Chapter 20 - KABANATA 19

"Magandang hapon senior.."

Nakangising turan ni Juan kay thylandier na halos duguan ang mukha at tila pinahirapan na nila ito.

Gusto ko mang lapitan si thylandier hindi ko magawa dahil kasama ko si Juan. Kailangan ko munang maging espiya ng magkaroon na ako ng ideya kung bakit ako nakakapunta dito sa loob ng nobelang ito.

Titingin na sana ako kay thylandier ng biglang may dumating kaya naman tinakluban ko ang mukha ko at nagmamadaling lumapit kay juan.

"May tao juan.."

Bulong ko sa kanya kaya naman tinanguan ako nito na magpunta sa gilid kung saan nakadapa si thylandier habang nakalaylay ang ulo nito at hindi makatingin ng maayos sa amin dahil na din sa mga pasa at paso na natamo nito sa mga traydor na rebelde..

Mabilis kong tinakpan ang mukha ko at gumilid sa tabi ni thylandier na hanggang ngayon ay nakapikit parin ang mga mata habang nakalaylay ang ulo nito at nakagapos ang mga paa at kamay habang nakaluhod.

"Juan.. Bakit narito ka?"

Tanung ng lalaking kararating lamang kasama ang isa pang lalaki.

"Inutusan po ako ni kuya felipe na magtungo dito, Senior."

Nakayukong sagot ni Juan sa lalaki.. Gusto ko mang lingunin si thylandier ngunit mas naging interesado ako sa lalaking kaharap ngayon ni Juan.

SINO NAMAN ANG LALAKING TO?

"Ganun ba!! Marahil inutusan kang tignan ang heneral na ito.. Wag kang mag-alala,Juan. Ako ng bahala sa lalaking ito at pakisabi kay felipe na hindi ko makakalimutan ang pinagkasunduan namin."

Halos mangatal na ako sa pagkakatayo ng magtama ang mata namin ng lalaki na ngayon ay papalapit na din sa pwesto ko.

"May kasama ka palang binibini.. Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo binibini?"

Kitang kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki habang tinatanung ako nito hanggang sa mahawakan nya ang talukbong na nasa ulo ko at mapakunot ang noo nitong tumingin pa sa akin.

"Senior, Ito si binibining Isabel.. Isa sa aming samahan."

Nakita ko ang pag-angat ng ulo ni thylandier at kasabay nun ay ang paglingon nito sa akin na syang pagtama ng paningin naming dalawa.

Halos walang kurap itong nakatitig sa akin.. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Binibining Isabel tila pamilyar ang iyong pangalan.."

Nakangisi namang turan nito sa akin na syang ikinabahala ko.

"Nagkita naba tayo?"

Muli nitong tanung habang nakataas pa ng kaunti ang gilid ng labi nito habang nakatitig sa akin.

"P-pasensya na!! Ngunit ngayon lamang kita nakita.."

Inis kong sagot sa kanya na mas ikinangisi nito sa harapan ko.. Napaatras pa ako ng kaunti at napalingon kay thylandier ng tumikhim muna ito bago sinalubong ng masamang tingin ang lalaking kaharap na nito. Ganun na lamang ang gulat ko ng tumingin ito sa akin habang ang mga mata nito ay may gustong ipahiwatig hindi din sya makapagsalita dahil sa pasa sa mukha nito at may basag pa ang labi nito.

Muli akong napaatras hanggang sa wala na akong maatrasan pa.

"At isa pa hindi ako interesado na makilala ka senior.."

Nakangising sagot ngunit nasa kaloob looban ko ang inis sa lalaking hindi ko naman makilala dahil sa kakaibang aura nito at nakakakabang presensya.

Napatitig ako sa mukha ng lalaki ng mawala ang pagkakakunot sa noo nito habang hindi parin matanggal tanggal ang pagkakataas ng gilid ng labi nito habang nakikipag-pataliman ng titig sa akin.

"Hindi ko akalaing may tapang ang isang ito, juan."

Bahagya naman akong napalingon kay thylandier ng iunat nito ang kanan nitong kamay para abutin ako.. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng ipukpok ng lalaki ang hawak nyang malaking baril sa mukha ni thylandier.

Halos paulit ulit akong napamura sa isipan habang matalim na nakatingin sa lalaking nakangisi habang nakatingin kay thylandier na nanghihina na dahil sa mga natamo nito. KAILANGAN KO NG MAKAISIP NG PARAAN PARA MAITAKAS KO NA AGAD SI THYLANDIER!!

"Juan dalhin mo sa akin ang binibining ito sa aking opisina.."

*** ***

Sinenyasan ako nito na maupo habang sya ay itinaas ang mga paa sa mesa habang nakangisi parin sa akin..

PARANG FAMILIAR TALAGA SA AKIN ANG BOSES NYA PATI  YUNG PAGKAKAANGAT NG GILID NG LABI NITO.

"May sasabihin kaba bago kita bigyan ng palugit sa iyong kaligtasan at sa iyong pananahimik.."

