Chapter 16 - KABANATA 15

"I-inay i-ising t-tutulong po ako.."

Nakangiti akong tumayo para sana tulungan sina esperanza at inay ising ng pigilan ako nito.

"Isabel samahan mo muna ang heneral thylandier.. Tulungan mo ako esperanza."

Napanguso na lang ako dahil sa sagot ni inay ising sa akin.. Hayss!! Kung alam mo lang inay ising kailangan kong umiwas.

"G-gusto mo bang lumabas muna h-heneral?"

Whaaa wag kang mautal utal sa harap nya!!

"G-gusto mo bang mamasyal muna sa labas?"

Nakangiti itong tumango sa akin kaya naman tumayo na uli ako sa pagkakaupo at ganun din ito.

"Kumuzta na ang iyong pakiramdam?"

"A-ayos lamang ako.. S-salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin sa iyong silid."

Ganyan nga self matuto kang mag thank you!!

"Wala yun!!"

Muli ko na namang nasilayan ang nakakawindang nyang ngiti.. WAG KANG MAHAROT SELF!!

Napapailing akong nagiwas ng tingin at kunwari ay may binibilang bilang pa habang palakad lakad kami ngayon dito sa hardin.

"Mahilig si manang ising sa mga magagandang halaman kaya ganito na lamang karami ang tanim nitong bulaklak.."

Nakangiting pahayag ni thylandier habang nakatingin sa mga bulaklak na naggagandahan at may ibat ibang kulay at laki din ang mga ito. MAHILIG SI INAY ISING NG MGA HALAMAN DAHIL MAHILIG DIN NAMAN ANG MAMA KO.

"Si mang basilio naman ang nagdidilig ng mga halaman para kay manang ising.. Hindi na kase nagdidilig si manang dahil naaalala nya ang kanyang kasintahan na hindi sya ipinaglaban."

K-kasintahan?? What the heck!! Paano ko nakalimutang may nagpatibok nga pala sa puso ni inay ising nung kabataan nito.

Napatingin ako kay thylandier na nakangiti pero may kaakibat na lungkot sa mga mata nito ng mapalingon ito sa akin.

"A-ayos ka lang ba h-heneral thylandier?"

Nagaalalang tanung ko habang nakatingin na nga ako sa kanya.

"I-iniisip ko lang kung magagaya ba ako sa aking ama na kahit kailan ay hindi minahal ang aking ina.. D-dahil may ibang babaeng nagpapatibok sa puso nito."

Mababakas sa mata nito ang lungkot ng mapalingon din ito sa akin.. GUSTONG GUSTO KO NA SYANG I-COMFORT PARA NAMAN MALAMAN NYANG NAIINTINDIHAN KO SYA!!

May naguudyok sa akin na hawakan sya sa balikat pero sinasabi ng utak ko na 'magopen ka ng ibang topic.'

"D-dahil hanggang ngayon hindi ko maibaling kay nathalia ang pagibig na alam kong gusto nyang maihandog ko sa kanya."

Nakatitig parin ito sa akin kaya naman ako na mismo ang kusang umiwas ng tingin sa kanya.

"Ano ang iyong itinuturan heneral?? Batid mo bang hindi minahal ng iyong ama ang iyong ina."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago sya sumagot sa tanung ko.. Napaupo naman kami ngayon sa damuhan dito sa puno ng mangga na nasa gitna ng panuluyan at hardin ni inay ising.

"Magandang hapon binibining isabel at ginoong thylandier.."

Napalingon pa kami ni thylandier kay mang basilio na katatapos lang magdilig. Sumenyas pa ito sa amin kaya naman ngumiti at sumenyas din kami sa kanya..

Tumalikod na nga si mang basilio sa amin at muling naglakad papunta sa likuran ng panuluyan para manguha ng panggatong at maiuwi nya sa kanilang tahanan.

Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa ito na ang bumasag sa katahimikan namin.

"Nagkaroon ng k-kasintahan ang aking ama ngunit nakatakda syang ikasal sa aking ina noong kabataan nito.. M-mahal na mahal ni ama ang kanyang kasintahan ngunit mas pinili nya ang desisyon ng kanyang magulang na magpakasal sa aking ina na kailanman ay hindi nya nagawang suklian ang pagmamahal na inalay nito para sa kanya.. L-labis na nasaktan ang aking ina at dinamdam nya ito hanggang sa tuluyan na syang nakagawa ng h-hindi maganda.."

Ganun na lang ang pagdaloy ng mga luha nito na syang nagpataranta sa akin.

"A-at ayaw kong mangyari yun sa akin, Isabel."

"A-ano bang sinasabi mo heneral?? H-hindi bat may lihim kang pagtingin kay nathalia."

Panay lang ang pagiling ko habang nakatingin sa mga halaman ni manang ising.

Gaga kaba lenzy!! Hindi bat umamin na sayo si thylandier..

