Naalimpungatan ako ng may bigla na lang paulit ulit na kumatok sa pinto ng silid na ibinigay sa akin.
"Ate isabel.. Si amanda ito."
Napatayo ako sa sinabi nito.. Hindi din nya ako nakilala dahil namatay sya sa unang pagkakataon at muli ko syang binuhay gamit ang pagkaka edit sa Part na namatay ito.
Naalala ko tuloy ang nangyari 5 days ago.. Tama!! Mag iisang linggo na din ako dito. NAKALABAS NA KAYA SI THYLANDIER..
"Ate isabel nais mo bang sumama sa akin?"
Nilingon ko naman agad si amanda na may dalang basket at itim na talukbong sa ulo.
"S-sige!!"
Nakangiti ko namang sagot at tumayo na sa pagkakaupo iniabot naman nya sa akin ang itim na salakot na gagamitin kong pangtalukbong.
Habang naglalakad kami ni amanda bigla itong lumingon sa akin at natitiyak kong gusto nitong magtanung.
"A-ano iyon?"
Nagtataka naman itong tumitig sa akin.. Magiisang linggo na akong namamalagi kina amanda at dairus ngunit ganun parin sa pagtitig ni amanda sa akin tiyak akong inaalam nito patago ang pagkakakilanlan ko sa kanila.
"Parang nagkita na talaga tayo noon ate isabel.. Hindi ko nga lang matandaan kung saan tayo una at huling nagkita."
Hindi agad ako nagsalita hinayaan ko syang magsalita ng magsalita habang naglalakad kaming dalawa papunta sa bayan.
"Nabalitaan nyo ba tinakasaan daw si Senior patricio ng kanyang magiging asawa.."
Ano?? Tinakasan ng magiging asawa.. Huh!! Kahit kailan hindi ko magiging asawa ang lalaking yun.
"Akala ko ba ay asawa na nya ang babaeng iyon?"
"Balita ko nga ay may sira daw ang ulo ng asawa ni Senior patricio.."
Ako may sira??
"Wala namang sira ng ulo ang binibining iyon.. At hindi din ako sang'ayon sa mga sinasabi ni Senior patricio.."
Tama tama!! Bibigyan kita ng gantimpala binibini... Magkakaroon ka ng kastilang nobyo.
"Bakit naman?? Kung sabagay mukha namang inosente ang binibining iyon nakakapagtaka ang kanyang kasuotan.."
"Marami din ang nagsasabing kerida at bayarang babae ang binibining iyon.."
Huh?? Ako bayarang babae? A-ako kerida?? Anak ng!! Talagang sisiraan ako ng lalaking yon sa maraming tao.
Gusto ata nitong makatikim ng malupit na karma!! HINDI AKO MAGIGING KERIDA NG ISANG HENERAL NA WALANG PUSO..
"Ate isabel ayos ka lang ba?"
Naikuyom ko na lang ang mga palad ko at palihim na sinamaan ng tingin ang babaeng nagsabing isa akong kerida ni Patricio..
"Totoo kaya ang mga narinig ko? Sino kaya ang tinutukoy nila.. Kilala moba ate isabel?"
Napalingon na lang ako sa daan dahil sa tanung ni amanda sa akin.
"Alam mo ate isabel ako'y nahihiwagaan sa iyo.. Pati ang kuya dairus ko ay panay din ang tingin sa iyo.. M-may relasyon ba kayo?"
Nahinto ako sa mga tanung ni amanda sa akin hindi ko inaasahan na napakadaldal pala nito.
"W-wala kaming relasyon ng iyong kuya... Tinulungan lamang nya ako."
PERIOD!! Yun lang yon amanda..
"Sayang naman!! Bagay na bagay pa naman kayo ng aking kuya.. At isa pa hindi ko gusto si ate nathalia para kay kuya dairus."
Bakit naman?
"Alam ko na ang itatanung mo sa akin.. Ayaw ko kay ate nathalia kase panay ang banggit nya kay kuya thylandier.. Nalilito daw sya sa nararamdaman nya para sa dalawang itinuring kong kuya.."
Nakalukot ang mukha ni amanda na tumingin pa sa akin.. Panay lang ang pagiling ko dahil sa sinabi nito.
"Magiging masaya ako kung ikaw ang magiging asawa ni kuya dairus samantalang si ate nathalia at kuya thylandier dahil yun naman talaga ang tama diba dahil ikakasal na sila, diba ate isabel?"
Parang paulit ulit na tinusok ang puso ko dahil sa mga sinasabi nito sa akin. KUNG ALAM MO LANG NA SI THYLANDIER ANG MAHAL KO BAKA MARAMI KA DING SASABIHIN SA AKING HINDI MAGAGANDA..
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad papunta sa loob ng palengke habang walang hinto sa pagdaldal ang kasama kong si amanda.
