"Binibini tara na sa loob.."
Bakit, Bakit naman ako umabot sa ganitong sitwasyon?Ano ng gagawin ko kapag natuloy ang binabalak nila Don Mariano at Heneral Thylandier
"S-sandali lang h-heneral thylandier."
Nahinto ito sandali at tumingin sa aking gawi.. Kailangan kong malaman kung bukal sa kanyang kalooban ang desisyon ng kanyang ama na si Don Mariano..
"May sasabihin kaba binibining Isabel?"
Tanung nito sa akin kaya naman pinalakas ko ang loob ko bago ko ito tapunan ng tingin.
"M-mabuti nga ba ang iyong intensyon? O baka naman ginagawa mo ito para pagkatiwalaan kita. Then, pagtiwalang tiwala na ako sayo bigla mo na lang akong isuko at hayaang ipagbili ng iyong ama."
Kitang kita ko naman ang gulat sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi nya siguro inaasahan ang sasabihin ko.. Pero heto lang ang kailangan kong gawin para hindi matuloy ang binabalak ng kanyang ama na si Don Mariano. Hindi ako pwedeng ibenta dahil hindi naman ako isang tauhan sa nobela na ito.
"Ano nga ba ang intensyon mo? Pasensya na ginoong thylandier pero nangangamba ako sa iyong ikinikilos nung una tayong magkita.. Balak nyo din akong ipagbili hindi ba? A-anong klase kayong tauhan ng gobyerno kung pati ang mga walang kalaban labang binibini ay ipinagbibili nyo sa mga mayayamang kaibigan ng inyong pamilya."
Wala na akong nagawa ng sigawan ko sya kaya napapatingin sa amin ang mga bisitang dadalo sa kanilang hacienda pati ang mga guwardiya civil ay napapalingon sa amin.
"At isa pa dapat si Nathalia ang inaasikaso mo ngayon.. Si nathalia dapat ang kasama mo dito sa labas.. At kay nathalia lang dapat ang atensyon mo hindi sa akin."
Tama!! Kay nathalia lang dapat nya ipinapakita ang ngiti nya at hindi sa akin.. Kay nathalia na alam kong magiging dahilan ng pagkasawi nya dahil sa pag-ibig nya sa kanyang kababata.
"Tara na sa loob binibini.. D-darating na ang pamilya Lopez at ang ama at ina ni nathalia."
Mabilis kong iniwas ang kamay ko ng hahawakan sana nya ako sa palapulsuan.. Hindi dapat sya humahawak sa mga kamay ng mga binibini dahil baka kung anong sabihin ng mga taong makakakita sa aming dalawa.
"P-pasensya na..."
Paghingi nito ng pasensya ng marealized nyang conservative ang mga kababaihan.
"B-babalik na lamang ako sa panuluyan heneral.. Hindi ko nais magtagal sa inyong hacienda at hindi ko din nais makigulo sa inyo ni seniorita nathalia."
Tinalikuran kona ito at humakbang na palayo sa kanya.. Hindi ko dapat guluhin ang nobelang ito!! Hindi ko dapat ginugulo ang utak ng mga main character ng nobelang binuo ko.
"S-sandali lang Isabel.."
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hinarangan ako nito ng hindi ko inaasahan kaya naman nahinto na lang ako at masama ko syang tinignan.. What he thinking ba?? Ano bang nangyayari sa isang thylandier na nangako sa sarili nyang si nathalia lang ang bibigyan nya ng oras at pansin. MABABALIW NA ATA AKO SA NOBELANG TO!!
"What the hell thylandier.. Why are you doing this to me?"
Wala sa sariling sigaw ko sa kanya.. Gulat naman itong napatitig sa akin at nakakunot ang noo.. HAYSS!! Shit lenzy. Bat ba nagsalita ka ng ganun sa main character ng nobela mo?
"Ako'y naguguluhan sa iyong itinuran ngunit nais kong malaman mo na hindi ko hahayaan na ika'y ipagbili ng aking ama.. Isinama kita dito sa hacienda upang mabantayan ka at mailayo kita sa aking ama. K-kahit ilang beses kong sabihin kay ama na pabayaan ka hindi ko parin sya mapigil pigilan kung kayat sinadya kong idala ka dito sa hacienda upang hindi ka maabutan ng guwardiya civil na inutusan ng aking ama."
Sing bilis ng nagkakarerahang kabayo ang tibok ng puso ko habang nakatitig kay thylandier.. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko at hindi ko kayang labanan ang saya na nararamdaman ko ngayon.
