"Kami ay aalis na manang berta.."
Halos manlumo ako sa inuupuan ko ng marinig kong nagpaalam na si thylandier kaya naman napatingin ito sa akin.
"Binibining Isabel.. Kailangan na nating umalis sapagkat—"
Hindi natapos ni thylandier ang sasabihin ng biglang tumayo si dairus at pinigilan ang kanyang kababata sa salitang espanyol.
Anak ng!! Sa dulo ng nobela lang ako naglagay ng espanyol na salita..
"Solo un momento amigos (Sandali lamang kaibigan).."
Biglang turan ni dairus sa salitang espanyol na syang ikinabigla kong tunay.
"¿No te alegra que esté aquí? (Hindi ka ba natutuwa na nandito ako?)"
Halos mangunot naman ang noo ni thylandier na nakatingin sa kanyang kababata.
"No me alegro de que estés aquí, Dairus. (Hindi ako natutuwang narito ka, dairus.)"
Panay lang ang pagiling ko habang nakatingin sa dalawang magkababata na ngayon na lang uli nagkita.
"Ni siquiera me dijiste que ibas a venir.. (Hindi ka man lang nagsabi sa akin na paparito ka..)"
Muling nagsalita si thylandier na syang nagpatahimik sa kanyang kaharap.
"Pasensya na thylandier .."
Malungkot na sagot ni dairus na syang ikinabahala ni thylandier..
Kitang kita ko sa mga mata ni thylandier ang pagaalala sa kanyang kaibigan kaya naman nilapitan nya ito.
"Tila may bumabagabag sayo,dairus."
Nagaalalang tanung ni thylandier sa kanyang kababata na tahimik at napalingon sa kanyang kababata na nagaalala sa kanya.
"Nathalia parece amarlo de manera diferente. (Tila iba ang iniibig ni nathalia.)"
Hindi ko man naintindihan ang sinabi ni dairus kusa akong napalingon kay thylandier dahil sa sinabi ni dairus.. Mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba ng marinig ko ang pangalan ni nathalia sa usapan nila.
"¿Qué quieres decir, Dairus? (Ano ang ibig mong sabihin, Dairus?)"
Naroon parin ang pagaalala sa mga mata ni thylandier.. Tila nakalimutan ata ni thylandier na may kasama pa sya!
"Ikaw ang tunay na iniibig ni nathalia, thylandier."
Halos mapaatras ako ng marinig ko ang sinabi ni dairus kay thylandier na hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan.
"Nalaman kong nagtapat kana sa kanya.. At sinabi nyang ikaw ang iniibig nya."
Kusa akong napayuko at pakiramdam ko naluluha na ako dahil hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.
"L-lalabas lamang ako manang berta."
Nakangiti kong paalam kay manang berta na nasa tabi ko parin at gaya ko tahimik lang din itong nakikining.
Tumango at ngumiti lamang ito ng pilit sa akin.. Parang may alam tuloy sya sa akin.
Inalis ko sa isipan ko ang mga umiikot sa aking isipan.. Ilang araw na din akong nandito sa gawa kong nobela!!
Bago pa ako nakalabas narinig kong muli ang sinabi ni dairus kay thylandier.
"Narinig kong kinausap ni nathalia ang kanyang ama na ikaw ang pakakasalan nya.. Nagagalak akong nakita mona ang babaeng para sayo."
Halos mangatog ang mga tuhod ko at hindi kona maihakbang pa ito palabas ng tahanan ni manang berta.. Parang may humihila sa akin at parang pinanghihina ako nito.
Napalingon ako kay dairus na kakalabas lamang ng tahanan ni manang berta. Nakaramdam ako ng lungkot hindi para sa sarili ko kundi para kay dairus na lumuluhang lumabas.
Unti unti akong napalingon kay thylandier na nakatitig sa akin ngayon.. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nagbago ang nakatakda kay dairus.
Sa sobrang guilt ko ay sinundan ko si dairus palabas napansin ko pang lalapit sana si thylandier sa akin ngunit mas pinili kong sundan ang totoong nakatakda para kay nathalia.. Ang totoong protagonist ng nobelang ito.
Patuloy ako sa paghahanap kay dairus hanggang sa makita ko itong nakatayo sa isang maluwang na lawa at bahagya pa itong kumukuha ng bato at ibinabato nito sa lawa.
'Narinig kong kinausap ni nathalia ang kanyang ama na ikaw ang pakakasalan nya.. Nagagalak akong nakita mona ang babaeng para sayo.'
Muli na naman akong nakaramdam ng kirot ng bigla na namang sumulpot sa isipan ko ang huling sinabi nito kay thylandier.
