Maaga pa lang ay nagluto na kami ni amanda ng umagahan para sa amin dahil nagpapasama ito sa akin na magtungo kina manang ising.. Matagal tagal kona ding hindi nakita sina manang ising.. Kahit hindi na ako kilala nito ay ayos lang sa akin basta malaman ko lang na maayos sila.
"Tara na ate isabel..."
Hindi na namin hinintay na magising si dairus dahil sa pamamadali ni amanda na marating ang 'San Manuel, Maynila'..
"Hindi na kami maaring tumapak sa lugar na ito pero si kuya thylandier ang gumawa ng paraan para makaapak uli kami sa bayan na ito.."
Napangiti naman ako sa sinabi ni amanda sa akin.
"Alam moba ate isabel nais ko ding masaksihan na ibalik kay kuya thylandier ang kanyang katungkulan.. Nabalitaan ko na ngayon daw ibabalik ang katungkulan kay kuya thylandier maari ba tayong pumunta mamaya sa kwartel bago tayo umuwi?"
Nagpapa cute na tanung ni amanda sa akin kaya naman panay lang ang pagtango ko sa kanya.. Nais ko ding masaksian ang lahat lalo na at gusto ko ding makita si thylandier.
"Ija.. Buti at dumalaw ka!! Hindi ka parin nagbabago.."
Bungad agad ni manang ising sa amin ni amanda.. Mabilis ko syang niyakap na ikinahinto nilang dalawa ni amanda.
"Manang... Si ate isabel po!! Kaibigan ni kuya dairus."
Nakangiting panimula ni amanda sabay itinuro ako.. Ngumiti ako at napayuko na lang dahil tumingin ito sa akin na may pagtataka pero ngumiti din ito sa akin.. I MISS YOU INAY ISING!!
"M-magandang umaga po m-manang ising.." Miss kona syang tawaging inay ising.
"Magandang umaga din sa iyo ija.. Kay gandang dalaga naman nito."
Nakangiti itong tumango sa akin bago nya sulyapan si amanda.
"Bagay po sila ni kuya dairus,di poba manang ising?"
Napapalunok naman akong lumingon kay amanda dahil yun agad ang bungad nya kay manang ising.
"Oo naman!! Tara na sa loob.. Pumasok na kayo, ija."
Nagkatinginan at nagtanguan naman kami ni amanda at sabay na sumunod papasok sa bahay panuluyan kung saan ako nakikitira noon. Noong kilala pa nila ako!!
"Madam ising!! A-amada.."
Nagyakap sina amanda at esperanza ng magkita silang dalawa kaya palihim akong napangiti dahil sa magandang pagsasama nila noon na nahantong sa pagkakaibigan..
"Esperanza ito pala si ate isabel... Ang mapapangasawa ni kuya dairus."
Nanlaki ang mata kong napatitig kay amanda dahil sa sinabi nito kay esperanza.
M-mapapangasawa?? Nahihibang na ba ako kung ano ano na ata ang naririnig ko kay amanda!!
"Hehe.. Ako'y nagbibiro lamang esperanza.. Ate isabel heto nga pala si esperanza ang aking kaibigan.. Esperanza heto naman si ate isabel kaibigan ni kuya dairus."
Nakangiting tumingin si amanda sa akin at ganun din kay esperanza.
"Magandang umaga sa iyo binibining isabel.."
"Magandang umaga din sa iyo binibining esperanza."
Nakangiting inalalayan kami ni esperanza papunta sa kusina.. NAMISS KO DIN ANG KUSINA NI INAY ISING PATI YUNG PAGTUTURO NITO SA AMIN NI ESPERANZA KUNG PAANO MAGLUTO.
Gusto ko mang yakapin si esperanza ngunit pinipigilan ko ito upang hindi na naman sila magtaka sa'kin.
Napahinto ako ng makita ang isang pamilyar na likuran ng isang babae habang nakaupo ito.
"Ate nathalia..."
N-nathalia?? Na naman... Napabuntong hininga na lamang ako ng lingunin kami ni nathalia.. Pansin ko ang pagkabigla nito at ang pagkawala ng ngiti ng labi nya ng makita ako..
Parang may nagbago sa kanya!! Parang hindi sya yung nathalia na sobrang friendly.
"Ako'y nagagalak na makita kang muli binibining isabel.."
Kitang kita ko ang pagpipilit nitong ngumiti sa akin kaya naman napipilitan din akong ngumiti sa kanya.
"Nagagalak din akong makita ka seniorita nathalia."
Pinaupo kami ni manang ising kaya sumunod kami sa kanya.
"Kaya kita inimbitahan dito nathalia upang ituro sayo ang paboritong putahe ni Senior thylandier .. Nais ko ding matutunan ni binibining amanda ang putaheng ito dahil paborito din iyon ng kanyang kuya dairus."
