"Lenzy gising.."
Naimulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagtapik tapik sa pisnge ko.. Kaya kahit sobrang sakit ng ulo ko ay inaaninag ko ang mga mukhang nakatingin sa akin.
"Akala koba kaya mong umuwi?? Pasuray suray ka pang tumawid ng kalsada para lang matulog dito sa tapat ng narra."
Hindi makapaniwalang turan ni erika sa akin habang nakaagapay ito kay noime na pareho kong lango sa alak.
"Grabe!! Ansakit ng ulo ko.."
Nanghihina kong sagot habang inaakay ako ni erika sa pagtayo..
Napansin ko namang nakaupo ako at nakasandal sa narra na pigigitnaan ng dalawang kalsada. Paano ako nakatawid dito?
"Teka?? P-paano ako nakarating dito? Ang pagkakatanda ko nabunggo ako ng lalaking nakacoat ng puti tapos naghihintay lang ako ng taxi para bumalik ng condo ngunit bakit narito ako?"
Nagtataka kong tanung kay erika hanggang sa tumayo na ako habang nakaalalay parin ito sa akin.. Isinakay naman kami ni erika sa taxing huminto sa harap namin.
Parang nawala yung kalasingan ko dahil sa nangyari sa akin.
Ang weird sa feeling!!
"Hoy!! Ayos ka lang ba talaga??"
Tanung agad ni Erika sa akin sabay lingon kay manong driver.
"Unahin nyo na po sa tondo ang babaeng to.."
Turo ni erika sa akin kaya naman sinabi kona yung village namin.
Lumipas ang kalahating oras ay hininto na ni manong ang taxi kaya kahit nahihilo pa ako dahil sa nainom kong alam sa bar ay tiniis ko na lamang at nagpaalam na kay erika na syang magbabayad na lang din sa taxi.
"Una na ako.."
Matapos kong magpaalam ay umalis na ng tuluyan ang taxi na sinakyan namin nila erika..
Malayo layo pa kase kila noime at erika kaya nauna ako sa kanila.
"Magandang umaga, Ms. lenzy.."
Nakangiti naman bati ni manong guard sa akin. Kaya naman ngumiti ako at bumati din sa kanya..
'2:59 am' Halos mapailing naman akong napatitig sa relo ko.. Bago ako ngumiti kay manong guard at tuluyan ng pumasok.
Pagkarating na pagkarating ko ng Unit ay dali dali kong kinuha ang susi sa shoulder bag ko at binuksan ito.. Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay dumeretsyo na muna ako sa kusina at binuksan ang refrigerator then nilagok ang isang maliit na battle na may lamang malamig na tubig.
Inilagay ko sa mesa ko ang bottle ng tubig na ininom ko bago ako nagtungo sa kwarto at deretsyong nagtungo sa Cr para maghilamos na lang muna at magpapalit ng pantulog.
Matapos kong makapagpalit ng pantulog ay humiga na ako sa kama at pilit na sinusubukang makatulog pero hindi ko magawa hanggang sa itinakip ko ang unan sa mukha ko..
Unti unti ko namang naramdaman ang antok hanggang sa tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata para matulog.
——. .——
Nasaan ako??
"SHOOT THEM"
Halos mapaatras ako ng makita ko ang mga guardia civil at mga rebeldeng nagsisitakbuhan habang ang iba naman ay halos walang pakialam kung mabaril man sila makapatay lang sila ng mga kastilang guardia civil na pilit nanlalaban.
"FIRE"
Muli akong nakarinig ng pagsabog kung saan naaninag ko ang isang lalaki na napakafamiliar sa akin.
Halos dumugin naman ako ng mga taong takot na takot sa nangyayari.
Napaupo na lang ako sa lupa ng marealized kong si thylandier ang lalaking sumisigaw at kitang kita ang galit at pagkamuhi sa mga mata nito.
Sa mga sandaling ito tila sumisikip ang dibdib ko dahil nakikita ko sa mga mata nito na kailangan nyang lupigin ang mga rebeldeng banta sa pamahalaan.
T-thylandier!! Halos gumuho ang pakiramdam ko ng makita kung paano tumumba si thylandier sa kinasasakyan nitong itim na kabayo hanggang sa mapatingin ako sa lalaking bumaril sa kanya.
Nakangisi na ngayon ang lalaking bumaril kay thylandier hanggang sa magtama ang aming paningin dahilan para kabahan ako dahil sa expression ng mukha nito.. BAKIT?? BAKIT NAGAWANG BARILIN NG BIDA ANG KONTRABIDA!!
D-dairus!!
—. .—
Hapong hapo akong napaupo sa kama at pakiramdam ko totoong totoo ang napanaginipan ko.
Hinipo ko ang sarili kong noo at pinakiramdaman ito kung nilalagnat ba ako o hindi.