Habang naglalakad ako palapit sa pwesto nito lalo akong naawa sa sitwasyon nya dahil alam ko kung gaano nya kamahal si nathalia. At ako din ang magiging dahilan kung bakit mamamatay ang kanyang ama at ina na bibitayin sa kanyang harapan mismo dahil sa kagagawan ni thylandier dahil naman sa pagmamahal nito kay nathalia.. Tila malupit na kapalaran ang hinatol ko sa bida.
Tumabi ako sa kanya na syang ikinagulat nito sa presensya ko kaya naman nilingon nya ako matapos nyang punasan ang luha sa kanyang mga mata.
"B-binibini.."
"Kung ano man ang problema mo alam kong kakayanin mo.. Ang isang Dairus Mateo Lopez ay may magandang puso at hangarin.. Ikaw ang bida sa kwentong ito—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mapansin ko ang pagkakakunot ng noo nito. Si Dairus Mateo Lopez ay hawig na hawig ni Daniel Padilla.. KATHNIEL kaya ito.
"Tila kilalang kilala mo ako binibini.."
Nakaramdam ako ng pagkakabara sa lalamunan ko at napaiwas ng tingin sa kanya at tumitig na lamang sa lawa na nasa harapan naming dalawa.
"Maniwala ka sa akin.. Darating ang araw na magtatapat ng pagibig sayo ang senioritang nathalia."
Nakangiti kong turan sabay taas ng kanan kong kamay at nilingon na sya ng tuluyan.
"Ano ang iyong ginagawa binibini?"
Bahagya ko pang tinignan ang sarili kong kamay na nakataas sa kanyang harapan dali dali ko naman itong ibinaba.
"Ako'y nangangako sayo na darating ang araw na aaminin ni seniorita nathalia ang pagibig nya sayo."
Dahil kayo naman talaga ang totoong nakatakda.
"Tila ika'y nagkakamali binibini.. Sapagkat ipinaalam na ni binibining nathalia ang kanyang desisyon sa kanyang ama.. Wala akong kalaban laban sa aking matalik na kaibigang si thylandier."
Halos hindi agad ako nakapagsalita at hindi ko maiwas ang paningin ko sa kanya ng magsimula itong lumuha sa aking harapan.
Mali to!! Hindi tama ang takbo ng nobela ko.. Dahil si dairus ang kauna unahang magtatapat kay nathalia at sa mismong araw na pagtatapat ng bidang lalaki ay ang pagtatapat din ni nathalia kay dairus kaya naman sila ang nakatakdang ikasal.. Pero parang bumaliktad ata ang sitwasyon.
"Ayos ka lang ba binibini?"
Nagaalalang tanung ni dairus sa akin.
"Ako'y naguguluhan lamang sa sitwasyon."
Wala sa sariling sagot ko kay dairus.. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari sa nobelang ako mismo ang gumawa.
"Ang pagkakaalam ko ay ikaw ang kauna unahang magtatapat kay seniorita nathalia.. At sa mismong araw ng pagtatapat mo sa kanya ay ang araw ng pagtatapat sayo ng seniorita."
Naguguluhan kong turan habang nanatili ang tingin ko sa lawa.. Hindi tuloy ako makatingin kay dairus na alam kong nakatingin na ngayon sa akin. Pakiramdam ko napakasama kong manlilikha!!
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at wala ni isa sa amin ang nagsalita.
"Binibining Isabel, Kailangan na nating umalis."
Hanggang sa parang isang basag na boses ang biglang nambasag sa katahimikan namin ni dairus.
Panay lang ang paglunok ko at hindi ko magawang tumingin sa aking likuran. Parang wala tuloy akong maihaharap na mukha kay thylandier.
Ako din ang magiging dahilan ng masamang pangyayari sa kanila ng kanyang ama sa huling kabanata.
"Binibining Isabel hayaan mona ako dito.. S-sapagkat unti unti ko ng tatanggapin ang lahat."
Alam kong ang tinutukoy nya ay ang biglang pagkawala ng nararamdaman ni nathalia para sa kanya.
"Salamat sa iyong magandang payo.."
Muli nitong turan sa akin.. Unti unti akong ngumiti hanggang sa magtama ang paningin namin ni thylandier ng lumingon ako sa aking likuran..
Palihim kong nahawakan ang dibdib ko ng bigla kong naramdaman ang mabilis at malakas na pagkabog ng puso ko habang pareho kaming nakatitig sa isat isa.
Tama ba tong nararamdaman ko para kay thylandier?? Tama bang nagkakagusto na ako sa isang fictional character..
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng unti unti itong lumapit sa akin at nanatili parin ang aming titig sa isat isa.. HINDI KO DAPAT NARARAMDAMAN TO PARA SA ISANG THYLANDIER.
"Nais ko sanang mahawakan ang iyong mga kamay hanggang sa kailangan ko na itong bitawan."