"May gusto akong iba.." Sa sandaling ito nakaramdam ako ng paguumapaw na saya nung lingunin ko sya ay ganun na lamang ang gulat ko ng nakatitig ito sa akin. "Alam mo yon!!"

Tila malakas na hampas ng hangin ang nararamdaman ko habang ang puso ko parang nakikipag karerahan dahil sa sobrang bilis nito habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Pero nakatakda ka ng ikasal.."

Ganun na lang ang lungkot na naghari sa katauhan ko ng maalalang nakatakda ng ikasal ang ginoong iniibig ko.

Napaiwas ako ng tingin ng makita ang lungkot sa mga mata ni thylandier..

"Kung sasabihin mo lang sa akin na mahal mo din ako.. Tatalikuran ko ang lahat para sayo,Isabel."

Hindi!! Hindi mo maaring talikuran ang lahat ng dahil sa akin.. Mapapahamak tayong pareho.

***   ***

"Salamat sa pagdalaw mo heneral thylandier.."

Nakangiting panimula ni inay ising.. Nanatili lang kaming nakatayo ni esperanza sa tabi ni inay ising habang ako hindi na magkamayaw sa kakayuko dahil ayaw kong salubungin ang tingin nito.

"Isabel pakihatid ang heneral sa kanyang kalesa.."

Napalingon ako ng tawagin ako ni inay ising bago ko tapunan ng tingin ang heneral na ngayon ay nakatitig at nakangiti pa sa akin.

"A-ahh..——"

May sasabihin pa sana ako kaso tinalikuran na kami ni inay ising at esperanza. Teka!! Parang may pantutulak sina inay ising at esperanza sa aming dalawa.

"Ihahatid moba ako o dito na lang tayong dalawa?"

Napaatras ako ng kaunti dahil sa sinabi ni thylandier.

"A-ahh.. T-tara na heneral!!"

Panay lang ang pagiling ko habang naglalakad na papunta sa kalesa nito.

"Wala po si edwardo?"

Nagtatakang tanung ko pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng kalesa.

"Pinagbantay ko sa tindahan si edwardo.."

Huh!! Tindahan?

"Hanggang sa muli.."

Tatalikod na sana ako ng hawakan ni thylandier ang palapulsuhan ko kaya naman napalingon ako sa kanyang gawi.

"Pagisipan mo ang aking sinabi,Isabel. Maghihintay ako ng sagot sayo kapag handa kanang sumagot."

Nakangiti nitong bulong sa akin kaya naman tulala akong napatitig sa kalesang pinatatakbo nya magisa.

'Pagisipan mo ang aking sinabi,Isabel. Maghihintay ako ng sagot sayo kapag handa kanang sumagot.'

Shems!! Ano ng gagawin ko ngayon?? Mas lalo atang gumulo ang nobelang ito.

**__**

"May gusto akong iba.." Sa sandaling ito nakaramdam ako ng paguumapaw na saya nung lingunin ko sya ay ganun na lamang ang gulat ko ng nakatitig ito sa akin. "Alam mo yon!!"

Tila malakas na hampas ng hangin ang nararamdaman ko habang ang puso ko parang nakikipag karerahan dahil sa sobrang bilis nito habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Pero nakatakda ka ng ikasal.."

Ganun na lang ang lungkot na naghari sa katauhan ko ng maalalang nakatakda ng ikasal ang ginoong iniibig ko.

Napaiwas ako ng tingin ng makita ang lungkot sa mga mata ni thylandier..

"Kung sasabihin mo lang sa akin na mahal mo din ako.. Tatalikuran ko ang lahat para sayo,Isabel."

Hindi!! Hindi mo maaring talikuran ang lahat ng dahil sa akin.. Mapapahamak tayong pareho.

"Kung handa kang mamuhay ng payapa kasama ko tatalikuran ko ang lahat lahat para sayo. B-basta sumama ka lang sa akin."

Nakangiti nitong turan uli habang nanatili ang pagbilis ng tibok ng puso ko namamangha sa bawat salita nito at namamangha sa kanyang mga mata na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Sabihin mo lang sa akin ang lahat ng nararamdaman mo bibitaw ako sa aking katungkulan at bibitaw din ako sa kasalang magaganap sa amin ni nathalia.."

"H-hindi mo maaring gawin to.. Hindi ka pwedeng bumitaw sayong katungkulan thylandier. M-maraming tao ang kailangan ng tulong mo.. M-maraming tao ang umaasa sayo."

Kinakabahan ako sa maaring mangyari kapag nagtuloy tuloy ang takbo ng nobelang ito na hindi naman angkop sa ginawa ko.. Taliwas ang mga sinulat ko sa mga nangyayari ngayon.

"Kung ganun.. H-hindi ako bibitaw sa aking katungkulan pero maari akong bumitaw sa kasalang magaganap sa amin ng aking kababata."

