Chapter 34 - KABANATA 33

..LIHAM..

Isabel (Lenzy)

Nais kong hanapin mo sa aking opisina ang talaan na magpapabagsak kay patricio.. Nais kong gumawa ka ng plano para pabagsakin ang sakim na bagong heneral na si patricio. Una pa lang ay iba na ang kutob ko kay patricio, isabel. Ang paratang ni patricio ang nagudyok sa akin na h'wag syang pagkatiwalaan.. Nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat nalinawan ang aking pagtataka nalinawan ang aking isipan na si thylandier ang tunay na mabuti at si patricio ang tunay na masama.. Naniniwala akong magtatagumpay ka, isabel.

Nais ko ding ibigay mo ang talaan kay hukom martin isa sya sa mapagkakatiwalaan mo, isabel. Isa din sya sa ginawa mong hukom na mapanuri at walang sinasamahan.. Para sa kanya ay pantay pantay ang lahat. Magtiwala ka lang sa kanya.

Nais ko pang sabihin sa iyo na hindi si patricio ang papatay kay thylandier.. Kailangan mong malaman kung sino ang tunay na pinuno sa planong pagpatay kay thylandier. Ingatan mo ang iyong sarili at pagisipan mo ang iyong plano.

Kailangan mong mamili...

Hukom Sibestero

*_**_*

Mamili?? Anong ibig mong sabihin hukom sibestero.

Mabilis kong nailagay sa ilalim ng kama ang liham ni hukom sibestero ng marinig ko ang kakaibang kalaskas na nagmumula sa mataas at malaking bintana ng aking silid.

Kinuha ko ang isang magaan na upuan at inakyat ang bintana.. Halos manlaki ang mata ko ng pagbukas ng bintana ang syang pagdikit ng malambot na bagay sa aking labi.

Napapikit ako ng maramdamang gumalaw iyon.. At ngayon ko lang narealized na nakadikit parin ang labi ni thylandier sa akin.

Naimulat ko ang aking mga mata at nagtama ng tuluyan ang paningin naming pareho..

"Kailangan nating mag usap.."

Pagkababa ko sa upuan ang syang paglundag nito mula sa bintanang nakauwang.

Mabilis nyang naisara ito at muling tumayo sa aking harapan.

"Nais mo ba talagang magpakasal kay patricio?"

Seryosong tanung nito sa akin habang humakbang ang isang paa nito palapit sa aking kinatatayuan.

"Nais mo ba talagang iwanan ako ng tuluyan?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanung nito sa akin. Hindi ko namalayan ang muling pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatitig parin sa kanya.

"Tutuparin moba ang iyong pangako?"

Kasabay ng malakas na hangin ang pagdikit muli ng labi nito sa akin..

TUTUPAD AKO SA PANGAKO!!

Kasabay ng paglayo nito sa akin ang syang pag seryoso ng mukha nito.

"Sabi sa akin ni anitha nais mo akong makausap."

Umupo ito sa kama at bahagya akong nilingon.

Bumuntong hininga muna ako at pinawi sa aking isipan ang mapangahas nitong ginawa.

Muli ko na namang pinunasan ang luha sa aking mga mata ng maramdaman ang pamumuo nito.

"Ang tunay kong pangalan ay lenzy pacheco.."

Panimula ko habang nakayuko at nakatitig sa sahig.

"Hindi ako taga dito.. D-dahil magkaiba ang mundo at oras na kinagagalawan natin."

Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya ng lingunin ko ito.

"Isa kang tauhan sa isang nobela samantalang ako isang tunay na tao na nakapasok lamang sa nobelang ako mismo ang gumawa."

Paglalahad ko sa kanya.. Nanatili lang syang nakatitig sa akin ng lingunin ko muli ito.

"Hindi ako baliw.. Kung iniisip mo na baliw ako hindi ako ganun.. Ako mismo ang gumawa sa trahedyang sinasapit ng mga tauhan sa nobelang ito. Ako mismo ang nagtakda sa iyong tadhana, thylandier."

"Kung gayon may kinalaman ka sa aking kamatayan?"

Tanging tango lamang ang naitugon ko kay thylandier.

"Dalawang beses kong iniba ang nakatakda sa iyo.. Mamamatay ka sa harap ng maraming tao kasama ng iyong ama gamit ang baril ngunit iniba ko iyon ginawa kong pagbigti ang iyong kamatayan sa harap din ng madla.."

