"Darating ang heneral thylandier, Isabel."
Nakangiti nitong sagot na syang ikinailing kong muli ng marealized kong si thylandier ang darating para sumabay sa amin..
"H-ho?? N-ngunit---"
Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng sumulpot sa harap namin si basilio ang isa sa mga hardinero ni inay ising.
"Narito na po ang heneral.."
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib ng makitang paakyat na si heneral thylandier na may ngiti sa labi ng magtama ang aming paningin. Shit!! Stop heart..
"Magandang tanghali aling ising.."
Nakangiti nitong bati kay inay ising.. Halos mapaatras naman ako ng tumingin ito sa akin habang nakangiti ng todo.
"Magandang tanghali sayo binibining isabel.."
Wag kang mauutal lenzy!!
"M-magandang tanghali din sayo heneral thylandier.."
Sabing wag mautal,eh.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lapitan ako nito at bahagya nyang inilapit ang kanyang mukha sa mismong mukha ko.. Anak ng!! Hindi ba nya alam na nagiging mapangahas na syang kumilos sa harap ko.
"Maari ba kitang maimbitahan binibining isabel."
Nakangiti nitong tanung sa akin habang nakatingin ito sa aking mga mata at ganun din ako.
Ano ba to!! Bakit ba nakakaramdam ako ng kakaiba sa mga titig at da-moves nya.
"Maari naman syang sumama sayo heneral thylandier."
Nakangiting turan ni inay ising ng hindi ako nakapagsalita..
Tuluyan na syang tumayo ng tuwid at nginitian si inay ising.
"Salamat sayo manang ising.. Ako'y nagagalak na ikaw ay pumayag sa aking kagustuhan."
Nakangiti parin nitong sagot kay inay ising.. Aligaga naman akong napatakbo sa kusina para kumuha ng kubyertos para sa heneral na ngayon ay nakatitig sa akin ng makabalik na ako.
' Ang sabi ko. Magkaiba ang paghanga sa pagibig,sapagkat si thylandier ang aking iniibig at si dairus ay aking hinahangaan lamang. '
Bakit ba bigla bigla na lang nagiba ang takbo ng nobelang ginawa ko? Si nathalia at dairus ang magkakatuluyan dahil sila naman talaga ang itinakda ko pero ngayon parang bumabaliktad na ata ang sitwasyon.
"Tayo'y kumain na sapagkat aalis kayong dalawa."
Hindi ko tuloy alam kung magsasalita ako at sasabihin na hindi ako pwede ngayon. Pero may part sa akin na gusto kong mamasyal kasama ang Heneral na ito. TUMIGIL KA LENZY!!
"Isabel.."
Mabilis akong napalapit sa pwesto ko at nagumpisa ng kumain. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ni inay ising at heneral thylandier.
Ang totoo nito ay hindi talaga ako makakain ng maayos dahil tumitingin din si thylandier sa gawi ko kaya nanginginig ako sa sobrang kaba na pinaparamdam nito sa akin.
"Saan nga ba kayo papatungo ni binibining isabel? Heneral thylandier."
Mayat maya ay tanung ni ina kay thylandier na nakangiti na lang sa amin.
"Tutungo nga pala kami sa kabilang baryo.."
"A-anong gagawin naman natin dun?"
Dali dali kong tanung kaya napalingon si thylandier sa akin.
"May kakausapin tayo.."
Nakangiti nitong sagot habang nakatingin sa akin.. Wala akong nagawa kundi tumango na lamang sa kanya.
"Kung ganun ay humayo na kayo ng makabalik din agad kayo."
"N-ngunit, tutulungan kopa kayo."
Nakangiti kong sagot kay inay ising.. Umiling ito at nginitian kami ni thylandier.
"Isabel maari kang sumama kay heneral thylandier... Ako'y umaasa na tutulungan ka nya,iha. Kaya naman ako ng bahala dito."
Napabuntong hininga na lamang akong ngumiti kay inay ising at tumingin sa gawi ni thylandier na naghihintay na pala sa akin.
"Mag usap na lamang tayo mamaya, iha."
Nakangiti nitong habol sa akin at bahagya akong pinagtutulakan kay heneral thylandier.
"Tara na binibining isabel.."
Nakangiting inalalayan ako ni thylandier palabas sa panuluyan hanggang sa kalesa na gagamitin namin papunta sa kabilang baryo.
"Ayos ka lang ba binibini?? May bumabagabag ba sayo?"
Nagtataka nitong tanung ng magkatabi kami.
"Magandang tanghali sayo binibining isabel.."
Napalingon naman agad ako kay edwardo ang laging kasama ni thylandier.
"M-magandang tanghali din sayo Ginoo.."
Nakangiti kong sagot hanggang sa naramdaman ko ang pagbilis ng kaunti sa kalesang sinasakyan namin.
"Ako'y nagagalak na makasama ka isabel."
*** ***
"Narito na tayo binibining isabel.."
