Ilang araw na akong namamalagi sa hacienda nila patricio hindi parin ako pinapayagang lumabas ng silid ang laging routine ay pupunta ang isang kasambay nila para bigyan ako ng pagkain.
Minsan nama'y pupuntahan ako ng ina ni patricio para kumustahin.. Para akong nakakulong sa malaking hawla at tanging liwanag lang sa labas ang makikita ko hindi din ako makatulog sa kakaisip kung paano ko ililigtas sa kamatayan si thylandier.
Tanging pangamba ang kasama ko sa silid na ito.. Pangamba na ngayon ko na lang uli naramdaman.
"Totoo bang narito na sa hacienda ang pakakasalan ni senior patricio?"
"Oo.. Narito na daw sa hacienda. Isa pa, matutuloy na ang kasal ni Binibining Isabel at Senior Patricio."
Halos rinig ko sa aking silid ang usapan ng dalawang tao na nasa labas ng pinto sa aking silid.
"Malapit na din ang kasal nila heneral thylandier at nathalia.. Hindi ba't nung isang araw ay nakita ko si heneral thylandier na may kasamang binibini?"
"Yun ang anak ni madam ising.. Isabel din ang ngalan nun galing spain."
Hindi makapaniwalang ako ang pinaguusapan nila.
"Nakita mona ba ang binibining pakakasalan ni senior patricio?"
"Sabi nila ay maganda daw talaga ang binibining iyon.. Kanina ko lang nalaman na narito na pala sa hacienda ang binibining tinutukoy nila."
Sandaling natahimik ang dalawa halos mangalay na ako kakayuko para marinig ang mga ito at nagbabakasakaling makahingi ng tulong.
"Nakita kona ang binibining iyon.. Tunay ngang maganda ang isang yun ngunit hindi natin lubos kilala ang isang iyon samantalang si nathalia ay nakilala na natin mula ng bata pa iyon."
"Malay mo mas maganda ang kalooban ng magiging asawa ni senior patricio kumpara kay nathalia na hindi parin natin lubos kilala kahit na dito sa ating bayan lumaki ang binibini na iyon."
Napabuntong hininga na lamang akong bumalik sa pagkakaupo sa kama.. NAKAKAINIS HANGGANG KAILAN BA AKO MANANATILI SA SILID NA ITO?
Para akong preso sa silid na ito!! Masyadong mataas ang bintana ng silid na kinalalagyan ko ngayon.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatayo ako at nakayuko na ngayon sa harap ni patricio may dala itong isang pulang sa'ya na tinernuhan ng isang kayumanggi na bakya.
"Hindi ko alam kung kasing-sukat ng sapin sa paang ito sa iyong mga paa."
Ibinaba nito ang bakya sa paanan ko kaya mabilis kong itinago ang aking talampakan upang hindi nya iyon makita. CONSERVATIVE ANG MGA KABABAIHAN NGAYON KAYA KAILANGAN KO DING MAGING CONSERVATIVE SA MGA KALALAKIHANG NAKAKASALAMUHA NI ISABEL ..
"Hindi ko din alam kung kasing-sukat mo ang sa'ya na ito. Sana'y maibigan mo.."
Hindi na lang ako kumibo ng ilapag nya ang pulang sa'ya sa kama.
"Mag-ayos ka.. Darating ang aming mga kamag-anak at mga kaibigan ng aming pamilya. Nais ni ama na ipakilala ka sa lahat.. H'wag kang mag-alala dadalo din ang iyong ina inahan at ang malalapit sa iyo."
Nakangising turan nito sa akin na siyang nagpakabog na naman sa dibdib ko.. Muli na namang sumikip ang kakaiba sa aking puso na para babang kakapusin na ako sa paghinga.
"Nais kong maging mas maganda ka sa paningin ng lahat kung kaya't tinawag ko ang magaling mag-ayos isa sa aming kaibigan."
Lalapitan na sana nya ako ngunit dali dali akong umatras nagpapahiwatig na ayaw kong nilalapitan nya ako.
