Chapter 18 - KABANATA 17

"Anong gagawin natin sa heneral na iyon?"

Halos mapahinto ako sa pagtakbo ng may marinig akong kaluskos at boses ng isang lalaki na may kalayuan ng kaunti sa pwesto ko.

Mabilis akong nakapagtago at pinakinggan ang sinasabi nila.

"Iyon ang hindi ko alam juan.. Ang sabi ni felipe ay hintayin natin ang ginoong kumausap sa kanya.."

Si Juan at Felipe ay magkapatid!! KAILANGANG MASUNDAN KO SILA!!

"Si Kuya felipe talaga kung sino sino na lang ang kinakausap makakuha lang ng malaking halaga.."

Panay ang pagiling ni Juan habang kausap ang isang lalaki.. Teka!! Kung si Juan ang nagsalita si Ernesto naman ang kasama nya ang matalik nyang kaibigan na magtratraydor din sa kanila sa huli.

Mabilis ko naman silang sinundan at bawat puno na nadadaanan namin ay dun ako palihim na nagtatago para hindi ako makita ng mga ito.

"Narito na tayo ernesto!! Nakakapagod palang magpalakad lakad.."

Natatawang turan ni Juan kay ernesto pagkarating na pagkarating nila sa kanilang tinutuluyan.

Muli akong nakapagtago sa malaking puno ng makitang nagpaalam si ernesto kay Juan na papasok na sa isang kubo.. Tumingin na muna ako sa magkabilang gilid bago ako patakbong nagtago sa likuran ng kubong pinasukan ni Juan.

"Kapatid ko pakiabot ang liham na ito kay Ginoong Dairus.. Pumaroon ka sa San Manuel at iabot ang imbitasyong ito para sa Ginoo."

Napasilip ako sa gilid ng marinig ko ang tinig ni Felipe na kausap na ngayon si Juan.

"Pagkabalik mo puntahan mo ang heneral na ating bihag dahil darating ang Ginoong nakausap ko kama-kailan lang."

"Kuya felipe!! Nais ko sanang malaman kung bakit ikaw ay pumayag na salakayin ang 'San Manuel upang bihagin lamang ang heneral?"

Kailangan ko ding malaman ang dahilan kung bakit pumayag ang isang Felipe na bihagin si thylandier. Dalawang klase ng rebelde ang ginawa ko sa nobelang ito. (Ang rebeldeng bumihag ngayon kay thylandier ang syang bubuwag sa tunay na plano dahil sa malaking pilak na ibibigay sa kanila ng lalaking nagpabagsak kina Dairus at ngayon si Thylandier naman ang kailangang pabagsakin at yun ang hindi ko hahayaan..)

Ang unang rebelde ay sina Timothy na pinangungunahan ngayon ni Don Martin samantalang ang hangad nila ay kapayapaan at katahimikan ng 'San Manuel'. Samantala, ang grupo naman ni Felipe ay labag sa balak ng unang grupo sapagkat nais nilang makakuha ng malaking gantimpala kaya naman palihim silang kumikilos na hindi naman umaaayon sa unang grupo ng mga rebelde.

"Sapagkat ang heneral na ating bihag ang magiging kamatayan ng lahat ng rebelde kung mananatili ito sa kanyang posisyon.."

Seryosong sagot ni felipe sa kanyang kapatid na napatitig pa sa kanya kaya naman mas lalo kong sinikap na malaman ang katotohanan sa kanilang dalawa.

Hindi naman agad nakaimik si Juan habang iniisip ang isinagot ng kanyang nakatatandang kapatid.

"Pero alam nating marami ang naitulong si heneral thylandier sa ating mga ibang kasamahan.."

"Hindi yon sapat para pagkatiwalaan ang thylandier na iyon.. Hindi moba naalala na ang pamilya nila ang nagpahirap sa ating ama at ina at ganoon din ang ginawa nila sa pamilya ni dairus, hindi ba?"

Natahimik naman ang magkapatid at tila inaalala ang nakaraan.

Napatitig ako sa magkapatid na 'FRANCISCO'.

**__**

(Marso 15, 1880)

Isang batang lalaki ang nakapansin sa isang magarang kalesa na tumapat sa kanilang mansyon.. Isang magiting na alkalde ang ama ng batang lalaki na nasa sampung taong gulang habang ang kapatid nito ay nasa anim na taong gulang.

"Hanapin ang hardinerong iyon at halughugin ang kabuuan ng Hacienda Francisco.."