Pagamin ko sa kanya.. Nanatili parin syang kalmado habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Kung gayon ay bakit narito ka? Nais mo rin bang masaksihan ang aking kamatayan?"

Halos makagat ko ang ibabang labi ko sa tanung nito sa akin na syang muli pagdurog ng puso ko. NARITO AKO PARA ILIGTAS KA!!

"Nais mo bang masaksihan ang nakatakda sa akin? Nais mo bang masigurong mawawala ako sa nobelang ito."

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa pagkakatitig nito sa akin na syang nagbibigay ng takot sa akin.

"Kung ang kamatayan ko naman pala ang iyong hinihintay bakit pumayag kang magpakasal kay patricio?"

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa paulit ulit na pagkatok ni patricio.

"Isabel buksan mo ang pinto.."

Halos mangatal ako ng marinig ang sigaw ni patricio na nagmumula sa labas ng aking silid.

"ISABEL.."

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa tapat ng pinto.

"S-sandali lang.."

Nanginginig na ang buong katawan ko ng mabuksan ko ang pinto halos mapatulala ako ng yakapin ako nito bigla.

"H-h'wag mo akong tatakasan.."

Halos manghina ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin.

"P-patricio.. A-anong ginagawa mo?"

Halos mapaatras ako ng mas hapitin nito ang pagkakayakap sa akin hanggang sa hindi ko namalayang itinatali na pala nito ang aking mga kamay kasabay nun ay binuhat nya ako na para bang isang sako.

"S-saan mo ako dadalhin?"

"H'wag kang malikot.. Nais lang kitang  ilayo muna dito sa aming hacienda, babalik na lamang tayo sa araw ng ating kasal."

Mabilis kaming nakababa ng mansyon kaya halos lahat ng naroong kasambahay ay nakahinto at nakatingin sa amin ni patricio gustuhin man nila akong tulungan ngunit hindi nila magawa.

"Patricio.."

Hindi makapaniwalang turan ng ina nito ng makita nyang buhat buhat ako ng anak nya na parang sako.

"Saan mo dadalhin ang iyong katipan?"

Nagaalalang tanung muli ng ina nito.

"Tulungan nyo po ako.."

Pagmamakaawa ko ngunit hindi ako tinapunan ng tingin nito kahit na ang mga mata nito ay gustuhin din akong tulungan.

"Ina pakisabi kay ama na babalik na lamang kami ni Isabel sa makalawang buwan.."

Napansin ko kung paano umiling ang ina nito.. Nais man nyang pigilan ang kanyang anak wala naman syang magawa para sa akin.

"Patricio dumito na lamang kayo.."

Hindi pinansin ni patricio ang sasabihin ng kanyang ina hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng kanilang mansion.

"Ernesto tulungan mo ako.."

Paghingi ng tulong ni patricio kay ernesto sabay itinuro ang dalawang malaking maleta na nasa labas ng mansion na ngayon ko lamang nakita.

Napatitig pa sa akin si ernesto ng magtama ang aming paningin.. Natitiyak akong makikilala nya ako!!

"E-ernesto si Isabel ito."

Wala sa sariling sigaw ko kay ernesto.. Nang maiupo ako ni patricio sa kalesa ay itinali naman nito ang aking mga paa.

"A-ano ba?? Bakit moba ako tinatali?"

Inis kong sigaw kay patricio na tumingin lang sa akin bago nya itinuloy ang gagawin sa akin.

"Dito ka lang isabel.. Ugali mo ang tumakas sa akin kaya naman wag kang sumigaw sigaw diyan baka nakalimutan mong narito ka sa aming hacienda."

Pagkatapos nyang itali ang paa ko ay bumalik siya sa loob ng mansion habang isa isang inilalagay ni ernesto ang mga maleta sa likuran ng kalesa.

"E-ernesto.."

Napatingin ito sa akin ng tawagin ko sya.. Tinitigan uli nito ako gaya ng ginawa nito kanina.

"Ako ito si isabel.. Nasaan si Juan at Natong?"

Napaatras ito sa tanung ko at nangunot ang noong lumapit sa kaliwang bahagi ng kalesa.. Tumingin muna ito sa mansion bago ako nilingon.