"Hayaan mong tulungan kita binibining Isabel.. Hayaan mong mamalagi ako sa iyong tabi upang protektahan ka sa sino mang balak na saktan ka.. K-kahit pa ang aking sariling ama at handa ko ding ialay ang sarili ko para sa iyong kaligtasan binibining Isabel."
Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko pwedeng ipakitang nasisiyahan ako sa mga sinabi nya. Hindi!! Baka biglang magulo ang daloy ng kwento ng nobelang binuo ko..
"Heneral thylandier.. Binibining Isabel."
Sabay kaming napalingon ni thylandier kay manang ising na nasa likuran ko pala habang may ngiti sa labi.
"I-inay ising.."
Niyakap ko naman sya dahil hindi kona kayang pigilan pa ang saya na nararamdaman ko.
"Totoo ang sinabi mo sa akin senior thylandier.. Dumating ang limang guwardiya civil sa aming tahanan at tinanung sa akin si binibining Isabel.."
"Kung ganun.. Ano ang iyong sinabi?"
Napalunok ito bago ako tapunan ng tingin sabay ngiti sa akin.
"Hindi ko ipinaalam na nasa akin ang binibini.. Hindi ko hahayaang ipagbili ang aking anak senior thylandier.. At ako ay nagtitiwala sa iyo."
*** ***
Nagising ako sa limang beses na pagkatok sa pinto ng kwarto.. Bahagya pa akong napaiwas sa bintana ng makita ko ang pagsilip ni haring araw.
"Isabel, iha."
Naramdaman ko ang paglaglag ng balikat ko ng marinig si aling ising.. IBIG SABIHIN 4 DAYS NA AKO DITO.
"Ako'y naguguluhan sa iyong itinuran ngunit nais kong malaman mo na hindi ko hahayaan na ika'y ipagbili ng aking ama.. Isinama kita dito sa hacienda upang mabantayan ka at mailayo kita sa aking ama. K-kahit ilang beses kong sabihin kay ama na pabayaan ka hindi ko parin sya mapigil pigilan kung kayat sinadya kong idala ka dito sa hacienda upang hindi ka maabutan ng guwardiya civil na inutusan ng aking ama."
Sing bilis ng nagkakarerahang kabayo ang tibok ng puso ko habang nakatitig kay thylandier.. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko at hindi ko kayang labanan ang saya na nararamdaman ko ngayon.
"Hayaan mong tulungan kita binibining Isabel.. Hayaan mong mamalagi ako sa iyong tabi upang protektahan ka sa sino mang balak na saktan ka.. K-kahit pa ang aking sariling ama at handa ko ding ialay ang sarili ko para sa iyong kaligtasan binibining Isabel."
"Isabel iha..Gumising kana riyan at samahan mo akong magtungo sa kabilang bayan."
Nahimasmasan ako ng marinig kong muli si aling ising na nagsalita sa tapat ng pinto ng kwarto ko.. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni thylandier sa akin kahapon.Totoo kayang tutulungan nya ako?
"Isabel.."
"Opo!! M-magaayos lamang ako inay.."
Tuluyan na akong bumangon at pumasok sa palikuran.. Muli kong dinamdam ang tubig bundok na laging iniigib ng hardinero ni aling ising.
Matapos kong maligo simpleng kulay puting sa-ya lang ang isinuot ko at bahagya ko namang winagayway ang kulot at mahaba kong buhok nagsuot na din ako ng bakya na laging pinapasuot sa akin ni aling ising.
Nang matapos na ako sa pagaayos sa sarili ko ay muli kong hinarap ang malaking salamin at ngumiti upang Makita ko kung kaaya aya ba talaga akong pagmasdan.
"I'm ready!!"
Halos paluin ko ang sarili ko ng marealized ko ang isinigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko sa aking silid..
"Ang ibig kong sabihin handa na ako, inay."
Nangangatal kong paliwang kay aling ising ng pagmasdan nya ako..
"Kung ganun ay pakibit bit ang isa pang basket sapagkat paparoon tayo sa kabilang bayan upang pumunta sa pamilihan.."
Nakangiting turo ni aling ising sa isa pang basket kaya naman nakangiti ko iyong kinuha at bahagyang isinabit ko ang braso ko sa kamay nya na may ngiti sa labi.. Hindi ko alam kung bakit hindi matanggal tanggal ang pagkakangiti sa labi ko habang naglalakad kami papunta sa daungan ni aling ising.
