Chapter 12 - KABANATA 11

"Si nathalia ang ikalawang anak namin at ang nagiisang anak ni Don Mariano ay nakatakda ng ikasal."

Sa pagkakataong to naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.. Tumalikod ako at walang alinlangang tumakbo palabas.

Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng sakit? Hindi ko alam kung bakit ansakit sakit na malaman ang dahilan ng piging na ito. IKAKASAL NA PALA SYA!!

Nagkaroon man ng piging sa nobela ko yun ay ang announcement ng Lopez at Sebastian.. Hindi kagaya ngayon, Valdez at Sebastian!! Hindi to maaari..

"Paano ko aayusin ang gusot na ito?? Si dairus dapat ang lalaking nakatakda kay nathalia at isa pa hindi ito ang part ng announcement party nila."

Napaupo na lamang ako sa madilim at mataas na narra hindi kona pinigilan ang mga luha.. Naririnig ko na din ang paghikbi ko habang nakatanaw sa mga stars na nasa kalangitan..

Para na akong mababaliw sa kakaisip na maaring magpapatuloy ang kwento na ito na hindi naman angkop sa mga ginawa ko.. ANO BA TALAGA ANG KAILANGAN KONG MAKITA AT GAWIN?

Bakit ba nandito parin ako sa loob ng nobelang to?? Anong kailangan kong gawin para maituloy ang dating agos ng nobela kong ito? Si dairus at nathalia ang dapat na ikasal pero hindi sa ganitong kaaga dahil nasa part 2 yun at ginagawa pang libro ang part 2 ng book ko.

Tatayo na sana ako ng may mapansin akong dalawang bulto ng dalawang lalaki sa tapat mismo ng narra na kinauupuan ko.

"Ano na ang iyong plano,kaibigan?"

Napakunot bigla ang noo ko ng familiar sa akin ang boses ng lalaking unang nagsalita.

Dali dali akong nagtago sa mga halamanan na kasing tangkad ko ng hinila ng lalaking naka coat ng itim at habang nakaputing sumbrero ito.

"Sa ngayon pagtuunan mo ng pansin ang binibining nakasama ni thylandier. Sya ang magiging alas natin laban kay thylandier.."

Teka!! Teka, Ako ba ang sinasabi niyang magiging alas?

"Ngunit Ginoo.. Idadamay natin ang isang inosenteng binibini?"

"Ako'y sundin mo na lamang.. Alamin mo ang lahat tungkol sa binibini na nakakasama ni thylandier sabihin mo sa akin ang nalaman mo tungkol sa binibining iyon.. Gusto kong makita muna ang binibini bago ako gumawa ng hakbang."

Panay lang ang pagiling ko habang nakatitig sa dalawa at habang pinapakinggan ang pinaguusapan nila.

"Hindi poba si dairus ang kailangang una nyong ipabagsak!!"

Muling nangunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ng tunay na protagonist ng nobelang ginawa ko.

"Mauuna ang taong iyon.. Wag kang magalala sapagkat nakagawa na si ama ng hukay para sa dairus at sa pamilya nito."

Hindi agad ako nakapagsalita at nakagalaw ng makita ko silang umalis at nanatili lang akong nakaupo habang unti unti kong nararamdaman ang kabog ng dibdib ko.

"Binibining Isabel.."

Napatayo ako ng kusa ng marinig ko ang boses ni dairus na humahangos papalapit sa akin.

"A-ano ang iyong ginagawa dito?? G-ginoong dairus?"

Nagaalangan dahil hindi ako makapaniwalang tuloy parin ang nakatakda sa pamilya lopez.

"Ako'y nagaalala sayo.. Sapagkat nakita kitang humahangos palabas ng mansyon."

Nagaalala?? Sya ay nagaalala sa akin? Hayss SHUT UP SELF!!

"Gusto kong magpahangin at m-mapagisa.."

Nakangiti ko itong nilingon at hindi ko akalain na gwapo din ito ng malapitan at kahawig na kahawig talaga nya si DJ (Daniel Padilla)..

