG MAY MALAMAN ITO?

"Ikaw ang ninanais na maangkin ni Patricio.. Ikaw ang babaeng pinapangarap nilang pareho.. Magingat ka sa pagpili dahil isa sa kanila ang magiging kahinaan mo at isa din sa kanila ang ikakapahamak mo.."

Muli akong napalingon ng biglang bumukas ang pinto ng kwartel at nagmamadali silang pumunta sa tapat ng pinto ni thylandier. Teka!! Anong gagawin nila kay thylandier?

"Nakapagdesisyon na ang hukom.. Nais ka nilang makausap heneral thylandier."

Rinig kong turan ng isang guwardiya kaya gumaan ng kaunti ang paninikip ng dibdib ko dahil sa malamig na tingin nito ng lingunin ako nito.

Magsasalita sana ako ng biglang dumating si patricio at hinarangan nito ang pinto ng kulungan ko.. ANO NA NAMAN ANG KAILANGAN NITO?

'Ikaw ang ninanais na maangkin ni Patricio.. Ikaw ang babaeng pinapangarap nilang pareho.. Magingat ka sa pagpili dahil isa sa kanila ang magiging kahinaan mo at isa din sa kanila ang ikakapahamak mo..'

Muli kong naalala ang mga huling sinabi ni hukom sibestero sa akin.. BAKIT AKO? HINDI NAMAN AKO KARAKTER SA NOBELANG ITO.

"A-anong kailangan mo?"

Inis ngunit nanginginig na ang boses ko dahil seryoso ito ngunit naroon ang pag kakangisi nito sa akin. Sinenyasan nya ang isang guwardiya civil na buksan ang pinto kaya napaatras na ako ng makapasok na si patricio sa kulungan.

"Nais kong pakasalan mo ako.."

Seryoso na nga nitong turan sa akin na syang ikinagulat ko.. ANAK NG!! ANO NA NAMAN BA ANG NAIISIP NG KARAKTER NA ITO?

Ano ako hibang para magpakasal sa isang karakter ng libro? At kung sakali man na maging karakter ako sa nobela na ito hindi parin ako papayag na maikasal sa lalaking ito. NO WAY!!

Lakas loob ko syang tinaasan ng kilay at hindi ako nagpatinag sa seryoso nitong tingin sa akin na syang nagpapakaba din sa dibdib ko.. AS IN KABA!! Hindi gaya kay thylandier na bumibilis ito dahil may nararamdaman ako. Pero sa lalaking ito wala dahil takot at kaba ang nararamdaman ko sa kanya.

"Hindi mo ako mapapapayag sa gusto mo.."

Halos maibangga ko ang likuran ko sa semento ng bigla syang humakbang na naman palapit sa akin.

"Kung ganun ay hindi kana makakawala sa hawlang ito."

Nakangising turan nito habang ang magkabilaang kamay nito ay nakaharang sa akin dahil nakalagay iyon sa semento sa pagitan ko.. As in nakorner nya ako!!

"Nais mo naman sigurong makaalis sa hawlang ito, Isabel?"

Oo gustong gusto ko talaga!! Mabilis kong hinawakan sa balikat si patricio at walang humpay kong tinuhod ang kaligayahan ng mga lalaking siraulo na gaya nya..

"FUCK YOU, BOY!"

Mabilis akong nakalabas ng kulungan ng makitang mapahiga ito dahil sa ginawa ko sa kanya.. DUMBASS... ASSHOLE!

"DEJE A LAS ESTUPIDAS MUJERES.. (HABULIN ANG BABAENG ESTUPIDANG IYON..)"

Mabilis kong natakasan ang mga guwardiya civil na pinuntahan pa ang boss nila.. DUHH ME STUPIDA? ANAK NG!! Pareho sila ni DAIRUS..

'Estupida, ¿quieres morir? (Estupida, Nais mo bang mamatay?)'

Ganun ba talaga ako?? Hayss!!

Panay lang ang pagtakbo ko sa gubat hanggang sa nakita kong nakasunod si patricio sakay ang isang itim na kabayo nasa likod nito ang apat na guwardiya civil.

Hindi ko alam kung paano ako magtatago dahil sa mga maninipis lang ang kahoy sa gubat..

Huli na ang lahat ng may nanghila sa akin.

"Binibini..."