"Pagbibigyan kita sa ngayon.. Sa oras na maikasal kana sa akin hindi kana makatatanggi pa."
Nakangising turan nito bago sya umalis sa aking harapan.. Nanatili lang akong nakatitig sa sa'ya na nakapatong sa kama.
Halos hindi kona mabilang kung paano ako napabuntong hininga na may halong lungkot at pangamba sa aking dibdib.
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib at napaharap sa malaking salamin na nasa aking harapan ngayon.
Mas nauunawaan kona ang aking sarili.. Mas lalo kong nalulugmok ang mga Characters na naisusulat ko parang ang unfair para sa kanila.. Ngayon nararanasan kona ang pait at lungkot na nararamdaman nila.
Ang pighati at pangamba na nagmumula sa kanilang dibdib ay ganun din ang aking pakiramdam.
Nung una natutuwa ako sa mga naisusulat ko dahil nagiging successful naman pero ngayon na nandito ako sa loob ng nobelang sinulat ko parang ang sakit sa dibdib kapag nakikita mong may namamatay sa iyong harapan. ANG PAGPATAY NI PATRICIO KAY HUKOM SIBESTERO AT ANG MISTERYONG PAGBARIL KAY AMANDA.
Ang lahat ng iyon ay kagagawan ko.. Ang lahat ng iyon ay plano ko.. Ang lahat ng nangyayari sa loob ng nobela ay itinakda ko sa lahat.. Ang lahat ng iyon ay ikinatutuwa ko dahil kung walang magsasacrifice na character hindi magiging successful ang lahat at hindi ko makukuha ang interest ng mga mambabasa.
Sa pagpatak ng mga luha ko tanging ala-ala nila noime, erika at beatrix ang tangi kong natatandaan..
Paano pa ako makakalabas sa nobelang ito? Paano ko pa matutulungan si thylandier ngayong nandito ako sa puder ni Patricio.
*** ***
Alas singko na ng hapon, nang maayusan ako ng isang magandang babae na sa tingin ko ay kaibigan ni patricio.
"Kay ganda mo ngang tunay binibining isabel.."
Nakangiti namang turan ng babae sa akin.. Nanatili lang akong nakatitig sa salamin dahil sa naging kalalabasan ng itsura ko.
Tanging polbo at liptint lang ang ginagamit naming magkakaibigan hindi ako gumagamit ng make-up kaya ganito na lang ang bumuo sa aking dibdib ng makita ang itsura ko sa salamin.. PARANG HINDI AKO!!
Kahanga hanga ang pag ayos nito sa akin.. Nakalugay ang mahaba at kulot na kulay abo ang aking buhok samantalang simple lang naman ang inilagay sa mukha ko pero halatang may make up ako.
"Lalong mabibighani si patricio sa iyo.."
Yun ang ayaw kong mangyari!! Hindi pwedeng mabighani si patricio sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako ng maalalang pumayag nga pala ako sa kasal na inalok nito.
"Tila hindi kana natutuwa sa iyong sarili, Isabel."
Nabalik lang ang ulirat ko ng seryosong nakatitig ang babae sa akin sa mismong salamin kung saan malungkot akong nakayuko.
"Tunay nga bang nagmamahalan kayo ni patricio? O sya lamang ang may gusto."
Halos manuyo ang lalamunan ko ng magtama ang paningin naming dalawa hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
"Sa palagay ko'y pinilit ka lamang ni patricio.. At sa tingin ko ay pinagbantaan ka din nya?"
Halos mapayuko ako dahil totoo naman ang sinabi nito.. Pinagbantaan ako ni patricio kung kaya't wala sa sariling pumayag sa kanya.
"M-maari mo ba akong tulungan?"
Nanginginig ang mga labi kong tanung sa babae.. Humawak ako sa kanyang kamay ng tumango ito sa akin.
Makalipas ang kalahating oras ay bumukas ang pinto at iniluwal nun ang ina ni patricio.
"Ija maari ka ng lumabas ng silid.. Narito na ang lahat ng bisita."