"Totoong nakalaya na ang dating heneral at hinahanap naman ang binibining ipakakasal kay heneral patricio.."
"Talaga?? Sino naman kaya ang binibining napakaswerte at isang heneral ang mapapangasawa?"
Mas lalo kong tinakpan ang mukha ko at gumilid sa tabi ni amanda na namimili na ng gulay para lutuin.
"Ano ngang ngalan ng binibining pakakasalan ni heneral patricio?"
Napapakamot pang tanung ng ale sa kasama nitong ale na namimili na din ng gulay na nasa tabi namin ni amanda.
"Ang ngalan ng binibining iyon ay si —— I- I- ISABEL.. Oo yun nga ang ngalan ng binibini na pinapahanap ni heneral patricio.."
Napahawak na lang ako bigla sa braso ni amanda hindi ko alam kung narinig nya ang usapan ng dalawang ale na nasa tabi namin.
"Ayos ka lang ba ate??"
Nagaalalang tanung ni amanda sa akin.. Napansin ko namang walang kaide'ideya si amanda sa mga narinig ko sa dalawang ale na kakaalis lang sa tabi namin.
Halos napalingon kami ni amanda sa nagtawag sa kanya.
"AMANDA..."
*** ***
Walang kurap akong napatitig kina dairus at nathalia na palapit na sa amin.
SA WAKAS!! MULI SILANG PINAGLAPIT NG ITINAKDA KO..
"AMANDA..."
Muling turan ni nathalia kaya naman tinignan ko lang silang dalawa habang ngingiti ngiti si nathalia kay amanda.
"May kasama ka pala!!"
Napayuko ako ng tumingin si nathalia sa akin.. AKO TO NATHALIA!!
Gusto ko mang sabihin na magkakilala na kami at alam ko namang hindi na din nya ako makikilala pa dahil sa pagedit ko ng nobela.. Dahil sa pagbalik ko sa totoong takbo ng nobela..
"Ate isabel ito si ate nathalia.."
Nakangiti si amanda ng ipakilala nya si nathalia sa akin habang halos lumaki pa ang pagkakangiti nito sa akin.
"Ate nathalia, ito naman si ate isabel.."
Ako naman ang ipinakilala nya kay nathalia na hindi parin maalis alis ang pagkakangiti nito sa akin.
"N-nagagalak akong makilala ka, Nathalia."
Nakangiti ko namang pangunguna sa kanya.
"Nagagalak din akong makilala ka,Isabel."
Ang gaan parin nyang kausap.. Hindi parin sya nagbabago napaka friendly nya.. KABALIKTARAN KO!!
"Magandang umaga sayo binibining Isabel.."
Nakangiti nitong pagbati kaya ngumiti na lang din ako sa kanyang harapan..
"M-magandang umaga din sayo ginoong, dairus."
Nakangiti ko ding balik tugon sa kanya..
"Kuya dairus, Ate nathalia magluluto kami ni ate isabel ng tanghalian.. Isama mo si ate nathalia, Kuya."
Nakangiti namang turan ni amanda sa kanyang kuya sabay tingin kay nathalia.. KITANG KITA KO NAMAN ANG PAGIGING SINCER NITO.
"Tara na ate Isabel.."
Nakangiting hinila ni amanda ang braso ko sabay tinalikuran na namin ang dalawa.
"Kuya!!"
Akala ko ay tuloy tuloy kaming maglalakad pero huminto si amanda at humarap muli sa pwesto nila dairus.
"Isama nyo na din si Kuya thylandier.."
Nakangiti naman nitong turan sabay hila sa akin at hindi na nya hinintay ang isasagot ng kanyang kapatid. THYLANDIER!!
Matapos naming magluto ay tinulungan na ako ni amanda na mag ayos sa hapagkainan habang hinihintay namin sina nathalia, dairus at thylandier.. EWAN KOBA AT BAKIT NAKAKARAMDAM AKO NG PAGKAMISS SA DATING HENERAL NA IYON.
"Nandyan na sila.."
Nakangiting isinagi ni amanda ang braso nya sa akin.. Hindi ko alam kung bakit natawa na lang ako sa kalokohan nito.
"Kuya dairus tumabi ka kay ate isabel.."
Hinila nya si dairus at itinulak palapit sa akin.. Napalunok na lang ako ng magtama ang paningin naming dalawa.. BAKIT PARANG TUWANG TUWA PA SYA?
Gulat akong napatingin kina dairus at thylandier ng sabay nilang hinila ang upuan na nasa tapat ko.. Nagkatinginan pa silang dalawa sabay nilingon ako na may ngiti sa mga labi nila. ANO TO??
"K-kain na tayo.."
Kinakabahan kong inusog ang upuang sabay nilang hinila para sana sa akin.
