Chapter 7 - KABANATA 06

"A-ang ibig kong sabihin ay nagagalak ako na iyong ipakikila ang iyong mga kaibigan sa akin binibining nathalia."

Hindi ko inaasahan na mahihirapan akong magisip ng magandang term sa excited.. Napangiti naman ito sa akin kaya naman ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Siguradong matutuwa sina sylvia at miranda kapag nakilala ka nila binibining isabel.."

Napangiti naman ako sa sagot nito.. Sobrang bait ni nathalia kaya sigurado akong mababait din sina sylvia na anak ni Don Benidicto at Donya Olivia na parehong nanunungkulan sa kanilang bayan.. Si Don benedicto ay isang sikat na negosyante at isa ding heneral nung kabataan nito samantalang mayaman din ang pamilya ni Donya Olivia.. Samantalang anak naman ng governadorcilio si miranda sila din ang may ari ng pagawahan ng dyaryo.

"Pakikilala ko din sayo ang kababata namin ni thylandier na si Dairus.."

Halos hindi ko nabalanse ang aking pagkakatayo ng marinig ko ang ibinulong ni nathalia sa akin..

Mamemeet ko ang isa pang protagonists ng nobela ko.. Pero, baka kung ano na naman ang marinig at makita kong pangyayari na hindi angkop sa nobela na naisulat kona.

DAIRUS MATEO LOPEZ- Nag-aaral ng medisina sa UST.. Anak ng isang kilala at pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang tao. Ang ina nito ay isang mabait at mapagmahal na may bahay samantalang ang ama nito ay kilala bilang isang Heneral kung kayat sya ang namumuno sa buong lugar nila dahil sa sobrang bait nito sa kanyang pinamumunuan.

"Isabel tara na.."

Halos malula ako ng maramdaman ko ang pagyanig ng bangka na sinasakyan namin ng magtungo na ako sa pang-pang.. Shet!! Yung puso ko parang nahulog.

Natatawa naman akong inalalayan ni nathalia.

"Sigurado akong hindi ka sanay sumakay ng bangka kaibigan kong isabel. Siguro ay ito ang kauna unahang nakasakay ka ng bangka kaibigan?"

Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya dahil totoo ang sinabi nya at isa pa hindi ako marunong lumangoy kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.

"T-tama... Ito nga ang kauna unahan seniorita."

Napapayuko kong sagot sa kanya kaya nangiti lang ito sa aking harapan..

"Wag mo na akong tawaging seniorita,Isabel."

"A-ahh.. Ngunit—"

Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng unahan nya ako.

"Tawagin mona lamang akong nathalia,isabel."

Sincere nitong turan sa akin kaya hindi ko agad napigilang mapangiti sa kanya. SOBRANG BAIT NYA GRABE!!

"Nathalia.. Isabel!!"

Natawa kaming dalawa ng tawagin kami ni inay ising kaya naman napatingin ako kay Donya lina na nakangiti sa amin ni nathalia.

Tuluyan na kaming naglakad palapit kina inay ising at donya lina na may ngiti parin sa labi.

"Pagpasensyahan mona ang aking anak,iha. Sadyang napakadaldal lang talaga nito."

Tanging ngiti at tango lamang ang naitugon ko sa donya.

"Tara na.. Makikisabay na lang tayo kina binibining isabel at ising."

Nakangiti namang turan uli ni donya lina sa kanyang anak na ngumiti sa akin at sabay kaming lumapit sa dalawa.

Habang naglalakad kami at nakasunod sa likuran nila donya lina at inay ising panay ang pagkwento ni nathalia sa akin at ang topic nya ay isa sa mga kababata nito.

"Alam moba nagtapat si thylandier sa akin.. Kinikilig ako sa kanya sapagkat nangako syang ako lang ang papansin nya at ako lamang ang ngingitian nya."

No way!! Ang pagkakatanda ko si Dairus ang magtatapat kay nathalia.. Ako ang Writer ng nobela na to kaya alam ko na si Dairus ang dapat magtatapat kay nathalia.

"T-talaga!! Nagtapat na sayo ang heneral?"