Halos mangapa ako ng isasagot ngunit tanging tango lang ang nagawa ko.
Sumulyap muna ako sa babaeng nag ayos sa akin at ngumiti ito habang palihim akong sinenyasan.
"Sasabihan ko si thylandier para sa iyo.."
Nakangiti nitong bulong sa akin para mabuhayan ako ng pag asa at mawala ng saglit ang kaba sa aking dibdib. KAILANGAN KO SYANG MAKAUSAP!! KAILANGAN KO NA DING SABIHIN SA KANYA ANG LAHAT NG ITINATAGO KONG SIKRETO AT KAILANGAN KO NA DING MAG PAALAM MULI SA KANYA.
"Salamat!!"
Bulong sa hangin kong pagpapasalamat sa kanya bago ako lumabas ng silid na may lungkot at may kaunting ngiti sa labi.. Pagkatapos kong kausapin si thylandier magiisip naman ako ng plano para makakuha ng ibedensya kay patricio at kailangan ko ding pumuslit sa opisina ni hukom sibestero dahil sa nagiisang hiling nito sa akin.
**__**
Isang tunog ng baril ang umalingaw ngaw sa loob ng kwartel na syang nagpabalik sa ulirat kong natutulog.. Para bang nasa isang panaginip ako at nabalik lang ang ulirat ng makarinig ng kakaibang tunog.. Tunog na alam kong nakamamatay.
Patakbo akong pumasok sa kwartel ng makita ko ang uwang ng pinto.
Halos napahawak ako sa bibig ko ng masilayan si hukom sibestero na nakaluhod sa lupa at nakahawak sa kaliwang binti nito na tinamaan ng bala.
Muling kinasa ni Patricio ang hawak nyang baril at itinutok sa sintido ni hukom sibestero.
"Hindi moba ituturo sa akin kung saan ko matatagpuan ang binibining iyon? Alam kong alam mo kung saan tumutuloy si Isabel."
Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ko sa bibig ni Patricio.. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon!! Hindi naman ako isang tauhan sa nobelang ito.
"Kahit patayin mo ako hindi mo makukuha ang gusto mo patricio .. Hindi hahayaan ng mga taong iyon na mapunta sayo ang binibining pinahahalagahan nila."
Bigla akong natulala sa nakabibinging tunog ng baril.. Hindi ko namalayang nasa gitna na ako at tuloy tuloy ang pagdausdos ng tela na nakatalukbong sa ulo ko.
"H-hayaan mong mabuhay si hukom sibestero, Patricio."
Napatingin silang dalawa sa akin.. Kitang kita ko sa mga mata ni hukom sibestero ang paghihinayang at takot samantalang nakangisi sa akin ang bagong heneral na si patricio.
"H'wag mo syang papatayin.. A-ako ang kailangan mo diba? H'wag mo ng idamay si hukom sibestero."
"Isabel ano ang ginagawa mo dito? B-bakit ka nagpakita?"
Tinakbo ko ang kinaroroonan ni hukom sibestero at lumuhod sa kanyang harapan upang mapantayan ito.
"Narito ako upang iligtas ka hukom sibestero.."
Deretsyo lamang akong naka tingin sa mga mata nito.
"Hindi mona ako maililigtas.. Hayaan mong mamatay ako sa lugar na ito. Handa ako sa magiging kahihinatnan nito sapagkat inasikaso ko ang ibedensyang nagpapatunay na walang kinalaman si heneral thylandier sa ano mang rebellion."
Nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata nito na nagpapatunay na handa man syang mamatay ngunit nais parin nyang mabuhay..
"Naniniwala akong may paraan para mailigtas sa hindi makatarungang kamatayan ang dating heneral.. N-naniniwala ako sayo, Isabel."
Napaangat ang ulo ko ng hawakan ako ng dalawang guwardiya civil habang nakaharap si patricio sa mismong harapan ni hukom sibestero.
Ikinasa nitong muli ang hawak nyang baril at itinutok sa sintido ni hukom sibestero.
