Chapter 21 - KABANATA 20

"Buti naman at narito ka binibining isabel.."

Halos napaayos pa ako ng pagkakatayo at bahagyang napatingin sa mga kasamahan namin. AKO LANG PALA ANG NAG-IISANG BABAE!!

"Araw ng sabado lulupigin natin ang mga guwardiya civil sa kwartel ng 'San Manuel' upang sa gayon ay maangkin natin ang mga armas na naroon.."

Panimula naman agad ni patricio sa usapin habang ako inaalala kung naitakas na nga ba nila esperanza at dairus si thylandier.

"Tuluyan ng naglabas ng sulat ang gobernador heneral tuluyan na ngang mapapalitan ang dating heneral na ngayon para sa kanila ay nawawala at kailanman ay hindi na nila masisilayan ng buhay.."

Nakangising pahabol ni patricio habang nagpapaliwanag pa ito.. Hindi ko naman namalayang sa sobrang lutang ko ay nagawa ko pang kuwestiyunin ang sinasabi nito sa aming harapan.

"Kung ikaw ang magiging bagong heneral ng 'San Manuel' hindi kami magiging ligtas sa kamay mo dahil alam mo kung nasaan ang samahan."

Wala na akong pakialam kung ano pa ang iisipin nila!! Iniisip ko din naman ang kaligtasan ng samahan kapag nawala sa posisyon si thylandier at mapalitan ni patricio.. MALAKING PROBLEMA TO SA NOBELA KO!!

"Binibining Isabel may isang salita ako.. Hindi ako nanlalaglag ng isang kapanalig.."

Makahulugang turan ni patricio habang nakangisi parin sa akin bago muli itong nagpaliwanag ng planong paglusob ng kwartel sa 'San Manuel'.

"Juan at Ernesto kayo ay maatasan kong maging espiya ng kwartel samantalang si Nitong naman ang magiging hudyat ng ating pagsalakay.."

Rinig kong turan naman ni felipe..

"Isabel ikaw naman ang magiging tagapag hatid ng imbitasyon at sulat sa magiging bagong heneral ng 'San Manuel'.."

Napalingon ako ng tawagin ni felipe ang pangalan ko.. Balak kopa sanang tumanggi ng isagi ni Juan ang braso nya sa akin at palihim na isinenyas na wag na akong tumanggi pa dahil hindi na yun magbabago.

Walang imik akong tumango at inirapan si patricio na ngingisi ngisi lang sa akin.. Nakakainis talaga ang pagkakangisi nito,eh.

"Tapos na ang pagpupulong na ito umalis na kayo maliban sa iyo binibining isabel.."

Naikuyom ko na lang ang palad ko sa sobrang badtrip ng ituro ako ni patricio na magiging bagong heneral 'kunno'..

Nagsi'alisan naman ang ibang miyembro ng samahan na nakisalo sa pagpupulong habang sina felipe, juan at ernesto ay kasama ko sa loob kasama din si patricio na syang nagsabing maiwan ako sa loob. Akala ko nung una ay makakasama ko pa sila pero sinenyasan ni patricio sina Felipe,Juan at Ernesto na lumabas ng opisina ni patricio kaya naman balak kong sumunod sa kanila ngunit sinenyasan na akong maupo sa harapan ni patricio na hindi parin tinatanggal ang nakakaumay nitong ngisi.

**__**

"Kung may balak kang maging espiya sa mga rebellion nais kong alamin mo kung ano ang magiging plano ng samahan lalong lalo na si patricio.."

Napaangat ang tingin ko kay dairus ng magsalita itong muli habang abala naman sa pagbabantay si esperanza na syang magdadala kay thylandier.

"A-anong binabalak mo kung ganun?? At bakit nag iba ang desisyon mo?"

Wala sa sariling tanung kay dairus.. Tinanggihan nya ako tapos ngayon malalaman kong tutulungan nya akong itakas si thylandier.

"Sasabihin ko sayo ang lahat basta't mag iingat ka kay patricio.. Hindi agad mabilis mapapaniwala ang isang yon. Kaya pag ingatan mo ang mga sasabihin mo sa kanya.. Pagisipan mo din ang mga kilos mo baka mahalata ka nya, isabel."

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nito kaya naman napatango na lang ako sa kanya.

"Wag ka din magpapa linlang sa kanya, isabel."

**__**

"Malalim ang iyong iniisip binibining Isabel.. Nais mo bang sabihin sa akin ang iyong iniisip ngayon?"

Nakakalokong tawa ang narinig ko mula kay Patricio na syang pagbalik ng ulirat ko.

"Bakit ko naman kailangang sabihin sa iyo ang iniisip ko? Maaari ko namang sarilinin ito, senior."

May diing sagot sa kanya na syang nagpatawang muli.. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

Wala naman sigurong nakakatawa sa sinabi ko,ah.

