Chapter 29 - KABANATA 28

"Isabel!! Hangga't maaga pa ay tumakas kana.. hayaan mo na ako."

Nanginginig ang mga kamay kong nakapatong sa kamay ni hukom sibestero.. Hindi pwedeng mamatay si hukom sibestero dahil sya lang ang maaring pagkatiwalaan ko.

"H-hindi kita iiwan dito hukom sibestero.."

"H'wag mo na lamang akong alalahanin... Ang kailangan mong alalahanin ay ang makatakas sa kamay ni patricio.. Paano mo malalaman kung sino ang tunay na kaaway kung mananatili ka sa tabi ni patricio?"

Gulat na gulat ako ng hilain ni patricio ang braso ko palayo kay hukom sibestero.. Kasalanan ko ang lahat ng ito!! Ako ang dahilan kung bakit mapapahamak sya.

Mabilis na hinila ni hukom sibestero ang paa ni patricio kaya nabitawan ako nito.

"Tumakas kana... I-ikaw na lang ang pag-asa ng lahat, lenzy."

Halos mapatulala akong napatitig ng deretsyo kay hukom sibestero ng banggitin nito ang tunay kong pangalan. Gustong gusto kong malaman kung bakit nalaman nya ang tunay kong pangalan.. Iniisip ko kung alam din nya ang buong pagkatao ko, kung alam nyang hindi ako isang tauhan sa nobelang ito kung alam nyang ako ang dahilan ng trahedyang nararanasan ng bayan na ito ng mga main character.

"Tatanggapin ko ang aking kamatayan basta iligtas mo lang sa tadhana si thylandier.. Iligtas mo ang lalaking nagpapatibok sa iyong puso.."

Natauhan ako ng hablutin ni hukom sibestero ang laylayan ng suot kong sa'ya.

"Hindi lang si patricio ang magtatangka sa buhay ni thylandier.. Kapag napatay ng taong yun si thylandier mananatili ka na habang buhay sa loob ng nobelang ito.."

Binitawan nya ang laylayan ng sa'ya ko at sinenyasan akong tumakbo palabas ng kwartel kung saan tatlo na lamang kaming natira dahil tinamaan ng bala ang isa sa mga guwardiya civil na kasama namin sa loob.

Muli akong sinenyasan nito kaya tinalikuran kona sila ngunit hindi pa ako nakakarating sa pinto ay narinig kona ang dalawang beses na putok ng baril.

Nanginginig ang mga kamay ko ng buksan ko ang saradura ng pinto.. Matapos kong makita na wala ng buhay si hukom sibestero..

Panay lang ang pagtakbo ko papunta sa kagubatan.. Hindi ko alam kung saan ako papatungo, kung saan ako makakapagtago.

"Búscala.. No dejes de buscar.  (Hanapin sya.. H'wag na h'wag kayong titigil sa paghahanap.)"

Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw nito habang ang mga tao ay nagugulat sa pagtagilid upang makadaan ang kabayong sinasakyan ni patricio.

"Explora el bosque... (Halughugin ang kagubatan...)"

Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa maraming tao na nagkukumpulan..

"El es un general ... (Ayun po sya heneral...)"

"Jódete .. (Habulin nyo..)"

Huling salita ni patricio ang narinig ko hanggang sa bumaba ito sa sakay nyang kabayo at nakita ko na lang na humahabol na din ito.

Mabilis akong nakapasok sa loob ng simbahan hanggang sa pinasok ko ang isang maliit na bodega at dito na muna nagtago.. Sumilip din ako sa pinto na may kaunting siwang at nakita kong nakatalikod si patricio sa akin kaya naman gumapang ako palabas sa simbahan at muling tumakbo patungong gubat.

Relax lang lenzy!! Makakaalis ka din.

Napaupo na lang ako sa malaking bato ng maramdaman ko ang pagod dahil sa paglalakad ko sa loob ng kagubatan.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hawak hawak ang naninikip kong dibdib.. Dahil sa akin may mamamatay na namang tauhan sa nobelang ito.

'Tumakas kana... I-ikaw na lang ang pag-asa ng lahat, lenzy.'

May pag-asa pa nga ba talaga?

'Tatanggapin ko ang aking kamatayan basta iligtas mo lang sa tadhana si thylandier.. Iligtas mo ang lalaking nagpapatibok sa iyong puso..'

Ako ang nagtakda sa kapahamakan si thylandier.. Ako ang gumawa ng tadhana nya!!

'Hindi lang si patricio ang magtatangka sa buhay ni thylandier.. Kapag napatay ng taong yun si thylandier mananatili ka na habang buhay sa loob ng nobelang ito..'

Sino ang magtatangka sa buhay ni thylandier maliban kay patricio, SINO PA?

Naimulat ko ang aking mga mata ng makarinig ako ng mga paghakbang kaya naman tumayo ako at nagtago sa mga naglalakihang damo sa gilid ko..