Galit na galit na sigaw ng isang kilalang abogasya at kilalang politika ng kanilang bayan. At walang iba kundi ang kanang kamay din ng Mataas na HENERAL na si Don Mateo Lopez.. Ay si Senior Mariano Valdez ang ama ni Heneral Thylandier Valdez..

Mabilis na kumaripas ng takbo ang magkapatid na Francisco at nagtago sa likuran ng kanilang ama at ina na nagtatakang nakatingin ngayon sa lalaking nagtangkang ipahalughog ang loob ng mansyon at kabuuan ng hacienda francisco..

"Kalapastanganan ang ginagawa mong ito Senior Mariano Valdez.."

Mahinahon ngunit naroon ang maawturidad na boses ng Don Francisco..

"Mag dunos dili ka Don Francisco.. May nakapagsabi lamang sa akin na ikaw ay nakikipag sabwatan sa mga rebeldeng gustong pabagsakin ang pamahalaan.."

Nakangising turan ng Don na si Mariano Valdez na noon pa lang ay may lihim na talagang galit kay Don Francisco dahil sa pagsumbong nito sa ama ni Mariano na nakikipagkita parin ito sa kanyang kasintahan kahit may asawa na ito.

"Nagkakamali kayo ng paratang sa amin.. Kahit kailan ay hindi kami nakipagkasundo o nakipagsabwatan sa mga rebelde.."

Giit na wika ni Don Francisco sa kanyang matalik na kaibigan na ngayon ay matalik na kaaway.

Ngunit hindi naniwala si Don Mariano na ngayon ay pinadakip ang Don at Donya upang idala sa hukuman at litisin ang mga taong inosenteng inakusahan ng hindi nararapat.

Sa ganoong sitwasyon nakita ng magkapatid ang lahat ng nangyari sa kanilang pamilya kahit napa mga paslit pa lang ang mga ito. Galit at puot ang naramdaman ng magkapatid hanggang sa pagtanda nila ay dala dala nila ang trahedyang iyon sa kanilang magulang na ngayon ay wala na sa kanilang piling dahil sa pinakitang matibay na ibedensya at pagdidiin ng lalaking hindi naman kilala.

Buti na lamang at kinupkop ni Don Martin Aquino ang magkapatid na Francisco na itinuring ng ama ng magkapatid na syang nangunguna din sa rebellion..

**__**

"Kung kaya't kailangang umanib ni dairus sa ating grupo hangga't hindi pa naaalok ni ama si dairus na syang kikitil sa buhay ng heneral thylandier na iyon.."

Natauhan lang ako ng marinig ang sinabi ni Felipe na si dairus ang papatay kay thylandier.

"B-balita ko ay m-matalik na magkaibigan ang pamilya Lopez at Valdez ganun din ang senior.."

"Sundin mo na lamang ang aking inutos Juan.. Wag ka ng magtanung pa.. Pumaroon kana kay dairus upang maibigay mona ang imbitasyong ito."

Tinalikuran ni Felipe ang kapatid habang si Juan ay tahimik na nagmasid sa kanyang kuya.

Pabuntong hininga kong sinundan si Juan hanggang sa naramdaman nya ang presensya ko kaya naman nagpakita ako.

"B-binibini!! Bakit ? P-paano mong nalaman ang aming tinutuluyan?"

Halos mangatal ang boses ni Juan ng makita ako at harangan ko ito. Kailangan kong magpanggap na kasapi ng rebellion upang maniwala ito sa akin at hindi ako pagkamalang espiya ng pamahalaan.

"Ang totoo nyan gusto ko talagang sumama sa inyong grupo n-ngunit nahihiya at natatakot lamang ako b-baka hindi nyo ako tanggapin dahil isa akong babae.. K-kaya naman sinundan ko kayo nung ginoong k-kasama mo kani'kanina lamang.."

Si ERNESTO ang tinutukoy ko sa kanya.

Paiwas iwas kong turan habang panay lang ang pagiling ko ng makita sa gilid ng mata ko na nakatingin lang ito sa akin at hindi alam ang sasabihin.. KAILANGAN KONG MAGPANGGAP!!

"N-nais mong maging r-rebelde?"

Nagaalangang tanung ni Juan sa akin kaya naman nilingon ko sya at tumango sa kanya.

"Gusto kong sumanib sa inyong samahan.. M-maari ba iyon sa isang tulad ko G-ginoong Juan Francisco?"

Napansin kong nahinto ito ng marinig ang sinabi ko.

"S-sandali.. Kilala mo ako?"

Nagtatakang tanung nito.. Hindi naman agad ako nakaimik sa sinabi nito.

"O-Oo.. Hindi ba't anak ka ni Don at Donya Francisco?? Ikaw yung bunso nila anak.."