Chapter 31 - KABANATA 30

Tulala akong nakatitig sa mga puting rosas na nasa hardin ni manang ising.. Simula nung mamatay si amanda ay hindi na ako nagbalak pang makilibing dahil hanggang ngayon ay masakit parin para sa akin na namatay si amanda ng hindi ko parin sya nailigtas sa kamatayan na paulit ulit pala nitong mararanasan kapag paulit ulit kong i' edit ang nobela..

"Anak, Isabel."

Gaya ng sabi ni amanda sa akin nung huli na muli akong maaalala ng lahat.. Hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni inay ising kaya mas lalo lang akong naiyak sa ginawa nito.

"Isabel wala kang kasalanan.."

"I-inay ising.. N-naroon po ako."

Mas lalo akong napahagulhol ng muling haplusin ni inay ising ang likuran ko.

"W-wala akong nagawa para iligtas sya.. W-wala akong nagawa para manatili syang ligtas inay."

"Shhh... Tahan na, isabel. Hinihintay ka ni Seniorito dairus sa loob ng panuluyan."

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay inay ising ng sabihin nito na nasa loob ng panuluyan si dairus. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa diko malamang dahilan.

"A-ano pong ginagawa nya dito, inay ising?"

Kinakabahan kong tanung kay inay ising..

Naramdaman ko na lang ang kakaibang kaba na nabuo sa'king dibdib.

"Ikaw ang pakay nya... Hindi ko alam kung bakit,ija."

Nagaalangang turan nito sa akin imbis na hindi ko sya haharapin ay ngumiti ako kay inay ising at nagpauna ng pumasok sa loob ng panuluyan. Nakatalikod si dairus habang nakatayo sa tapat ng bintana na para bang may inaalala habang nakatanaw ito sa labas.

Naglakad na ako palapit sa kanya at huminga muna ako ng malalim bago tumikhim para agawin ang atensyon nito.

"M-magandang umaga sayo Ginoo.."

"Nais ko sanang magpasama sa iyo.."

Pambungad agad nito sa akin pagkaharap nito.

Napalunok naman ako na tumango sa kanya.. Ipinagpaalam na ako ni dairus kay inay ising ipinasama din nito si esperanza para may kasama ako pauwi ng panuluyan.

"Nais ni madam ising na makakauwi ka ng kasama ako baka daw bigla ka na namang maglaho.."

Bulong ni esperanza sa akin.. Gustuhin ko mang sumagot kay esperanza nanahimik na lang kami sa tabi ni dairus.. Nakasakay kami ngayon sa kalesa at hindi ko alam kung saan kami patutungo.

"Nais kong bisitahin ang aking kapatid sa sementeryo.."

Kitang kita ko naman sa mga mata ni dairus ang lungkot at sakit na nararamdaman nito habang pilit nyang iwinawaksi ang kalungkutan sa puso nito.

Wala sa sariling hinawakan ko ang balikat nito upang pagaanin ang kalooban nito.

"Binibining Isabel.."

Napalingon ako ng bumulong si esperanza sa akin sabay napatingin pa ito sa kamay kong nakahawak sa balikat ni dairus mabilis kong naibaba ang kamay ko at panay ang lunok ko ng magtama na ang paningin namin ni dairus.

"Hindi ka pumunta sa huling himlay ni amanda.."

Sa pagkakataong ito ay napayuko na lang ako dahil sa dumagundong ang kaba sa aking dibdib.

"Alam kong masakit din sa iyo ang lahat ng iyong nasaksihan.. Pakiramdam ko naulit na ang ganitong pangyayari sa aking kapatid na si amanda."

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa sinabi nito dahil totoong pangalawang beses ng nasawi ang buhay ni amanda ang hindi ko alam kung saan ba talaga nanggaling ang tama nito.. Kung si thylandier ba ang nakabaril sa kanya o baka may tao pang naroon sa pinangyarihan.

"Masakit sa akin na si thylandier pa ang nakabaril sa aking kapatid.. H-hindi ko matanggap na ang matalik kong kaibigan ang may gawa nun sa kanya.."

"Patawad..."

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil nakikita ko parin sa mga mata ni dairus ang pighati. SANA KAYA KONG IBALIK ANG LAHAT!