"Magdasal kana hukom sibestero.."
"H'wag mong sasaktan si hukom sibestero nagmamakaawa ako sayo patricio."
Nagpumiglas ako sa dalawang guwardiya civil at lumuhod sa harap ni patricio upang magmakaawa.. Heto na naman ako?? Gagawin ko na naman ang lahat para sa kanila.
"Patricio... Gagawin ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang patayin si hukom sibestero."
Muli kong pagmamakaawa sa kanya.. Ayaw kong mawala na lang bigla si hukom sibestero dahil sya lang ang hukom na nakakapagbigay ng patas sa mga taong napagbibintangan.. Sya ay ibang iba sa mga hukom na ginawa ko kaya hindi dapat sya mawala sa nobelang ito.
Unti unti kong naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni hukom sibestero sa aking kamay kaya naman unti unti ko din itong nilingon.. Ganun na lamang ang lungkot na bumalot sa puso ko ng sinenyasan ako na h'wag ng makialam pa..
"Isabel!! Hangga't maaga pa ay tumakas kana.. hayaan mo na ako."
Nanginginig ang mga kamay kong nakapatong sa kamay ni hukom sibestero.. Hindi pwedeng mamatay si hukom sibestero dahil sya lang ang maaring pagkatiwalaan ko.
"H-hindi kita iiwan dito hukom sibestero.."
"H'wag mo na lamang akong alalahanin... Ang kailangan mong alalahanin ay ang makatakas sa kamay ni patricio.. Paano mo malalaman kung sino ang tunay na kaaway kung mananatili ka sa tabi ni patricio?"
Gulat na gulat ako ng hilain ni patricio ang braso ko palayo kay hukom sibestero.. Kasalanan ko ang lahat ng ito!! Ako ang dahilan kung bakit mapapahamak sya.
Mabilis na hinila ni hukom sibestero ang paa ni patricio kaya nabitawan ako nito.
"Tumakas kana... I-ikaw na lang ang pag-asa ng lahat, lenzy."
Halos mapatulala akong napatitig ng deretsyo kay hukom sibestero ng banggitin nito ang tunay kong pangalan. Gustong gusto kong malaman kung bakit nalaman nya ang tunay kong pangalan.. Iniisip ko kung alam din nya ang buong pagkatao ko, kung alam nyang hindi ako isang tauhan sa nobelang ito kung alam nyang ako ang dahilan ng trahedyang nararanasan ng bayan na ito ng mga main character.
"Tatanggapin ko ang aking kamatayan basta iligtas mo lang sa tadhana si thylandier.. Iligtas mo ang lalaking nagpapatibok sa iyong puso.."
Natauhan ako ng hablutin ni hukom sibestero ang laylayan ng suot kong sa'ya.
"Hindi lang si patricio ang magtatangka sa buhay ni thylandier.. Kapag napatay ng taong yun si thylandier mananatili ka na habang buhay sa loob ng nobelang ito.."
Binitawan nya ang laylayan ng sa'ya ko at sinenyasan akong tumakbo palabas ng kwartel kung saan tatlo na lamang kaming natira dahil tinamaan ng bala ang isa sa mga guwardiya civil na kasama namin sa loob.
"May ibinigay akong liham sa iyo sa oras na mahawakan mo ang liham ay magisip ka ng paraan para tapusin ang sinimulan mo.."
Muli akong sinenyasan nito kaya tinalikuran kona sila ngunit hindi pa ako nakakarating sa pinto ay narinig kona ang dalawang beses na putok ng baril.
Nanginginig ang mga kamay ko ng buksan ko ang saradura ng pinto.. Matapos kong makita na wala ng buhay si hukom sibestero..
**__**
Nangunot ang noo ko ng makita ko sa di kalayuan si esperanza.. Nakangiti ito sa akin ngunit kaakibat nun ay lungkot sa kanyang mga mata.
"Isabel.."
Mabilis nya akong inakap at ganun din ako sa kanya.
"E-esperanza.."
