Chapter 24 - KABANATA 23

"Lenzy pasok ka!! Buti naman at na received mo ang text ko sa iyo.."

Nakangiti namang turan ni Ms. pearl pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto sa publishing-house..

"Kaya kita pinapunta dito dahil sa paiba ibang kunsepto ng nobela mo.. Ang mga karakter nagbago pati yung nararamdaman ni nathalia na para kay dairus unti unting naglaho at napunta kay thylandier.. Pinalitan moba yung bida ng nobela mo?"

Biglang kumunot ang noo ko ng sabihin iyon ni Ms. pearl sa akin.. PAANO NAMANG NAGBAGO?? HINDI KO MAN GINAGALAW ANG KWENTO.

"Si amanda na dapat ay mabubuhay sa nobelang yun ay bigla na lang namatay wala man lang kadahilanan at isa pa bakit sya nagpumiglas habang hawak hawak sya ng dalawang guardia civil?? Bakit may pupuntahan syang kakaiba at isa pa parang may kulang ang karakter sa nobela mo, lenzy."

Ano bang sinasabi ni Ms. pearl?

"Wala naman po akong ginagawa sa nobela ko, Ms. pearl—— T-teka po? P-pinatay ko ang role ni amanda sa nobela? H-hindi ko sya pinatay sa nobela.. Sina Mrs. at Mr. Lopez lang ang alam kong namatay sa nobela kaya paanong nangyari yun?"

Nakakunot at nagtatakang napatingin si Ms. pearl sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya.. HINDI KO TALAGA GINALAW ANG NOBELANG YUN..

"Pero yun ang nabasa ko sa nobela mo.. Patay na si amanda sa mismong araw ng pagpataw sa kanila ni thylandier.."

Halos mapakapit na lang ako sa sofa na malapit lapit sa akin..

"P-paanong n-nangyari yun? Wala naman akong binagong eksena at hindi ko binago ang nararamdaman ni nathalia wala din naman akong dinagdag na karakter sa nobela.."

Tinalikuran ako ni Ms. Pearl at may kinuhang IPhone Tablet sa desk nya.

"Basahin mo ng hindi ka nalilito.."

Nakangiti pero seryoso nitong turan sa akin.. Napabuntong hininga na lamang akong inabot ang nakalahad sa harapan ko.

Napapalunok pa ako habang binubuksan ang account ko at halos lahat ay nag message sa mismong watty account ko.

• Comments •

- Bakit po namatay si amanda?

- Bakit parang may kulang na karakter sa nobela?

- Bakit feeling ko wala ng nararamdaman si dairus at thylandier sa bidang babae..

- Parang kulang sa feeling si thylandier kay nathalia.. Hindi man sya yung bidang guy sa nobela dapat pinapakita at pinaparamdam nyang mahal na mahal nya yung bidang babae kase sya ang kontrabida na hahadlang sa dalawa.

- Kulang ba ng karakter? Para kaseng may ibang mahal si thylandier  na ibang karakter na wala naman sa nobela.. Parang nagmamahal sya ng invisible character haha..

- Una pa lang nakafocus ang kwento kina nathalia at dairus pero unti unting nawawala yung focus na yun sa hindi malamang dahilan.. Ganun din si thylandier una pa lang ng kabanata nakafocus sa kanya at sa lihim nyang nararamdaman sa bidang babae at ang pagkainggit nito sa kanyang matalik na kaibigan pero gaya ni dairus ay biglang nawala yun sa hindi malamang dahilan.. Ano ng nangyayari sa nobela mo Ms. A??

Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga nababasa kong comments hindi ko na din tinapos ang pagbabasa ko sa comments ibinaba kona lamang ang tablet ni Ms. Pearl at napaupo na lamang sa sofa..

"Hindi moba talaga siningitan at binawasan ang bawat scene sa nobela, lenzy? Hindi moba pinakialaman ang feelings ng mga karakter mo sa nobela?"

"H-hindi po talaga!!"

Napabuntong hininga pa ng todo si Ms. pearl sabay dampot na naman sa tablet na ibinaba ko sa desk nito.

"May laptop ka naman diba?? Basahin mo at palitan mo uli kagaya nung una.."

Napatango na lamang ako habang nakatingin sa kawalan.. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa takbo ng nobela ko.

"Ako na pong bahalang mag edit sa nobela ko Ms. pearl.. Kapag okay na pupunta ako dito."

