Mag iisang linggo na ako dito sa loob ng nobelang ito at pakiramdam ko unti unti ko ng narerealized ang nararamdaman ko para kay thylandier na dapat hindi maramdaman ng isang writer na gaya ko.
Mas lalo akong naguguluhan sa sinabi nito gamit ang salitang espanyol.
' Creo que me estoy enamorando de ti '
Paikot ikot ako ngayon dito sa kama ko habang pilit na kinakalimutan ang sinabi nito sa salitang espanyol na hindi ko maintindihan.. KUNG ALAM KO LANG ANG SINABI NYA SIGURADO AKONG MAY SAGOT NA AGAD AKO.
Napakaimportante naman kaya ang binanggit nya?
"Isabel narito si Senior Dairus.."
Halos manlaki ang mata kong napaupo sa kama ng marinig ang sinabi ni inay ising sa akin.. WTH!! ANONG GINAGAWA NG ISANG DAIRUS MATEO LOPEZ DITO SA PANULUYAN NI INAY ISING NA PAGMAMAYARI KO DIN NAMAN DAHIL AKO ANG LUMIKHA NG LAHAT SA NOBELANG ITO.
"Isabel,iha. Nasa ibaba ang Senior Dairus.."
Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa pagkakaupo sa kama at pinagbuksan si inay ising na halos anlaki ng pagkakangiti nito..
"Maligo kana sapagkat nagpapasama ang Senior Dairus.."
Bakit naman sa akin pa sya magpapasama??
"Opo!!"
Sagot ko na lamang sabay nagtungo sa palikuran at tuluyan ng naligo..
Nagbihis na ako ng isang sky blue na baro't sa-ya tapos nag ponytail ako at isinuot ko na lamang ang bakya na binigay ni inay ising sa akin.. Charan maganda parin ako kahit walang kolorete sa mukha
Tuluyan na nga akong nagtungo kay Dairus ang totoong bida sa nobelang ako mismo ang may gawa..
"Narito ka pala Ginoong Dairus.."
Ngumiti muna ito bago nya tanggalin ang itim na sumbrero at itinapat nya ito sa kanyang dibdib sabay yuko sa harap ko..
"Magandang Umaga sayo binibining Isabel.."
Napangiti naman ako dahil sobrang bait ni dairus kabaliktaran sa ugali ni thylandier..
"Magandang umaga din sayo Ginoo.."
Nakangiti naman nyang iniabot sa akin ang isang puting sobre na may nakalagay ang pangalan ko at ni inay ising..
"Para saan ito Ginoo?"
Nagtataka kong tanung ng makuha kona ang puting sobre para sa amin ni inay ising..
"Para iyan sa piging na gaganapin mamayang gabi, binibini."
PIGING NA NAMAN?? Wala akong isinulat na magkakaroon ng dalawang beses na piging sa nobelang to!! NABABALIW NA BA AKO??
Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng hindi ko naman isinulat..
"Maari ba kitang anyayahang lumabas.."
Wala sa sariling tumango na lamang sa kanya.. Ibinigay kona muna kay inay ising ang sobre at nagpaalam na sasamahan ko lamang ang ginoo.. Pumayag naman si inay ising ngunit ang pagpayag nito ay may halong pang aasar sa akin. Kaya naman iiling iling kong tinanguan si dairus na nakangiti lamang sa amin ni inay ising.
"Ako'y humihingi ng pasensya.. S-sapagkat inaasar tayo ni inay ising."
Tumawa lang ito na syang ikinatitig ko sa kanya dahil ibang iba sya kung tumawa.. Hindi kopa nakitang tumawa si thylandier sa harap ko panay lang ang pagngiti nito sa akin.. Yung ngiting para lamang kay nathalia.
"Wala iyon binibini... Sana'y na ako kay manang ising sapagkat mga bata pa lamang kami nila nathalia at thylandier ay si manang ising at manang berta ang lagi naming nakakasama noon.."
Nakangiti nitong paliwanag sa akin.. Napangiti naman ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na may ibat ibang katangian pa pala ang mga tauhan ng nobelang ginawa ko.
"Lagi din kaming inaasar ni nathalia noon.."
Natatawa nitong turan pero ramdam ko ang pagiging bitterness nito lalo na sa pilit na pagkakangiti nito sa akin.
"Nung una'y sinabi sa akin na may pagtingin sa akin si nathalia.. Ngunit nagkamali ako."
Kayo naman talaga ang nakatakda sa isat isa.
*** ***
"Napakasarap talaga ng street food."
Ngiting ngiti kong turan habang pinagmamasdan ang fishball at kikyam na nasa stick na hawak hawak ko..
"A-ano ang strit food binibining isabel.."
"W-wala iyon.. Wag mona lamang isipin ang aking itinuran."
Nakangiti kong sagot sabay kain uli ng fishball na nasa stick ko.
"Hindi ko inaasahang mahilig ka sa ganitong pagkain binibining Isabel.."
Muli ko na naman syang tinapunan ng tingin ng magsalita ito.. Isa kaya sa paborito ko ang mga to!!