Nakangiting pahayag ni manang ising sa dalawa habang ako nanatiling nakikinig sa mga usapin nila kahit na pana'y ang paghawak ko sa aking dibdib dahil sa kakaibang kirot na nararamdaman ko sa tuwing nababanggit ang pangalan ni thylandier.. Halos nakaubos na ako ng tatlong basong tubig dahil sa mga pangaasar nila amanda at manang ising kay nathalia na hindi na makaimik..
"Amanda, Esperanza nais kong magpasama sa inyo.. Dumito muna kayo nathalia, isabel."
Tanging tango na lamang ang naging sagot ko kay manang ising.
"S-sige po!!"
Nakangiti namang sagot ni nathalia kay manang ising.. Nginitian lang ako nila amanda at esperanza bago sumunod kay manang ising na lumabas ng panuluyan.
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni nathalia ng ako na ang bumasag nun sa'min.
"K-kumusta kayo ni Senior Thylandier?"
Nakakunot ang noo nito ng lingunin nya ako.
"Ayos lamang kami ni thylandier walang nagbago sa pakikitungo nito sa akin.."
Muli kaming natahimik na dalawa.. Hindi ko tuloy alam kung paano uli ako magsasalita.
"Nabalitaan kong nagiging malapit na kayo ni dairus.."
Halos mabitawan ko ang basong hawak ko ng marinig ang seryoso nitong boses kaya nilingon ko ito.
"Nais kong malaman kung may pagtingin ka sa aking kababata?"
Napaiwas ako ng tingin kay nathalia ng mas lalong naging madiin at mas lalong naging seryoso ito.
"W-walang katotohanan ang iyong nabalitaan, seniorita nathalia."
"Walang katotohanan?? Akala mo ba ay magkakagusto sa iyo si dairus.?"
Huh!! Bakit ba nagkakaganito ang isang nathalia?
"Teka nga!! Tila napupuot ka seniorita nathalia?"
Napaiwas sya ng tingin sa'kin dahil sa sinabi ko.. NAGSESELOS!!
"Ika'y ikakasal na ngunit nagagalit ka dahil nagiging malapit na kami ni dairus?"
Kitang kita ko ang pag awang ng bibig nito at muli akong nilingon..
"N-naguguluhan ako sa aking damdamin, Isabel."
Napahinto ako ng marinig na ang mahinahon at mahinhin nitong boses..
"Nangangamba ako sa aking damdamin.. Hindi ko alam kung sino nga ba talaga ang mahal ko."
Nakayukong turan ni nathalia kaya palihim akong tumayo at tumabi sa kanya habang bitbit ang isang basong tubig.
"Huminahon ka muna... Nais mo bang malaman kung sino sa dalawang Ginoo ang iyong minamahal?"
Napahinga lamang ako habang hinahaplos ang likuran nito.
"Hindi pa ako handa!!"
*** ***
"K-kumusta kayo ni Senior Thylandier?"
Nakakunot ang noo nito ng lingunin nya ako.
"Ayos lamang kami ni thylandier walang nagbago sa pakikitungo nito sa akin.."
Muli kaming natahimik na dalawa.. Hindi ko tuloy alam kung paano uli ako magsasalita.
"Nabalitaan kong nagiging malapit na kayo ni dairus.."
Halos mabitawan ko ang basong hawak ko ng marinig ang seryoso nitong boses kaya nilingon ko ito.
"Nais kong malaman kung may pagtingin ka sa aking kababata?"
Napaiwas ako ng tingin kay nathalia ng mas lalong naging madiin at mas lalong naging seryoso ito.
"W-walang katotohanan ang iyong nabalitaan, seniorita nathalia."
"Walang katotohanan?? Akala mo ba ay magkakagusto sa iyo si dairus.?"
Huh!! Bakit ba nagkakaganito ang isang nathalia?
"Teka nga!! Tila napupuot ka seniorita nathalia?"
Napaiwas sya ng tingin sa'kin dahil sa sinabi ko.. NAGSESELOS!!
"Ika'y ikakasal na ngunit nagagalit ka dahil nagiging malapit na kami ni dairus?"
Kitang kita ko ang pag awang ng bibig nito at muli akong nilingon..
"N-naguguluhan ako sa aking damdamin, Isabel."
Napahinto ako ng marinig na ang mahinahon at mahinhin nitong boses..
"Nangangamba ako sa aking damdamin.. Hindi ko alam kung sino nga ba talaga ang mahal ko."
Nakayukong turan ni nathalia kaya palihim akong tumayo at tumabi sa kanya habang bitbit ang isang basong tubig.
"Huminahon ka muna... Nais mo bang malaman kung sino sa dalawang Ginoo ang iyong minamahal?"