This is my fault!! Kasalanan ko ang lahat ng ito..

"Wala kang kasalanan, Isabel."

Halos mapaupo ako ng maayos ng maramdaman ko ang paghawak ni dairus sa kamay ko.

**__**

'Ate isabel nais ko lang ipaalala sa iyo na ikakasal na si ate nathalia at kuya thylandier..'

Napapailing akong napalingon at napatitig kay amanda na seryosong nakatingin sa akin ngayon..

'Nais ko ding sabihin sa iyo na si kuya dairus na ang kailangan mong bigyan pansin... Sapagkat, bagay kayo at may pag tingin sa iyo ang aking kuya.'

Halos hindi ko nabalanse ang pagkakatayo ko dahil sa mga sinasabi ni amanda sa akin.

Si dairus?? Si dairus may gusto sa akin? Kailan pa!!

Hinawakan ni amanda ang balikat ko at ngumiti ito sa akin habang ang mga mata ay nanunukso..

'Sana ay mabigyan mo ng pagkakataon ang kuya dairus ko..'

**__**

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako ngayon sa mga kamay naming magkahawak.

Kung si dairus ang bibigyan ko ng pansin paano ko pa maililigtas sa kamatayan si thylandier.

I'm so sorry, Amanda.

"Narito na tayo.."

Huminto ang kalesang sinasakyan namin sa tabi ng sementeryo bago kami alalayan ni dairus.

Ilang hakbang ang ginawa namin bago namin narating ang puntod ni amanda.

"Binibining Isabel.. Nais ka nga palang makausap ni heneral thylandier mamaya."

Napakunot ang aking noo na napalingon kay esperanza na nasa tabi ko ngayon.

"S-saan daw ba?"

Kinakabahan man akong nakatingin kay esperanza ngunit ang puso ko ay sobrang tuwa at hindi makapaniwala.. Para bang may pumasok na kakaibang galamay at butterflies na syang kumikiliti sa akin.

"Nais ka daw nyang hintayin sa likod panuluyan.. Sa hardin ni madam ising."

Inilapit ni esperanza ang kanyang mukha sa tenga ko para bumulong.

Nakatitig naman ako ngayon kay dairus na nakaluhod at nakapikit habang ang dalawang palad nito ay magkaharap na dinadasalan ang kanyang kapatid.

"Nakita kong nasasaktan at malungkot parin ang heneral.. Kaibigan ko si amanda ngunit naniniwala akong walang kasalanan ang heneral."

Sa pagkakataong yun ay napalingon na ako kay esperanza na nakatingin naman kay dairus habang nasa mukha nito ang awa.

"Naniniwala akong walang kasalanan si heneral thylandier.. Naniniwala akong hindi nya binaril si amanda.."

Naalala kong magkasamang lumaki si amanda at esperanza kahit magkaiba ang estado ng pamilya nila ay matalik na magkaibigan ang dalawa kaya alam kong nakakasama at nakikita din nya sina dairus, nathalia at thylandier.

Wala nga ba talagang kasalanan si thylandier? O baka naman sya talaga ang nakabaril kay amanda.

Kahit gulong gulo ako naniniwala ang puso ko na wala ding kasalanan si thylandier at ang dapat sisihin ay ako lang.. AKO!! AKO DAPAT ANG MAGBAYAD NG KASALANAN NA ITO.

"Ayos ka lang ba binibini??"

Napunasan ko ang luhang nagbadya at nag traydor sa akin dahil hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig parin kay dairus na kakatapos lang magdasal sa harap ng puntod ng kanyang kapatid.. MY PRECIOUS EYES!!

Tumingin muna ako kay esperanza bago sya nginitian ng malapad.

"Ayos lang ako.."

*** ***

"Napakasarap nito binibining isabel, senior dairus."

Kahit na nasasaktan parin ako para kay dairus hindi ko napigilang mapangiti sa pagpapagaan ni esperanza sa mga kalooban namin.

Narito kami ngayon sa tapat ng simbahan kung saan nagbubukas na ang mga nagtitinda ng street food gaya sa tunay na mundo.

"Hindi ba't heto ang paborito mo, Isabel?"

Nakangiting tanung ni dairus sabay abot sa akin ng sampung pirasong isaw.