Nakangising turan nito habang nililibot kunwari ang paligid ng opisina nito at bahagya pang kinuha ang isang tobacco at hinithit pa nito.

Nanatili lamang akong masamang nakatitig at tahimik sa harap nito.

"Anong ginawa mo sa bihag na heneral?"

Wala sa sariling tanung ko sa lalaking humihithit ng tobacco habang nakababa na ang mga paa nito at ang kaliwang kamay naman ay nakapangalumbaba sa mesa habang ito'y nakatingin sa akin.

"Tila may pakiwari'y akong ikaw ay may pakialam sa kaibigan kong heneral na iyon binibini.. Hindi ko mawari kung magkakilala nga ba kayo ng dati kong kaibigan na isang heneral."

Seryoso ngunit naroon ang sarkasmo sa pananalita nito habang unti unting nababawasan ang pagkakakunot ng noo nito.

"Isa paring heneral ang ginoong iyon.. Maaring manganib ang buong samahan dahil sa iyong padalos dalos na desisyon, Senior."

"Isa din naman akong heneral, binibini. Kung mawawala ng maaga ang heneral na iyon ako na mismo ang papalit sa kanya ng sa gayon ay hindi na matunton ang samahan.."

Isa kang traydor!! Alam kong gagamitin mo ang pagiging heneral makuha lang ang gusto.

"Paano naman kami magtitiwala sayo, Senior? Ngayon ipinapakita mona ang tunay mong katauhan sa samahan.. Paano naman kami makakasiguro na ligtas kami sa iyong kamay?"

Kitang kita ko ang pag baba ng panga nito at ng matauhan ay tumawa ito na parang baliw. O BAKA NAMAN BALIW NA TALAGA ITO?

"May isang salita ako binibini.. Key'bago bago mo pa lamang dito sa samahan tila nagiging mapangahas kana sa iyong kaharap na heneral."

"Hindi kase ako madaling mapaniwala at hindi din ako sumasang'ayon sa iyong kagustuhan."

Napipikon kong sagot at kasabay nun ang pagtayo ko sa upuan na nasa harapan nito.

"Maari na po ba akong umalis, Senior? Hinihintay po kase ako ni Juan sa labas.."

Umikot ang bilog ng mga mata ko at palihim na kumusilap sa lalaki na bigla na lang tumayo at lumapit naman sa akin.

"No me gusta lo que dijiste.. (Hindi ko gusto ang pananalita mo..)"

Marahan akong napalunok kahit na hindi ko man lang naintindihan ang sinabi nito gamit ang salitang kastila.

"Pero te daré este coraje.

(Ngunit pagbibigyan kita sa kapangahasan mong ito.)"

Nakangising turan nito sa harapan ko at bahagya itong tumawa na parang nasisiraan na ng bait.

"Hindi ko man naintindihan ang sinabi mo alam ko namang may masama kang binabalak sa samahan.."

Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ko ito talikuran at inis na lumabas ng opisina nito.

Mabilis kong napansin na wala ng katao tao sa paligid kung saan nakalagak ngayon ang katawan ni thylandier na hinang hina parin dahil sa ginawa ng mga tauhan ng lalaking nakausap ko kanina lang.

Tumingin muna ako sa kabuuan bago ako pumasok sa loob ng kuwebang kinalalagyan ni heneral thylandier.

"H-heneral.."

Mabilis kong hinawakan sa mukha si thylandier ng makita ang panghihina nito na syang ikinabahala ko.. HINDI PWEDENG DITO MATAPOS ANG CHARACTER NI THYLANDIER.

"Nandito ako para itakas ka.. Wag kang mag-alala maitatakas din kita dito,pangako."

Mangiyak ngiyak kong bulong habang nakayakap na ngayon kay thylandier na nanatiling nakapikit.

"I-isa kang r-rebelde.."

Hindi makapaniwalang bulong ni thylandier sa akin.. Habang hindi na huminto ang luha na kanina kopa pinipigilan.. KASALANAN KO TO!!

"H-hinanap kita, isabel. N-ngunit narito ka lang pala sa kuta ng mga r-rebelde.."

Hindi agad ako nakapagreact ng marinig ang panghihina nito at pinipilit pa nitong magsalita.. dahil na din sa galit ng tono nito sa pananalita ay hindi ko alam ang isasagot sa'kanya.

"Itatakas kita.. W-wag ka ng magsalita pa dahil alam kong nahihirapan kang magsalita thylandier."

Napayakap akong muli sa kanya ng magtangkang magsalita uli ito.

"Sasabihin ko sayo ang lahat.. W-wag ka lang magsasalita. Lahat ng gusto mong itanung sasagutin ko basta hayaan mo akong tulungan ka gaya ng pagtulong mo sa akin, thylandier."

Nakikiusap kong turan habang nakayakap parin sa kanya.. Tuluyan na akong humarap at bahagyang pinunasan ang aking mga luha.