"Seniorita Nathalia... D-dito na lamang kayo!"
Nakangiti kong itinuro ang upuan na inusog ko.. Nang makaupo na ito ay hinila ko ang isang upuan at umupo na lang din..
Katabi ko si amanda sa kanan habang nasa kaliwa ko si dairus sina nathalia at thylandier naman ang magkatabi habang sa akin nakaharap si thylandier at si nathalia naman ay nakaharap kay dairus.
Matapos magdasal ay nagsikain na kami ng tanghalian.. Hindi ko alam kung bakit nagutom ako ngayong araw. Feeling ko napagod ako kakakain..
"Ate nathalia kailan ang kasal nyo ni kuya thylandier? Bakit parang napakabagal naman?"
Walang kurap kurap kong nalingunan si thylandier na nakatutok sa pagkain ang paningin.. Anak ka ng nanay mo amanda!! Hindi ko alam na mas lalo akong nakaramdam ng inis sa tanung ni amanda at para bang minamadali na nya ang dalawa..
"AMANDA!!"
Suway naman agad ni dairus kay amanda..
"Nais ko pang makilala ng lubusan ang aking mapapangasawa.."
Napatitig naman agad ako kay thylandier dahil sa sagot nito sa tanung ni amanda.
"Ngunit bata pa lang kayo nila ate nathalia at kuya dairus ay magkakakilala na kayo.."
Nagtatakang tanung ni amanda kay thylandier na hindi parin lumilingon sa amin.
"Magkakilala man kami ngunit ang puso ko ay iba ang kinikilala.."
Halos magsitayuan ang balahibo ko dahil sa sagot nito at ang mas lalong nagpakabog ng puso ko nung bigla nya akong lingunin kung saan pareho kaming nakatitig sa isa't isa.
"Bagay pa naman kayong dalawa.."
Sa pagkakataong yun ay napayuko na lang ako dahil may point naman si amanda dahil bagay na bagay nga talaga sila at wala na akong panalo sa kanya..
"Diba ate Isabel... Bagay silang dalawa?"
Napailing naman ako sa tanung ni amanda sa akin kaya nilingon ko sya at tumango tango bilang pag'sang ayon.
"B-b-bagay nga s-sila.."
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman ko.. MALALA NA NGA TALAGA AKO!! Ayaw kong sabihin na bagay sila dahil para sa akin kami ni thylandier ang bagay at si dairus ay mas bagay kay nathalia.
Napipilitan akong ngumiti sa lahat lalong lalo na kay amanda na halos kiligin pang tumayo at pumunta sa likod namin ni dairus.
"At bagay din kayo!!!"
Tinitigan ko si nathalia dahil alam kong narinig nya ang pangaalaska ni amanda sa akin at sa kuya dairus nya.
"Hindi ba kuya thylandier at ate nathalia.. Bagay din si ate isabel kay kuya dairus?"
Natatawang tanung ni amanda sa dalawa.. Kitang kita namin ang kainosentehan ni amanda dahil sa ginagawa nito sa amin.
"Oo..."
"Hindi.."
Nagkatinginan kami ni thylandier dahil sa sagot nito.
"A-ang ibig kong sabihin ay hindi sila bagay dahil sobrang bagay sila.."
Halatadong nahihirapang ngumiti si thylandier sa amin bago nya lingunin si nathalia na nakangiti din sa amin pero makikita mo sa mga mata nito na hindi nya nagustuhan ang tanung ni amanda at sagot ni thylandier.
"Kuya dairus bakit hindi mo muna dalhin sina kuya thylandier, ate nathalia at ate isabel sa dalampasigan?"
Nakangiti uli na kuhestiyon ni amanda kay dairus..
Narito na kami ngayon sa dalampasigan kasama ko si dairus habang magkasama sina nathalia at thylandier na nasa likuran namin.. Matapos naming tulungan ni nathalia si amanda ay pinilit pilit kami ni amanda na mamasyal muna sa dalampasigan kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kuhestiyon nito.
"Napakaganda diba?"
Nilingon ko si dairus ng magsalita ito habang nakatitig sa parin ito sa kabuuan ng dalampasigan.
"Ngunit mas maganda ang binibining kasama ko.."
Halos mapaiwas ako ng tingin dahil sa inihabol nitong turan.
Pasimple kong nilingon sina thylandier at nathalia na nasa gilid na namin ngayon.. Nanatili lang silang tahimik at nakatitig din sa dalampasigan wala ni isang nagbalak na magsalita sa kanila.
"Kung nasasaktan ka.. Maari ka namang tumingin sa akin o sa dalampasigan."
Hindi ko napansin na napatitig na lang ako kay dairus habang panay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Pigilan mona ang iyong nararamdaman sa kanya.. Masasaktan ka lang!!"