"Wala na sa pwesto si patricio..."

"Talaga? Paano iyon nangyari?"

Wala na si patricio sa kanyang pwesto pero bakit nasa kwartel parin ito?

"Balita ko ay ibinalik sa pwesto ang dating heneral.. Wala naman pala itong kinalaman sa rebellion.."

"Patay na ang hukom sibestero.. Inilabas sa kwartel ang hukom at binalita na pinatay si hukom sibestero ng mga rebelde at itinapon sa loob ng kwartel kung saan namamahinga ang heneral na si patricio.."

Mas lalo akong dumikit sa mga damo para marinig pa ang mga sinasabi ng dalawang lalaki na nakaupo sa malaking bato kung saan ako nagpapahinga.

"Akala ko ba ay wala na sa pwesto ang patricio na iyon?"

"H'wag kang maingay baka may makarinig sa iyo.. Nabalitaan kong bukas ng maaga ay ibibigay na kay Ginoong thylandier ang katungkulan na nawala sa kanya pansamantala dahil pinagbintangan syang kasamahan ng rebellion."

Napabuntong hininga na lamang ako dahil tama ang naging takbo ng pag edit ko sa nobela..

'H'wag mo na lamang akong alalahanin... Ang kailangan mong alalahanin ay ang makatakas sa kamay ni patricio.. Paano mo malalaman kung sino ang tunay na kaaway kung mananatili ka sa tabi ni patricio?'

Kaaway?? Sino ang magiging kaaway ni thylandier.. Kung si patricio ay isa lamang extra sa nobelang ito dahil si thylandier ang tunay na kontrabida habang sina dairus at nathalia ang tunay na bida sa nobelang ito.

Gulong gulo na ako sa kahihinatnan ng nobelang ito..

"Malapit na din pala ang kasal ni Ginoong thylandier at Seniorita Nathalia.."

Mas lalo akong nakaramdam ng kirot dahil sa papalapit na din ang kasal ni nathalia at thylandier.. Tama nga siguro si dairus kailangan sabay naming makalimutan sina nathalia at thylandier na malapit ng ikasal.

Lenzy, Tama na!!

***   ***

Tulala akong nakaupo sa kama habang iniisip ang mga salitang binigkas ni hukom sibestero sa akin kanina.. Paulit ulit ulit kong winawaksi ang mga sinabi ni hukom sibestero pero paulit ulit naman itong pumapasok sa isipan ko.

"Ate amanda maari mo ba akong samahan bukas?"

Nakangiting tanung ni amanda sa akin ng bumukas ang pinto ng kwarto.

Tumango ako habang nakangiti sa kanya.

Paglabas nito ng aking silid ay humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata na patuloy parin tumutulo ang mga traydor kong luha.

**__**

"Ako'y naguguluhan sa iyong itinuran ngunit nais kong malaman mo na hindi ko hahayaan na ika'y ipagbili ng aking ama.. Isinama kita dito sa hacienda upang mabantayan ka at mailayo kita sa aking ama. K-kahit ilang beses kong sabihin kay ama na pabayaan ka hindi ko parin sya mapigil pigilan kung kayat sinadya kong idala ka dito sa hacienda upang hindi ka maabutan ng guwardiya civil na inutusan ng aking ama."

—. .—

"Hayaan mong tulungan kita binibining Isabel.. Hayaan mong mamalagi ako sa iyong tabi upang protektahan ka sa sino mang balak na saktan ka.. K-kahit pa ang aking sariling ama at  handa ko ding ialay ang sarili ko para sa iyong kaligtasan binibining Isabel."

**__**

Muli akong napaiyak ng maalala ang mga sinabi ni thylandier sa akin apat na araw mula ng unang pasok ko sa loob ng nobelang ito. Yun yung araw na nakapunta ako sa piging dahil dumating ang ama ni thylandier..

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinayaan muli ang pagtulo nito ng maalala ko na naman ang mga naging usapin naming dalawa.

**__**

"Nais ko sanang mahawakan ang iyong mga kamay hanggang sa kailangan ko na itong bitawan."

—. .—

"Binibini.."

Mas lalong tumindi ang pagkabog ng puso ko ng maramdaman ang napakaseryoso nitong presensya..

"May gusto akong sabihin sa iyo.."

Muli nitong habol sa akin.. Curious tuloy ako sa sasabihin nito.

" Creo que me estoy enamorando de ti "

Ano daw?? Espanyol ang salitang binanggit nya,ah.

" H-hah?? Ano ang ibig sabihin ng iyong sinabi,ginoo? "

Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan ng kakaibang aura habang nakatitig kami sa isat isa.

"Alamin mo ang ibig sabihin ng aking sinabi sa iyo, Isabel."

Gosh!! Pakiramdam ko importante ang sinabi nya sa salitang espanyol. ANO NAMAN KAYA ANG IBIG SABIHIN NUN?