"Ikaw nga binibini... Kaya pala pamilyar ang iyong ngalan at mukha."

"Nasaan sina natong at juan?"

Napansin ko ang pagkakayuko nito ng tanungin ko sya kung nasaan sina natong at juan.

"Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni ginoong felipe at juan, binibining isabel."

Panimula nito habang nanatiling nakayuko.. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.

"Kung nais mong mapatawad ka ng iyong kaibigan na si juan at ang kanyang kuya felipe magtulungan tayo."

Napatitig ito sa akin at napailing..

"Ernesto alam kong nahihirapan ka ng magtiwala.. Ngunit tayong dalawa lamang ang makakagawa ng paraan para pabagsakin si patricio. H-hindi ko nais maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal. T-tulungan mo ako.."

"Paano ako magtitiwala sa iyo? Bigla kang naglaho matapos ka naming dalhin sa pagamutan nung ika'y nawalan ng malay?"

Natatandaan ko yun yung araw na hinimatay ako dahil sa kakaibang kirot ng dibdib ko hindi ko matanggap na nabaril ng dalawang beses si thylandier.. Hindi ko matanggap na wala akong nagawa para iligtas sya nung araw na yun sa kamay ni patricio.

"Hindi mo naiintindihan ang aking sitwasyon.. Nasaan ba si natong at juan? Hindi ba sila sinaktan ni patricio?"

"Ikinulong ni senior patricio sina natong at juan sa dating kweba.."

Sa bundok ng cuyapo?

"Kung ganun bakit wala kang ginagawa?"

"N-natatakot ako na baka patayin ako ni senior patricio.. Nais ko mang tulungan sina juan at natong natatakot ako."

Gaya ni ernesto ay napayuko ako at hindi makapag focus sa iisiping plano.

"Ako ng bahala kina natong at juan.. Ililigtas ko sila basta't magtulungan tayo."

Sa pagkakataong yun ay napalingon na ako sa kanya.

"Nais mo ba talagang makalaya ernesto?'

Kailangan ko syang pagkatiwalaan.. Kailangan ko din ang tiwala nya!!

Tanging tango lamang ang itinugon nito sa akin.

"Magtitiwa ka ba sa akin? Dahil kung magtitiwala ka sa akin nais kong malaman mo na nagtitiwala ako sa iyo."

Unti unti akong ngumiti sa kanya na ibig sabihin ay may tiwala na ako na kayang gawin ang nais kong ipagawa sa kanya.. Kahit na hirap na hirap ako sa taling nasa paa at kamay ko nanatili akong kalmado sa harap ni ernesto.

"Kilala mo ba si edwardo at heneral thylandier?"

Napalingon ito ng magtanung uli ako sa kanya.

"Ang heneral bang iyong tinutukoy ay ang ginoong dinukot namin?"

Tanging tango ang isinagot ko sa kanya.. Tanging tango din ang itinugon nito sa aking katanungan.

"Nais kong hanapin nyo ni ginoong edwardo ang talaan na magpapabagsak kay patricio.."

"S-saan po ba namin yun mahahanap?"

Napabuntong hininga na lamang ako nais kong magtiwala sa kanila na kaya nilang gawin ang naiisip kong plano.

"Pagkaalis namin ni patricio magtungo ka sa kwartel at ibigay mo ang liham kay heneral thylandier.. Nais kong halughugin nyo ang opisina ni hukom sibestero upang hanapin ang talaan na kanyang ginawa para pabagsakin si patricio.. Pinahintulutan ako nito ngunit mas mapapadali ang paghahanap nyo sa talaan kung si thylandier ang makakasama nyo ni ginoong edwardo."

"A-anong liham po ba yun?"

Takang tanung ni ernesto sa akin.. Ang liham na iyon ay sulat kamay ni hukom sibestero.

"Magtungo ka sa loob ng aking silid at kuhanin mo ang liham na inilagay ko sa ibaba ng aking kama.. Magmadali ka sapagkat nasisiguro kong nasa panganib si juan at natong.. Ang liham na iyon ay sulat kamay ni hukom sibestero."

Inginuso ko ang mansion nila patricio..

"Ngunit  binibini mahihirapan akong pumasok sa iyong silid.."