"Matapang ka Isabel.. At wala kang kasing tulad,Isabel. Nakakahanga!!"

Nawala ako sa control ng inis na tumayo sa pagkakaupo at masamang nakatingin kay Patricio.

"Aalis na ako.. Hinihintay ako nila Juan sa labas,senior."

May diing sagot ko kay Patricio na humihithit na naman ng tobacco sa harapan ko habang sinubukan pakalmahin ang aking sarili dahil sa inis na bumalot sa akin simula ng makilala ko ang lalaking ito.

"Gusto ko ang tapang na ipinapakita mo, Isabel. Ikaw ang babaeng gugustuhin kong makuha."

Napapikit na lang ako sa sobrang inis ng makaharap na ako sa pinto ay hindi kona ito pinansin pa tuluyan ko ng pinihit ang saradura ng pinto.

"Nawawala ang bihag sa kweba,senior Patricio."

Halos mapatagilid ako dahil sa pagsalubong ni Ernesto at Felipe na nagmamadaling makapasok ng opisina ni Patricio.

Nakita ko namang patakbo din si Juan kaya naman hinila nya ako papasok sa loob ng opisina para hindi kami paghinalaan ng mga ito.

"Hindi maaaring mawala si thylandier.."

Galit na galit na sigaw ni patricio sabay senyas sa mga ibang guwardiya civil na hanapin ito.

Nanatili lang kaming nasa gilid ni juan habang nakatingin kay Patricio na bigla bigla na lang nagwala sa loob ng opisina habang nakaharap parin kami.

"Paanong nawawala ang bihag? Hindi bat bakal ang ginamit nating pantali sa thylandier na iyon.."

Mababakas ang galit at inis sa mukha at pananalita nito habang nakatingin kina Ernesto at Felipe na nakatayo lang sa gitna at nanatiling nakaharap kay Patricio na namumula na sag alit.

Sana naman naitakas ni esperanza si thylandier.

"Magaling ang taong nakatanggal ng mabilis sa bakal na pinangtali natin sa heneral na iyon."

*** ***

'Wag ka din magpapa linlang sa kanya, isabel.'

Halos makagat ko ang ibabang labi ko ng maalala ang huling sinabi ni dairus sa akin kanina.

"Ate Isabel.. Naitakas ng maayos ni esperanza si heneral thylandier."

Marahan ako nabalik sa realidad ng may nanghila sa akin.. Panay naman ang pagiling ko ng makita ang seryosong mukha ni Juan kaya naman bigla kaming nagtago ni Juan ng mahila ako nito na ikinagulat kopa.. BUTI NA LANG AT HINDI NAGHINALA SI PATRICIO..

"Sa tingin mo naghihinala ba si senior patricio at ang samahan?"

Nagaalala kong tanung kay Juan.. Tumingin naman ito sa akin at nakita ko ang pagkakalunok nito.

"Ano bang plano mo ate Isabel?"

Seryoso nitong tanung sa akin kaya naman ako ang napapalunok sa harap nito.

"Hindi pa dito magwawakas ang buhay ni heneral thylandier.. Hindi sya pwedeng mapatay ng Patricio na iyon."

Napapayukong sagot ko sa kanya na ikinagulat pa nito sa mga sinabi ko.. Tila sinusundan pa nito ang ibig kong sabihin.

"Tila may espesyal kang nararamdaman sa heneral na iyon ate Isabel?? Meron nga ba o may ibig kang plano?"

Hindi agad ako nakapagsalita sa tanung ni Juan sa akin. ANONG SASABIHIN KO NGAYON?

"Kung may plano ka ate Isabel sabihin mo sa akin handa akong tumulong dahil may nararamdaman akong kakaiba sa senior Patricio na iyon.. Hindi ko lubos maibigay ang tiwala sa senior na iyon."

Matapos naming mag usap ay sabay kaming nagtungo sa kubo nila ni felipe ngunit napatigil ako ng may marinig akong pamilyar na boses na nagmumula sa loob ng kubo. Napahinto din si Juan dahil na din siguro pamilyar ang boses nito.

"Nakapag'isip kana ba sasama kana ba sa samahan?"

Rinig naming tanung ni felipe sa kausap nito na nasa loob ng kubo kaya naman mas lalo naming idinikit ang tenga namin ni Juan sa may pinto mismo ng kubo kung saan naririnig namin ang dalawang boses na naguusap.

"Hindi pa ako handang makisama sa samahan felipe.. May nais lamang akong tanungin sa iyo?"

Teka!! Si dairus ba yon?

"Ano naman iyon?"

Rinig na rinig namin ang pagkabigla at kakaibang garalgal ng boses ni felipe.

"Patricio ang ngalan ng senior na nakakausap mo hindi ba?"

Sa tono pa lang ni dairus alam kong may kakaibang inis sa boses nito.