"Napakaganda ng iyong ngiti Isabel.."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko at bahagya akong tumingin kay aling ising.
"Maganda lamang ang gising ko inay.."
Nakita ko naman ang nakakaloko nitong ngiti kaya naman nailing akong humarap sa daan at kunwari ay busy sa binibilang ko ayaw ko lang talagang mahalata ako ni aling ising.
"Sigurado akong ang ngiti na iyan ay may kakaiba.. Tila nakikita ko sa iyong mga mata na ika'y umiibig na,Isabel."
Halos mahinto akong napatingin kay aling ising dahil sa sinabi nya.. MALI ANG NAKIKITA NYA!! AKO? UMIIBIG!! WTH.
"I-inay nagkakamali kayo.. M-masaya lamang ako dahil maganda ang aking gising.. At napakasarap ng araw na ito dahil sa kakaibang haplos ng hangin,hindi poba?"
Nakangiti kong bulong kay inay dahil ayaw kong may makarinig sa sinasabi nito.. KANINO NAMAN AKO IIBIG?
"Tila naguguluhan ka,Isabel.. Iba ang saya sayong mga mata at iba ang saya sayong ikinikilos."
Hindi agad ako nakapagsalita at para akong natameme hindi ko din maibuka ang bibig ko dahil ramdam na ramdam ko ang kaba at kakaibang bilis ng tibok ng puso ko.
"K-kayo talaga inay.."
Wag kang mautal lenzy!! Napaghahalataan ka tuloy. Nang marating namin ang daungan ay nakita ko ang pila pilang tao pasakay sa isang maliit na bangka na ginagamit papunta sa kabilang bayan para marating ang pamilihin.
"Aling ising... Isabel!!"
Halos sabay naming hinarap si nathalia at ang kanyang ina na si donya Lina ang mapagmahal na asawa at ina ng pamilya Lopez.
"Magandang umaga donya lina.. Magandang umaga seniorita nathalia.."
Nakangiting turan ni aling ising sa dalawa..
"Magandang umaga din sayo ising.... Sino naman ang napakagandang dalagang ito?"
Nakita ko pang napalunok si aling ising bago sya ngumiti..
"Sya nga pala si Isabel ang aking pamangkin.."
Alam kong pamangkin ang sinabi nya dahil magtataka si donya lina kung sasabihin nyang anak ako nito dahil kilala din naman si aling ising na walang anak at asawa.
"M-magandang umaga po donya lina.. Magandang umaga din sayo seniorita nathalia.."
Nakangiti kong sagot sa dalawa kaya naman ngumiti din ang mga ito sa akin.
"Magandang umaga din sayo binibining Isabel.. Inay sya po yung kinuwento ko sa inyo kagabi.. Kasabay namin sya ni heneral thylandier."
Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi ng tumingin sa aking gawi ang donya.
"Magandang umaga sayo iha.."
Yumuko na lamang ako bilang pagrespeto sa donya. Gulat naman ako ng lapitan ako ni nathalia at bigla nyang hinawak ang kamay nya sa braso ko..
"Gusto kong maging kaibigan ka Isabel.."
Nakangiti nitong turan sa akin habang sabay naming tinungo ang bangka.
"S-salamat!! Gusto din kitang maging kaibigan seniorita nathalia.."
Ngumiti naman ako sa kanya ng magsabay kaming naupo sa bangka.. Magkatabi din sina aling ising at donya lina.. Nangingiti kong pinagmasdan ang karagatan habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni nathalia sa akin.
"Kahapon lang tayo nagkakilala ngayon magkaibigan na tayo.. Ipakikilala kita sa mga kaibigan ko na sina Sylvia at Miranda.."
Sina Miranda at Sylvia ay isa sa mga mayayaman at kilala.. Mabait at mahinhin ang mga ito at higit sa lahat maganda. Kahawig ni Sylvia si donnalyn bartolome habang si Miranda ay hawig naman kay Julia Montes parehong mga mistisa at half/half.
"T-talaga?? Excited na akong mameet sila."
"H-hah?? A-ano ang iyong tinuran Isabel?"
Napakamot na lamang ako sa aking noo at nailing na ngumiti sa kanya.. Teka!! Ano palang tagalong ng excited?
"A-ang ibig kong sabihin ay nagagalak ako na iyong ipakikila ang iyong mga kaibigan sa akin binibining nathalia."
Hindi ko inaasahan na mahihirapan akong magisip ng magandang term sa excited.. Napangiti naman ito sa akin kaya naman ngumiti na lang din ako sa kanya.