Bumitaw sa pagkakaakap si esperanza sa akin at may lihim na ibinigay na liham sa akin.
"Pinapaabot ito ni hukom sibestero.. N-nung araw na hinatulan ni hukom sibestero si heneral thylandier na pansamantalang tapusin ang kaso ay ibinilin nito sa akin ang liham para sa iyo.. Ngayon ko lamang naalala ang liham na ito dahil kanina ko lang din ito nahanap sa aking baul."
Mahabang lintanya nito Matapos syang tumingin tingin sa paligid namin.
"Narito ka lang pala, Isabel."
Halos mapaatras si esperanza ng makita si patricio lalo na ng akbayan ako nito.
"Sumabay kana din sa amin esperanza.."
Nakangiting turan ni patricio kay esperanza na hindi na lang tumanggi sa paanyaya ni patricio na sumabay sa amin.
"Kapag nalaman kong nag- sumbong ka sa indyo na yan mayayari ka sa akin, isabel."
Napalunok na lang ako at bahagyang napapikit dahil sa inis at takot na sabay na lumabas sa aking pagkatao.
Ngumiti naman si patricio ng sumalubong ang ibang kaibigan ng kanyang pamilya.
Nanatiling lukot ang liham na bigay sa akin at palihim ko iyong inilagay sa loob ng baro't sa'ya na suot ko na hindi naman kahabaan.
"Narito na pala ang aking anak at ang kanyang kasintahan.."
Inalalayan ako ni patricio palapit sa kanyang magulang panay lang ang paglunok ko at panay din ang paglibot ng mata ko sa kabuuan ng mansion nagbabakasakaling makita ko si thylandier.
"H'wag mo ng tangkaing kausapin si thylandier o si dairus dahil ako mismo ang papatay sa kanila kapag nalaman kong nakikipag usap ka sa dalawang iyon."
Nanigas ang buong katawan ko sa bulong ni patricio kaya naman nagbaba ako ng tingin ngunit bago iyon mangyari ay nagtama na ng tuluyan ang paningin namin ni thylandier na nakatayo sa gitna kasama si nathalia.
"Kay ganda ng mapapangasawa ng anak mo,amigo."
"Hindi sya nahirapang makatagpo ng kay gandang binibini na pakakasalan."
Puri ng ibang bisita sa pamilya ni patricio.. Nanatili lamang akong nakatitig sa sahig ng mansion wala akong ganang makipag batian sa mga taong naroon ang nais ko lang ngayon ay makausap si thylandier at dairus na maari kong hingian ng tulong.
Panay ang pagbati ng karamihan sa amin habang hawak hawak ni patricio ang kamay ko patungo kami ngayon sa harap ni thylandier at nathalia na nasa amin ang paningin.
"Kakaiba ang iyong alindog, Isabel."
Puring turan ni nathalia sa akin pagkaupo na pagkaupo namin sa bakanteng upuan para pala sa aming apat.
"Hindi ko inaasahan na si patricio pala ang iyong kasintahan.. Wala ka man lang sinabi sa akin na isa sa aking kaibigan ang pakakasalan mo."
Muling panimula ni nathalia sa akin.. Bahagya kong naramdaman ang pagpisil ni patricio sa hawak nitong kamay ko.
"S-salamat sa pagdalo binibining nathalia.."
Kung paano sobrang bilis ang pagtibok ng puso ko ang syang takot at pangamba naman ang unti unting kumakain sa aking sistema ng malingunan si thylandier na madilim ang tingin sa akin. GUSTO KONG MATAKOT SA PAKIRAMDAM NA IDINUDULOT NITO SA AKIN.
"M-maari bang ako'y magpahinga na?"
Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa titig ni thylandier habang si patricio ay busy na sa pakikipagusap kay nathalia. Tanging tango na lamang ang nagawa ni patricio sa akin bago ako alalayan nitong tumayo.
"K-kaya kong bumalik sa aking silid.."
Bulong ko kay patricio ng sasamahan sana ako nito.