"Salamat!!"

Kinuha kona iyon sa kanya at nag umpisa ng kumain at ganun din ito sa binili nyang fishball.

Unti unting nawala ang lungkot sa mga mata ni dairus dahil sa ngiting ipinapakita nito sa amin.

"Nais kong magsimba.."

Nakangiting pahayag ni dairus sa amin matapos naming kumain sa streetfood na nasa tapat lang ng simbahan.

"Nais ko ding magsimba senior.. Tara, binibining isabel."

Hinila ako ni esperanza papasok sa gate ng simbahan nalingunan ko pa si dairus na halos ngiting ngiti pa sa amin ni esperanza.

"Ano ang iyong ipagdarasal binibining isabel?"

Maya't maya ay tanung ni dairus sa akin ng iwanan kami ni esperanza sa isang sulok.

Ano nga ba ang ipagdarasal ko?

"Ako ay nais kong ipagdasal na nawa'y nasa magandang paraiso ang aking ama, ina at ang aking kapatid na si amanda."

Napangiti naman ako sa sinabi nito kaya nilingon ko sya..

"Nasa magandang paraiso na ang iyong mahal na ama at ina.. Ganoon din ang iyong kapatid."

Nakangiti kong sagot na halos hindi kona sya makita dahil sa sobrang pagkakangiti ko pati ang mata ko ay nanliliit na sa sobrang tuwa dahil ngayon ko na lang uli nakitang ngumiti si dairus.

"Sigurado akong natutuwa na ngayon ang iyong kapatid na si amanda sapagkat ngumiti kana.."

Pagpuri ko sa kanya ng hindi na uli ako tumitingin pa sa kanya..

"Dahil sa iyo ay nawala kaunti ang pighati sa aking puso, salamat."

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng bumulong ito sa akin bago sya dumapa at pumikit upang magdasal.

Napayuko na lang ako ng makaramdam ako ng paninikip sa dibdib napahawak na din ako dahil hindi ko kinaya ang kakaibang pintig sa aking puso habang nakaupo at habang nakadapa parin si dairus.

"Hihintayin kita..."

Nabuhayan ako ng lakas dahil sa bumulong sa akin.. Nanlalaki pa ang mata ko ng magtama ang paningin namin ni thylandier na nasa likuran kona pala gaya ni dairus ay nakaluhod ito ang pinagkaiba nga lang ay nakatitig ito sa akin.

"May nais lang akong linawin sa iyo.. M-maghihintay ako sa hardin. Sana'y pumaroon ka.."

Nakangiti nitong bulong sa akin kasabay nun ang malakas na pagihip ng hangin na nanggagaling sa labas ng simbahan.

Tumayo ito habang nakangiti parin sa akin ngunit naglaho ang ngiti na iyon ng sulyapan nya si dairus na nasa tabi ko na nakaluhod parin at nagdarasal.

Gusto ko syang kausapin pero bigla na lang nya akong talikuran bago nya ako sinulyapan.

Hindi ko alam kung bakit may kirot sa puso ko ng makita ang lungkot sa mga mata nito.

"Ihahatid ko na kayo.."

Tumango na lamang kami ni esperanza..

Pagkarating namin sa panuluyan ay nagpaalam na din si dairus sa amin.

"Puntahan mona si heneral thylandier..."

Ngiting ngiti na bulong ni esperanza sa akin.

"Isabel, ija. Nasa hardin ang heneral.."

Nakangiti namang pambungad ni inay ising sa amin ni esperanza.

"Nais ka daw nitong makausap.."

Muling turan ni inay ising sa akin sabay ngiti.

Natawa naman ako ng sabay nila akong pinagtulakan sa hardin sa likuran ng panuluyan.

Nilingon ko muna sina inay ising at esperanza bago ko lapitan si thylandier na nanatiling nakatalikod sa aming gawi..

"Narito ka pala.."

Gusto kong sapakin ang sarili ko sa tanung ko kay thylandier dahil una pa lang alam kona na hihintayin nya ako. Pangalawa, nasabi na sa aking ni esperanza na kakausapin ako nito.

"Ano ang iyong ginagawa dito, heneral thylandier?"

Nakatungo kong tanung sa kanya ng hindi sya tinitignan.