"Nakita kitang sumama kay Patricio.. Si Patricio din ang nagutos na dukutin ng inyong samahan ang heneral?"

Hindi naman agad nakapagsalita si felipe ng iconfirm ni dairus ang gusto nyang sabihin.

"Wag na wag kang magtitiwala kay Patricio, felipe. Parehong pareho lang sila ng kanyang ama."

Hindi man pagbabanta ang sinabi ni dairus alam mong naroon ang sinsero at seryosong pananalita nito.

Matapos ang usapan ng dalawa ay hinila ko palayo si Juan at kunwari ay pabalik pa lang kami ng kampo.

"Maglakad ka lang juan."

Palihim akong natatawa kase bigla bigla na lang syang nagrereklamo dahil sa paghila ko sa kanya palayo sa kubo at kunwari na pabalik pa lang kaming dalawa.

Nawala ako ng maalala ang huling narinig ko kay Patricio.

'Gusto ko ang tapang na ipinapakita mo, Isabel. Ikaw ang babaeng gugustuhin kong makuha.'

Halos mapalunok na lamang ako ng maalala na naman ang huling linya nito na syang mas ikinainis kopa.

SIGURADONG MAGUGULO NG TULUYAN ANG NOBELANG ITO.

Pana'y na lang ang pag iling ko ng makita si dairus na nakahinto kasama si felipe at seryoso parin silang naguusap na dalawa.

"Narito na pala kayo... Binibining Isabel ito nga pala si Senior Dairus .."

Nakangiting pagpapakilala ni felipe si dairus na seryoso paring nakatingin sa akin kaya naman yumuko ako at kuwaring hindi sya kilala.

"Senior dairus ito naman si binibining isabel.."

Turan muli nito sabay tingin kay dairus na nakatingin parin sa akin... Hindi ko naman alam kong ano dapat gawin.

"Magandang hapon,senior dairus."

Hindi talaga ako sana'y sa ganito!!

"Magandang hapon binibini.."

Bukod sa amin ni dairus pati si Juan ay alam nyang magkakilala na kami nito kaya naman nakakaramdam ako ng guilt dahil sa akin ay naglilihim si Juan sa kanyang kuya felipe.

Nagpaalam naman na si dairus at inihatid na sya ni felipe kaya naman gulat akong napalingon kay Juan ng kalbitin ako nito.

"B-bakit?"

Nagaalangang tanung ko ng makita ang ngiti nito habang inginunguso nguso pa sa akin si dairus na umalis na kasama si felipe.

Umiling lang ako at wala sa sariling pumasok ng kubo at nagtungo sa silid na itinuro sa akin ng magkapatid na francisco.

**__**

"H-heneral.."

Mabilis kong hinawakan sa mukha si thylandier ng makita ang panghihina nito na syang ikinabahala ko.. HINDI PWEDENG DITO MATAPOS ANG CHARACTER NI THYLANDIER..

"Nandito ako para itakas ka.. Wag kang mag-alala maitatakas din kita ditto,pangako."

Mangiyak ngiyak kong bulong habang nakayakap na ngayon kay thylandier na nanatiling nakapikit.

"I-isa kang r-rebelde.."

Hindi makapaniwalang bulong n thylandier sa akin.. Habang hindi na huminto ang luha na kanina kopa pinipigilan.KASALANAN KO TO!!

"H-hinanap kita, isabel. N-ngunit narito ka lang pala sa kuta ng mga r-rebelde.."

Hindi agad ako nakapagreact ng marinig ang panghihina nito at pinipilit pa nitong magsalita.. dahil na din sa galit ng tono nito sa pananalita ay hindi ko alam ang isasagot sa'kanya.

"Itatakas kita.. W-wag ka ng magsalita pa dahil alam kong nahihirapan kang magsalita thylandier."

Napayakap akong muli sa kanya ng magtangkang magsalita uli ito.

"Sasabihin ko sayo ang lahat.. W-wag ka lang magsasalita. Lahat ng gusto mong itanung sasagutin ko basta hayaan mo akong tulungan ka gaya ng pagtulong mo sa akin, thylandier."

**__**

"Ate Isabel kakain na tayo.."

Nabalik ako sa ulirat at napatayo ako sa pagkakaupo sa banig ng marinig ang boses ni Juan..

"Lalabas na ako.."

Tumayo ako sa pagkakaupo at sumunod kay Juan sa ibaba..

"Pupuntahan natin si kuya dairus sa kabilang bayan.. Ginagamot na daw si heneral thylandier ni manang berta."

Napangiti akong tumango kay juan at nakisabay na sa paglalakad.

"Salamat pala sayo.."

Ngumiti at tumango ito bago tahimik na humarap kina felipe na nakaupo..

"Nga pala isabel pinapapunta ka ni senior Patricio sa kanyang opisina bukas.."