"Maghihintay ako dito.."
Nakangiti kong turan kay Juan ng makitang nasa labas si dairus. Kailangan ko syang makausap!!
"At kung sakali mang hindi mo ako makita dito sa gubat na lang tayo magkita dahil dadalawin ko muna ang aking kapatid."
Nakangiti naman akong tumango sa kanya ng magumpisa na itong maglakad sa bahay ni 'Manang Berta' kung saan namamalagi ng pansamantala ni dairus.
Nang makapasok na ito sa loob dali dali akong naglakad palapit sa likod panuluyan na pagmamay ari ni manang berta.. Kailangan kong makausap si dairus!! Sya na lang ang pag asa kong matulungan si thylandier sa kamay ni felipe.
Ilang oras pa akong namalagi sa likod panuluyan ng marinig ko na ang pagbukas ng pinto..
"Pagisipan mong mabuti.."
Seryosong tumango si dairus at ganun din si Juan na palinga linga at sigurado akong hinahanap din ako nito.
"Sige!! Pagiisipan kong mabuti.."
Nakangiting turan ni dairus sabay nagpaalam na si Juan na may hahanapin ito.
Nang makalayo na si Juan ay dali dali kong hinila si dairus papasok sa panuluyan ni manang berta.
Isinara naman nya ang pinto at humarap pa sa akin.. Napabitaw naman agad ako sa braso nya ng tumingin pa ito sa kamay kong nakahawak.
"Binibining Isabel.. May kailangan kaba?"
Nagaalalang tanung nito sa akin.. Bumuntong hininga naman ako at walang pakundangang humawak muli sa braso nya at tinignan sya mata sa mata..
"Hindi ako magtatagal.. K-kailangan ni Heneral Thylandier ang tulong mo, dairus."
Walang kurap itong humawak sa kamay ko at bahagya nya itong ibinaba nanatili ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatitig sa akin ngayon.
"P-pasensya na.. Subalit, Wala akong magagawang tulong para sa kanya."
Nawala ang pagkakakunot ng noo nito at nakita ko ang lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Ngunit—— Ikaw lang ang taong paghihingian ko ng tulong.. H-hindi maaring mawala na lang bigla ang heneral sa kanyang sinasakup——"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito sa harapan ko.
"Bakit ginagawa mo ito para sa kanya?? Bigyan mo ako ng dahilan, Isabel."
Nawalan bigla ako ng boses at hindi agad nakapagsalita dahil sa tanung nito sa akin.
Dahil mahal ko sya!!
"Tinulungan ako ni Heneral Thylandier noon.. At ngayon gusto ko ako naman ang tutulong sa kanya.. M-malaki ang utang na loob ko sa kanya——"
"Yun lang ba talaga?? O baka naman may ibang dahilan kapa, Isabel."
Halos maikuyom ko ang palad ko habang nakatitig parin kami sa isa't isa.
"Nalaman kong may nagpadukot kay thylandier habang ang ibang rebellion ay sumasalakay sa kuwartel dito sa 'San Manuel'.. Habang ikaw ay bigla na lamang naglaho na parang bula at ngayong nadukot ang heneral bigla ka na lamang sumulpot.. SINO KA NGA BA TALAGA, ISABEL?"
Halos walang kurap akong nakatitig kay dairus ng bigla nyang hawakan ang braso ko ng sobrang higpit..
"U-umalis lamang ako ng 'San Manuel' ako'y nagtungo sa laguna upang bisitahin ang aking kapatid.."
HINDI KO PWEDENG SABIHIN KUNG SINO BA TALAGA AKO!!
"Ngunit walang isabel na naninirahan sa laguna.."
*** ***
Dahan dahan akong naglalakad papunta sa kagubatan kung saan ko sinabi kay Juan na doon na lamang ako hintayin..
Hanggang sa maalala ko ang paguusap namin ni dairus na akala ko'y tutulungan akong maitakas si thylandier sa rebellion.
**__**
"Binibining Isabel.. May kailangan kaba?"
Nagaalalang tanung nito sa akin.. Bumuntong hininga naman ako at walang pakundangang humawak muli sa braso nya at tinignan sya mata sa mata..
"Hindi ako magtatagal.. K-kailangan ni Heneral Thylandier ang tulong mo, dairus."
Walang kurap itong humawak sa kamay ko at bahagya nya itong ibinaba nanatili ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatitig sa akin ngayon.
"P-pasensya na.. Subalit, Wala akong magagawang tulong para sa kanya."
Nawala ang pagkakakunot ng noo nito at nakita ko ang lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Ngunit—— Ikaw lang ang taong paghihingian ko ng tulong.. H-hindi maaring mawala na lang bigla ang heneral sa kanyang sinasakup——"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito sa harapan ko.
"Bakit ginagawa mo ito para sa kanya?? Bigyan mo ako ng dahilan, Isabel."
Nawalan bigla ako ng boses at hindi agad nakapagsalita dahil sa tanung nito sa akin.
Dahil mahal ko sya!!
"Tinulungan ako ni Heneral Thylandier noon.. At ngayon gusto ko ako naman ang tutulong sa kanya.. M-malaki ang utang na loob ko sa kanya——"
"Yun lang ba talaga?? O baka naman may ibang dahilan kapa, Isabel."