"Narito ako upang humingi ng payo.. N-nais kong malaman sa iyo ang kasagutan—"

Napalingon ako ng huminto ito.. Anong klaseng payo ang kailangan mo?

"Batid kong pinaghihinalaan ako ni dairus.. Batid kong ako ang sinisisi nya sa pagkamatay ni amanda."

Natigilan ako at mas lalo akong napatitig kay thylandier dahil sa lungkot na nakikita sa kanyang mga mata.

"W-wala kang kasalanan.. H-h'wag mong sisihin ang iyong sarili."

Nakatitig kong sagot sa kanya.. Tama naman ako wala syang kasalanan kaya hindi dapat nya sinisisi ang kanyang sarili.

"S-salamat!!"

Napahinga ako sa itinuran nito hanggang sa katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa habang nakatanaw sa mga bulaklak kung saan kami nakaupong pareho.

Sana kahit sa ganitong paraan ay napagaan ko ang iyong kalooban, thylandier.

"Nais kong malaman ang iyong saloobin at nais kong malaman kung ibig mo akong hilain palayo sa mismong kasal?"

Kailangan ko pa bang gawin ang tama kahit na masisira ang nobelang inayos ko?

Napayuko ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya..

"Kung nais mong bumitaw sa iyong pangako maari bang sabihin mo na sa akin ng mas maaga? Kung nais mo akong talikuran maari bang bigyan mo ako ng malinaw na kasagutan? Maari bang sabihin mo sa akin ang iyong saloobin."

Nakatingin ako ngayon sa nanginginig kong kamay.. Habang pilit na pinagagaan ang aking pakiramdam.

"Gaya ng sinabi ko sa iyo nais kong makita mo ang kasiyahan sa piling ni nathalia.. Nais kong talikuran mo na ang iyong nararamdaman para sa akin."

Tumayo na ako sa pagkakaupo bago sya lingunin.

"Masaya ako na magiging masaya ka sa piling ni nathalia.. Sana'y bigyan mo ng pansin ang iyong katipan."

Kailangan na kitang kalimutan... Kung sakali mang makaalis ako sa loob ng nobelang ito pipilitin ko ang aking sarili na hindi na bumalik pa dito.

"Nangako ka sa akin... Ngunit tinalikuran mo ako."

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng lapitan ako ni thylandier.

"Sana'y mahanap mo din ang kaligayahang ninanais mo kay dairus."

Napatulala na lang ako sa likuran nito ng magpauna ng umalis. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha.

Pinahid kona muna bago ako sumunod kay thylandier.. Pagbukas ko pa lang ng pinto bumungad na sa akin ang likuran ng isang babae.

Anong ginagawa niya dito?? Nakita kaya nya si thylandier?

"Nathalia narito na ang iyong hinahanap.."

Nakangiting lumapit si nathalia sa akin ngunit ang kanyang mga mata ay namumugto at namumula na.. SIGURADO AKONG UMIYAK ITO!!

"Maari ba kitang makausap?? Kailangan ko ang iyong tulong Isabel.."

Hinila ako ni nathalia palabas ng panuluyan. Nagtataka akong nakatitig sa kanyang likuran habang naglalakad kami papuntang hardin kung saan kami nanggaling ni thylandier kanina.

Puno ng sakit at lungkot ang mga mata nito ng lingunin ako.

"Handa na akong alamin ang aking nararamdaman.. N-ngunit hindi ko napaghandaan ang isinagot ni dairus sa akin."

Nakausap na nya si dairus!!

"Nakita ko ang kalesa ni dairus na nakahinto sa lawa kung kaya't nag desisyon akong puntahan ito at sinabi kona sa kanya ang aking nararamdaman ngunit natigilan ako sa kanyang isinagot.."

Hindi ko namalayang niyakap kona si nathalia at pana'y ang pagpapatahan ko sa kanya ng umiyak ito sa harapan ko.. Hindi kona din napigilang maluha sa kanya.

Pigil ang hininga ko dahil sa kabang nararamdaman ko para sa sasabihin ni nathalia sa'akin.

"M-may nagpapatibok na daw sa kanyang puso... M-may babae nang nagugustuhan si dairus, Isabel."