"Kapag nalaman mona ang ibig sabihin ng aking itinuran gusto kong bigyan mo ako ng sagot."

Tanung kaya yun?? Lalo tuloy akong nakakaramdam ng kaba sa sinabi nya.. Kaba na hindi ko alam kung anong ibig!!

"Hihintayin ko din ang iyong kasagutan sapagkat napakahalaga sa akin ang iyong isasagot, Isabel."

**__**

Napaupo na lamang ako sa kama ng maalala na naman ang mga iniwan nyang salita sa akin noon.. Mga salitang napaka misteryoso para sa akin!!

**__**

"Magandang gabi mga ka-amigo ka-amiga.. Ako'y nagpapasalamat at pinaunlakan nyo ang aming imbitasyon.."

Napalingon ako ng magsalita ang ama ni nathalia sa harap namin.. Nagpunta naman ang ama ni thylandier sa harap at tumabi pa sa ama ni nathalia.

"Nathalia anak.."

Lumapit si nathalia sa kanyang ama at ina na nakangiti sa kanya.. Muli ko na namang hinanap si thylandier hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Nanatili lamang akong nakatayo habang ito ay papalapit sa akin.

"Thylandier pumarito ka.."

Nanatili parin akong nakatitig sa kanya at ganun din ito sa akin.

"Si nathalia ang ikalawang anak namin at ang nagiisang anak ni Don Mariano ay nakatakda ng ikasal."

Sa pagkakataong to naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.. Tumalikod ako at walang alinlangang tumakbo palabas.

**__**

"Unang sakit na naramdaman ko nung malaman kong ikakasal na si thylandier kay nathalia."

Natawa na lamang ako ng maalala ang eksena sa hacienda nila nathalia.. Kung saan una akong nakaramdam ng selos.

**__**

"A-anong kailangan mong sabihin? G-ginoong thylandier?"

Kinakabahan man ay pilit kong nilalabanan ang kakaibang pakiramdam habang nakatitig kami sa isat isa.

"Tú eres con quien quiero estar. Te amo, Isabel."

Na naman!! Kailangan ko na namang isipin ang Spanish words nya.

Panay lang ang pagiling ko habang nakatitig parin sa kanya hanggang sa unti unti kong nararamdaman ang kamay nito na nakahawak na sa akin.

"Hayaan mo sana akong makasama kapa ng matagal,binibini."

"P-patawad Heneral thylandier ngunit hindi ko maipapangako ang bagay na iyan.. I-ikakasal kana kay seniorita nathalia."

Kailangan ko ng makalabas dito ng hindi ko masaksihan ang pagiisang dibdib ng lalaking ito sa bidang babae na si nathalia at baka maibalik ko ang totoong daloy ng kwentong ako mismo ang bumuo.

Gustong gusto kong hilain ang kamay ko sa pagkakahawak ni thylandier.. Pero, mas humigpit ito at parang ayaw nyang bitawan ito.

Ano na bang nangyayari sa akin?? Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang fictional character.

"Ngunit ikaw ang itinitibok nito.."

Seryosong turan nito habang ang kaliwang kamay nya ay nakaturo sa tapat ng dibdib nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan dahil hindi naman talaga kame pwede dahil magkaibang magkaiba kami ng mundong kinakatayuan.

"Pigilan mo ang nararamdaman mo para sa akin." At pipigilan ko din ang nararamdaman ko para sayo!!

"No puedo controlar lo que siento por ti ... No puedo controlarlo porque me gusta. (Hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko para sayo.. Hindi ko kakayanin dahil gusto ko ang isinisigaw nito.)"

Nakatungo at nakatitig parin nitong turan habang nakaturo parin sya sa tapat ng kanyang dibdib.. Spanish words man ang sinasabi nya parang naiintindahan ng puso ko ang bawat salitang ibinibigkas nya habang nakatitig parin sa aking mga mata.

**__**

Unang araw na nakaramdam ako ng kakaiba at unang araw na nasaktan ako dahil sa kanya.

**__**

"ISABEL"

Unti unti kong naramdaman ang pagkakaluwag ng hawak nya sa kamay ko at unti unti ko ding nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dinadampian ang balat ko ng kakaibang lamig ng hangin kasabay nun ang nakakaaliw na tunog ng mga ibon hanggang sa maramdaman ko na lang ang layo namin sa isat isa.

At sa huling pagkakataon muling nagtama ang aming mga mata hanggang sa naramdaman ko na lamang na pumipintig ang aking ulo dahil sa sobrang sakit ay napahawak na lamang ako sa ulo..

"MAHAL KITA, BINIBINING ISABEL."

**__**

Ang unang araw na sinabi ni thylandier sa akin ang salitang MAHAL KITA.

Napapailing na lamang akong humiga muli sa kama at ipinipikit ang aking mga mata..