Halos maikuyom ko ang palad ko habang nakatitig parin kami sa isa't isa.
"Nalaman kong may nagpadukot kay thylandier habang ang ibang rebellion ay sumasalakay sa kuwartel dito sa 'San Manuel'.. Habang ikaw ay bigla na lamang naglaho na parang bula at ngayong nadukot ang heneral bigla ka na lamang sumulpot.. SINO KA NGA BA TALAGA, ISABEL?"
Halos walang kurap akong nakatitig kay dairus ng bigla nyang hawakan ang braso ko ng sobrang higpit..
"U-umalis lamang ako ng 'San Manuel' ako'y nagtungo sa laguna upang bisitahin ang aking kapatid.."
HINDI KO PWEDENG SABIHIN KUNG SINO BA TALAGA AKO!!
"Ngunit walang isabel na naninirahan sa laguna.."
Halos mapaatras akong napatitig sa kanya.
"Sabihin mo sa akin sino ka nga ba talaga, Isabel?? Wala kang kapatid sa laguna at hindi ka nakatira sa laguna."
Seryosong tanung nito sa akin na syang nagpaputla sa mukha ko at hindi na ako makatingin sa kanya.
Hindi ko maaaring ipaalam kahit na kanino ang tunay kong pagkatao.
"Ahh— Aalis na ako.."
Napapikit ako pagkatalikod na pagkatalikod ko dahil sa nararamdaman kong kaba.
"Sa tuwing sumusulpot ka sa aming harapan iba't ibang kasuotan ang iyong suot.. Ang iyong pananalita at kilos ay naiiba din, Isabel."
Huminga na naman ako ng malalim at sumagot sa kanya habang nakatalikod parin.
"Kung hindi mo ako magagawang tulungan ayos lamang sa akin.. I-ipangako mo sa akin na hindi ka tutuloy sa imbitasyong iyan at sana ay wala kang balak na patayin ang iyong matalik na kaibigan.."
Wala na akong narinig pang salita mula sa kanya kaya naman mabilis akong lumabas ng panuluyan ni manang berta na hindi na lumilingon pa sa kanya.
Sana malinawan ka dairus!! Dahil nangako ako sa iyong kapatid na hindi kita pababayaan..
"MARAMING HAHADLANG SA INYONG PAGMAMAHALAN, IJA."
Napailing akong napalingon sa isang matandang babae na bigla na lamang sumulpot sa aking tagiliran.
"HANAPIN MO ANG DAAN AT PIGILAN ANG PAGDANAK NG DUGO!!"
**__**
"Binibining Isabel.. Saan kaba nagtungo?? Ipakikilala sana kita kay Ginoong dairus kanina.."
Halos magulat akong napalingon kay Juan pagdating na pagdating ko ng gubat.. AKALA KO'Y UMALIS NA ITO NG HINDI MAN LANG AKO HININTAY.. Pursigido na akong sumama sa samahan ng rebellion upang malaman kung ano ang plano nila kay thylandier at ng mailigtas ko sya.. HINDI KO INAASAHAN NA TATALIKURAN NI DAIRUS SI THYLANDIER AT MAS LALO AKONG KINAKABAHAN DAHIL SA SINABI NG MATANDA SA AKIN KANINA..
"P-pasensya kana.. Nagtungo ako sa aking kapatid at ipinaalam sa kanya na mawawala ako ng ilang linggo.."
Pilit na ngiti kong sagot kay Juan na patango tango naman agad sa akin.. Anong ibig sabihin ng matandang iyon?
"Samahan mo nga pala ako ngayon ate isabel.. Pupunta tayo ngayon kung saan itinago nila kuya felipe ang binihag na heneral.."
Nagulat naman akong napalingon at napatango na lang kay Juan ng hilain na ako nito at sabay na kaming tumatakbo papunta sa gitna ng kabundukan ng Cuyapo.
Makalipas ang Ilang minuto ay hingal na hingal kaming napahinto sa tapat ng isang kweba..
"D-dito itinago ang h-heneral na bihag nyo?"
Nagaalangang tanung ko kay Juan na ikinatango lamang nito.
"Isa ito sa lihim ng aming samahan.."
Napapatango tango game sagot ni Juan habang nakatitig sa kuwebang kaharap namin ngayon.
"K-kilala moba kung sinong heneral ang binihag nyo?"
"Ang heneral na iyon ang anak ng mortal na kaaway ng aming ninuno.. N-nagkaroon ng ugnayan ang Francisco at Valdez noon. Ang pagkakaalala ko ay matalik na kaibigan ni ama ang Mariano Valdez na ama ng heneral na bihag namin ngayon subalit pinaratangan ang aming ama at ina.. Nilitis sa hukuman ang pagkakasala nila ama at ina na wala namang katotohanan.. At ang hatol sa kanila ang syang dahilan kung bakit ninanais naming maghiganti sa lahat ng opisyal na sangkot sa pagkamatay nila."
Malungkot na kwento ni Juan sa akin habang nakatayo parin kami sa tapat ng kuwebang ito.
Kung alam mo lang na isa lamang itong nobela siguradong mas masakit ang lahat.. Ako ang nagtakda sa kamatayan ng inyong pamilya,Juan.