Nakangiting tango nito sa akin.. Para akong nakaramdam ng paulit ulit na pagtarak ng matulis na bagay sa puso ko.

"Tila ako'y umiibig.."

***   ***

Nang makabalik kami ni inay ising dito sa panuluyan para akong nawalan ng gana habang tinutulungan ko sya sa pagaayos sa aming hapagkainan.

"Isabel tila nawawala ka sa iyong sarili.. Anong bumabagabag sa iyong isipan?"

Napalingon lang ako kay inay ising ng magtanung ito sa akin. UMAYOS KA NGA LENZY!

"Alam moba nagtapat si thylandier sa akin.. Kinikilig ako sa kanya sapagkat nangako syang ako lang ang papansin nya at ako lamang ang ngingitian nya."

No way!! Ang pagkakatanda ko si Dairus ang magtatapat kay nathalia.. Ako ang Writer ng nobela na to kaya alam ko na si Dairus ang dapat magtatapat kay nathalia.

"T-talaga!! Nagtapat na sayo ang heneral?"

Nakangiting tango nito sa akin.. Para akong nakaramdam ng paulit ulit na pagtarak ng matulis na bagay sa puso ko.

"Tila ako'y umiibig.."

Mali!! Maling lalaki ang iniibig mo nathalia.

"A-akala ko ba ay may paghanga ka kay senior dairus?"

Nagaalangang tanung ko kay nathalia na napaiwas pa ng tingin sa akin.

"P-paano mo nalamang may paghanga ako sa ginoong iyong binanggit?"

Nagtataka nitong tanung sa akin. Syempre ako ang gumawa sa nobelang ito!!

"Sapagkat nakangiti ka kanina ng banggitin mo ang ngalan ng ginoo."

Nang aasar kong sagot.. Kailangan si dairus ang bumihag sa puso mo nathalia! Si dairus ang mahal mo dahil yun ang nakatakdang mangyari.

"Magkaiba ang paghanga at pagibig,Isabel."

Nanatili lang akong naglalakad at nagmamasid..

"Sapagkat si thylandier ang iniibig ko at hindi si dairus.."

Naramdaman ko na lamang ang paghinto ko at dahan dahang napatingin kay nathalia na nakangiti at tila kinikilig pa habang nakatingin din sa akin.

Ano daw?? Para akong nabingi at napipe sa sinabi nito.

"P-p-pakiulit ang iyong sinabi nathalia.. M-mali ata ang aking narinig."

Kinakabahan kong tanung habang pilit na nilalabanan ang nakakainis na pakiramdam.

"Ang sabi ko. Magkaiba ang paghanga sa pagibig,sapagkat si thylandier ang aking iniibig at si dairus ay aking hinahangaan lamang."

Bakit ganito ngayon ang pakiramdam ko?? Para akong naaawa sa sarili ko dahil sa kakaibang pakiramdam na bigla ko na lamang nararamdaman para sa Heneral na ginawa ko.

Lenzy.. Wag kang T.A.N.G.A!! Isang fictional character lang si thylandier.. Nandito ka para malaman mo kung ano ng nangyayari sa mga Characters ng nobela mo,lenzy.

"Bakit nagkaganoon?? Si dairus dapat ang iniibig ni nathalia hindi si thylandier."

Wala sa sarili kong turan sa hangin..

"Isabel ano ang iyong tinuran?"

Napaatras pa ako ng biglang lumapit si inay ising sa akin at bahagya pa akong binulungan nito.

"W-wala po inay.."

Nangangatal kong sagot habang inaayos ang gagamitin namin sa pananghalian.

"Dito nga pala kakain ang heneral.. Isa pang kubyertos."

Napatingin ako sa pinggan na wala pa palang kutsara at tinidor kaya naman napailing akong napatingin kay inay ising na nakangiti sa akin.

"M-meron pa po tayong makakasama ina?"

Wag shunga lenzy!! Nasabi na diba..

"Darating ang heneral thylandier, Isabel."

Nakangiti nitong sagot na syang ikinailing kong muli ng marealized kong si thylandier ang darating para sumabay sa amin.