Napahinga lamang ako habang hinahaplos ang likuran nito.
"Hindi pa ako handa!!"
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa isinagot nito.
"Bakit naman hindi kapa handa?? Ikakasal kana ngunit hindi mo pa kayang paghandaan ang tunay mong nararamdaman ??"
Dahan dahan akong nilingon ni nathalia hanggang sa magtama ang aming paningin.
"Ipangako mo sa akin na hindi ka magkakagusto kay dairus.. Ipangako mo sa akin na hindi mo mamahalin si dairus."
Napamaang na akong napatitig kay nathalia habang naramdaman kona ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa naririnig ko mula sa kanya.
"Isabel!! Nais kong malaman mo na handa akong bitawan ang lahat para kay dairus.. Ang kailangan ko lang ay alamin muna ang tunay kong nararamdaman sa kanya."
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ni nathalia na nakapatong na sa aking kamay.
"Tulungan mo akong alamin ang tunay kong nararamdaman kina Dairus at Thylandier, Isabel."
**__**
"Ate isabel ayos ka lang ba?"
Napalingon naman agad ako kay amanda ng kalabitin ako nito.
"Maguumpisa na ang pagbalik katungkulan kay kuya thylandier.."
Hinila na ako ni amanda papunta sa kwartel kung saan nagsisimula na ngang mag announce ang kanang kamay ng gobernador na nanggaling pa sa spain.
"Muling ibinabalik kay Thylandier Third Valdez ang kanyang katungkulan.. Manumpa ka sa maraming tao na narito na gagawin mo ang lahat mapuksa lang ang mga rebellion na nais lupigin ang pamahalaan."
Itinaas ni thylandier ang kanang kamay nito na nangangahulugang nangangako sya sa maraming tao na nanunuod sa kanya.. Halos hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang seryosong mukha nito habang nakatayo sa gitna ng kwartel.
"Masaya akong naibalik na sa iyo ang katungkulang pinaghirapan mo thylandier.."
Napansin ko ang tingin ni amanda sa akin sabay lingon kay thylandier na nanatiling nakatayo sa harap ng maraming tao na napapanuod syang manumpa.
"Ate isabel nais ko lang ipaalala sa iyo na ikakasal na si ate nathalia at kuya thylandier.."
Napapailing akong napalingon at napatitig kay amanda na seryosong nakatingin sa akin ngayon..
"Nais ko ding sabihin sa iyo na si kuya dairus na ang kailangan mong bigyan pansin... Sapagkat, bagay kayo at may pag tingin sa iyo ang aking kuya."
Halos hindi ko nabalanse ang pagkakatayo ko dahil sa mga sinasabi ni amanda sa akin.
Si dairus?? Si dairus may gusto sa akin? Kailan pa!!
Hinawakan ni amanda ang balikat ko at ngumiti ito sa akin habang ang mga mata ay nanunukso..
"Sana ay mabigyan mo ng pagkakataon ang kuya dairus ko.."
Maglalakad na sana kami paalis ng harangan kami ng tatlong kalalakihan na nakamaskara ng itim.
"Sumama ka sa amin.."
Hihilain sana ako ng lalaki ngunit naunahan na sya ni amanda.
Tumatakbo kami ngayon ni amanda pabalik sa panuluyan ni manang ising ngunit singbilis ng kabayo ang pagharang ng dalawang lalaki sa amin sabay hablot sa braso ni amanda.
"H'wag ninyong sasaktan si amanda.."
Pagmamakaawa ko sa lalaking nakamaskara ng itim at nakasuot ng damit pangmagsasaka.
"Bitawan nyo si amanda.. N-nagmamakaawa ako h'wag nyo syang sasaktan."
"Ikaw nga yun!! Ikaw ang asawa ni Senior patricio.."
Anak ng!! May kinalaman ba si patricio ngayon?
"Kunin sya!!"
Hindi na ako nagpumiglas pa dahil baka saktan nila si amanda na nakatitig lang sa akin at hindi makapaniwala sa narinig.
"H-h'wag nyo ng idamay pa si amanda.."
Itinulak ng lalaki si amanda habang tulalang nakatanaw sa akin.
"Ate Isabel.."
Sigaw nya dahilan para maagaw nya ang atensyon ng lahat na nasa kwartel na hindi pa naman malayo sa amin.
"Ate Isabel..."
Napahinto kami ng makarinig kami ng tunog ng baril hanggang sa mapagtanto ko kung sino ang lalaking nakatayo sa harap namin.
Thylandier!!
"Anong kailangan nyo sa mga binibini??"
Nanatiling nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa akin.
"May kasalanan ang asawa nito sa amin.."
Tinutukoy nya ay si patricio na wala sa kwartel kanina..