Kung bibitaw si thylandier sa kasal paano na ang kapangyarihang makukuha nila? Paano na ang botong makukuha nya kapag sya na ang pumalit sa kanyang ama.

"Hindi ka din maaring bumitaw sa iyong nalalapit na kasal.."

Napalingon na ako ng tuluyan sa kanya at ganun din ito sa akin.

"Kung hindi ako bibitaw—— P-paano na tayo?"

Nagaalalang tanung nito sa akin.. Hindi tuloy ako makapagisip ng tama dahil sa mga mata nitong sobrang gandang titigan.

"Kung matutuloy man ang kasal gusto kong naroon ka upang itakas ako."

Sa sobrang mangha ko sa kanyang mga mata ay wala sa sariling napatango sa kanya na ikinangiti nito sa akin..

"Pag-isipan mong mabuti ang iyong sasabihin.. Gusto ko ay yong katanggap tanggap."

**__**

Shems!! Bat kailangan kong sumangayon sa kanya ng ganun lang kadali?

Natauhan lang ako ng may kumalabit sa balikat ko kaya nagpasya akong lingunin ito.

"G-ginoong d-dairus.."

Gulat kong turan ng makita ito sa aking likuran.. Nakasuot sya ng itim na kamiso habang natatakpan ang mukha nito ng itim na tela.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Muli kong tanung ng matauhan ako sa pagkagulat sa kanya. Bahagya pa akong luminga linga sa paligid bago ko sya lingunin uli.

"Sumama ka sa akin.."

Halos manlaki ang mata ko ng hilain ako nito palayo sa panuluyan at idinala sa isang lawa na may kaliitang tulay.

PARA TULOY AKONG NAKIPAGTANAN!!

Napabuntong hininga na lamang ako na alam kong narinig ng lalaking kasama ko ngayon.

"N-nauunawaan kong ayaw mong makipag-usap sa akin ngayon, Isabel. G-gusto ko lang sanang may makausap ngayon dahil nalilito na ako sa aking sarili."

"Ahh.. H-hindi naman sa ganun!! A-alam mo namang hindi kana maaaring makatapak dito sa 'San Manuel'. Ayaw ko lang na may makakita sayo.. S-sa ating dalawa!"

Napapabuntong hininga na naman ako pero wala din akong magagawa kailangan ko syang makausap.

"I-ihahatid na kita.."

Uupo na sana ako ng magsalita ito kaya nakaramdam ako ng guilt.. Senenyasan ko na lang syang maupo na lang din sa may tulay at mag usap na lamang kami. Nandito na eh!!

"May problema kaba?"

Tanung ko kaagad sa kanya pagkaupo na pagkaupo din nito sa tabi ko.. Para tuloy kaming may relasyon!!

"Tumutuloy ako kina manang berta sa kabilang baryo!! H-hindi ako tumuloy sa bulakan."

Teka!! Manang berta? Yun yung pinuntahan namin sa kabilang baryo.

"Paano kung malaman nila heneral thylandier na tumutuloy ka kina manang berta?"

Nilingon ako nito at bahagya pang ngumiti sa akin.

"Sya mismo ang nagpatuloy sa akin kina manang berta.. Hindi daw sya naniniwala sa mga paratang sa amin. A-at humingi sya ng tawad sa akin dahil sa nangyari kina ina at ama pati na din kay amanda na alam kong hindi naman talaga sya ang nakabaril."

Patuloy nito sa pagkukwento.

Hindi ko alam na may kabutihan nga sa puso ni thylandier.

Hindi nya pinabayaan ang kababata nyang si dairus.

"G-ginawa nya yon?? T-talaga bang hindi ka nya pinabayaan?"

Manghang tanung ko kay dairus na tumatango tango lang sa akin.

"Palihim nyang pinapaimbestigahan ang lahat ng paratang sa pamilya ko.. Wala parin syang nalalaman na kahit ano pero ipinagdarasal ko na sana malaman na nya agad ang lahat."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.. Natutuwa dahil kahit anong gawin kay dairus at thylandier pareho parin silang may busilak ang puso.

"Naniniwala akong matatapos din ang paghihirap mo dairus.. M-mangako kang hindi ka gagawa ng bagay na ikakasakit mo.. Nangako ako kay amanda na hindi ko hahayaang magkaroon ka ng hinanakit sa puso."

Nakangiti naman itong tumango tango sa akin kaya hindi ko din naitago ang ngiti sa aking labi ng makitang muli ang ngiti nito.

"P-pinuntahan mona ba si nathalia?"

Nagaalangang tanung ko kay dairus ng bigla namang nawala ang pagkakangiti nito sa akin bago nya iniwas ang kanyang tingin.

"Hindi na kami nakakapag usap!! Wala akong oras makipagusap sa kanya."

WHAT?? Wala syang oras makipag usap kay nathalia samantalang sa akin may oras sya..

"N-nagaalala si nathalia sayo!! Kaya kailangan mong magpakita sa kanya at kailangan mo syang kausapin."