Napabagsak ang aking balikat dahil may point ito.. Maaring hindi nga sya makakapunta sa aking silid.

"Nandyan na si patricio.."

Mabilis na nawala sa paningin ko si ernesto.

"Maayos na ba ang lahat?"

Nakayukong tumango si ernesto kay patricio bago ito sumakay at tumabi sa akin.

"S-sandali... Nais kong ipakuha kay ernesto ang isang pulang balabal sa aking silid."

Out of the blue kong turan kay patricio.. Tumingin muna ito sa akin.

"Nais kong magsuot ng balabal upang hindi ako mainitan."

Pilit na ngiti ang bumalatay sa aking labi.

"Ako na lamang ang kukuha.."

Nanlaki ang mata ko na iniharang ang ulo ko sa kanya.

"N-nais kong si ernesto na lamang ang kumuha ng balabal sa aking silid.. D-dumito ka na lamang sa aking tabi."

Napapikit ako at napabuntong hininga na lamang ng tumingin uli sa akin si patricio bago nito tapunan ng tingin si ernesto na nakayuko parin.

"Ernesto maari bang kuhanan mo ng balabal si isabel sa kanyang naging silid.. Itanung mo na lamang kay lileng kung saan ang silid ni isabel."

Tumango si ernesto sa akin at tinanguan ko ito senyales na makukuha nya ang liham na bigay sa akin ni esperanza.. Nais kong maibigay nya iyon kay thylandier upang makapagplano para kay patricio.

"Opo senior.."

Tumakbo si ernesto patungo sa loob ng mansion habang hinihintay namin ito nagkunwari akong natutulog ng ipikit ko ang aking mga mata.

"Senior tutungo na po ba tayo sa daungan?"

Isang pamilyar na tinig ang nagpagising sa aking diwa kaya naman naimulat ko na lang ang aking mga mata at napatingin sa harapan namin.. Isang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang guwardiya civil at nakasuot ng itim na sumbrero na pinaparesan ng uniporme ng pang guwardiya civil. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakapikit ako nung maramdaman kong sumakay ito sa kalesa.

"Sandali lamang hintayin lang natin si ernesto.."

Patukoy nito si ernesto na kumuha ng balabal sa aking silid.

Ilang minuto pa ang lumipas kaya naman napatingin ako kay patricio ng bumaba ito ng kalesa.

"Pupuntahan ko lang si ernesto baka nahirapan na sa paghahanap ng iyong balabal hindi natin nasabi sa kanya kung saan banda nilalagay ang iyong gamit."

Pipigilan ko na sana sya ng makitang palabas na ng mansion si ernesto na pinuntahan naman agad nito.

"Dumito ka lamang kukuhanin ko lang sandali ang balabal kay ernesto."

Naglakad na ito palapit kay ernesto hanggang sa mangunot ang noo ko ng umaandar na ang kalesang sinasakyan ko ngayon.

Napatitig na lamang ako sa taong nagpapaandar ngayon sa kalesang sasakyan sana namin ni patricio.

"NARITO NA AKO MAHAL KO.."

Walang kurap kurap akong napatitig sa lalaking nagsalita at nakangiti sa akin ngayon..

PAANO NYA NALAMANG AALIS KAMI?

THYLANDIER!!!

Narealized ko na lang ang pagkakangiti ko sa kanya.. Isang malakas na sigaw ang naagaw ng aking atensyon walang iba kundi si patricio na tumatakbo palapit sa kalesa ngunit binilisan na ito ni thylandier.

PATRICIO!!

"ISABEL.."

*** ***

Huminto ang kalesang sinasakyan namin sa tapat ng daungan.

Isang puting barko ang bumungad sa amin na nakalagay sa tapat ng daungan.

Nagugulat akong tumingin kay thylandier ng bigla nyang tanggalin ang uniporme nito at ang sumbrero nyang suot.

Halos fit na fit sa maskulado nitong katawan ang puting sando na nakadoble pala sa kanya.

"I-isuot mo nga yang damit mo.."

Inis kong turan ngunit inilagay nya lang iyon sa kanyang kaliwang balikat.. Halos mapatili ako ng hilain ako nito palapit sa kanya ng walang pasabi at binuhat ako na parang sako. GAYA NG GINAWA NI PATRICIO SA AKIN.

ANO AKO SAKO?