"O'sige!! Teka may ending naba?"

Napailing ako at napalingon ng bahagya kay Ms. pearl..

"6 days pa lang po.. Wala pa pong isang buwan pero pinagiisipan ko pong mabuti ang ending."

Tatango tango naman itong inilapag muli ang tablet matapos nyang i-log out ang account ko sa watty..

"Basta kapag naedit mona.. Gumawa kana at pagisipan mona ang ending ng nobela mo.."

Nangiti naman akong tumango kay Ms. pearl bago tuluyang nagpaalam sa kanya.

Bahagya kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng maramdaman ko ang pagvibrate nito.

• Lenzy tara na kina noime at erika.. Sabi ng secretary ko wala daw akong gagawin ng dalawang araw..

- Beatrix ..

Napangiti naman ako sa text nito kaya nereplyan kona din..

• Nandito parin ako sa 'Publishing-House sunduin mo naman ako bes..

• Kanina pa ako nandito.. Tumingin ka kaya sa dinaraanan mo gaga..

- Beatrix

Halos magkanda dungaw dungaw ako dahil sa reply nito sa akin.

" Lenzy here... "

Natawa na lang ako ng makita syang dumungaw sa bintana ng kotse nya kaya dali dali akong tumakbo sa harapan kung saan pala ito naka park.

*** ***

"Buti at nakarating kayo!! Omg beatrix anlaki ng pinagbago mo.. Ganda ganda mo."

Nagtawanan kami nila erika at beatrix ng hilain sya paupo ni noime..

"Best.. Pwedeng pahiram ng laptop mo?"

Nakangiti kong bulong kay erika ng makalapit ito sa akin.

Tumango ito at kinuha nya ang laptop nya sa kwarto at ibinigay sa akin ng makalapit uli ito.

"Nagpunta kaba dito para makihiram ng laptop o magsasaya tayo?"

Nangaasar na tanung ni noime sa akin matapos nyang asarin si beatrix na tatawa tawa dahil hindi parin kami nagbabago pagdating sa pangaasar.

"Magsaya lang kayo!! Tatapusin ko lang ang pagedit ng nobela ko.."

Nakangiti kong sagot kina beatrix, erika at noime na nag aayos na sa mesa dito sa sala ng unit.

"Wait lang!! Dun muna ako sa kitchen.."

Paalam ko sa mga kasama ko bago ako umalis sa sala dala-dala ang laptop ni erika.

Buntong hininga akong umupo at nagfocus na sa watty account ko upang tignan ang mga kabanatang nawala sa daloy daw ng kwento.

Tama nga ang mga kumentong nabasa ko sa tablet ni Ms. pearl.. Hindi ko tuloy alam kung magdadagdag ba ako ng karakter o hindi na lang dahil sa kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa akin.. PARA TULOY AKONG NAGSESELOS!!

"Ayos ka lang ba?? Kanina kapa naka simangot.."

Halos mapatingin ako kina beatrix, erika at noime na nasa gilid kopa habang nakatingin sa ineedit kong kabanata.

"Bakit mopa ineedit?"

Nagaalangang tanung ni erika sa akin.

"Utos ni Ms. pearl.. Kailangan kong ibalik yung dating daloy ng nobela ko,eh."

Panay lang ang pagiling ko habang ineedit parin ang ibang kabanata na sinasabi nilang bigla na lang nagiba pati na din ang nararamdaman ng bidang lalaki at kontrabidang lalaki ibinalik ko din ang nararamdaman ni nathalia para kay dairus at isa pa binuhay ko si amanda.

Matapos kong mag edit ay halos maglaylay ang balikat ko at napasandal pa sa upuan at kinuha ko ang phone upang tignan kung anong oras..

"Magtatatlong oras na din pala ako sa pageedit.."

Bahagya kong iniikot ikot ang ulo ko dahil sa pangangalay pati na din ang mga kamay ko ay bahagya kong iniikot ikot para mawala yung pangangalay nito.

Isinaved ko kaagad ang inedit ko bago ako tumayo at humarap sa ref para kumuha ng malamig na tubig..

"Uhaw na uhaw,ah."

Napalingon pa ako kay erika na naglalakad na palapit sa mesa at inilapag sa harap ko ang blue tanduay na bukas na din.