"Siguraduhin mo lang na sa iyong silid ka papatungo.. Narito ang inay ising mo at ni esperanza maari ko silang ipapatay, Isabel. H'wag ka ng tumangkang tumakas pa sa akin."
Naninindak na bulong nito sa akin bago sya umupo sa kanyang inuupuan.. Ngumiti naman agad ako kay nathalia ng makita nya ako na kinakabahan sa harap nila. SIGURADONG MAGHIHINALA SILA SA AKIN.
"A-ako ay aalis na.. Salamat sa inyong pagdalo."
Mabilis kong iniwan sina thylandier, nathalia at patricio sa pweseto nila hanggang sa makita ko sa harapan ko ang babaeng nag ayos sa akin.
"Nasabi kona kay thylandier na nais mo syang makausap.. Mas maganda kung hintayin mo na lamang sya sa iyong silid upang walang makapansin sa inyo."
"S-salamat sa iyong tulong.."
Ngumiti lamang ito at umalis na sa aking harapan.. Mabilis kong inilock ang pinto ng kwarto ng makabalik ako.
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib ng maalala ang walang emosyon at reaksyong mukha ni thylandier habang nakatitig sa akin.
Hindi ko namalayang hawak kona ngayon ang liham na iniabot ni esperanza sa akin.
..LIHAM..
Isabel (Lenzy)
Nais kong hanapin mo sa aking opisina ang talaan na magpapabagsak kay patricio.. Nais kong gumawa ka ng plano para pabagsakin ang sakim na bagong heneral na si patricio. Una pa lang ay iba na ang kutob ko kay patricio, isabel. Ang paratang ni patricio ang nagudyok sa akin na h'wag syang pagkatiwalaan.. Nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat nalinawan ang aking pagtataka nalinawan ang aking isipan na si thylandier ang tunay na mabuti at si patricio ang tunay na masama.. Naniniwala akong magtatagumpay ka, isabel.
Nais ko ding ibigay mo ang talaan kay hukom martin isa sya sa mapagkakatiwalaan mo, isabel. Isa din sya sa ginawa mong hukom na mapanuri at walang sinasamahan.. Para sa kanya ay pantay pantay ang lahat. Magtiwala ka lang sa kanya.
Nais ko pang sabihin sa iyo na hindi si patricio ang papatay kay thylandier.. Kailangan mong malaman kung sino ang tunay na pinuno sa planong pagpatay kay thylandier. Ingatan mo ang iyong sarili at pagisipan mo ang iyong plano.
Kailangan mong mamili...
Hukom Sibestero
*_**_*
Mamili?? Anong ibig mong sabihin hukom sibestero.
Mabilis kong nailagay sa ilalim ng kama ang liham ni hukom sibestero ng marinig ko ang kakaibang kalaskas na nagmumula sa mataas at malaking bintana ng aking silid.
Kinuha ko ang isang magaan na upuan at inakyat ang bintana.. Halos manlaki ang mata ko ng pagbukas ng bintana ang syang pagdikit ng malambot na bagay sa aking labi.
Napapikit ako ng maramdamang gumalaw iyon.. At ngayon ko lang narealized na nakadikit parin ang labi ni thylandier sa akin.
Naimulat ko ang aking mga mata at nagtama ng tuluyan ang paningin naming pareho..
"Kailangan nating mag usap.."
Pagkababa ko sa upuan ang syang paglundag nito mula sa bintanang nakauwang.
Mabilis nyang naisara ito at muling tumayo sa aking harapan.
"Nais mo ba talagang magpakasal kay patricio?"
Seryosong tanung nito sa akin habang humakbang ang isang paa nito palapit sa aking kinatatayuan.
"Nais mo ba talagang iwanan ako ng tuluyan?"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanung nito sa akin. Hindi ko namalayan ang muling pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatitig parin sa kanya.
"Tutuparin moba ang iyong pangako?"
Kasabay ng malakas na hangin ang pagdikit muli ng labi nito sa akin..
TUTUPAD AKO SA PANGAKO!!