"Sapagkat paborito ko ang lahat ng ito.."
"Talaga?? Tila magkakasundo kayo ni nathalia.. Paborito ni nathalia ang mga ito."
Napangiti naman ako sa sinabi nito.. Kung alam lang nya na ang isa sa mga katangian ni nathalia ay iniugnay ko sa katangian ko.. Ang pagguhit at paggawa ng tula at kanta ay sa akin iniugnay dahil gusto kong hangaan sya ng karamihan.
"Wow!! Talaga?? Tila magkakasundo nga kami.."
Kahit nagtataka ito ay nginitian na lamang nya ako at hindi na nagsalita pa dahil kumain na lang uli kami ng street food.. Lahat ng gusto kong kainin sa labas ng nobela ko ay nagagawa ko ng kainin dito sa loob ng nobela.. Gaya na lang ng PINAKBET.. Hate ko ang pagkaing pinakbet pero nung makapasok ako dito sa nobela ko wala akong nagawa kundi ang kumain ng pakbet.. Ang katangian naman ni manang ising ay iniugnay ko sa katangian ng mama ko na masarap magluto.
"Sa lahat ng kababaihang nakausap ko tila ikaw ang kakaiba sa kanila.. Sa iyong kilos at sa iyong pananalita."
Natauhan lang ako sa sinabi nito kaya dahan dahan akong napalingon sa kanya at ganun na lang ang epekto ng ngiti nya na kay nathalia lang din nya ipinapakita.. ANO BA TO?? NUNG UNA SI THYLANDIER NGAYON NAMAN SI DAIRUS!!
Hindi dapat sila ngumingiti ng ganito sa akin..
"Nagkausap naba uli kayo ni binibining nathalia?"
Nawala ang pagkakangiti nito ng banggitin ko ang pangalan ng babaeng itinakda ko para sa kanya.. Hindi din sya makatingin sa akin at panay lang ang pagiwas ng mga mata nito.
"Hindi pa!! Sapagkat wala akong oras makipagusap sa kanya."
Pansin ko ang pagpipilit nitong ngumiti sa akin kaya naman muli kong iniba ang usapan dahil obvious naman na ayaw nga nyang pagusapan namin si nathalia.. ANONG GAGAWIN KO NITO??
"Tikman mo ang isang to!! Ang tawag namin dyan ay siomai."
Nakangiti kong turan at iniabot sa kanya ang isang maliit na baso na may lamang tatlong pirasong siomai na nilagyan na ng toyo na may siling dinikdik na labuyo at kalamansi..
Kinuha naman nya ang iniaabot ko sa kanya at tinikman nga ito.
"Napakasarap at napaka'anghang nitong siomai.."
Napangiti naman agad ako at nilantakan naming pareho ang binili naming siomai habang palakad lakad kaming dalawa.
"Ika'y hindi taga rito,binibini."
Halos mapaatras ako ng may sumulpot na matanda sa aking harapan.. Gulat na gulat kaming pareho ni dairus.
"Hanapin mo ang daan palabas at muling baguhin ang nakatakda.. Sapagkat malaking trahedya ang mangyayari kung ika'y mananatili dito."
Bigla na lang akong nakaramdam ng takot at kaba ng talikuran kami nito at hindi na kami nilingon pa.
ANONG IBIG NYANG SABIHIN?? MAY MAGAGANAP NA TRAHEDYA NA AKO LANG ANG MAARING MAGPABAGO..
"Ayos ka lang ba binibini??"
Nagaalalang tanung ni dairus sa akin kaya naman pilit lang na ngiti at tumango na lamang ako sa kanya.
Muli kaming nagpatuloy sa pamamasyal hanggang sa naramdaman ko na lang na unti unting bumabalik ang saya at tuwa sa dibdib ko dahil ngayon lang ako nakakita ng magandang lugar kumpara sa labas ng nobela ko.. Napakasarap ng hangin at walang halong kemikal ang hanging dumadampi sakin.
Matapos ang pamamasyal namin ni dairus hindi namin napansin ang oras kaya naman inihatid na nya ako sa panuluyan dahil naalala nya na ngayon gaganapin ang piging sa ' Hacienda Sebastian ' ang hacienda nila nathalia.
"Maari ka bang sumabay sa akin mamaya?"
Biglang tanung ni dairus sa akin ng makababa na kami ng kalesa hanggang sa maihatid nya ako sa pinto ng panuluyan ni inay ising.
"Magandang hapon Ginoong Dairus.."
Napalingon kami kay inay ising ng marinig namin itong magsalita sa aking likuran.
"Pumasok kana muna senior.."
Paanyaya ni inay ising kay dairus na nakangiti lang kay inay ising.
"Sa akin na kayo sumabay mamaya manang ising.."
Turan ni dairus kay inay ising na nakatingin at pinagmamasdan kaming dalawa.
"Sige po senior.. Isabel nasa loob ang isa pang senior."
Gulat naman akong napalingon kay inay ising..