"Teka nga.. I-ibaba mo nga ako"

Inis kong sigaw ng derederetsyo itong nagtungo sa daungan halos pagtinginan kami ng karamihang naglalakad na sa tapat ng daungan.

Kunot noo akong tumingin kay thylandier ng ibaba na nya ako sa sofa pagkapasok na pagkapasok namin sa barko.

Teka dalawa lang kami dito?

Lumuhod ito sa tapat ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya ng bigla nya akong lingunin.

"Tatanggalin ko lamang ang iyong tali sa iyong paa."

Mas napaiwas ako at napalunok na naman dahil sa Adams Apple nito.. Shems ang hot nya!! Nakakainis ka naman Self.

"Tanggalin mo na lamang ang tali sa aking kamay.."

Nakatingin ako sa bintana ng barko kaya naramdaman kong tumayo ito at tinanggal nga nito ang tali sa aking kamay.

"Senior... Kayo'y magiingat sa bulakan."

Napalingon ako kay edwardo ng magsalita ito.

"Pagkarating namin sa bulakan padadalhan kita ng liham.. Mag ingat ka din dito."

"Opo senior.. Makakaasa ka!!"

Pagkatanggal ko ng tali sa paa tumayo ako at hinarap sina edwardo at thylandier.

"Bulakan?? Anong gagawin naman natin sa bulakan?"

Inis kong tanung kay thylandier na syang ikinalingon nito sa akin.

"Talaga bang dalawa lang tayo sa barkong ito? N-nagiisip kaba heneral thylandier?"

Tumikhim naman si thylandier at sinenyasan si edwardo na umalis na ng barko.

"T-teka lang!! Sasama ako sayo."

Tatakbo na sana ako palapit kay edwardo ng harangan naman ako ni thylandier.

"Sa tingin moba makakatakas kapa kay patricio kung babalik ka sa kanya?"

Iritadong tanung ni thylandier sa akin na syang ikinatigil ko at ikinalingon ko uli sa kanya.

"Sa tingin mo din ba babalikan ko si patricio? Makikitira ako kina inay ising.."

"Alam ni patricio na kina manang ising ka nakikitira.. Mas mabuting magsama na lamang tayo sa bulakan."

Natikom ko ang bibig ko at ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa sinabi nito na syang nagpabilis ng pintig nitong puso ko.

KAMI MAGSASAMA SA BULAKAN?? ANO ITO TANAN..

"Hindi mo ako naiintindihan.. Mapapahamak sina inay ising at esperanza dahil sa akin."

"KAYA TINANGGAP MO ANG KASAL SA KANYA?"

Hindi makapaniwalang sigaw ni thylandier sa akin.

Kinagabihan

Hindi ako makatulog dahil sa kabang nararamdaman ko para sa sarili ko.. Para sa mga tauhan na mapapahamak na naman ng dahil sa akin at para sa magiging kalagayan namin ni thylandier pagdating sa bulakan.

Naalala ko sa original noble na gawa ko ipapatapon sina amanda at dairus sa 'San Pablo, Bulakan' makikilala nila ang grupo nila timothy isa sa mga leader ng rebellion tapos dun na magsisimula ang plano dahil sumanib si dairus sa rebellion para patumbahin ang mga opisyal na nanira sa kanyang pamilya kasama na dun ang ama ni thylandier na si 'Don Mariano'.

Mas lalong hindi na ako makatulog dahil sa naalala kong magiging scene sa noble na 'DAUGHTER OF GOVERNOR AND THE LEADER OF REVOLUTION' na pinagbibidahan nila 'Nathalia Sebastian at Dairus Lopez'.

Halos mapatayo ako sa pagkakaupo ng marinig ko ang kaluskos na nagmumula sa saradong bintana ng silid ko sa barko.

BUBUKSAN KOBA O HINDI?

Napahawak ako sa labi ko at naramdaman ko ang pagiinit ng pisnge ko ng maalala ang naging eksena namin ni thylandier sa may bintana at sa loob ng silid na kinalalagakan ko sa mansion nila patricio..

Lenzy stop it!! Tigil na Self..

"Bakit nakatayo ka lang dyan?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni thylandier na nakaupo na ngayon sa may bintana.

"A-anong ginagawa mo dito? May sarili kang silid.."