"Bitiwan mo ako.. Hindi ko asawa yung tinutukoy mo."
Inis kong sigaw ngunit hindi nila ako pinansin nanatili lang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilaang braso ko habang nakikipagmatigasan sa masamang tingin ni thylandier.
"H'wag nyong sasaktan ang mga binibining iyan mga ginoo.."
Seryoso ngunit may pagbabantang turan ni thylandier ng hilain ng isa pang lalaki si amanda. Kitang kita ko ang kakaibang hirap sa mga mata ni thylandier dahil hindi nya kayang saktan at hindi nya kayang masaktan si amanda na itinuring din niyang tunay na kapatid.
Nagulat na lang ako ng kagatin ni amanda ang kamay ng lalaking nakahawak sa braso nya sabay hawak sa kamay ko para hilain ako sa dalawang lalaki na nakamaskara.
Nang makalayo kami ay nabitawan ko naman si amanda dahil sa isa pang lalaki na humablot sa kanya habang nakatutok ang maliit na itak sa leeg ni amanda.
AMANDA!! Hindi ka dapat mamatay sa ganitong sitwasyon.
"Bitawan mo ang iyong baril kung ayaw mong mamatay ito."
Nagbabantang turan ng lalaki habang idinidiin ang tusok ng itak sa leeg ni amanda.
"H-h'wag mong sasaktan si amanda.."
Pagmamakaawa ko sabay lalapitan sila ngunit umatras ang lalaki habang hawak hawak parin si amanda na napatitig sa talim nito.
"Bitawan mona si amanda, Ginoo. P-pagusapan natin ito.."
Pakiusap ni thylandier sabay yumuyuko ito upang ilagay sa lupa ang hawak nyang baril.
"B-bitawan mo na si amanda.."
Mabilis kong niyakap si amanda ng itulak sya ng lalaki ngunit laking gulat ko ng hawakan ni thylandier ang baril nya kasabay nun ang pagyakap nya kay thylandier..
Hindi ko alam kung bakit nanghina ako ng makitang nakabulagta na si amanda. Hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat ng iyon.. PARANG NAPAKABILIS NG PANGYAYARI!!
Nagkatinginan kami ni thylandier hanggang sa mabitawan na lamang nya ang hawak nyang baril sabay nilingon ang katawan ni amanda na nakahiga na sa damuhan.
"A-amanda!! Amanda gumising ka.."
Nangingilid at nanginginig na ang buong katawan ko ng makitang malubha na ito.
"M-muli tayong nagkita sa ganitong l-lagay ate lenzy.. B-binuhay mo uli ako pero ganito parin ang kinahinatnan ko.. Kung sakaling makalabas ka sa lugar na ito hinihiling ko na w-wag mo na akong iligtas muli sa kamatayang itinakda mo s-sa akin.."
Napayakap na lamang ako kay amanda ng magmulat ito at umubo ng dugo.. SA PANGALAWANG PAGKAKATAON MAWAWALAN PARIN NG KAPATID SI DAIRUS.
"N-nais ko paring hilingin sa iyo ang buhay ni kuya dairus at kuya thylandier.."
Bulong nito sa akin habang nakayakap parin ako sa kanya.
"A-amanda h'wag kang pipikit!! Dadalhin ka namin sa pagamutan."
Hinawakan ni amanda ang kamay ko at ngumiti ito sa akin.. Ngiting magpapagaan sa kalooban ng isang tao kapag nakita iyon.
"H-h'wag mo na akong iligtas muli sa kamatayan.. A-ang isipin mo kung paano mo babaguhin ang tadhana ni kuya thylandier at kung paano mo I-ililigtas ito sa kamatayan at n-nalalapit na din ang pagwawakas ng nobelang ito.. M-mas marami kang trahedyang kailangang harapin.. Kailangan ka ng lahat ate lenzy."
Binuhat ni thylandier si amanda pasakay ng kalesa at idinala sa pagamutan.
Nakahiga sa hita ko si amanda habang pinapatakbo ang kalesa patungo sa pagamutan na malapit lamang sa panuluyan ni manang ising.
"Ate lenzy!!!"
Napayuko ako ng marinig ko ang nanghihinang boses ni amanda.
"H-h'wag kang bibitaw, amanda."
Nanginginig ang boses ko habang panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"N-nais kong sabihin sa iyo na salamat dahil nakilala kita kahit sa pansamantala lamang iyon.. S-salamat dahil n-nagkaroon ako ng ate kahit pansamantala lang ang lahat."
Dahan-dahan nyang itinaas ang kamay at naramdaman ko na pinahid nya ang luha ko.
"M-mahal kita ate isabel, ate lenzy."
Unti unting ngumiti sa akin habang pinupunasan ang luha ko..
"Muli ka na nilang maaalala.."