Nakangiting turan ni thylandier sa akin. Gulat naman ako ng unahan nya ako sa pagbaba at bahagya pa nitong inilahad ang kanyang kamay.
Wag kang pahalata lenzy!!
Napapailing akong humawak sa kamay nitong nakalahad sa harap ko habang sya naman ay sobra na ang pagkakangiti nito sa akin.
Shems focus ka lenzy baka mahulog ka.
"Wag kang mabahala binibini.. Handa kitang saluhin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa kakaibang saya at pakiramdam ng maramdaman kong hinawakan ako nito sa bewang at inalalayan na pababa ng kalesa. UMAYOS KA NGA, LENZY.
Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa ganda ng pagkakangiti nito sa akin. Para tuloy may bumara sa lalamunan ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may mga batang madudungis ang lumapit sa amin.
"Kuya thylandier.."
"Kuya may pagkain poba kayo?"
"Kuya!!"
Halos magkumpulan ang mga bata na lumapit kay thylandier.. Nakangiti namang lumuhod si thylandier para pantayan ang mga batang nasa kanyang harapan.
"Kayo ba'y nagugutom??"
Nagsitanguhan ang mga batang madudungis habang hinahawakan ni thylandier sa buhok ang mga batang nasa harapan namin.
"Tara.. Pinaghanda kayo ni manang berta."
B-berta?? Oo nga pala, Si berta ang isa sa mga mababait na tauhan ng nobelang ito. Isa din sya sa mga tauhang nagtitiwala kay thylandier.
"Heto pala si ate Isabel.."
Nakangiti nitong turan sa mga bata habang nakatingin sa akin. HINDI KO ALAM NA MAY GANITO PALANG SIDE SI THYLANDIER!!
"H-hello.."
Nakangiti kong turan sabay kaway sa mga batang nakatingin at nakangiti sa akin.
"H-hellow?? A-ano ang iyong itinuran ate isabel?"
Nakanguso at nagtatakang tanung ng batang lalaki sa akin.. Lumapit naman agad ako sa kanila at lumuhod para pantayan din sila gaya ng ginawa ni thylandier kanina.
"Wala iyon.. Isa lamang iyong kataga na ang ibig sabihin ay nagagalak akong makita at makilala kayo."
Whew!! Ganyan nga lenzy..
"Nagagalak din ho kami na makilala ang kasing ganda nyong binibini ate isabel."
Napangiti naman agad ako at bahagya pang pinisil ang pisnge ng batang lalaki na may katabaan.
"Ginoong thylandier.."
Napatayo ako ng marinig ang isang tinig ng babaeng napalingon pa sa akin.. Bahagya pa akong napayuko at napangiti ng kaunti.
"May kasama ka palang magandang binibini, Ginoo."
Nakangiti nitong turan sabay lingon kay thylandier na nakatitig pala sa akin.. Hindi ko alam kung kanina pa sya nakatitig sa akin o baka guni guni ko lang!
"Magandang hapon sa iyo manang berta.. Ako'y naparito upang dalawin ang mga batang ito."
Nakangiti namang sagot ni thylandier sabay tingin sa mga bata.
"Heto nga pala si binibining Isabel.."
Nakangiti nitong turo sa akin kaya naman ngumiti ako sa babaeng kaharap namin. Walang iba kundi si manang berta na naglilingkod ng tapat sa mga Valdez.
"Magandang hapon sa iyo, iha."
Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman hindi ko napigilang mapangiti.. Hindi ko talaga inexpect na makikita ko sa personal ang mga drawing kong fictional characters sa nobelang ito.
"Magandang hapon din po.."
Nakangiti kong sagot..
"Kayo'y tumuloy sa aming tahanan upang mapagsalusaluhan ang aking ginawang kakanin at mga suman."
Nakangiti nitong paanyaya sa amin kaya naman sumunod ako kina thylandier.
"Narito din si Ginoong Dairus.."
Halos mapaatras ako ng marinig ko ang pangalan ng protagonist ng nobelang ginawa ko.
OMG!! Relax lang lenzy..
"Manang berta.. Narito ka pala thylandier.. Tila may kasama kang binibini."
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito at dahil din pagtama ng aming paningin.. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagkakahawak ni heneral thylandier sa braso ko habang nakatitig ako kay dairus at ganun din ito sa akin.
Katahimikan ang biglang nangibabaw sa amin at may biglang malakas na pwersa ng hangin ang bigla na lamang dumampi sa aking balat na syang nagparamdam sa akin ng kakilakilabot.
"Tayo'y pumasok na muna sa aming tahanan.. Sapagkat nag hihintay na ang mga suman at kakanin para sa lahat.
Binasag agad ni manang berta ang tahimik na paligid kaya naman nagsitanguan na lamang kami habang nakasunod ang mga bata kay manang berta papasok ng kanilang tahanan.
Nanatili akong tahimik at hindi na mapalagay dahil hindi parin ako binibitawan ni heneral thylandier.. Mas lalo akong naging balisa dahil mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sakin.