"P-pasok na ako sa loob Ginoong Dairus.. Salamat pala kanina. Ako ay nasisiyahan sa ating kwentuhan."
Nakangiti naman itong tumango sa akin.. Tumalikod na ako para pumasok ng panuluyan hanggang sa magtama ang paningin namin ni thylandier na sinasabi ni inay ising na naghihintay sa akin. ANONG GINAGAWA NAMAN NG ISANG TO DITO??
"Napag-alaman kong magkasama kayo ni dairus.."
Panay lang ang paglunok ko habang tumatango sa harap nito.. Piste!! Para akong pinaamong aso..
"Pumarito lamang ako upang ipaalam sayo na hihintayin kita sa hardin ng hacienda sebastian.. May gusto lamang akong sabihin at linawin sa iyo."
Nakangiti nitong turan bago nya ako talikuran.. Nanatili lamang akong nakatitig sa likuran ni thylandier na kakaalis lamang sa aking harapan.
"Binibining Isabel.. Kanina kapa hinihintay ng Heneral. Bakit ngayon ka lang?"
Napalingon naman ako kay Esperanza ng bigla bigla na lamang syang sumusulpot sa akin..
Esperanza ang nagiisang anak ni manong basilio ang hardinero ng panuluyan at ang lalaking laging nagiigib sa bundok para gamitin dito sa panuluyan.
"Ako nga pala si Esperanza, binibini.. Isa ako sa mga tauhan ni Aling Ising ang iyong ina."
Nakangiti nitong turan.. Natatandan kong ipinakilala pala ako ni manang ising na anak nya galing Spain.. SOSYAL NAKARATING NG SPAIN!!
"Ako si Len— este, ako si Isabel."
Ilang lunok ang nagawa ko ng marealized kong kamuntikan ko ng ibuking ang totoo kong pangalan.
"Tunay ngang napakasimple ang iyong ganda, binibini."
Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman napangiti na lang din ako sa kanya.
"Isabel.. Mag ayos kana sapagkat darating muli si Ginoong Dairus para sunduin tayo."
Tumango na lamang ako at deretsyong umakyat sa aking silid at tuluyan na din akong pumasok sa palikuran upang muling maligo para ' FRESH AKO ' sa piging na gaganapin sa Hacienda Sebastian.. HINDI KO TALAGA ISINULAT ANG PIGING NA ILANG BESES NANG NANGYARI SA NOBELANG TO!!
Matapos kong magbihis ay sinundo nga kami ni dairus hanggang sa marating namin ang hacienda sebastian..
Nagsisidatingan ang nagsisiyamanang kaibigan ng pamilya nila nathalia hanggang sa makita ko si nathalia kasama sina sylvia at miranda.. Paano ko sila nakilala dahil nga hawig ni sylvia si donnalyn at si Julia montes ay hawig naman kay miranda.
"Isabel... D-dairus"
Nakangiting binanggit ni nathalia ang pangalan namin ni dairus dahil magkatabi at sabay kaming pumasok sa mansion nila..
Kitang kita ko naman ang pagiwas ni dairus kay nathalia samantalang kitang kita ko din sa mga mata at kilos ni nathalia na nasaktan sya sa pagiwas ng kanyang kababata.
"Magandang gabi sa iyo seniorita nathalia.."
Nakangiti namang turan ni inay ising bago sya tumingin sa dalawang kaibigan ni nathalia.
"Magandang gabi sa inyo seniorita sylvia at seniorita miranda ito nga pala ang aking pamangkin si Isabel."
Nakangiti nitong turan sabay pinakilala ako.
Kunting kwentuhan at tawanan ang nangyari sa amin nila nathalia, sylvia at miranda bago tawagin si nathalia ng kanyang mga magulang.
'Pumarito lamang ako upang ipaalam sayo na hihintayin kita sa hardin ng hacienda sebastian.. May gusto lamang akong sabihin at linawin sa iyo.'
Muli kong naalala ang sinabi ni thylandier sa akin kanina kaya naman wala sa sariling inikot ng mga mata ko ang buong paligid ng mansion para mahanap ang lalaking gusto kong makita.
"Magandang gabi mga ka-amigo ka-amiga.. Ako'y nagpapasalamat at pinaunlakan nyo ang aming imbitasyon.."
Napalingon ako ng magsalita ang ama ni nathalia sa harap namin.. Nagpunta naman ang ama ni thylandier sa harap at tumabi pa sa ama ni nathalia.
"Nathalia anak.."
Lumapit si nathalia sa kanyang ama at ina na nakangiti sa kanya.. Muli ko na namang hinanap si thylandier hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Nanatili lamang akong nakatayo habang ito ay papalapit sa akin.
"Thylandier pumarito ka.."
Nanatili parin akong nakatitig sa kanya at ganun din ito sa akin.
"Si nathalia ang ikalawang anak namin at ang nagiisang anak ni Don Mariano ay nakatakda ng ikasal."
Sa pagkakataong to naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.. Tumalikod ako at walang alinlangang tumakbo palabas.