Nanatili lang syang nakatitig sa akin hanggang sa nahinto ako sa librong hawak nya.

'DAUGHTER OF GOVERNOR AND THE LEADER OF REVOLUTION'

"Saan moba nakita ang librong yan?"

Tanung ko habang nakatitig sa Part I ng nobelang ginawa ko.

"Hindi mo na kailangan pang malaman.. Nais kong malaman sa iyo anong ginagawa mo dito sa loob ng nobela?"

"Hindi ko alam... Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito. N-nagsimula ito nung magtagpo ang paningin natin sa panaginip."

Sa panagip kung saan mababaril mo sana si dairus.. Pero nagiba ang ihip ng hangin.

"Sana pagkatiwalaan mo ako.."

Huling salitang sinabi ko sa kanya bago nya ako iwan sa silid na ito.

Kailangan ko ng magisip ng paraan kung paano kita maililigtas sa taong papatay sa iyo.

SISIGURADUHIN KONG MABUBUHAY KA SA NOBELANG ITO, THYLANDIER.

Kinabukasan

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na hindi ko masyadong naisara kagabi ..

Tumayo na ako para maghilamos bago ako lumabas.. Napangiti ako ng makita ang payapang dagat habang nasa byahe kami. HINDI KO INAASAHANG MAKAKASAKAY AKO NG BARKO SA NOBELANG ITO.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

Napalingon ako kay thylandier ng magsalita ito sa kanang bahagi ko.

"Oo.. I-ikaw ba nakatulog ka ng mahimbing?"

Tumingin sya sa payapang dagat bago nya ako sagutin.

"Hindi... Hindi naman ako natulog dahil binantayan kita."

Huh!!

"Ano?? Bat hindi ka natulog?"

Hindi nya ako sinagot bagkus iniba nito ang usapan naming dalawa.

"Bukas ng umaga nasa daungan na tayo ng bulakan."

Ngumiti ito ng lingunin nya ako kaya naman napaiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Tara doon mag almusal na tayo.."

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na nga nya ako.

Nanatili lang akong nakatitig sa kamay naming dalawa.. Heto na naman ang pakiramdam ko.. Pakiramdam na sya lang ang nagbibigay ng dulot.

"Nais kong malaman kung paano mo nalamang itatakas ako ni patricio?"

Pinaupo nya ako sa sofa at iniwan sandali napatingin ako sa kabuuan ng barko masasabi kong classic at napakaganda nito. GRABE GANITO PALA KAYAMAN ANG GINAWA KONG THYLANDIER VALDEZ.

"Sagutin mo nga ang tanung ko.."

Naiinis ko ng turan ng hindi sya nagbalak na sagutin ang itinatanung ko sa kanya.

"Mag panggap ka na lamang na asawa ko pagkarating natin sa daungan."

Halos malaglag ako sa sofa na kinauupuan ko dahil sa sinabi nito sa'kin.

Ako magpapanggap na asawa nya?

"H'wag mong gagamitin ang iyong ngalan.. Sigurado akong pinapahanap kana ni patricio."

"Kung ganun ay anong sasabihin kong pangalan?"

Napaisip pa ito bago nya ayusin ang kakainin namin para sa umagahan.

"Lenzy Valdez ang sasabihin mo.. H'wag mong gamitin ang ngalang 'Isabel.'.."

Nalunok ko ang sarili kong laway at pakiramdam ko unti unting nanunuyo ang lalamunan ko sa sinabi nito.

"Hindi na kailangan.. Hindi naman tayo kasal para ipagamit mo ang iyong apelyedo sa akin.."

Hindi na naman ako makatingin at panay ang pag iwas ko na magtama ang paningin naming dalawa.

Hindi naman kase kami kasal para ipagamit nya ang apelyedo sa akin..

"Isa lang naman ang paraan diyan.. Magagamit mo lang ang apelyedo ko kung tayo ang magpapakasal."

Isang malakas na hampas ng alon ang naramdaman namin ngunit nanatili lang ang tingin namin sa isa't isa na para bang walang nangyari.

Malakas na hangin din ang nagparamdam sa amin ngunit hindi din iyon naging sanhi ng pag iwas ng aming mga paningin ang naririnig lamang naming dalawa ay ang pagpintig ng aming puso.

"MAARI MO NAMAN AKONG PAKASALAN.."