"Hmm.. Sayo to!! Inumin mo ng makapagisip ka ng maayos.."

Tatawa tawang turan nito bago ako iwanan sa kusina ng unit nila.. Sa tingin ko hindi ako makakapagisip kapag iinumin ko ang tanduay.. Kahit kailan talaga si erika!

Napatitig ako sa laptop at mas lalong kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko ng maitapat sa akin ang larawan ni thylandier na ako mismo ang gumawa Kahit ang cover nito ay ako din ang may gawa..

— *** — ***

Nagising ako dahil sa paulit ulit na pagtapik ng mga kaibigan ko sa balikat ko..

"GOOD MORNING!!"

Sabay nilang sigaw sa tapat ng tenga ko kaya napaayos ako ng pagkakaupo sa upuan.. Nakatulog pala ako dahil sa pagod sa pageedit..

"Hindi kana namin ginising dito kagabi dahil pare-pareho tayong tumba.."

Tatawa tawang panimula ni erika sa akin.. SYA LANG KASE ANG HINDI AGAD NALALASING!!

Mabilis kong pinunasan ang labi ko gamit ang palad ko at bahagya pang napakamot sa ulo..

"Good morning din!!"

Parang lantang bati ko sa tatlo bago ko i-log out ang account ko sa watty matapos kong tignan kung naisaved ko ang mga naiedit ko kagabi..

"May pupuntahan tayo girl.."

Nakangiti namang turan ni beatrix sabay tinanguan pa nito ang dalawa naming kaibigan..

"Mamamasyal tayo sa sikat na museum at magbibigay sa atin ng kakaibang panahon.. Wala namang naka lagay sa schedule ko kaya tamang gala lang kasama kayo.."

Magiliw nitong turan sa amin at halatang halata na excited nga ito sa pag'gala.. Kung sa bagay minsan na lang kami nagkakasama dahil may kanya kanyang career.

Matapos kong nag ayos.. Nagpaalam muna ako sa tatlo na pupunta lang ako ng publishing-house pinagamit naman ni beatrix ang kotse nya sa akin.

Pagkarating ko sa publishing-house ay ipinakita ko kay Ms. pearl ang mga inedit ko gamit ang IPhone tablet nito.

"Tatawagan kita kapag nabasa kona ang mga inedit mo, lenzy."

Tumango ako at tuluyan ng nagpaalam sa kanya.. Pumunta na muna ako sa unit ko at kumuha ng maroon dress, kinuha ko din ang maroon shoulder bag ko kung saan ko nilagay ang novel ko na natapos ng gawing book ni Ms. pearl.. PAMPAWALA NG BORING then 8 inches heels. PAMPATANGKAD KO!!

Spanish Era's Museum:

Pagkabasa na pagkabasa ko ay panay lang ang pagiling ko at tinitignan ang suot kong maroon dress pati na din sa 8 inches heels ko.. KULANG NA LANG TAWANAN AKO NG MGA KAIBIGAN KO DAHIL SA SUOT KO..

"Sinong gaga ang magsusuot ng heels habang nasa ganitong lugar?"

Tawang tawa na pagpaparinig ni noime sa akin pagkapasok na pagkapasok naming apat sa museum na parang tinayo sa gitna ng gubat.. SINO BA NAMAN KASENG TAO ANG MAGPAPAGAWA NG SPANISH ERA'S MUSEUM SA GITNA TALAGA NG GUBAT NA ITO? Hindi tuloy maipasok ang kotse ni beatrix kailangan tuloy naming maglakad..

"Kung sinabi nyo sanang ganitong museum pala ang pupuntahan natin nag doll'shoes na lang sana ako."

Inilingan lang ako ng tatlo pero pinipigilan nilang wag matawa sa harap ko dahil paika ika na akong naglalakad kasabay nila.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad papunta sa museum ng mapahinto ako dahil sa pamilyar na lalaking nakatitig sa akin.. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang pagbilis ng puso ko habang unti unti akong nakakaramdam ng hilo kasabay nun ang paghampas ng malakas na hangin sa katawan ko ng mas lalo kong matanaw ang kabuuan ng mukha ng lalaking pamilyar sa akin.

Natauhan lang ako ng marinig ang isang tinig sa malayo..

"Perseguirlo !! Ni siquiera la dejes irse. (Habulin siya!! Wag na wag nyo siyang hahayaang makawala.)"