"Bakit kailangan kong mapanaginipan ang mga Character sa nobela ko?"
Napatayo ako di oras sa hinihigaan ko para magtungo sa kusina pero nagulat na lang ako ng biglang mag brownout at halos buong village ay walang ilaw.
Binuksan ko ang pinto ng unit ko at napakunot noo ako ng may makita akong liwanag na nagmumula sa 3rd floor kung saan nasa 4th floor ang unit ko.
Halos maiharang ko ang braso ko habang naglalakad pababa sa hagdan malapit lang sa elevator.
Sa sobrang curios ko ay mas binilisan ko ang paglalakad patungo sa liwanag na nagmumula parin sa 3rd floor hanggang sa unti unti ng lumilinaw ang lahat sa akin.
Halos mapakunot na naman ang noo ko ng mapansin ang mga kasuotan ng mga babae at lalaking dumadaan sa harapan ko. MGA NAKASUOT NG BARO'T SAYA AT BARONG.
"Balita ko'y hahatulan ng kamatayan sina Don Lopez at Donya Lopez.."
Unti unting luminaw sa akin ang lahat.. Ang mga ala-ala na biglang nawala sa akin nung makabalik ako sa totoong mundo ko.
Ang ama at ina ni Dairus.. Hindi parin pala nagbago ang nakatakda sa ama at ina ni dairus.
Napatakbo ako di oras sa mga taong nagsisilapitan sa tapat ng simbahan kung saan gaganapin ang paghatol sa mga lopez.
Halos mapaluhod ako ng makitang huli na ang lahat dahil binaril si Donya Lopez sa pamamagitan ng (Firing Squad)
at sa harap mismo nila Dairus at Amanda ito ginawa.. Halos panghinaan ako ng loob ng makitang patay na din ang ama ni dairus sa pamamagitan ng (Garrote).. Iyakan at pagmamakaawa ang narinig ko sa lahat ng mga taong nandun para panuodin ang paghihirap ng lopez.
"D-dairus.."
Naguguluhang turan ni nathalia sa pangalan ni dairus na nakaluhod habang yakap yakap ang bunsong kapatid.
Hindi pa rin ako makapaniwalang makikita ko ang lahat ng ito.. Hindi ko inaasahan na masasaksihan ko ang lahat ng ito at hindi ko matanggap na ganito pala kasakit.. I'M SORRY!!! KASALANAN KO ANG LAHAT NG TO, DAIRUS..
*** ***
Tulala lang akong nakatitig kay dairus at amanda ng lumapit si thylandier na may hawak na ngayong papel na naglalaman ng parusa para sa kanilang magkapatid.
"Ako si thylandier third valdez ang magsasabi ng parusang ibinigay kina Amanda Lopez at Dairus Lopez kaparusahang ito ay ibinigay ng kataas taasang hukom.. Dairus at Amanda kayo ay pinapatapon sa malayong lugar kung saan hindi na kayo kailanman makakatapak sa lugar na ito.."
Matapos magsalita ni thylandier ay halos walang emosyon itong nakatitig sa akin habang ako heto tulala sa kanya at nagtuloy tuloy ang luha sa aking mga mata na para bang hindi nya inaasahan na magkikita uli kami.
Isang linggo at tatlong araw ako namalagi sa librong ito nung una akong makarating dito.. Ibig sabihin ang part na ito ay nasa chapter 15 sa Book 1. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sa pagpatay sa parents ni dairus ay ang magiging sanhi ng kaguluhan dito sa 'San Manuel'.
Nanatili parin akong nakatitig kay thylandier hanggang sya na mismo ang kusang umiwas ng tingin.. MULI BANG BUMALIK ANG DATING THYLANDIER?
—. .—
"ISABEL"
Unti unti kong naramdaman ang pagkakaluwag ng hawak nya sa kamay ko at unti unti ko ding nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dinadampian ang balat ko ng kakaibang lamig ng hangin kasabay nun ang nakakaaliw na tunog ng mga ibon hanggang sa maramdaman ko na lang ang layo namin sa isat isa.
At sa huling pagkakataon muling nagtama ang aming mga mata hanggang sa naramdaman ko na lamang na pumipintig ang aking ulo dahil sa sobrang sakit ay napahawak na lamang ako sa ulo..
"MAHAL KITA, BINIBINING ISABEL."
Sa huling pagtatama ng aming paningin ay ang kanyang pagkalaho sa aking paningin.
—. .—
Hindi pwedeng magmahal ng tao ang isang fictional character lang.. Hindi din kami pwedeng magsama dahil magkaibang magkaiba kami ng sitwasyon at mundo.
Nagulat na lang ako ng pilit pinatayo sina amanda at dairus ng mga guardia civil.
Nawala ang lakas ko ng makita kung paano yakapin ni thylandier si nathalia ng balak sana nitong puntahan si dairus at amanda.