"Bukas na bukas din ay itatakas kita dito.. Habang nakikipag-usap ang samahan sa lalaking nagtangka sayo itatakas kita kahit anong mangyari.. H-hindi pa ito ang wakas mo, heneral thylandier."

Nakangiti kong pinunasan ang luha nito na syang ikinagulat ko.. HINDI KO AGAD INEXPECT NA MAKIKITA KONG MULI ITONG MALUHA!!

Kinabukasan, Maaga akong nagising ng makarinig ako ng ilang beses na katok mula sa kubo nila Juan at Felipe..

"Ate isabel nais kang makausap ni kuya felipe.."

Napahinga naman ako ng malalim bago pagbuksan si Juan.. Sya din ang nagpakilala sa akin kina Ernesto at Felipe na hanggang ngayon ay kinukuwestiyon parin ako kung bakit nagpumilit akong sumama sa kanilang samahan.

"Totoo bang gusto mong sumama sa aming samahan?"

Nakatangong tanung ni felipe sa akin pagkababa na pagkababa namin ni Juan sa kubo.

Tumingin na muna ako kay Juan bago nakasagot sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Oo!! Nais kong sumama sa inyong samahan, ginoong felipe.."

Napapalunok at napapaiwas ng tingin sa kapatid ni Juan.

"Kung gayon magsisilbi kang tagahatid ng sulat sa magiging bagong heneral.."

Nakangising turan nito na syang ikinabigla ko.. MAY BAGONG HENERAL?

"S-sino ang magiging bagong heneral?"

Wala sa sariling tanung habang nanlalaki pa ang mga mata kong nakatitig ngayon kay felipe.

"Walang iba kundi ako,binibining Isabel."

Halos mapaikot ako sa taong nagsalita sa aming likuran ni juan. HINDI AKO MAKAPANIWALANG NAPATITIG SA LALAKING KAUSAP KO LANG KAHAPON.

"I-ikaw?"

Hindi makapaniwalang turo ko sa kanya na mas ikinangisi nito sa aking harapan.

"Oo ako nga!! May problema ba dun binibining isabel?? Tila hindi mo ata nagustuhan ang iyong nalaman?"

Napapailing akong napaharap kay felipe na ngayon naman ay nakangiti sa amin napalingon din naman ako sa gilid ko na gulat na gulat ding si Juan.

"Wag na wag kang mawawala sa ating pagpupulong mamaya binibining Isabel."

Kinahapunan mabilis akong hinila ni Juan sa isang gilid na walang katao'tao.

"Binibining isabel alam ko ang gusto mong gawin mamaya.."

Napatitig ako sa kanya ng magsalita ito.

"Hindi ko inaasahang marinig ang iyong ipinangako sa heneral na iyon.. At g-gaya mo wala akong tiwala sa bagong magiging heneral."

"Anong ibig mong sabihin??"

Nagaalangang tanung ko kay Juan na ngayon ay seryosong seryo na sa harapan ko.

"Bago kita gisingin ay pinuntahan ko si kuya dairus at isa sa aking kaibigang binibini upang itakas si heneral thylandier habang tayo'y nasa pagpupulong.."

Mas lalo lang akong napatitig at hindi nakapagsalita dahil sa sinasabi nito sa akin.

"Iba ang aking kutob sa magiging bagong heneral.. A-alam kong mapapahamak ang samahan sa kanya."

Gulat na gulat naman akong napalingon sa kamay ni Juan na humawak sa balikat ko..

"Tutulungan kita!!"

Narito na kami sa pagpupulong ngunit nasa isipan ko parin ang pinagusapan namin ni dairus kanina ng dumating ito palihim kasama si esperanza.

**__**

"Binibining Isabel narito na sina kuya dairus at binibining esperanza.."

Bulong ni Juan sa akin at palihim na inginuso ang dalawang tao na nasa likod ng malaking narra.

"Puntahan mona sila!! Habang wala pang pagpupulong.."

Tumango ako at nagpasalat kay Juan kaya naman dali dali kong pinuntahan sina dairus at esperanza na nanatiling nakatago.

Hindi ko alam kung bakit tinutulungan ako ni Juan pero nagpapasalamat parin ako dahil sa kanya.

"Isabel!! Narito ka nga.."

Hindi makapaniwalang turan ni esperanza ng mayakap ako nito.

"Magpapaliwanag ako sa inyo kapag handa na akong sagutin ang mga katanungan nyo pero ngayon ay kailangan muna nating mailigtas ang heneral.."

Panimula ko.. Hindi naman umimik si dairus habang patango tango naman si esperanza.

"Si esperanza na ang bahalang umakay sa aking kaibigan.. Dadalhin ni esperanza si thylandier sa bahay ni manang berta habang ako ay mananatili dito upang malaman ang pinaplano ni Patricio.."

PATRICIO? OMG!! Yun pala si Patricio ang isa sa mga taga hanga ni nathalia na matalik na kaibigan nila dairus at thylandier.

**__**

"Buti naman at narito ka binibining isabel.."