"Naniniwala kaba kung sasabihin ko sayo na ang lahat ng ito ay isang illusion lamang ng may akda?"

Nakakunot noo na ito dahil sa sinabi ko.. Gustong gusto kong ipaliwanag sa kanya na isa lang syang illusion ng utak ko pero hindi ko magawang sabihin iyon.

"Sana nga illusion na lamang ang lahat, kung gayon."

Ramdam ko parin na nahihirapan sya at nasasaktan sya dahil ang babaeng minahal nya ay may mahal ng iba.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa loob ng Sebastian Mansion ng may nakahawak na sa balikat ko.

"Maari ba kitang makausap."

Nagkatinginan kami ni dairus bago sabay na nilingon ang taong nasa likuran naming dalawa napaatras pa ako dahil sa sobrang gulat ng makita si thylandier na seryosong seryoso na nasa harapan namin ni dairus.

"Maari ko bang makausap ng sandali ang binibini?"

Tumango naman si dairus at nginitian ako bago nagpatuloy sa pagtalikod at pagpasok ng mansion.

"A-anong kailangan mong sabihin? G-ginoong thylandier?"

Kinakabahan man ay pilit kong nilalabanan ang kakaibang pakiramdam habang nakatitig kami sa isat isa.

"Tú eres con quien quiero estar. Te amo, Isabel."

Na naman!! Kailangan ko na namang isipin ang Spanish words nya.

Panay lang ang pagiling ko habang nakatitig parin sa kanya hanggang sa unti unti kong nararamdaman ang kamay nito na nakahawak na sa akin.

"Hayaan mo sana akong makasama kapa ng matagal,binibini."

"P-patawad Heneral thylandier ngunit hindi ko maipapangako ang bagay na iyan.. I-ikakasal kana kay seniorita nathalia."

Kailangan ko ng makalabas dito ng hindi ko masaksihan ang pagiisang dibdib ng lalaking ito sa bidang babae na si nathalia at baka maibalik ko ang totoong daloy ng kwentong ako mismo ang bumuo.

Gustong gusto kong hilain ang kamay ko sa pagkakahawak ni thylandier.. Pero, mas humigpit ito at parang ayaw nyang bitawan ito.

Ano na bang nangyayari sa akin?? Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang fictional character.

"Ngunit ikaw ang itinitibok nito.."

Seryosong turan nito habang ang kaliwang kamay nya ay nakaturo sa tapat ng dibdib nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan dahil hindi naman talaga kame pwede dahil magkaibang magkaiba kami ng mundong kinakatayuan.

"Pigilan mo ang nararamdaman mo para sa akin." At pipigilan ko din ang nararamdaman ko para sayo!!

"No puedo controlar lo que siento por ti ... No puedo controlarlo porque me gusta. (Hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko para sayo.. Hindi ko kakayanin dahil gusto ko ang isinisigaw nito.)"

Nakatungo at nakatitig parin nitong turan habang nakaturo parin sya sa tapat ng kanyang dibdib.. Spanish words man ang sinasabi nya parang naiintindahan ng puso ko ang bawat salitang ibinibigkas nya habang nakatitig parin sa aking mga mata.

"ISABEL"

Unti unti kong naramdaman ang pagkakaluwag ng hawak nya sa kamay ko at unti unti ko ding nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dinadampian ang balat ko ng kakaibang lamig ng hangin kasabay nun ang nakakaaliw na tunog ng mga ibon hanggang sa maramdaman ko na lang ang layo namin sa isat isa.

At sa huling pagkakataon muling nagtama ang aming mga mata hanggang sa naramdaman ko na lamang na pumipintig ang aking ulo dahil sa sobrang sakit ay napahawak na lamang ako sa ulo..

"MAHAL KITA, BINIBINING ISABEL."

Sa huling pagtatama ng aming paningin ay ang kanyang pagkalaho sa aking paningin.ANONG NANGYAYARI SA AKIN??