Napabuntong hininga na lamang akong tumayo sa pagkakasalampak ko sa lupa at kusang nilapitan sina amanda at dairus na gulat pang napatitig sa akin.
"B-bakit ngayon ka lang?"
Hindi makapaniwalang turan ni dairus sa akin habang nakahawak ako sa kamay nito.
I'M SO SORRY!! -yan ang gusto kong sabihin sayo,dairus.
"H-hindi ko sinasadya.. Hindi ko talaga alam na ngayon to mangyayari.. P-patawad!!"
Alam kong kapag nalaman mong isa ka lang illusion ng isang taong may akda baka hindi mona ako mapapatawad pa,dairus.
"Wala ka namang ginawa.. H-hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin.. S-sapat na sa akin na makita kang muli,Isabel. K-kahit ngayong huling araw na ito."
Halos manlaki at matulala ako ng bigla nya akong hilain at yakapin ng sobrang higpit.. HINDI KO INAASAHAN TO!!
Unti unti akong napalingon kay thylandier at nathalia na gulat na gulat din sa ginawa ni dairus..
Napalunok na lamang ako ng mapansin ang seryosong mukha ni thylandier habang nakatingin sa akin samantalang parang binagsakan ng ilang mabibigay na bagay ang expression ni nathalia. ALAM KONG MAY PAGTINGIN SI NATHALIA KAY DAIRUS.. HINDI YUN MAAALIS SA KANYA DAHIL SI DAIRUS NAMAN TALAGA ANG GUSTO NYA AT NAGUGULUHAN LANG SYA SA NARARAMDAMAN NYA PARA SA DALAWA.
"Tutulungan kita!! Hindi pwedeng magbago ang takbo ng kwento.. Ikaw ang bida,dairus."
Bulong ko sa kanya ng makitang umiwas ng tingin si thylandier sa akin.
Binitawan naman ako ni dairus at bahagyang ngumiti ito sa akin.
"Babaguhin ko ang buhay nyo ni amanda.. Mababalik sayo ang lahat. I-ipinapangako ko yan sayo."
Nakangiti naman itong tumango sa akin habang si amanda ay nakatitig lang sa akin at tila inaalam nito kung totoo ba ang sinasabi ko.
"Hanapin mo ang daan at muli mong baguhin ang lahat,ate lenzy."
Halos matauhan ako sa sinabi ni amanda habang nakatingin sa akin ng seryoso at deretsyo sa aking mga mata.
"Ayusin mo ang nagulong nobela,ate lenzy. Kailangan mong ayusin muli ang nagulo mong nobela."
Nakatingin lang si amanda sa akin ng tuluyan na silang hablutin ng tatlong guardia civil. Gulat naman ako ng biglang nagpumiglas si amanda at tumakbo palapit sa akin.
"Baguhin mo ang lahat.. Gawin mong masaya ang lahat ng tauhan sa nobelang ito, ate lenzy. W-wag mong hayaan na magbago ng tuluyan ang takbo ng nobelang ito. Ikaw na lang ang pag-asa ng lahat. G-gawin mo ang lahat ng makakaya mo para baguhin ang nobelang ito.. Kapag hindi nabago ang nobela marami ang mamamatay na tauhan sa kwentong ito."
Halos manginig ako ng marinig ko ang dalawang beses ng pagputok ng baril na tumama sa katawan ni amanda. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa lalaking bumaril kay amanda.
"N-nagmamakaawa ako sayo.. B-baguhin mo ang buhay ng aking kuya dairus.. Ate!! Wag mong hayaang kainin ng galit at puot ang puso ni kuya dairus."
Hindi kona alam ang gagawin ko nangingilid na naman ang mga luha ko ng pareho kaming napaupo sa lupa ni amanda habang sya ay hirap na hirap at lumalabas sa bibig nito ang dugo.
"H-heto na ang huling araw ko sa ginawa mong nobela.. M-maraming salamat dahil binigyan mo ako ng chansang mabuhay kahit isa lamang akong illusion ng iyong imahinasyon.."
Unti unti nyang hinawakan ang kamay ko habang nakatitig ito sa akin.
"Kapag hinayaan mo ang takbo ng kwentong ito maaaring marami pa ang madadamay ate.. K-kapag hinayaan mo ang mga tauhan sa loob ng nobelang to maaring mapahamak ang kuya dairus at kuya thylandier ko.. I-ikaw ng bahala sa kanila nagmamakaawa din ako na baguhin mona ang lahat habang hindi pa huli ang lahat ate."
Tuluyan na nyang ipinikit ang kanyang mga mata.. Nakita kong nagpumiglas si dairus at tumakbo palapit sa pwesto namin.
Napatayo ako ng babarilin sana sya ng lalaki pero agad na napigilan ni thylandier ang lalaki ng makita ako.